Share

Pahina 6

Claude's POV

Sinalubong ko ang malamig na hangin sa rooftop ng building ng Senior High department.

Huminga ako ng malalim at tinanaw ang malawak na School namin.

"Tss," Napalingon agad ako sa boses mula sa likuran ko.

Napairap nalang ako ng makita si Demus na may dalang dalawang yogurt.

Madalas siyang bumili nun noong mga nakaraang araw ng mapansin niyang madalas akong kumain nun, siyempre paborito ko eh.

"Sabi ko na nga ba nandito ka." Sambit niya at umupo sa malamig na sementong siyang kinauupuan ko din.

"Bakit? Sisirain mo na naman araw ko?" Sarkastiko kong salubong sa kaniya.

"Foul na Yan! Mabait ako ngayon, sarap umuwi." Tugon niya kaya nilingon ko kaagad siya.

Simula noong magsimula ang pagiging hectic ng schedules namin madalang ko na makasama si Aki dahil magkakaiba kami ng mga grupo at talagang sa kasamaang palad ay naging dahilan iyon para mas maging madalas kaming magkasama ni Demus.

"Ayaw mo na naman mag-aral?" Tanong ko sa kaniya.

"As usual. I'm not into schools! I hate it! I hate studying!"

"Tss Wala na ba talagang bagay dito sa mundo na gusto mo? Boring naman ng buhay mo!" Natatawa kunwaring sambit ko.

Napansin ko ang biglang pagkapako ng tingin niya sa akin.

"Mga bagay na gusto ko?" Tanong niya pabalik sa akin kaya inosente akong tumingin sa kaniya.

"Oo. Ayaw mo sa pag-aaral diba? Eh kung ganun anong gusto mong gawin sa buhay?" Sarkastiko kong tanong.

"Ano bang gusto mong gawin ko?"

Napakamot ako dahil sa pagbabalik niya sa akin ng tanong.

"Ano namang say ko sa buhay mo? Ha? Ha? Tss." Iritado kong tanong kaya napatawa Naman agad siya at biglang tumayo.

Kanina ay nakaupo Kasi kami sa mismong sahig ng rooftop at nakasandal sa pader na nagsisilbing harang sa kabuuan ng palapag na iyon.

Sa taas naman nun ay mga rehas upang hindi delikado sa mga estudyanteng naroon kung saan pwede kang sumilip kung gugustuhin mong Makita ang malawak na kabuuan ng School na kani-kanina lang ay siyang ginawa ko.

"Nitong mga nakaraang araw gustong-gusto ko ng pumasok." Usal niya habang nakikita Kong kumikinang Ang mga mata niyang nakatitig da dagat ng mga estudyanteng nasa baba ng mataas na building na kinatatayuan namin.

"Aba, hanep! Bagong buhay?" Usal ko sabay hampas sa balikat niya.

Inambahan niya ako ng suntok pero umilag lang ako at dinampot ang yogurt na nilapag niya sa semento.

Sumunod siya sa banda kung saan ako tumakbo. Umupo siya at dahan-dahang nahiga doon bago tinanaw ang napakagandang kalangitan.

"Saan ka nga pala nag-aral noon Demus?" Biglang tanong ko sa kaniya at muling sumubo ng yogurt.

"Nah, boring doon. Masiyadong toxic." Tugon niya at ipinikit ang mga mata niya.

"Lahat naman sa'yo boring."

"Mas masaya dito." Dugtong niya at bahagya kong nakitaan ng ngiti ang mga labi niya.

Natahimik kami sandali bago ko ginaya ang paghiga niya.

"Siya nga pala mamaya sasamahan ko si Beatrice mamili para sa gagawin nating visula aid sa new lesson natin." Pagkausap ko sa kaniya kasi alam ko magdadahilan na naman siya para siya ang makasama sa akin pero hindi naman pwede iyon, dapat may contribution din ang ibang members.

"Ako isama mo. Ako nalang gagastos. Huwag na iyang si Beatrice." Seryusong tugon niya kaya kumunot agad ang noo ko.

Naalala ko tuloy noong isang araw. Sobrang nagalit siya noong umalis ako kasama si Beatrice na pumunta ng library para mag research. Aniya ay hinanap niya daw ako ng isang oras at nandoon lang daw ako't nakikipag harutan eh andami kaya naming natapos. Kaya sa huli ay kailangan ko pa siyang ilibre ng street foods para lang umayos siya dahil hindi niya ako kinausap ng ilang oras pero pag magkasama naman kami ay wala na siyang ginawa kundi ang bwesitin ako.

"Demus, kagrupo din natin siya." Napapairap kong sambit.

"Masiyado siyang maarte." Iritado niyang tugon at biglang bumangon sa pagkakahiga sa semento.

