Share

Chapter Three

"Baby wake up, It's time to wake up now Teresa."

She opened her eyes and watched her mom gently looking down at her in the big queen size bed. "Mommy." She smiled and reach out her hand to touch her face.

"Teresa, i love you my darling. Nandito lang ang mommy mo tandaan mo yan." Then her image slowly fades away.

"Mommy!  Mommy! She screamed.

Napabalikwas ng bangon ang dalaga, butil butil ang pawis sa kanyang noo. She glanced at the tiny opening between the curtains of her window balcony. The sun's light is too bright, she covered her face with her elbow.

Sinulyapan niya ang antigong relo sa tabi ng lumang antique closet, tik tak. Sinapo niya ang sariling noo, parang mabibiyak iyon sa sakit. At dumagdag pa ang nakaiiritang tunog ng orasan. Nagbalik sa isip ang napanaginipan..oh mom! How i miss you. Sana ay nandito ka ngayun sa tabi ko."

Nag uunahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha. Napanaginipan na naman niya ang kanyang ina at sa tuwina ay nagdudulot iyon ng pighati sa puso niyang nangungulila. Ganoon ang pakiramdam niya tuwing doon siya matutulog sa lumang bahay nila.

Bakit ba siya nandito? This place is making her heart filled with never ending grief. Lahat ng sulok ng pamamahay ay puno ng sakit at pangungulila tuwing nakikita niya sa isip ang kanyang mahal na ina.

Then reality sieze that she can no longer touch her mom, or hug her and feel her warm comforting hands. She had left this world ten years ago, and all that's left is how painful it is to deal everything without her.

Bumukas ang pinto ng silid niya at pumasok si manang Linda na sobra ang pag aalala ng marinig ang kanyang mga hagulhul. "Iha, ano ang nagyari at bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?" Agad siyang dinaluhan nito sa kama.

"Manang, napa...napanaginipan ko po ang mommy!"Humihikbi siyang nagkuwento sa balikat ng matanda.

"Teresa iha, sanay lakasan mo ang loob mo iha. Matagal ng pumanaw ang mommy mo, sanay alalahanin mo ang mga magagandang pagsasama ninyo bilang isang pamilya." At nandito ang iyong Daddy, mahal ka niya."

"Hindi ho ako mahal ng Daddy, si mommy lang ang minahal niya." Ang malungkot niyang sambit.

"Naku iha, huwag kang magsalita ng ganyan! Noong ipinanganak ka ay walang amang kasing ligaya ni Sir Romolo." Marahil sa sobrang dalamhati sa pagkawala ng mommy mo ay hindi niya alam kong paano ka aaluin at mahalin. Pero mahal ka ng ama mo iha." Marahan nitong niyugyog ang kanyang magkabilang balikat.

"Mahal ka ng iyong ama katulad ng pagmamahal sa iyo ng mommy mo. Sana ay iyan ang ilagay mo sa isip at puso mo Teresa."

Marahan niyang pinahid ng kamay ang mga luha sa mata. "Manang Linda gusto ko ng magbalik sa resort." Ang mga mata niyang malamlam at malungkot habang nagsasalita ay nakikiusap sa matanda.

"Naku iha, ayusin mo muna ang sarili mo at bago ka umalis ay puntahan mo ang iyong ama sa silid aklatan. Kanina ka pa niya ipinatatawag."

Malungkot siyang tumingin sa matanda. "Sige manang maliligo lang ho ako, paki handa po ng mainit na tsaa."

"Oo iha doon ko na dadalhin sa library at ng pagkatapos mong maligo dumeretso ka na." Tumayo ang matanda at marahang isinara ang pinto sa likod nito.

Mabagal ang mga kilos na siya'y naligo at nagbihis. Pagkatapos ay pumili ng maisusuot. Isang maiksing cotton shorts ang isinuot at black spaghetti strap tank top wala siyang suot na panloob sa itaas. Angkop iyon sa summer at mainit na panahon at tiwala siyang ang ama lang ang makakaharap.

Ang library ay nasa ikalawang palapag ng bahay katabi iyon ng masters bedroom ng mga magulang. Bago niya pinihit ang doorknob ay huminga siya  ng malalim.

Nabungaran niyang ang ama ay nakaupo sa swivel chair ng table na kaharap sa sofa. Sa kaliwa at kanan ng lamesa ay bookshelves na mataas at puno ng iba't ibang libro. May dalawang pahabang couch na mgkaharap at nagigitnaan ng glass table. Noong bata pa siya ay malimit silang magbasa ng fairytale stories kasama ang mommy niya doon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata upang itaboy ang isang ala ala.

