ログイン“Kaya sobrang saya ko dahil napagkasunduan na ng dalawang pamilya na ipakasal kayo..”“What?” Hindi ko napigilan ang aking gulat, wala akong pakialam kung nakatingin silang apat sa ‘kin. “Ano pong ibig niyong sabihin, Grandpa?”Nagkatinginan pa si Arissa at si Grandpa bago nagsalita si Grandpa. Ibig sabihin napag usapan na nila ito bago pa nila kami nakarating dito. “Ginawa namin ang lahat para isalba ang kumpanya at malaking bagay din ang ginawa ng mga Raquin sa ‘tin pero hindi pa rin ‘yon sapat… Nabalitaan ni Arissa ang nangyayari kaya nais niyang tumulong sa ‘tin.” “P-pero…” halos bulong ko. Ayoko! Wala na bang ibang paraan para maisalba ‘yang kumpanya na ‘yan? Hindi ba dapat ang Papa ko ang magbabayad dito? Bakit kailangan madamay pa si Easton na nananahimik lang?“Kailangan na natin ng mabilis na solusyon na tanging si Arissa lamang ang makakapagbigay.” Matigas na pagkakasabi ni Grandpa. “Kaya Easton, nakatakda kang ikasal kay Arissa.”Tahimik lang si Easton habang ako naman ay
Sa wakas ay nakarating na rin kami sa restaurant na sinasabi nila Mama. Panay ang haplos ni Easton sa hita ko habang nasa byahe. Pinipilit pa nga ni Easton na pinapalitan niya ng heavy tint ang kaniyang kotse kaya walang makakakita ng nangyayari sa loob. Pero ayoko masira ang ayos ko kaya mas pinili ko na lang na hindi siya pansinin kahit mahirap kalabanin ang tukso. Bahala siya sa buhay niya. Siya na nga ang pinaka pinoprotektahan dito pero parang siya pa ang hindi nag iingat.Pinagbuksan kami ng lalaki ng pintuan kaya ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat. Maraming tao ngayon sa restaurant na mukhang mga yayamanin din. Tumingin kami sa paligid hanggang sa nakita namin sila Grandpa at Mama sa sulok na table kaya roon kami dumiretso ni Easton. Ngunit nawala agad ang ngiti ko nang makita kong may mga kasama pala sila. Hindi ako nasabihan na may ibang tao pa pala.“What is she doing here?” pabulong ko na tanong kay Easton habang papalapit kami sa table. Naiimbyerna ako habang nakiki
Tapos na ang klase ko ngayon kaya umuwi ako agad dahil may pupuntahan kaming family dinner malapit sa kumpanya namin. Parang ayaw ko nga pumunta dahil masama ang kutob ko pero hindi pwede dahil magtatampo si Mama kung sakali.Iniisip ko kasi kung hindi ako tumuloy, baka hindi na rin pumunta si Easton doon at gamitin yung pagkakataon para magkasama kami. Pero sigurado akong may nakasunod pa rin sa ‘min kaya mas mabuti kung pumunta na lang kaming dalawa.Nakarating na ako sa bahay at agad akong dumiretso sa kwarto ko para makapili ng susuotin bago maligo. Mabuti na lang at si Manong Pip ang sumundo sa ‘kin, kung hindi ay mas matatagalan pa ako makakauwi at konting oras na lang meron ako para mag ayos. Nagpahinga lang muna ako saglit sa kama ko. Pinagmasdan ko lamang ang paligid kung saan marami kaming alaalang nabuo ni Easton. Naalala ko tuloy kung ilang beses na niya akong naangkin sa kama na ito. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot at pangungulila sa matandang binata.Pinikit ko ang akin
“No more extensions. You must submit your reports by the end of the week.”Samu’t-saring angal ang narinig ko sa mga kaklase ko nang sabihin ng masungit naming professor ‘yon. Ngunit wala akong pakialam. Hindi dahil tapos ko naman na ‘yong report, kundi dahil, masakit sa pakiramdam na kailangan naming magpanggap na walang namamagitan sa ‘min.“Ako lang ba pero ang extra sungit ni Papi Easton? Red days niya ba?” tanong ni Trisha na may halong pagrereklamo habang nagliligpit ng mga sandamakmak na papeles sa kaniyang lamesa.Ilang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Easton. Hindi na siya bumibisita sa bahay at hindi na rin ako nakakapunta sa apartment niya. Wala kaming choice kundi gawin ito para maipamukha sa kung sino mananakot sa ‘min na wala namang namamagitang iba sa ‘min. Gusto man ni Easton magpadala ng mga guard sa bahay namin, pinili na lamang namin na huwag muna para hindi ma-stress si Mama. “Parang lagi namang masungit si Professor, hindi ka pa ba nasanay?” saad naman ni
“Saan ka galing?” tanong ko nang maupo kami sa sofa. Naroon pa rin ang marka sa leeg ni Easton at pilit kong iniiwasan ang tingin ko roon, pero kusa itong humihila ng atensyon ko.Gusto kong patunayan sa sarili ko na walang tinatago si Easton sa ‘kin. Na wala akong dapat ikabahala. Denidemonyo lang ako nung nag-text sa ‘kin para magkasiraan kami.“Hmm?” Lumingon ito sa aking gawi. “Sa apartment ko, baby. Natagalan lang talaga ako dahil sa traffic,” kalmado niyang sagot niya habang minamasahe ang kaniyang relo sa kaniyang kaliwang pulso.Muling nag-vibrate ang phone ko. Nanginginig ang daliri ko habang binubuksan ko ang cellphone.He touches his watch when he lies.Natigilan ako at para bang may bumara sa lalamunan ko habang pinapanood ko ang kilos ni Easton. Ayaw kong pakinggan kung sino man itong nagte-text sa ‘kin pero parang sakto lahat ng kaniyang sinasabi sa nakikita ko kay Easton. Pero hindi, mahal ako ni Easton kaya sigurado ako hindi siya gagawa ng kahit anong bagay na ikakas
Hindi pa man kami tuluyang naghihiwalay ay may kaluskos na nagmula sa may bandang pinto ng faculty room. Pareho kaming napalingon ni Easton.“May tao,” bulong niya.Agad niyang pinatay ang flashlight ng cellphone at hinila ako palapit sa kaniya. Sa dilim, mas rinig ko ang tibok ng d!bdib ko kaysa sa sarili kong paghinga. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at sumilip ang sinag ng ilaw mula sa hallway.“Hello?” isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa silid. Masyadong pamilyar ang boses.Si Mr. Bartolome.Napahigpit ang kapit ni Easton sa aking bewang. Tinakpan niya ako gamit ng kaniyang katawan kaya kung sakali mang makita kami ay hindi kaagad ako mapapansin. Humakbang palayo ang principal at muling nagsara ang pinto. Nanatili kami sa aming mga pwesto, at hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam ko.“Easton…” maingat kong sambit. “That’s exactly why we have to be smarter from now on.”Tumango siya, seryoso na ang mukha. “I understand. Sisiguraduhin ko ring malalagot ‘tong mga pas







