Taming the Casanova Billionaire
Panibagong araw na naman para kay Alex, at dahil kabilang siya sa mga junior crew ng Brilliance of the Seas ay isa siya sa mga cabin crew na nabigyan ng pinakamahabang leisure time kasama pa ang ibang crew members. Habang humihigop ito ng tea ay tahimik itong pinagmamasdan ang magandang view na malapit lamang sa tinutuluyan nilang apartment. Naputol ang moment na 'yon nang may kumatok sa pintuan niya. " Lex! Alex? woohoo...girl may delivery ka oh, dali." Excited nitong sagot habang nasa labas ng pintuan. Na-curious naman ang dalaga saka niya mabilisang binuksan ang pintuan. Bumungad sakanya si Sam, dala ang isang napakalaking paper bag na may tatak na Dior at sa kabila naman ng braso nito ay isang dambuhalang bouquet fresh flowers at nagkataon na 'yon pa ang pinakapaborito niyang bulakbulak. May kaunting saya ang bumalot sa mukha ni Alex at hindi niya namamalayan na nawiwili na siya at mabilisan naman itong iniabot ni Sam sakanya. "Aww, nakakainggit kana girl," sagot ni Sam na may halong tuwa at pagkaloko ang tono nito. " Sabihin mo nga sa'kin, may manliligaw kabang Kano?" tanong ng kaibigan at sinamahan ng nakakalokong tingin. Napakunot naman ng noo si Alex tsaka bahagyang ngumiti at piningot ang ilong ni Sam. "Ah-aray! Eto naman, kala koba walang secret secret saating dalawa. Daya mo naman eh, pakilala mona. Ano, guwapo ba? Mayaman? Malaki ang-" " Hep.Hep.Hep... ako muna magtatanong Sam, sino ang nagbigay sa'yo nito?" Tanong ni Alex " Anong sino? Eh nakita ko lang naman yan diyan sa harapan ng pintuan mo, tsaka may note na nakalagay na ' for you my sweetie pie, sugar pie, lovey dovey.' Pang-aasar ni Sam at talagang sinamahan pa nito ng action habang tinatawanan ang kaibigan. " Baliw, ang jeje ha," aniya, at napatawa rin ito. " Pero Lex seryoso, may sugar daddy ka? Kasi tingnan mo yang mga binigay sa'yo oh, Avah.Avah.Avah. secured ang bataan ng bestie ko," sagot nito at hindi mapigilan ang sariling asarin ang kaibigan lalo pa't mabilis mapikon si Alex. Ngunit imbes na mapikon si Alex ay may kung anong kilig at saya itong naramdaman ngunit hindi niya ito pinahalata sa kaibigan. " Bes, kailangan ko ata ang tulong mo mamayang hapon." seryosong tanong ni Alex sa kaibigan. Napatigil naman ang pagsubo ni Sam sa yogurt niya habang nasa silid siya ng kanyang kaibigan at nakaupo sa gilid ng kama nito. Kabisado na niya ang kaibigan kapag ganito ito magtanong. " Huh? Bakit? may dadaluhan ka ba?" Tanong nito at itinuloy ang pagsubo. Hindi naman kaagad nagpaligoy-ligoy si Alex at deretsahan niya itong sinagot ng oo. " Anong event? Baka naman pwede mo akong isama diyan oh," pakiusap nito habang at nag-beautiful eyes pa. "Hmmm, siguro pwede." Pangiting sagot ni Alex at pumalakpak naman sa tuwa ang kaibigan. ------ Malapit nang lumubog ang araw at ito na rin ang tamang oras upang buksan kung ano nga ba ang laman ng paper bag na binigay ni Julian kay Alex. Pagkabukas nito'y bumungad ang isang makinang na sophisticated backless dress. Nanlaki at napanganga si Alex sa ganda ng formal dress na ibinigay ni Julian, may kasama na din itong pointed heels, at ka-match ng dress niya which is yung purse, at sinamahan din niya ito ng earrings at necklace. " Oh.My.God. Alex diba ito yung mga pinapangarap mong isuot dati! Look, nahahawakan mo na siya ngayon." Natutuwang saad ng kaibigan at mariin niya itong h******n. Ngunit