Bahagya pa siyang nagulat ng makitang may taong nakahilig sa couch at ang dalawang kamay ay naka taas sa sandalan ng upuan. So,nandito ang nag uwi sa kanya sa bahay kagabi, si Alexander.

"Have a sit Teresa, and i'd like to talk to you both." Ikinumpas ng kanyang ama ang kamay nang makita siya, upang maupo siya sa nandoong sofa. Dahan dahan siyang naupo sa pang isahang sofa katabi kung saan nakaupo ang binata. She glanced at him and noticed how he stare at her in his unusually dark grey eyes.

Seryoso itong nagmamasid sa kanya na parang gustong bumangon ng inis sa kanyang dibdib. Nakasuot ito ng maitim na pantalong maong at Tshirt na puti, putok ng muscles ang mga brasong magkabilaan ang tatoo and he's sitting there like he own the entire place making her feel awkward and a stranger to her own house.

Sinalubong niya ang tingin nito at tinaasan ng kilay. That kind of look that would scare the boys away, but he ain't scared. Instead he give her a sexy and sarcastic smile na hindi niya matagalan kaya lumihis siya ng tingin.

"What is it Dad? spill it out. At gusto ko nang bumalik sa resort." Kinuha niya ang tsaa sa glass table at uminom upang mainitan ang kanyang sikmura.

Tumikhim ang kanyang Daddy. "It's about time you start to learn the whereabouts of our land Teresa. Not just the resort, but the two thousand nine hundred acres that we have. When was the last time you rode a horse?" His Dad's voice is serious and domineering.

"Daddy! Bakit kailangan ko pang pag aralan iyan nandiyan naman kayo, you're making it sound like you are retiring or going away." Kunot noo siyang nagsalita dito at inilapag ang tasa na hawak.

"I am not invincible Teresa! I could get sick or die, and what are you going to do? Marami sa mga kamag anak natin ang magkakainteres na makuha ulit ang lupa na ipinagbili na nila sa atin kung sakaling hindi mo ito mapamahalaang mabuti."

"But I'm not up for this land Dad, I'd rather run the beach resort." Ayaw niyang maniwala na magreretiro na ang ama, singkwentay uno lang ito at malakas pa. Marami pang mga babae sa hacienda ang nahuhumaling dito at ano ang ginagawa ng binatang laging katuwang nito sa pamamahala.

Tahimik lang itong nakikinig sa pagkakaupo sa sofa. "It's not your call Teresa, pag aralan mo ang pamamahala sa hacienda kasama ni Alexander. At pansamantala ay ako ang doon sa resort para panatilihin ang kaayusan."

"What! No way Dad. Ano ang gagawin ko dito?"Halos mapasigaw na siya sa mariing pagtanggi sa ama.

"You will do as i say Teresa! Or I will ban you from the resort, akala mo ba ay hindi ko alam ang mga pinaggagawa mo? Wala ka ng inatupag kung hindi magpa party at mag imbita ng kung sino sinong celebrity para tumira ng libre sa Villa! Our beach resort is not a charitable institution for the famous entertainers, it is our family's legacy for the future generations." Madiin at medyo mataas na ang boses ng Daddy niya.

Dahilan upang magsalita ang binata habang nakatingin sa kanya.

"Don't you worry Teresa, you can learn from me. Nakuha ko nang maayos ang pamamalakad sa inyong hacienda kasama ang iyong ama sa loob lamang ng isang taon. Walang dahilan para hindi mo ito matutuhan, you grew up in these land. So these things will come natural, you'll see."

Seryoso ang pagsasabi ng binata na kanina pa titig na titig sa kanyang kabuuan. "At sinong magtuturo sa akin, ikaw?" A sarcastic laugh came out of her throat.

"Tama si Alexander Teresa, you could learn from him." May namuong kislap sa mga mata ni Romolo.

Umiling siya at tumayo. "This is nonsense Dad, I'm going."

"Maria Teresa! You take a sit, hindi pa tayo tapos mag usap." Halos pasigaw ang utos na iyon mula sa kanyang ama. Bahagya siyang natakot dahil kahit lumayo ang loob nito sa kanya simula ng mamatay ang kanyang ina ay mabibilang niya sa daliri ang mga sitwasyong sinigawan siya nito.

Nagpakawala siya ng buntung hininga at bumalik sa kina uupuan. "Please say it Dad. Ano pa ba ang gusto ninyong sabihin sa akin?"

