Mag-log in"What the memory forgets, a heart can remember." Yan ang mga katagang pinaniniwalaan at pinanghahawakan ni Ken lalo na nang malaman niyang ang lahat ng ala-ala ni Ciashet patungkol sa kanya at sa mga taong related sa kanya ay nakalimutan nito. Gusto ni Ken na maalala ni Ciashet ang feelings ng babae para sa kanya pero mayroong puwang sa isip niya na nagsasabing ayaw niya ring makaalala pa ang nobya dahil natatakot siya sa mga posibleng maalala nito. Baka hindi lang pagmamahal ang maalala nito kundi pati na rin ang galit na maging dahilan pa ng pag-iwas at pag-alis ulit ng babae palayo sa kanya. Paano nga ba haharapin ng magkasintahang ito ang mga ala-ala sa nakaraan na nakalimutan ng babae at ala-ala naman sa kasalukuyan na makakalimutan naman ni Ken dahil sa isang aksidente. Posible kayang magtagpo pang muli ang mga ala-ala nila? O tuluyan na lang nilang kakalimutan ang isa't isa?
view moreHANGGANG SA tapat ng unit ni Karl sa Wonder Palace ay inihatid nila ako. Akala mo nga kilala akong tao at kailangan pa talaga ng maraming bodyguards.“Sige na, puwede na ninyo akong iwanan dito . . . kaya ko na,” sabi ko sa kanila nang nasa tapat na kami ng pintuan.“Are you sure na wala kang sugat or anything na gusto mong ipa-check sa doktor? Ayaw mo nang magpa-check para masigurong ayos ka?” nag-aalala pang tanong sa akin ni Karl.Napatawa na lang ako sa labis niyang pag-aalala. Ilang beses niya ba kasi ako kailangang tanungin kung may sugat ako? Bukod sa pagod, wala na akong ibang nararamdaman sa katawan ko.“Huwag na ninyo akong alalahanin. Ang mga sarili ninyo ang asikasuhin ninyo nang makapagpahinga na kayo. Kayo itong puro galos at tama ng bala sa katawan.” sabi ko. Paano ba naman kasi, parang wala man lang silang iniinda sa mga katawan nila. Akala mo mga matatandang may anting-anting!Nagpaalam na silang lahat sa akin at ako naman ay pumasok na sa unit. Kaagad na nahiga ako s
MULING INANYAYAHAN sa labas ang mga taong nakaligtas sa nagdaang Death Hour. Doon kasi ipa-flash sa screen ang mga larawan at pangalan ng mga nasawi sa nasabing event. Bakas sa mukha ng mga natira ang labis na kaba at pangamba lalo na at may mga kakilala, kaibigan, o kagrupo silang hindi pa natatagpuan o nababalitaan. Kung sa umpisa ng annual event na ito ay mababakas mo pa ang pagiging sopistikado ng mga tao gayundin ang magarang ambiance ng paligid, ngayon naman ay wala kang ibang makikita kung hindi ang gulo ng paligid at dama mo ang mabigat na nararamdaman ngayon ng mga kalahok sa nasabing event. Maski nga sa iilang mga table cloth na ibinalik pantakip sa mesa ay may mapapansin ka pang mangilan-ngilang bakas ng dugo. Bagamat naiayos nang muli ang mga mesa at upuan, nagmistula namang ghost town ang paligid sa sobrang tahimik nito. Tanging ang sipol ng hangin nga lamang ang maririnig mo at ang mata ng lahat ay tutok na tutok lamang sa malaking white screen na nasa stage kung saan
“THE DEATH hour will start in 3 minutes,” muling anunsyo matapos na magpaputok nang sunod-sunod. Dali-dali kaming nagsitayo at muling nagsipagtakbuhan. Tatlong minuto na lang at mas gugulo pa sa lugar na ito. Napaka ingay na sa paligid, halos hindi na nga magkarinigan. May ilan ngang umiiyak na dahil sa takot at kaba. Napakaraming mga sibilyan dito. Malaki ang posibilidad na kahit hindi kami miyembro ng anumang gang ay mapapahamak kami rito. “Karl, nasaan ka na!?” sigaw ko pa ulit habang tumatakbo kahit pa alam ko namang malabong marinig niya ako. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Halos nagkakandapatid-patid na nga rin ako dahil sa napaka habang gown na suot ko pero nagpapatuloy pa rin ako. Hindi ako papayag na dito kami mamamatay ng anak ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanginginig nga ang mga laman-laman ko—napakalamig maging ng pawis ko. Ang daming masasamang bagay ang pumapasok sa isip ko ngayon. Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil hinayaan kong bitiwan ako ni
“WHAT ARE you doing?” takang tanong ko kay Karl. “Talagang ikababaliw mo ang lahat kung patuloy mo silang panonoorin. Kumalma ka riyan,” sagot niya sa akin. Nakahawak sa ulo ko ang kamay niya—nakaalalay. Pero ang atensyon niya ngayon ay naroon na sa nagsasalita sa stage. “Buti pa itong si Karl, sweet. Hindi katulad nitong si Lawrence na walang ibang ginawa kundi mambuwisit sa akin,” rinig kong sabi ni Maureen saka hinampas sa braso ang boyfriend niya. “Darling, I want to pee. Samahan mo ako sa CR, please?” malandi pang pakisuyo ng babaeng intrimitida. Napaarko na naman ang kilay ko. Talaga bang kailangan pa niyang magpasama? Si Ken ba ang gusto niyang magbaba ng panty niya!? “Alright, come on,” walang pag-aalinlangang sagot ni Ken. Napaangat ako ng ulo at napasunod ng tingin sa kanila nang iwanan na nila kami sa puwesto namin. Nakaangkla ang braso ng babae sa kaniya at nakasandal pa sa braso niya ang ulo niyon habang naglalakad. Nakakainis na habang papalayo sila ay muli akong n
“ANG GAGUWAPO ng mga ka-table natin, ano? Parang mga prince charming na naghihintay lang ng pagsunggab ng mga naggagandahan nilang mga prinsesa,” kinikilig-kilig pang sabi ni Gwen.Narito kami ngayon sa comfort room para mag-retouch ng mga make-up namin dahil unti-unti na kaming nagiging oily. Actual
“KING, IBA ang ngiti natin ngayon, ah,” pang-aasar sa kaniya ni Kobe—isa sa mga kaibigan niya. Inaya kasi siya nito maglaro ng basketball. At ngayon nga ay kasalukuyan silang nagwa-one on one.“I finally found her, Tanda,” sagot sa kaniya ng kausap.Hawak ni Ken ang bola. Inaagaw ito sa kaniya ni Ko
“WE’RE HERE.”Napatingala ako nang husto nang marating namin ang isang mataas na building. Kilala ang building na ito dahil isa ito sa mga sikat na hotel hindi lang dito sa lugar namin kundi sa iba pa. Mga mayayaman kasi ang kadalasang guests dito at halos dito rin ginaganap ang mga special events s
“HOY, MARE!”That was Gwen—my bestfriend. Sa tinis pa lang ng boses niya ay nakilala ko na siya kaagad.“Bakit? Ang ingay mo,” sabi ko. Isinukbit ko ang bag ko sa upuan at saka naupo.“Nakita ko si Lawrence, ang bango pa rin tingnan gaya ng dati.” May paghampas pa siya sa braso ko na para bang kilig
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu