Share

Pahina 32

THEN AND NOW

Claude's POV

Hindi ko alam kung ako lang ba o sadyang natural ito sa tao.

Iyong pakiramdam na nasa kalagitnaan ka ng saya pero maya-maya lamang ay maiisip mong may kasunod ba ang sayang 'to? Lungkot ba ang kapalit nito? Na iisipin mo na lang na kailangan mong sulitin dahil baka matapos agad na baka hindi na sa iyo kapag nagising ka isang araw.

Tulala ako habang nakatitig sa repleksiyon ko mula sa salaming nasa harapan ko.

Tinitigan ko ang mata kong ilang beses ng lumuha dahil ilang beses na ring nasaktan mula paman noon.

Ang hirap sumaya no? Ang hirap kuhanin ng mga bagay na gusto natin. Pero sadyang may mga taong magpaparamdam sa'yo ng contentment. Na maiisip mong ayos lang na naranasan mo iyan, ayos lang na umiyak ka, at ayos lang na hangarin mong huwag mawala sa iyo iyong pinakamamahal mo kasi kahit anong kahihinatnan may tatayo sa harapan mo't poprotektahan ka, magiging pader mo mula sa sakit at pasasayahin ka.

In

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status