Home / Romance / THE UNLOVED WIFE'S MISERY / Chapter 53: First Step To Revenge

Share

Chapter 53: First Step To Revenge

Author: MR.ROMANTICO
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-28 10:31:58

Nanginginig pa rin ang mga daliri ni Haya habang pilit na pinakakalma ang sarili sa harap ng cashier. Ang malamig na presensya ni Ryker sa kanyang likuran ay parang matalas na balaraw na nakatutok sa kanyang likod. Alam niyang kapag nagpatuloy ang ganoong katahimikan at ang malalim na pagsusuri ng lalaki sa kanyang mga mata, hindi magtatagal at makakahalata ito sa kanyang ginagawang pagdadahilan.

Upang mabilis na mailihis ang pansin ni Ryker mula sa mga damit ni Baby Heather at maiwasan ang mul
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • THE UNLOVED WIFE'S MISERY    Chapter 71: Misdiagnosis

    Kinabukasan, maagang naging abala ang buong mansyon para sa nakatakdang appointment ng mag-asawa sa pampribadong ospital ng pamilya Saavedra. Ayaw man sana ni Haya na sumama sa biglaang balak ni Ryker, wala siyang naging ibang pagpipilian."Ryker, kailangan ba talaga nating pumunta ngayon?" Apela ni Haya habang iniaayos ang kanyang trench coat sa harap ng salamin. "Marami akong aasikasuhin sa shop at sa boutique ngayong umaga."Lumapit si Ryker sa likod niya at dahan-dahang ipinatong ang dalawang kamay sa mga balikat ng asawa. Tinitigan niya ito sa pamamagitan ng salamin."Naipagpaliban ko na ang dalawang importanteng meeting ko sa board para rito, Haya," seryoso at walang kaabas-abas na sagot ni Ryker. "Importanteng masuri ka ng pinakamagaling na OB-GYN ng pamilya. kailangan nating makasigurado na nasa pinakamagandang kondisyon ang katawan mo para sa pagbubuntis."Hindi na nakipagtalo pa si Haya, ngunit sa loob-loob niya ay nandoon ang matinding kaba at panginginig ng kanyang puso. T

  • THE UNLOVED WIFE'S MISERY    Chapter 70: Kabiguan

    Mas lalong nag-alab ang galit at poot sa dibdib ni Cassandra nang marinig ang matigas na pagtanggi ni Pepsie sa kabilang linya."Ano?! Pepsie, nababaliw ka na ba?!" Halos mawasak ang boses ni Cassandra sa matinding pagtitimpi habang nakahawak nang mahigpit sa manibela ng kanyang sasakyan. "Nag-aalok ako sa'yo ng napakalaking halaga ng pera! Sinong tanga ang tatanggi sa ganoong karaming pera para lang sa isang simpleng pampaamo?!"Isang malalim ngunit pormal na buntong-hininga ang pinalabas ni Pepsie mula sa kabilang linya. "Pasensya ka na, Cassandra. Ngunit hindi ko magagawa ang hinihingi mo. Mas mahalaga sa akin ang utang na loob ko kay Haya. Dati nang tumulong si Haya sa pamilya ko noong gipit na gipit kami at walang-wala. Iniligtas niya ako mula sa pambubully ng nga kaibigan mo noon. Walang katumbas na anumang halaga ng pera ang kabutihang ipinakita niya sa akin. Hinding-hindi ko siya tatraydurin para lang sa pansarili mong kagustuhan."Toot... toot... toot...Mabilis na pinatayan

  • THE UNLOVED WIFE'S MISERY    Chapter 69: Hibang Na Cassandra

    Kinabukasan, tila hindi pa rin sumusuko ang banyagang milyonaryo sa kanyang mga balak. Maaga pa lamang ay muling huminto ang mamahaling sasakyan ni Lander Montessori sa tapat ng boutique at negosyo ni Haya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na sa kakanin area pumasok ang binata. Diretso itong humakbang patungo sa hiwalay na seksyon ng shop kung saan nakadisplay ang sariling linya ng mga organic skin care products ni Haya, maging ang kanyang mga kakaibang clothes design at haute couture gowns.Pinalagyan uli ni Lander ng tag ang napakaraming skin care products—mula sa mga soaps, lotions, hanggang sa mga facial serums. Hindi pa nakuntento ang binata, kumuha rin ito ng tatlong mamahaling gowns at panlalaking clothes design mula sa racks upang ipag-imbentaryo sa kanyang assistant."Mr. Montessori, ano na naman ba 'to?" Nagtatakang tanong ni Haya habang nakatayo sa likod ng glass counter, bahagyang nakakrus ang mga braso. "Gagawin mo rin bang ipamigay sa mga tauhan mo pati ang mga skin car

  • THE UNLOVED WIFE'S MISERY    Chapter 68: Gayuma daw?

