Share

Chapter 8

Author: twtl_trtd
last update Huling Na-update: 2021-03-11 01:04:50

TO DESTROY A WHITE LOTUS —8

   Huseng woke up the next day and the first person he sought was Felice. Magdadalawang araw na siya sa ospital ngunit kahit anino nito hindi niya mahagilap sa kahit saang sulok ng kaniyang silid.

Brian told him that the woman was informed of his unfortunate fate. Anong mas importante nitong gawain at hindi siya nito mabisita?

Mary Joy scoffed. Dapat ay hinayaan niya na lang sa kalsada ang babaeng iyon. Iniisip niya man ito, she knew she can never do that. Gusto niya lang maglabas ng hinanaing.

Wala siyang pamalit na damit. Ang suot niya ngayon ay ipinahiram ni Brian. Maliit ito kaysa sa damit ni Huseng. Isa pa'y malagkit na ang kaniyang pakiramdam. Saglit siyang napanganga noong makitang may banyo ang kaniyang silid. Hindi niya alam kung bakit nasa pribadong kwarto siya gayong wala namang pera si Brian.

Habang hinihintay si Felice, dumating si Brian na may dalang malalaking supot ng prutas. “Boss.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 35

    "Ang tangkad mo talagang lalaki, ah. Ibang iba ka kay Doc Alex!" Ihinampas ng nars ang isang kumpol ng papel sa balikat ni Sandro. "Anong kurso ba kukunin mo sa kolehiyo, ha? Sayang kagwapuhan mo kung magdodoktor ka din! Makukulong ka lang sa operating room at naka-mask!"Napakamot-ulo si Sandro. Inayos niya ang kaniyang buhok at inihapit sa kaniyang noo upang matabunan ang kaniyang mga mata. "Kumusta na si Joy? Hindi ba siya gumalaw?""'Tong si Ms. Sungit? Hindi pa! Alam mo, iniisip ko baka sinasadya niya talagang magmaldita kaya ayaw magbigay ng sign. Kahit kibot man lang ng labi, ayaw ibigay!""Ikaw Sandro, ha. Alagaan mo si Doc Alex. May umaali-aligid pa namang gwapong engineer sa kaniya." Umirap ang babae bago tumalikod. "Uunahan pa yata kaming mga resident workers dito sa ospital na umariba d'yan sa tito mo!"Kumunot ang noo ni Sandro. "Hindi 'yon. Magkaibigan lang sila. Si Kuya Alex... imposibleng maging binabae s'ya. Nagka-girlfriend na siya noon. Isa pa, kilala ko 'yang engin

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 34: IV Sandro De Castro

    Matapos ang huling pito ng tren, umugong ang pagdausdos ng bawat piyesa sa ilalim kasama ang atungal ng riles. Sa wakas ay tumakbo na rin ang sasakyan. Sumandal si Sandro sa upuan, mag isa sa dapat ay pangtatluhang silya dahil sumakay siya sa huling trip panggabihan. Ipinasak niya sa tainga ang magkabilaang dulo ng kaniyang earphone. Matapos i-play ang kantang kinagigiliwan niya nitong linggo, bumalik ang isip niya sa huling pag-uusap nila ng kaniyang tito. Masyado pang bata si Alex Medina para tawaging tito. Miracle child kung tawagin ang tito niyang 'yon dahil ipinagbuntis ito ng kaniyang lola sa edad na kwarenta. Ngayon nga sa malayo ay papasa silang magkapatid. “May pasyente ako na galing din sa school mo. Baka pamilyar sa 'yo, Sandro. 'Ka ko, e, baka matulungan mo. Kausapin ba ga. Naka-comatose ang dalagang 'yon at hindi halos mabisita ng mga magulang. Kawawa naman." Sunud-sunod ang lunok ng kaniyang tito habang kinukuwento ang babaeng si Mary Joy Chua nang magtanghalian ito. N

