LOGINSa loob ng limang taon, buong pusong minahal ni Bettina si Elijah. Ngunit sa mismong araw ng kasal nila ay tinalikuran siya nito dahil kay Agatha—ang babaeng ilang beses nang nagtangkang magpakamatay para makuha ang atensyon ng lalaki. Saka lamang napagtanto ni Bettina na kahit gaano pa kalalim ang ibigay niyang pagmamahal ay hindi siya pipiliin ni Elijah. Kaya nilisan niya ang lahat at nagpasya na magsimula ng bagong buhay. Pero hindi niya inaasahan na sa isang gabi ng kalasingan, aksidente niyang naka-one-night stand ang isang bilyonaryong lalaki at mortal na kaaway ng kapatid niya—si Evander Hudson! Kinabukasan, dahan-dahang nagtangkang tumakas si Bettina ngunit bigo siya nang biglang may humawak sa kanyang paa at hinila pabalik. “After everything you did to me last night, you’re really going to run away?” sabay turo sa marka sa leeg niya. “Ganyan mo ako hinalikan… and you're not even going to explain what we are now?” Kilala si Evander na malamig at walang interest sa mga babae. Pero walang nakakaalam na matagal na niyang minamasdan nang palihim si Bettina. Simula nang mapunta ito sa kanyang bisig, hindi na niya ito pinakawalan pa. Naglabas pa siya ng sampung bilyong piso para bilhin ang isang private island resort sa Cebu para kay Bettina. “If you don’t want to stay in Manila, then let’s turn this place into a paradise. Just for you, Tina.” “Akala ko Evan hindi ka interesado sa babae?” “I’m not interested in anyone else. But you're the only exception.” Pero paano kung mahulog ang puso niya kay Evander? Ano na lang ang sasabihin ni Bettina sa kuya niya?
View More“SI AGATHA nagwawala sa rooftop ng hotel at magpapakamatay daw! Tawagin niyo si Atty. Elijah dali!”
Habang rumaragasa ang mga bulong at sigaw mula sa labas, ramdam ni Bettina na may kung anong talim na bagay ang dahan-dahang bumabaon sa dibdib niya. Nakapulupot sa mga daliri niya ang wedding bouquet, pero sa higpit ng kanyang pagkakahawak, nakabaluktot ang mga tangkay at isa-isang nag silaglagan ang mga talulot sa sahig.
Ika-siyamnapu’t siyam na beses na itong ginawa ni Agatha.
At siyamnapu’t siyam na beses na rin niyang pinilit na maging manhid sa bawat drama nito.Akala niya, nasanay na siya. Akala niya, kaya niyang lunukin ang lahat.
Pero hindi sa araw na ito. Hindi sa mismong araw ng kasal nila.
Dahil sa bawat panggugulo ni Agatha, alam ni Bettina—talo na naman siya.
Limang taon silang magkasintahan ni Elijah, pero limang taon din niyang nakita kung paano tumatakbo ang lalaki sa tuwing tatawag si Agatha. Magkababata raw sila, pero alam din ni Bettina na mag-childhood sweetheart din sila noon.
Noong muli siyang nagparaya para puntahan nito si Agatha, nangako ang lalaki—iyon na raw ang huling beses nitong gagawin. At sinabi pa sa kanya na kapag dumating ulit ang pagkakataong iyon, siya na ang pipiliin nito.
Buong pusong pinanghawakan ni Bettina ang pangakong iyon.
Kaya ngayong araw na suot niya ang wedding gown, hiling na sana siya naman ang piliin.
“What the hell are you doing, Agatha?”
Mabilis na napatingala si Bettina. Bahagyang nakabukas ang pintuan ng balcony, kaya rinig na rinig niya ang pag-aalalang boses ni Elijah habang hawak ang cellphone.“You’re going to jump? Alam ko naman na hindi mo magagawa iyan. You attempted it so many times, and nothing ever happens. And it's my wedding day, Agatha. Don't worry, papunta na r’yan ang rescue team.”
Sa dulo, narinig pa niya si Elijah na may ibinulong, pero sobrang hina na hindi niya naintindihan. May kung anong kaba siyang naramdaman na tila bang may tinatago ito.
At sumagi sa isip niya ang pangambang baka hindi ito ang huling beses na pinangako ni Elijah.
***
Pagdating ni Elijah sa kwarto ay malungkot na napatingala si Bettina.
“What’s with that look? The ceremony’s starting. Are you ready?” malamig na tanong ni Elijah na wala man lang emosyon sa mukha.Kahit ramdam niya ang lamig na pakikitungo ni Elijah sa kanya ay masaya pa rin siya.
