Share

Chapter Sixteen: Ang Kuwento Ng Pag-Ibig Ni Celeste

Makalipas ang ilang oras.

Dahan-dahang iminulat ni Michele ang kanyang mga mata. Napagtanto niyang nasa bodega pa siya. Nalalasahan pa rin niya ang dugo sa kanyang bibig, bilang resulta ng pambubugbog sa kanya kanina.

Nakikita rin niya ang mga sinag ng liwanag na dumadaloy sa maliit na bintana sa loob ng bodega.

"Hapon na siguro." ang naisip niya sa sarili.

Sinubukan niyang gumalaw, ngunit bigla siyang nakaramdam ng sakit sa bawat himaymay ng kanyang katawan.

Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, at kasabay pa noon ay nauuhaw siya. Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng sobrang pagkahilo...

Bago siya tuluyang mawalan ng malay, nakita niyang bumukas ang malaking gate, at narinig niya rin ang mga yabag ng paa, habang palapit ng palapit ito sa kanyang kinaroroonan...

=============================

Sa isang malaking ospital sa Maynila.

Mahimbing na natutulog si Michele sa private hospital room nito. Nalapatan na ito ng lunas, kaya wala na silang dapat ipag-alala pa.

"Hindi ako makapani
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status