Share

Chapter Two

It's past two am in the morning, Alexander park his toyota tundra infront of an old big house made of stone and timber. Habang naka tingala sa malaking bahay ay naitanong niya sa sarili. Ilang taon na nga ba siyang nakatira sa bahay na ito? Ah, mahigit ay limang taon na ng kinuha siya ni Romolo Plaza para dito tumira sa malaking hacienda. Lampas limang taon na rin simula ng pumanaw ang kanyang mama.

His mom had been Romolo's lover. Ang pangalawang lalaking inibig ng kanyang inang si Mrs. Amanda Mendrez Brussel. His biological Dad is from the northern part of Europe. She had met Arthur Brussel from Villa Teresita Resort. Nang magbakasyon ang dayuhan sa Pilipinas ay dito ito namalagi at umibig sa kanyang ina na namamasukan  bilang waitress sa isang bar ng resort.

Dinala ng dayuhan ang ina niya sa Europa at pinakasalan. Ngunit hindi naitago ni Arthur ang linya ng trabaho nito nang tumagal ang kanilang pagsasama. Isa itong lider ng European Mafia at maraming naghahangad na ito'y mawala sa organisasyon. Their life in Europe was both chaotic and dangerous, and when he was sixteen year old a tragedy happened. His Dad gets murdered by a fellow mafia brother.

Kailanman ay hindi niya maipagmamalaki ang napiling linya ng negosyo at trabaho ng sariling ama noong ito ay nabubuhay pa. Makalipas ang ilang taon ay bumalik sila ng mama niya sa Pilipinas.

Back to the remote rural areas in baranggay San Luis, an area near Hacienda Plaza. Namasukang muli ang kanyang ina at ngayun ay naging taga linis na lamang ng Villa. Nagkakilala sila ng may ari at muli umibig si Amanda sa ama ni Teresa na sa kasalukuyan ay biyudo na. But Romolo is not falling inlove again, mahal nito ang unang asawa. Marami ang nakakaalam sa istorya ng pag iibigan nito at ng anak mayamang si Teresita Sy, ang mommy ni Teresa.

The man just treated his mom like a common whore. Na naging sanhi upang maging malungkutin at sakitin ang kanyang mama.

While he had been busy being a thug in the corners of San Luis. Hindi niya seneryoso ang pag aaral ng koleheyo sa maliit na paaralan ng bayan sa halip ay nakikisali sa gulo at naging lider ng mga basagulero sa daan. Well, it runs in the blood.

Nabago lang ang lahat ng ma diagnosed ang ina sa sakit na breast cancer. On her dying breathe, Romolo had been there offering his help. And before she died naipangako niya sa ina na magbabago at subukang ituwid ang landas ng kanyang buhay. And Romolo offered the best help he just needed.

He shakes his head at the sudden thoughts of unpleasant memories. Bumaba siya ng sasakyan at umikot sa upuan ng dalaga. Tulog na tulog ito, binuhat niya ito na sa tantiya niya ay hindi lalampas sa limampung kilo lamang. Again he's awareness of her soft body is taking a tool in the thing between his thighs.

"Fuck! Napamura siya ng malaglag ang maliit nitong bag sa sahig ng sasakyan..umungol lang ang dalaga at hindi nagising. Bumukas ang double doors ng malaking bahay. Ang mayordomang si Manang Linda ay gising pa at kaagad na lumapit sa kanila.

"Thanks God Manang at gising pa kayo." Pakipulot naman ho nung maliit na bag ni Teresa sa loob ng sasakyan."

"Sige iho, ako na ang bahala at isusunod ko. Ano ba ang nangyari at hindi mo ginising ang batang iyan?"Kunot noong tanong ng matanda.

"Tulog ho sa kalasingan." Ang maikli niyang sagot at deretsong tinahak ng binata ang kaliwang grand staircase. Dalawa ang antigong hagdanang paikot na nagtatagpo sa dulo. Nanlaki ang mga mata ng matanda sa narinig.

"Naku ang mga kabataan talaga ngayun, mabuti at tulog na si Sir Romolo." Iiling iling si manang Linda habang pinupulot ang gamit ni Teresa sa loob ng sasakyan bago iyon isinara.

Ang binata ay itinuloy si Teresa sa unang palapag ng bahay. Isang pagitan lang ang kuwarto nito sa kuwartong inuukopa niya. The old antique house has many empty rooms. Limang lahat ang kuwartong nandoon sa unang palapag at sa ikalawang palapag ay ganoon din kasama ng grand masters bedroom na ang natutulog ay ang ama lang ni Teresa. Sa pinakababa ng bahay ay nandoon ang Grand hall,dining, kitchen room at wine cellar mayroon ding apat na silid tulugan na okupado ng mga kasambahay.

Dahan dahan niyang inilapag ang dalaga sa antigong queen size bed. Tinanggal niya ang mahabang sandalyas nito na mayroon pang buhangin galing sa resort. At basta nalang iniitsa sa ibaba ng kama. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga paa nito makinis at maputi.

And can't help but notice her pretty pink toes. He's not a foot fetish but he had a strong urged to plant a soft kiss on her feet. Mas malambot pa ang mga paa nito kaysa sa kamay niyang puno ng kalyo sa pag tulong sa mga trabahador ng hacienda. Tumaas ang mga mata niya sa makinis at maputing binti ng dalaga.

Ipinilig niya ang ulo at napahugot ng hininga. Hinila ang makapal na kubrekama at kinumutan ang ibabang bahagi ng katawan ng dalaga.

Si manang Linda na ang bahalang magbihis dito. Lumabas siya ng pinto at sakto namang papasok na ang matanda. "Kayo na ho ang bahalang magbihis kay Teresa".

"Sige iho huwag kang mag alala at ako na ang magbibihis sa kanya, magpahinga ka na at madaling araw na. Alam kong napagod ka sa pagmamaneho."

"Salamat Manang Linda." Tumalikod siya at naglakad papunta sa sariling kuwarto, kailangan niyang itapat ang sarili sa malamig na tubig ng shower at sana ay makuha niyang matulog agad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status