Taming the Casanova Billionaire
Habang nagkakagulo sa loob ng bar ay gayon naman ang katahimikan sa pagitan nina Alex at Julian. Napatingin si Alex sa mga kamay nito, hindi pa rin 'yon binibitawan ni Julian habang nakatingin ito sa ibang direksiyon. Ngunit lingid sa kaalaman ni Alex na palihim na palang ngumingiti ang binata at tila'y sinasadya pa nito na huwag munang alisin ang kamay niya dito. Maya-maya pa at napakunot ang noo ng dalaga saka pwersahang inalis nito ang palad sa pagkakahawak ni Julian, "Aba, ayos ka ha...bakit mo 'ko dinala dito?!" malditang tanong ni Alex. Julian just answered her again with a mischievous smile. Napaatras si Alex at tila naiilang kahit pa napaka-appealing ng mga tindig ni Julian. "K-kung may binabalak ka....wag mo ng subukan, kung hindi sisigaw ako?!" pananakot ng dalaga ngunit tila hindi nagpatinag ang binata at tumawa ito ng kaunti at ipinasok ang mga kamay sa pocket ng mamahaling jeans niya na made by Secret Circus. " Oh c'mon sweetie....magtatangka pa ba ako? Or should I say, baka ikaw pa ang may balak? Remember, lasing ako that night at ikaw hindi, so basically....IKAW ang unang nagtangka sa'kin," aniya, at tila lalo pang tinodo nito ang pang-iinis kay Alex. Namula sa galit ang dalaga at di nga nakapagtiis, akma na sana niyang sasampalin si Julian pero inunahan siya ng binata, sa tangkad nito'y nahagilap niya ang palad ni Alex. This time, na-corner niya ang dalaga. "Ganyan ka pa rin pala kapag naiinis....." sambit nito habang magkalapit ang kanilang mga mukha. Hindi nagbago ang reaksiyon ni Alex at tila may pagtataka ito kung bakit ganon na lamang magsalita ang binata sakanya. Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata ng dalaga at kumawala ulit ito sa pagkakahawak sakanya ni Julian saka sumigaw ito ng, " Stalker kita noh?!" "Hmmppff.." tila pinipigilan ni Julian ang kanyang pagtawa, "Stalker? Wow...you know sweetie, kung ako man ang magiging stalker mo, consider yourself as one of the luckiest. Dahil sa totoo lang, hindi naman sa nagmamayabang pero...mas madami akong stalker," he added na tila ba'y proud pa siya. " Ah!? ang kapal ha? Ako,pagsasamantalahan ka? Adik kaba? Magpasalamat ka nga dahil hindi kita hinayaan na nakatihaya doon eh, saka ilang beses ko pa bang sasabihin sa'yo, hindi ko rin naman ginusto yun eh," sagot nito sa naiinis na tono. " But for me, baka hahanap-hanapin ko na yun," aniya, at tila naging sincere ang pagkakasambit ng binata. " Alam mo...alam mo ang dumi ng utak mo!" akma na sana itong lalakad pabalik sa bar pero natahimik siya nang muling magsalita si Julian. " May request ako," he said habang naka-smirk. " May business party kami by tomorrow, 6 PM at kung hindi ka pupunta baka....baka madulas dila ko at masabi ko yung little entanglement natin sa manager mo," sagot nito sa mapreskong pananalita. Nagkibit-balikat si Alex at magkasalubong na ngayon ang mga makakapal na kilay nito, pahiwatig na sobra na ang pagkainis niya sa binata. Lumapit siya ng kaunti saka sinabing, " So ngayon, tinatakot mo' ko ha? Alam ko may kaya ka, pero sinasabi ko sa'yo na hindi ako basta-basta papayag sa gusto mo!" sagot nito and she rolled her eyes. " Well kung ganyan...maybe mapipilitan akong tawagan ang manager mo, ngayon din." He was about to dial the number on his phone pero bigla itong hinablot ni Alex. " Fine! Oo na! A-attend na'ko, total magseserve lang naman gagawin ko doon." Sagot nito na sa pag-aakala niya'y ganon lang kadali ang gagawin nito. " Alright! Deal na natin 'yan at wala ng bawian. So...pwede kona sigurong kunin ang cellphone ko? Can I?" He pleaded pero pilyong nakangiti. Padabog naman itong ibinalik ni Alex habang parang binagsakan ng sampung milyong kamalasan ang ekspresyon ng pagmumukha nito. " By the way, may susuotin kana ba? If wala pa, sabihan mo lang ako here's my calling card." Sagot nito sabay ini-abot sakanya. Hesitated pa sa una si Alex, pero tinanggap niya din ito sa huli. Magsasalita na sana muli si Alex nang dumating ang mga bodyguards ni Julian dala ang mamahaling sasakyan nito. Napatingin si Julian sakanyang wristwatch at muli ay ibinalik nito ang tingin kay Alex na kanina pa ata gigil na gigil na suntukin siya. " Maybe I need to go now, I'll see you around sweetie," sambit nito at sinabayan pa ng kindat bago ito makapasok sakanyang sasakyan. Nang makaalis ang sasakyan ni Julian ay napahawak si Alex sakanyang ulo at tila sumasakit ito, ngunit inakala na lamang ng dalaga na baka dala lang ito ng pagkapagod at stress dahil sa tambak na trabaho sa barko, at dagdag stress pa yata si Julian sakanya. ------ [Apartment] " Oh ayan, ayan...sinagad niyong uminom eh, parang mauubasan naman ng alak ang mga 'to." Sagot ni Alex habang banayad na hinahaplos ni Alex ang likod ni Sam na panay ang suka sa inidoro. "Pweeehhhh! ashar naman eh! wag mo na ako pagsabihan... syempre birthday ko, kaya kailangan mashelebreyytt tayoooo" sagot ni Samantha at halos hindi na nito mabigkas-bigkas ang sasabihin at pakanta-kanta pa. Inakay ni Alex ang kaibigan patungo sa kama nito at kahit nakahiga na ito ay walang sawa pa rin itong nagtatatalak. Maya-maya ay biglang bumangon si Sam at saka muling nagsalita, this time parang nablangko si Alex sa sinabi ng kaibigan, " Lex...yung ano, yung pogi na nanghila sa'yo kilala ko yun..mabait sa'kin yun, saka alam mo...siya tumulong sa'kin dahil may...may utang na loob ako syempre may special service siya," sagot nito at humagikgik, hindi naman matantya ni Alex ang reaction sa kaibigan. " Special service?" Napatawa ito ng sarkastisko at parang hindi makapaniwala na pati si Samantha na kaibigan nito'y tinuhog niya rin. 'Alex nahulog ka sa bitag ng isang manggagamit na mas masahol pa sa halimaw!' Iyan na lamang noon ang tumatakbo sakanyang isipan. Magtatanong pa sana muli ito pero nang lingunin niya ang kaibigan ay nakahilata na ito at panay na ang paghilik. Hindi maitago ni Alex ang pagkainis, naiinis siya hindi dahil sa ibinunyag ng kaibigan kundi dahil sa nabiktima rin siya ng lalaking 'yon. Bukas na ang business party ngunit nagdadalawang-isip si Alex kung pupunta ba ito o hindi, pero naalala niya ang deal nila ni Julian dahilan upang mapahampas ito sakanyang kama. Pakiramdam ng dalaga ay naiintindihan niya na ang sitwasyon ni Samantha, na parehas lang silang nangangailangan.[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f