    Hindi nga nagkamali ng hinala si Haya. Bago pa man dumating ang alas-dose ng tanghali, agad nang nakarating kay Ryker ang balita tungkol sa ginawang pagpunta at pagpakyaw ni Lander Montessori sa kanyang specialty food at kakanin shop. Ang tauhang pinalagay ni Ryker upang magmatyag sa paligid ng negosyo ng kanyang asawa ay agad na nag-ulat tungkol sa naging aksyon ng banyagang milyonaryo at sa alok nitong lunch date kay Haya.Sa opisina ng Saavedra Empire, halos mabasag ang glass desk ni Ryker nang marinig ang ulat mula sa kabilang linya."Anong sinabi mo?!" Sigaw ni Ryker habang mabilis na tumatayo mula sa kanyang executive chair. "Pinakyaw niya ang buong paninda ni Haya?! At inimbita pa niyang mag-lunch sa labas?!""Opo, Sir Ryker," kaba-kabang sagot ng tauhan. "Ngunit tinanggihan naman po siya ni Ma'am Haya—""I don't care if she rejected him!" Putol ni Ryker sa sinasabi ng tauhan, habang nanlilisik ang mga mata sa matinding galit, poot, at hindi mapigilang selos. "Nandoon pa rin an

  • THE UNLOVED WIFE'S MISERY    Chapter 67: The Visitor

    Kinabukasan, maagang pumasok si Haya sa kanyang munting kakanin at specialty food business store. Pagod man mula sa dramatikong pormal na okasyon kagabi, minabuti pa rin niyang ituon ang kanyang pansin at lakas sa kanyang sariling negosyo. Ito ang negosyong unti-unti niyang itinayo gamit ang sarili niyang sipag at pawis—isang bagay na malayo sa kapangyarihan at impluwensya ng pamilya Saavedra.Habang abala ang kanyang mga kasamahan at tauhan sa pag-aayos ng mga bagong gawang kakanin sa display counters, isang luxury sports car ang dahan-dahang huminto sa tapat ng kanilang shop. Mula rito ay bumaba ang isang matangkad at napakaguwapong lalaki na nakasuot ng casual ngunit halatang mamahaling designer clothes.Awtomatikong napalingon si Haya, at hindi niya inaasahan na ang magiging unang customer nila sa araw na iyon ay walang iba kundi si Lander Montessori.Ngumiti nang napakatamis si Lander pagpasok na pagpasok nito sa pinto."Good morning, Haya," malambing nitong bati habang inililibo

  • THE UNLOVED WIFE'S MISERY    Chapter 66: Mga Hakbang

    Habang abala sina Haya at Ryker sa kanilang sariling dramatikong usapan sa pribadong bahagi ng banyo, hindi pala nalingid sa paningin ng mapagmatyag na si Cassandra ang lahat ng nangyari sa pagitan nina Haya at Lander Montessori sa balcony. Mula sa dulo ng bulwagan, kitang-kita ng dalaga ang paghalik ng banyagang lalaki sa kamay ng legal wife at ang naging napakabayolenteng reaksyon ni Ryker.Isang napakalawak at puno ng tagumpay na ngisi ang dahan-dahang lumitaw sa mga labi ni Cassandra. Sa wakas, pagkatapos ng napakaraming pagkatalo at pagkapahiya sa kamay ni Haya, nakakita rin siya ng isang napakagandang oportunidad upang tuluyang sirain ang imahe ng asawa ni Ryker.Hindi na nag-aksaya ng panahon si Cassandra. Mabilis niyang inilabas ang kanyang telepono, nagtungo sa isang tahimik na bahagi ng hotel, at agad na tinawagan si Tyler Saavedra. Na noon ay umuwi na nang maaga at may dadaluhan pa daw itong isang party."Tyler!" Mabilis na pabulong na bungad ni Cassandra nang sumagot ang l

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status