“Aaliyah, matagal ka pa ba dyan? Aba, bumangon ka na. Baka ma late tayo.” Sigaw ng bestfriend kong si Hannah.
Tiningnan ko ang relo sa side table ko, 7:30 palang naman ng umaga. 10:00 pa ang pasok namin for God’s sake.
“Ano ka ba naman Hannah, ang aga aga pa. Wala tayo sa Pilipinas, kaya hindi tayo mata traffic. Ang lapit lang ng school oh.” Maktol ko naman.
You’ve heard it right. Wala kami sa Pilipinas. Kasalukuyan kaming naninirahan dito sa Amerika. 3rd year High School kami sa University of New York. Napagpasyahan ko munang lumayo sa Pilipinas para i-enjoy ang buhay ko habang hindi pa dumadating ang panahon na matatali ako sa isang bagay na hindi ko naman ginusto. Particularly, sa isang tao.
17 years old na ako ngayon at kapag tumungtong na ako sa tamang edad ay ipapapakasal ako sa tagapagmana ng mga Chua. Biktima kami ng kapatid ko ng ARRANGED MARRIAGE, dahil ipinagkasundo kami sa magkapatid ding si Lorraine at Adrian Chua.
“Hoy Aaliyah, tulala ka na naman dyan.” Bumalik ako sa ulirat ko ng biglang sumulpot sa harap ko si Hannah. Gulat akong napatingin sakanya ng makita kong nakabihis na pala siya.
“Bat ang aga mo naman atang aalis?” Nakita kong kumunot ang noo niya sa tanong ko.
“Don’t tell me nakalimutan mo?” This time, ako naman ang kumunot ang noo. Ano bang meron?
“Ang alin?” pakamot kamot sa ulo kong tanong.
“What the. . . ano ka ba naman. Ngayon yung photoshoot natin, dba?”
Napabalikwas ako bigla. OMG, eto ang matagal na naming pangarap ni Hannah ang maging model. Kaya ng malaman naman nung may pagkakataon ay hindi na naman pinalagpas pa. Nagkaroon ng screening sa school at hindi na kami nagdalawang isip sumubok. At ganon nalang ang tuwa namin ng malaman naming pumasa at pasok kami sa top 15.
Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ako ng kwarto at laking gulat ko ng makita ko sina Angelo at Skyler na prenteng prente ang pagkakaupo sa sofa. Si Angelo Hernandez at Skyler Sebastian Del Valle, mga kaibigan namin ni Hannah. Pinoy din yang mga yan at galing din sa mayaman at maimpluwensyang pamilya sa bansa. Nagkataon din na magkakakilala ang mga pamilya namin, at nagkatagpo tagpo pa kami dito sa Amerika. Gwapo, Matalino, Mayaman. Kaya head turner at habulin ng mga babae ang mga yan.
“Aba, ang sarap ng pagkakaupo niyo diyan ah. Bahay niyo?” Biro ko sakanila.
“Syempre naman Aaliyah, dapat feel at home. Ano tara na?” Sagot saakin ni Angelo na may nakakalokong ngiti.
“Teka nga, at bakit ba kayo andito?” Naguguluhang tanong ko, sa pagkakaalam ko ay may basketball game sila.
“We’re here to fetch you. C’mmon.” Mahinang pahayag ni Skyler.
“And why? Ang lapit lang ng school oh. Walking distance.”
“Hannah told me that you have a photoshoot. Kaya sasama nalang kami at manunuod.” Sagot ni Skyler na may matamis na ngiti sa labi.
“Oh okay.” Sabi ko nalang. May magagawa pa ba ko?
At dahil nga sa photo shoot ay excused kami sa klase ngayon. Pagdating sa school ay dumiretso agad kami sa Pavilion. Pumunta agad kami sa dressing room para magbihis. Makaraan ang ilang oras ay nagsimula na ang shoot. Nanuod lang samin si Angelo at Skyler, palibhasa walang magawa eh. Ramdam ko ang pananakit ng mga paa ko sa suot kong heels at ganon rin si Hannah dahil panay na ang reklamo niya.
“Okay, one more round then we’re done.” Anunsyo ng organizer na labis naming ikinatuwa. Hay nakakangalay magsuot ng heels. Ginusto mo yan Aaliyah, panindigan mo yan. Pose dito, pose doon. Then boom. Tapos na
“Okay Girls, next week we’ll be having an outdoor shoot. Be ready, we’ll just announce the date. Thank you. You may go.” Anunsyo ng isa sa mga photographer. Napansin kong medyo aligaga si Hannah kaya nilapitan ko siya. Mukhang may hindi magandang nangyari. With that in mind, nabalot na din ako ng pangamba.
“Hey Hannah. Anong problema? Okay ka lang ba?” Sunod sunod na tanong ko sakanya. Nagulat ako ng tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at punong puno ng pag aala ang reaksyon sa mukha. Bigla tuloy akong kinabahan.