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 33

    Hindi nagugustuhan ni Ana ang takbo ng mga pangyayari. Wala ni isa sa mga ito ang sumunod sa balak niya. Mukhang lahat ng pabor ay napupunta kay Nastya. Bagay na pinanggagalingan ng kaniyang poot.Hindi maganda ang resulta ng mga nangyari noong nakaraan. Si Ana, hindi makatulog habang iniisip kung ano ang nangyari kay Nastya at Francis. Hindi niya lubos na matanggap na ang higit niyang katunggali sa lahat ay ang kaniyang sarili.Dalawang linggo na ang nakaraan, at dalawang linggo na ring hindi makatulog nang mahimbing si Ana. Lagi siyang binabangungot. Binibisita siya sa panaginip ng mga taong inagrabyado ni Nastya noon.Si Nastya. Ito ang may dala ng lahat ng kamalasan sa kaniya! Mula noong dumating ito, akala ni Ana, may poprotekta na sa kaniya. Noon inakala niyang kaya na niya ang mag-isa pero habang paulit-ulit na nilalamangan at ginagamit ng ibang tao, halos madurog siya nang husto.Dumating si Nastya, pinaranas ng

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 32

    Nagmulat si Mary Joy at ang unang ginawa ay pakiramdaman ang emosyon ng bida. Alam niyang may wisyo na muli ito—bagay na hinihintay niya kanina pa. Gising na ang kaniyang kamalayan bago pa man magising ang bida.Ninamnam niya ang lamig ng paligid, init sa kaniyang pikuran at sakit sa pagkababae ni Ana. Hindi rin mawala-wala ang nangyari sa kaniyang alaala. Sigurado siyang kahit matapos na ang misyon niya rito, maaalala niya pa rin si Francis sa mga susunod na mundong darating.“Diyos ko...” Humikbi si Ana. Niyakap nito ang sarili, nakapamulagat na nakatitig sa hubad na si Francis sa kaniyang tabi. “May nangyari sa amin ni Francis.”Ilang segundong tumagal din ang ngiti ng babae bago nabasag ang pantasya nito. Hipokrita man si Ana ay matalino ito. Wala siyang maalala na kung anong nangyari sa kanila ni Francis kagabi. Ibig sabihin ay lumabas si Nastya at ito ang...“Nastya,” bulong ng bida sa halos hindi makilalang boses,

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 31

    Nagising si Mary Joy dahil sa maingay na pagbagsak ng kung ano sa loob ng silid ni Ana. Naging matagal ang pagiging Nastya niya, higit sa mga nauna niyang paglabas kaya naging sapat ang oras niya upang makapagpahinga at kumain ng mga pagkaing gusto ni Nastya bago natulog nang maaga.Nagising siya noong dakong malapit na ang hatinggabi. Inilihis niya ang tingin mula sa alarm clock at tinitigan ang hulto ni Francis na siyang malapit sa kaniyang kama. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ito umimik at nanatiling tikom. Humalakhak siya.Bumuntong hininga ang lalaki. “Nastya!”“Kaya mo ba hinintay na magsalita ako para masiguradong si Nastya nga ako at hindi si Ana?” Ngumuso si Mary Joy. Huminga siya nang malalim at binuksan ang lampara sa nightstand. Nagkaroon ng liwanag ang silid. Nakita sa wakas ni Mary Joy ang magulong buhok ng lalaki, walang buhay nitong mga mata at problemadong ekspresyon. Natigilan siya. “Anong problema?”U

  • THE VILLAIN SYSTEM (Tagalog)   Chapter 30

    Bumuntong hininga si Mary Joy sa ikatlong pagpapalit ni Ana ng damit. Pare-pareho namang bestidang puti ang pinipili nito, iba-iba lang ang disenyo. Nababahala si Mary Joy sa gusto nitong gawin ngunit wala siyang kakayahan upang mapalabas si Nastya.Sa wakas ay nakuntento si Ana sa suot. Mahaba ang puting bestida na ito, umaabot sa kaniyang tuhod. Sa malayo, aakalaing isang anghel si Ana dahil bagay na bagay rito ang ganitong estilo ng pananamit.Naglagay ng kolorete sa mukha si Ana. Hindi nito sinobrahan—sapat lamang upang mapansin. Noong ngumiti ang dalaga sa salamin, napatango si Mary Joy nang wala sa sarili. May dalawang mabababaw na biloy si Ana!Bumaba si Ana ng sala, sinasalubong ng tanong ang bawat katulong na nakikita. Ang asta ay tila karapatan ng babae ang masagot ng mga ito.“Si Sir Francis? Nasa hardin, Ana. Puntahan mo ro'n.”Ngumiti muli si Ana at nagtatalong pinuntahan ang sinabi nitong lugar. Hindi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status