"Siraulo. Kahit kailan ay sobrang maattitude ka. Mabait naman siya ah." Nakangusong paliwanag ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Gustong-gusto mo naman siyang kasama, tss." Ngayon ay nahihimigan ko na ang inis sa boses niya ng tuluyan na siyang tumayo.

"Eh ano namang masama doon?"

"Oh sige, siya isama mo. Bahala ka." Singhal niya at tuluyan ng naglakad palayo.

"Oo na! Sige! Sasabihin ko sa kaniya." Sambit ko at sumunod sa kaniya.

Noong mag Ala una ay nagsimula ang klase at nagkaroon pa ng biglaang quiz kaya noong mag-uwian ay di ko na mahanap ang kaluluwa ko. Bwesit na yan.

"Hoy! Claude." Tawag ko sa katabing si Aki.

Sigurado may kailangan 'to. Tinawag ng matino pangalan ko eh.

Pinanliitan ko siya ng mata kaya ngumisi lang siya.

"Pautang naman. Wala pa akong napa-pass na project na Politics eh." Aniya kaya napakamot ako sa ulo at tumango lang din dahilan para mapangiti siya.

"Puntahan Kita mamaya sa inyo ah." Pahabol niya at sumama sa mga ka groupmates niya dahil gagawa din yata sila ng visual aid.

Tumayo ako at akmang kukunin na din ang bag ko ng hindi ko ito mahanap.

Inilibot ko ang paningin ko at napatingin sa pintuan ng classroom ng may biglang tumawag sa akin mula roon.

"Ano, tara?" Malakas na tawag sa akin ni Demus kaya sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

Naglakad ako palapit sa kaniya pero ang ginawa niya ay tumakbo hanggang sa alam niyang hindi na magbabago pa ang isip Kong siya ang isama ko sa pagbili ng mga kakailanganin sa Reporting.

Gaya nga ng gusto niya ay namili kami sa School Supply section ng store na pinuntahan namin.

Sobrang ingay niya kaya lagi kaming tinitingnan ng mga sales lady na nandoon pero dahil malakas ang karisma niya ay walang nagrereklamo, sinamahan pa ng charming na charming kong pagkatao, hehe.

Pagakatapos naming namili ay nag kaniya-kaniya na kaming uwi dahil Alam kong hinihintay din ako ni Aki.

Ang bilis ng panahon. Nakakapagod pero minsan masaya.

Pero napapaisip ka nalang bigla, bakit pag masaya tayo sobrang bilis ng oras. Pag malungkot naman tayo doon bumabagal ang takbo ng lahat ng nasa paligid natin.

Kaya ako, lagi kong sinusulit lahat ng bagay na dumadating sa akin Lalo na kung nagbibigay ito ng saya sa akin.

"Salamat Klawdee!!" Malakas na sambit ni Aki bago kumaway sa akin paalis.

"Kanina pa nga iyon naghihintay sa iyo Claude, ijo." Sambit ni mama ng pumasok ako sa loob.

"Oo nga ma eh, nagipit ata. Umutang sa akin." Tugon ko bago nilagyan ng kutsara ang mga platong nilapag ni mama.

"Ganoon ba? Hindi ba Kayo nagsabay? Saan ka ba galing?" Tanong niyang muli.

"Magkaiba kasi kami ng grupo ma. Kasama ko si Demus, namili kami para sa report namin." Paliwanag ko kay mama at inagaw ang pitsel sa kamay niyang maugat dahil sa trabaho.

Bumuntong hininga ako at iniiwas ang tingin sa kaniya.

"Demus? Bagong kaibigan?" Kunot noo niyang sambit bago tumingin sa akin.

"Opo ma, Demus Alvarez."

Natahimik siyang bigla kaya nilingon ko na siya. Alam ko na agad ang nasa isip niya. Alam na alam.

"He's not related from those Corrupt Alvarez Ma. Mabait naman si Demus kahit pa panay pang-aasar." Tugon ko dahil alam ko kung gaano niya kinamumuhian ang apelyidong nabanggit.

"Layuan mo iyan Claude. Sinasabi ko sa iyo." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. I know where this all coming from but she's over reacting.

"Ma, kaibigan ko si Demus."

"Claude, makinig ka sa akin. Tawagin mo na si Papa mo, nasa taas at nagbibihis. Kakain na." Utos niya sa akin na para bang wala kaming pinag-usapan tungkol sa mga Alvarez.

Mama's over reacting. If she's going to meet Demus she will probably think that he's intimadating but once he shows his personality, magugustuhan niya din ito bilang kaibigan ko.

Mabait di Demus kahit pa taliwas sa mga pinaniniwalaan ko sa buhay ang mga pananaw niya. Mabait siya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status