“Aali, tumawag ang Kuya mo. Nandito raw siya sa US ngayon.” Natatarantang sagot niya. Bigla yatang huminto ang mundo ko sa narinig ko. Bakit? Paano? Anong ginagawa dito ni Kuya? Papauwiin niya na ba ko sa Pilipinas?
ADRIAN’s POV Simula kahapon ay hindi na talaga ako mapakali. Matapos naming mag usap ni Abby ay hindi ko maiwasang mag isip ng mag isip. Kinabahan ako para sa sarili ko at para kay Aaliyah. I am very aware of what Abby is capable of. At ayokong madamay si Aaliyah doon. Andoon na rin ang takot na malaman ng parents ko ang tungkol saamin ni Abby. At dahil na din sa dami ng iniisip ko ay minabuti kong puntahan ang Ate ko. Kanina habang nag aalmusal kami ay sinabihan ko din si Aaliyah na pupunta kami sa bahay nila Ate at ganon nalang ang tuwa niya at makikita niya ulit ang Kuya niya. One thing that I admire about her, mababaw ang kaligyahan niya. Simpleng bagay o maliit na bagay lang ay masaya na siya. And seeing her like this makes my heart flutter. “Adrian.” sabi niya habang tinatapik ang balikat ko. Hindi ko namalayang malalim na naman pala ang iniisi
ADRIAN’s POV I’ve been thinking about this for a few weeks now. I need to talk to Abby and end things with her. After that surprised confession of Skyler to Aali, and seeing how she smile that time makes me crazy. I can’t afford to lose her, hindi pwede at hindi ko kaya. I want to keep her. She’s mine. Only Mine. And I don’t need to sort things out, one thing is for sure, I’m in love with Aaliyah. Magkakaganito ba naman ako kung hindi? I want her in my life forever. Para akong tang*ng nakatitig sa cellphone ko at malalim na nag iisip kung paano ko sisimulan ang pakikipag usap kay Abby. Ever since dumating sa buhay ko si Aaliyah ay bihira ko na talagan
SKYLER’s POV It’s a new day for me. Ang sarap sa pakiramdam na nagawa ko ang bagay na ni minsan hindi ko akalaing magagawa ko. I confessed my feelings to Aaliyah and damn, it feels so right. At last masasabi ko na, wala akong pagsisisihan. After that surprising confession yesterday, I saw her with Adrian and honestly, it kinda hurts. I imagined confessing my feeling to the Girl I love and after that, she’ll say “Yes, I will be your Girlfriend” but that didn’t happen. But it’s okay. I know my limits and I respect the fact that she’s already engaged. I skipped classes yesterday, gusto ko lang mapag isa. I never got
ADRIAN’s POV I woke up early to prepare our breakfast, nakaugalian ko na rin ang pagluluto sa umaga. As I have said before, I am a man of my words kaya kahit medyo nangangapa ay pinipilit ko parin. May mga pagkakataon pa nga na nag uunahan kami ni Aaliyah sa pagluluto. After a few minutes, she went down and kissed me on the cheeks. Ganon naman kami palagi, it is our normal way of greeting each other.We ate in silence and after that, we prepared ourselves for school. While on our way, napansin kong tahimik lang si Aaliyah. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako.“Hey. What’s wrong? Kanina ka pa tahimik.”Nag aalalang tanong ko.
SKYLER’s POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong gagawa ng move para kay Aaliyah. Aaminin kong na trigger ako sa ginawa ni Adrian kahapon. I know that he likes Aaliyah, kitang kita ko yon sa mga tingin at ngiti niya. I need toconfess para maging magaan rin sa pakiramdam ko. Matagal ko na rin tong tinago. I need to do something, kahit alam kong may nagmamay-ari na sakanya ay gagawa parin ako ng paraan para malaman niya. Tama si Angelo, okay lang mabigo as long as alam mong may ginawa ka. There’s no harm in trying ika nga. Right after that incident yesterday, hindi ko na nakita si Aaliyah at si Adrian. Baka umuwi na.
AALIYAH’s POV“I like you Aaliyah. You’re mine. ONLY MINE.”He said in between his kisses. Hindi ko alam kung bakit pero para akong nalulunod sa ginagawa niya. Ni hindi ako makagalaw. Nakapikit lang ako habang patuloy lang siya sa ginagawa.“Ayokong mawala ka sakin. Mapapatay ko kung sino mang umagaw sayo. Keep that in mind. No one can ever steal you away from me.”Humahangos na sabi niya nung kumalas siya saglit sa ginagawa. Nagulat ako ng bigla niya akong inihiga sa backseat at nagpatuloy sa ginagawa. Halos mahugot ko ang hininga ko ng maramdaman ko ang kamay niyang tinatanggal ang butones ng blouse ko. Oh God.