Kahit alam niyang kulang sa emosyon ang lalaki, naniniwala siyang siya ang pipiliin nito sa huli. Bakit naman magpapakasal si Elijah sa kanya kung hindi siya mahalaga?
Ngumiti si Bettina at marahang kumapit sa braso ni Elijah, pilit pinapawi ang lamig sa pagitan nila.“Elijah… ikakasal na tayo.”
“Mm. I know,” malamig at walang pagbabago ang tono nito.
Naglakad sila papunta sa hall kung saan gaganapin ang kasal.
Pagbukas ng pinto ng hall ay rinig nila ang malakas na boses ng host.
“Now, let’s welcome the bride and groom!” malakas na anunsyo ng host.Nakangiti si Bettina habang naglalakad sa aisle kasama si Elijah.
“Let’s congratulate—”
Hindi pa natatapos ang host nang biglang tumunog ang cellphone ni Elijah.
Nagkatinginan ang mga bisita at nagsimulang magbulong-bulongan.
Tila nanigas ang buong katawan ni Bettina nang huminto sila sa ginta. Kabisado niya ang ringtone na iyon, ang ringtone ni Agatha.Tinanggal ni Elijah ang kamay niya mula sa braso nito at sinagot ang tawag.“Hello, Agatha? What?!” gulat na sabi ni Elijah sabay napahawak sa noo.
Habang sinusubukan ng host na ibalik ang sigla ng kasalang ito, para kay Bettina… gumuho ang mundo nya, at ang pinapangarap niyang kasal ay unti-unting naglalaho.
Pagkababa ng tawag, agad na lumingon si Elijah at nagsimulang tumakbo palabas ng hall na para bang wala nang kasal na nagaganap.“Please don’t go…” halos mangiyak-ngiyak si Bettina habang inaangat ang wedding dress upang habulin siya. “Sabi mo… huli na ‘yon…”Napahinto si Elijah at lumingon kay Bettina. Nagtagal ng ilang segundo na nakatayo siya habang hawak pa ang cellphone. Pagkatapos ay humugot siya ng malalim na hininga.
“Tumalon na raw si Agatha, kailangan ko siyang puntahan. Ikaw muna ang bahala sa mga bisita. Babalik kaagad ako.”“Elijah!” hinawakan ni Bettina ang pulso nito, despiradong pigilan ito. “Kapag umalis ka… hindi na ako magpapakasal sa’yo!”Marahan ngunit walang pag-aalinlangan inalis ni Elijah ang kamay niya.
“Please don't, or else you’ll regret it.”
Parang nawasak ang puso ni Bettina, at bago pa niya muling pigilan ito, pumatak na ang mga luha niya.
Nanlaki ang mga mata ng mga bisita habang nakikita nilang iniiwan siya ng groom.At habang tumatakbo si Elijah, ang tanging ingay na naririnig ni Bettina ay ang mga bulungan na unti-unting sumasaksak sa kanya.
Bahagyang kumislot ang dibdib ni Elijah nang makita niyang tumulo ang luha ni Bettina. Alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon–susuko na naman ito, gaya ng dati.
Alam ni Elijah kung gaano siya kamahal ni Bettina. Dahil iniwan nito ang marangyang buhay para lang sumama sa kanya. Lahat ng hirap, tiniis nito para sa kanya.
At ngayon, ginagamit ni Bettina ang pagbabatang hindi na ito magpapakasal sa kanya. Alam niyang desperada lang ito na maituloy ang kasal. Alam niyang nasaktan niya ito.
Pero totoong nasa panganib si Agatha ngayon. Kahit anong isipin niya, hindi niya pwedeng unahin si Bettina habang may taong nasa bingit ng kamatayan.Nagkatinginan ang mga bisita, halatang hindi makapaniwala sa nangyari.
At si Bettina na nakasuot pa ng wedding gown at hawak pa rin ang nalalantang bouquet, para bang estatwang iniwan sa gitna ng entablado.
Ramdam niya ang bawat matang nakatuon sa kanya. Pero agad niyang pinahid ang mga luha, sinubukan niyang pakalmahin ang sarili, pinuntahan ang host upang kunin ang mikropono.“Pasensya na… hindi na po matutuloy ang kasal.”Biglang nabalot ng ingay ang buong venue. “Anong nangyayari? Bakit umalis ang groom?”“Akala ko sa TV ko lang ito mapapanuod.”
“Kawawa naman si Bettina.”