"I am announcing your engagement party, one week from now." Naging banayad ang boses nito habang nagsasalita at tumalikod sa kanya. Ilang segundo niyang nae process sa utak ang sinabi ng ama.

"What!? Engagement! Anong ibig niyong sabihin Daddy?" She asked in a shocked.

"Romolo I don't think this is a good idea." Anang binata na ngayun ay tumuwid ng upo at nakatiim ang mukhang tumingin sa likod ng Daddy niya.

Lumingon ang Daddy niya na tila hindi pansin ang gulat sa boses ng dalaga. "You will be engage to Alexander Teresa, at pamamahalaaan ninyong dalawa ang haciendang ito. This land only belongs to us and our family, and Alexander is a part of that family since five years ago." Mananatili ka dito sa hacienda hanggang sa araw na matapos ang inyong kasal. Or depende iyan kung gugustuhin ng asawa mo na doon ka sa resort."

"No! Sabihin mo sa akin na nagbibiro ka lang Dad!"

"I'm as serious as the day you are born Teresa, I know what is best for you. Hindi ko nakikita na nagkaroon ka ng kasintahan kaya alam kong walang magiging problema." Tiyak sa sarili ang kanyang ama ng magsalita.

"And what about me Romolo! Have you considered my feelings on this matter?" Ang boses ni Alexander na hindi niya matukoy kung bakit pakiramdam niya ay matagal na nitong alam ang plano ng kanyang ama.

"Oh Alexander, you are my son since the day na inakyat kita sa pamamahay ko. And please don't deny me this opportunity to formally announce you as my son inlaw. You have promised to be loyal. Nang umayaw kang gawing legal ang prosesso ng pag a-adopt ko sayo ay pumayag ako. Ngayon naman ay sana pumayag ka sa kagustuhan ko." Romolo sounds slightly pleading na medyo nagpalambot sa matigas na puso ng binata.

Pero bakit may naiisip siyang ibang dahilan ng matanda na hindi nito ibig sabihin sa kanilang dalawa.

"Daddy, why are you doing this to me?" Nagsimulang humikbi ang dalaga na nagpabahala sa kanya. Bago pa siya magalit sa ama nito ay tumayo siya.

"Talk to your daughter Romolo. And I'm not going to push this silly idea if hindi mo siya mapapayag."

Tiningnan siya ng matandang lalaki habang naglalakad palabas. Hindi ito halos makapaniwala na napasang ayon nito ang binata sa plano. Parehong tuwa at pag aalala ang nasa kanyang dibdib. Mapait siyang ngumiti sa sarili bago binalingan ang anak na dalaga. Nilapitan niya ito sa pagkakaupo habang mahinang umiiyak.

"Teresa, anak sana ay huwag ka ng tumanggi kay Alexander. Alam kong mapagka katiwalaan mo siya. Tulad ng tiwala ko sa kanya. Kung sakali man na mawala ako sa mundong ito wala akong mapag iiwanan sa iyo at sa mga pag aari natin kung hindi siya lang." May laman ang bawat kataga ng matanda habang nagsasalita.

Nag angat ng ulo ang dalaga at nalito sa sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin Dad? Mayroon ka pabang dapat sabihin bukod sa engagement ko sa lalaking iyon?"

"If i have to beg you to marry him Teresa I would. Please consider this as my only wish for you at patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting ama simula ng mawala ang iyong ina." Ang boses ng kanyang ama ay malambot at nagpapa unawa sa kanya na nag sanhi upang tumigil ang mga luhang kanina ay dumaloy sa mgkabila niyang pisngi.

"Oh Dad, I'm sorry too. I have not been a good daughter to you, but please don't make me marry that man. I am still young, paano kung umibig ako sa iba? At ngayon ay wala kaming pag ibig sa isa't isa ng lalaking iyon."

"Please Teresa, matutuhan niyo ding umibig kapag nagsama na kayo. Anak pagbigyan mo ang kahilingan kong ito, sana maniwala ka na wala akong hinangad para sa iyo kundi ang mapabuti ka at matuto. Si Alexander ang lalaking magmamahal sa iyo ng tapat at naniniwala akong hindi ka niya pababayaan."

Itinaas siya ng ama mula sa pagkakaupo, pinahiran ng mga kamay ang kanyang luha sa mga mata at niyakap siya ng mahigpit. She hugged him back but it doesn't mean na sumasang ayon na siyang pakasal sa lalaking pinili nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status