imbes na matuwa ito ay nahaluan ang isip niya ng pagtataka, aware naman siyang si Julian ang nagbigay ng mga 'yon pero bakit lahat ata ng paborito nito'y kabisado niya. Hindi kaya Tama ang hinala niya at hindi talaga siya ilusyonada, na si Julian Evans....ay baka stalker niya. " Sam, pagandahin mo'ko, mamimingwit tayo ng isda." seryosong sagot ni Alex habang nakatingin sa mamahaling formal dress na may halong pagkapilak at lila. " Huh? mamimingwit ka ng isda sa ganyang suot?" sagot ng kaibigan na tila'y hindi nito naunawaan ang sarcasm ng kaibigan. " Ibang isda," she grin at tila may namumuo itong plano sakanyang isipan. Na-gets naman 'yon kaagad ng kanyang kaibigan at tinginan palang ay alam na ni Sam ang ibig sabihin ng nito. Two hours after preparation, natapos din sa pag-aayos ang dalawa at handa na silang pumunta sa event. " Ang ganda mo Alex, bagay na bagay talaga sa'yo ang mga mamahaling dress! Iiihhh excited na'ko!" bulalas ng kaibigan. ' Ang galing mo din pala makipaglaro ha, hindi ko lubos akalain na ganito pala ipapasuot mo sa'kin, hmmp! Maglaway ka Julian Evans.' Sagot nito sakanyang isipan at nagsimulang i-dial ang number ni Julian upang sunduin ito. Mga ilang minuto pa lamang ay may pumarada na mamahaling sasakyan sa harapan nina Alex at Sam. Hindi maiwasan ni Sam na bumilib sa kaibigan dahil sa pag-aakala niya'y naka jackpot ito ng isang bilyonaryo. Mula sa driver's seat ay lumabas ang isang naka suit na lalake at mala-James Bond ang dating, naka-shades ito, mukhang may edad na at napakaseryoso ng pagmumukha Napangiwi si Sam sabay sabing, " Eh, s-siya ba?" tanong nito na halos hindi maipaliwanag ang pustura ng kanyang mukha. " Huh? siya ba ang alin?" Nalilitong tanong ni Alex. Ngunit nagulat ito nang patakbong pumasok si Sam sa loob ng sasakyan at ang lalaki sa harap nila ay hindi si Julian kundi ang assistant driver nito. Nag-give way at pinagbuksan ng driver si Alexa, ngunit bago pa man ito pumasok ay tinanong niya muna ang driver, " Ah...Sir? Julian is supposed to pick me up, where is he?" seryosong tanong nito sa bodyguard. Ngunit hindi ito sumagot at deretso lamang ang tingin nito sakanya. "Ay, bingi ata." pabulong na sagot ni Alex kasabay nang pagpasok nito sa loob ng magarang kotse. [Contessina Hotel at Greece] Mula sa entrance ay isa-isang nagsipasok ang mga VIP guests at bawat isa sakanila ay sinasalubong ni Julian ng matatamis na ngiti at shake hands. Iba ang aura ni Julian kapag usapang negosyo dahil bukod sa charm at mapang-akit na tindig nito'y, matalino din ito pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. Mula sa bungad ng luxurious hotel ay pumarada ang isang sasakyan, pinagbuksan ng driver si Alexa and she gracefully stepped outside the car at mula sa liwanag ng ilaw na nagmumula sa labas ay naging agaw pansin ang mala-dyosang ganda nito. Naistorbo si Julian sa pag-welcome sa mga guests nang magsalita ang isa sa mga successful business owner na bisita ni Julian. " Oh, who's that beauty? " tanong nito habang dala ang ngiting nakakaloko na tila may namumuong pagnanasa sa dalaga base sa kung paano niya titigan ito. May kung anong naramdaman si Julian na pang-iinsulto ngunit nangibabaw sakanya ang pagiging diplomatiko niya kaya't nakuha nitong magtimpi, ngunit sumagot siya ng may halong pagkasarkastiko. " That beauty....is my future wife."[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f