Wala nang pakialam si Bettina sa mga naririnig niya. Alam niyang pagkatapos ng araw na ito, pangalan niya ang uugong sa buong siyudad. Alam ng lahat kung gaano kamahal ni Bettina si Elijah. Tinalikuran niya ang mga manliligaw niya na mayaman at handang ialay ang mundo sa kanya, at pinili si Elijah. Iniisip niya noon na kaya naman nilang magsamang harapin ang bawat hirap.At ngayong akala niya’y naroon na siya sa pintuan ng kanyang pangarap—doon pa siya iniwang mag-isa.
Paglabas ni Bettina sa hotel ay sinalubong siya ng mga nag-siksikang mga taong sabik na malaman ang iskandalong sumabog sa araw ng kasal niya.
Dinig ni Bettina ang usapan na bago raw tumalon si Agatha ay may nakaabang na malaki at makapal na foam ang mga rescuers kaya hindi ito nasaktan.
Sa hindi kalayuan, tumambad sa kanya ang eksenang parang sinadya ng tadhanang durugin siya.
Si Agatha ay nakasuot din pala ng wedding dress! Magulo ang buhok nito at umiiyak na parang bata. Karga-karga siya ni Elijah pababa mula sa safety cushion.
“H-How could you leave me alone?” hingal na iyak ni Bettina, halos hindi makapagsalita sa pag-iyak.“Elijah… sabi mo diba… huling beses na iyon? Ba’t ito?” dagdag pa nyang sabi.
Pero bago pa man makapagsalita si Elijah, bigla namang hinawakan ni Agatha ang magkabilang pisngi nito.
“Thank you for saving me, Elijah,” naiiyak na wika ni Agatha.
Nang makita iyon ni Bettina, unang sumagi sa isip niya na magagalit ito. Ngunit laking gulat niya nang hinawakan pa ni Elijah ang kamay ni Agatha na para bang sinasabing hindi niya iiwan ito.Noong unang magkasintahan sila, minsan niyang hinawakan ang mukha ni Elijah, pero malamig lang siyang tiningnan nito at sinabing, “I don’t like anyone touching my face.”Nakakapanibago, dahil hinayaan lang niyang haplusin ni Agatha ang mukha niya.
Napabuga na lang ng hangin si Bettina sa inis.
Akala ni Bettina na likas lang kay Elijah ang pagiging malamig at mailap sa lahat. Ngunit sa sandaling iyon, habang pinapanood niyang buhat-buhat ng nobyo ang nanghihina umanong si Agatha papuntang ambulansya…napagtanto niyang, sumosobra na sila.
Kinuyom ni Bettina ang magkabilang kamay niya habang patuloy na dumadaloy ang mga luha sa mata.
At sinabi sa isip,
“Tama na, hindi ko na kaya…”
NANG mapansin ng mga empleyado ang pagdating ni Luther sa law firm na may matingkad na gintong buhok, suot ang punit na maong, at basta na lang umupo sa assistant desk ni Bettina na parang siya ang may-ari ng lugar—napatingin sila sa isa’t isa.Hindi man sila nagsalita, pero halatang iisa ang laman ng isip nila.May isa pang napasulyap ulit, baka sakaling maling tao lang ang nakita niya.May isa namang bahagyang napakunot ang noo, parang tinatanong ang sarili kung bagong hire ba ‘to… o naligaw lang.Halos sabay-sabay pumasok sa isip nila ang parehong tanong:Saan ba napulot ni Bettina ang imported na taong ito?At higit sa lahat…May silbi ba talaga ‘to… o dagdag pasakit lang sa opisina?Samantala, napamasahe na lang si Bettina sa kanyang noo habang pinagmamasdan ang lalaking halatang hindi nababagay sa firm niya. Hawak ni Luther ang cellphone at kasisimula pa lang maglaro nang magsalita siya.“Luther, pasok ka,” mahinahong utos ni Bettina habang binubuksan ang pinto ng opisina niya.
“ELIJAH!”Nagulat at nagalit si Jiro sa nakita niya. Mabilis siyang lumapit, inagaw ang bote ng alak mula sa kamay ni Elijah, at malakas na ibinagsak sa mesa—BANG!“Anong ginagawa mo?! Nababaliw ka na ba?! Gusto mo bang mamatay?!” sigaw niya, halos pumiyok sa galit at pag-aalala.Bahagyang natapon ang laman ng bote at nabasa ang laylayan ng pantalon ni Elijah, ngunit wala itong naging reaksyon. Itinaas lamang niya ang walang laman niyang mga mata at tinignan si Jiro—walang bakas ng emosyon—bago muling ibinaba ang tingin sa sarili niyang kamay.“Tingnan mo nga ang sarili mo!” galit na galit si Jiro, halos sumakit ang dibdib niya. Hinila niya ito. “Tumayo ka! Tumayo ka!”Pero parang nakadikit si Elijah sa sahig—hindi man lang gumalaw. Sa halip, napangiti siya nang mahina—isang paos, basag, at mapait na tawa, punong-puno ng pangungutya sa sarili.“Mamatay? Heh… ano pa’ng silbi ng buhay na ’to…”“Bwisit ka!” tuluyan nang sumabog ang galit ni Jiro.Hindi na siya nagsalita pa. Yumuko siya a
HALOS mabaliw na si Nelson, na para bang gusto na lang niyang kamutin ang pader sa sobrang inis. Ilang sandali, biglang may kumatok sa pinto ng kanyang opisina.“Attorney Nelson, busy ka ba?” Sumilip si Bettina habang binubuksan ang pinto.Ngayong araw, nakasuot siya ng kulay pink na business suit. Nakapusod ang kanyang mahabang buhok. Nasa likod naman niya si Fiona na may dalang isang tumpok ng mga dokumento. Dumating sila upang tulungan ang legal department ng Prime Biotech para sa isang kasong may kinalaman sa overseas intellectual property.Nakahinga nang maluwag si Nelson—para sa kanya, dumating na ang kanyang tagapagligtas dahil kanina pa siya naha-highblood kay Luther.“Bettina! Sakto ang dating mo!”Maya-maya, bigla niyang nakita ang anino ng isang matangkad na lalaki sa likuran ni Bettina. Hindi niya namalayang nasa pintuan na rin pala si Evander. Unang tiningnan ni Evander si Bettina—bahagyang lumambot ang kanyang tingin dito. Ngunit nang mapatingin siya kay Luther na para
UMINIT ang mga tainga ni Bettina. Mabilis siyang sumulyap sa tapat nila Luther at Ashwin—halatang-halata sa mga mukha nila ang pang-aasar habang nanonood. Sa ilalim ng mesa, malakas niyang sinipa si Evander.Hindi man lang kumurap si Evander. Sa halip, habang mahigpit pa rin siyang nakayakap kay Bettina, kinuha nito ang basong whisky na hindi pa nababawasan. Sinalin niya iyon sa sarili niyang baso at saka uminom.“Pampakalma,” bulong niya, ang boses mababa at paos, sapat lang para Kay Bettina.Ang bawat kilos ni Evander ay natural at punong-puno ng paglalambing. Hindi kayang manalo si Bettina sa kanya, kaya uminom na lang siya ng kaunti mula sa baso ni Evander. Nang gumuhit ang matapang na alak sa kanyang lalamunan, hindi niya napigilang mapakunot-noo dito.Isang bahagyang ngiti ang sumilay sa mga mata ni Evander. Eksakto sa mismong marka ng labi ni Bettina sa gilid ng baso, doon niya itinapat ang sarili niyang labi at tinungga ang natitirang alak sa isang lagukan.Kitang-kita ni Luth
“BETTINA! Sa wakas lumabas ka rin?” taas-noo si Agatha, puno ng panunuya ang mukha. “Akala ko nagtatago ka na diyan sa loob, takot nang humarap sa akin!”Malamig ang tingin ni Bettina. “This is my law firm, Agatha. Hindi ka welcome dito. Umalis ka na.”“Umalis?” napatawa si Agatha at nagkrus ng bra
SA loob ng isang pribadong villa sa Cebu, hinaharangan ng makakapal na kurtina ang liwanag mula sa labas. Sa malaking kama, nakadapa ang hubo’t hubad na katawan ni Edith sa dibdib ni Rexan Hudson—katatapos lang nilang magsiping.“Grabe… napagod ako ro’n,” habol-hiningang sabi ni Edith.Samantala, hi
GAYA ng inaasahan ni Bettina, hindi simpleng hapunan ang nagaganap sa gabing iyon. Habang magkakasalo sila sa mesa, malinaw na malinaw na sinusubukan siyang itugma ng pamilya kay Stephen Laurent.Maayos magsalita si Stephen—matalino, kalmado, at marunong makipag-usap sa mga nakatatanda nang hindi ma
MAS malaki at mas marangya ang mansyon ng pamilyang Hudson kumpara sa pag-aari ng pamilyang Imperial. Malawak ang bakuran nito, maayos ang pagkakagupit ng damuhan, at ang mansyon mismo ay halatang sagisag ng yaman at kapangyarihang naipon ng pamilya sa paglipas ng mga taon.Isang itim na Rolls-Royce












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore