Share

Chapter 2

August's POV

Ang dami-dami naman project! Ang daming bayarin lalo na at group project pa. Nagtataka kayo kung bakit ako nagrereklamo? Hell, may scrapbook project lang naman kami sa social science namin at di ko talaga maisip kung ano ang connect dun.

Ilagay daw namin yung mga memorable things namin sa buhay. Ano naman ilalagay ko? Yung pakikipagbasag-ulo ko? Hay naku. Walang kuwenta talaga tong project na to.

"August, pwede kami na lang ang magbabayad para sayo. Maliit na bagay lang naman din to." Nangingiting saad sa akin ni Lisa sa akin.

"Really?" Wala sa sarili ko na napangiti ako. Mala-anghel talaga ito sa kabaitan pramis.

"O-oo naman." Namumulang saad nito. At napansin ko naman na parang mga natulala ang mga kaklase ko na nakatingin sa akin.

Nasanay na ako sa mga ito. Ganito talaga sila nagiging abnormal bigla ng di ko alam kung ano ang dahilan.

Nagpatuloy na lang ako sa pagtanaw sa labas ng bintana. Natanaw ko ang malawak na field at may mga puno na nakadistansya. Lahat sila ay may mga benches sa lilim ng puno. May mga ilan-ilang tao din doon na nakaupo dahil di naman lahat ng estudyante ngayon ay may klase.

"Hey!" Tawag pansin sa akin ni Misha. "Gusto mo magjollibee tayo mamaya?"

Napabaling naman ako dito ng nakakunot noo. "Jollibee? Alam mo naman na wala akong budget para bumili dyan ng pagkain." Sagot ko naman.

"Sagot ko. Kaya tara na." Ngiting asong saad nito.

That smile. I really don't like when she smiles like that. It is cunning and sly. I know she is up to something. "Spill the beans or else." Banta ko rito. Kala siguro nito eh maguguyo ako.

"Hehehe. May gusto kasing makipagdate sa akin. Kaso ayoko naman na mag-isa ako kasi 1st time ko na makikilala yung guy. Kaya please samahan mo ako." Biglang 180 degress na nagpalit anyo ito at nagmakaawa.

Nagulat naman ako dito. Parang desperadang makapagdate pero takot naman. Kunsabagay kahit sino naman siguro ganun ang reaksyon. Malay mo budol-budol pa pala yun. Medyo may pagkatanga pa naman to si Misha pagdating sa lalake.

"Oo na pero ikaw magbayad ah. At tsaka eat all you can. Deal?" Saad ko dito. Di pwede sa akin ang value meal. Di man halata sa katawan ko pero may pagka-elepante ang bituka ko. Minsan panga tinatawag ni Misha tiyan ko na bottomless. Parang Iced Tea lang ang peg diba?

"Sure! Pero withdraw muna tayo sa ATM sandali ah, baka kulangin tong allowance ko. Hehehe." Ngiting-ngiti na saad nito.

Wala na akong pakialam dun. Basta mamaya, unlimited chibugan mga mare! Naku, di ako magsna-snack para heavy meal kain ko mamaya. Hehehe.

Nagpatuloy ang klase sa pagdiscuss ng kung anu-ano related kay Jose Rizal. Mataman lang din ang aming pakikinig dahil malupet pa naman to magquiz si Sir. Enumeration na nga, provide the definition pa. Which is technique lang din siguro niya para di namin tulugan ang klase niya.

Natapos din ang soc-sci at ang pumalit naman eh History na lalong naghahamon sa tibay ng aming mga mata na wag antokin.

Seriously, I don't like these subjects. Mula pagka-elementary ay dinidiscuss na ito, hangang ngayon pa rin ay di pa tapos. Puro pananakop ng kastila at kung anu-ano pa. Pati si McArthur na matagal ng namayapa ay idinadamay pa. Susme naman, patahimikin niyo na yung namayapa! Chos! Hahaha.

Sobrang nakakaantok talaga ang mga subject na to. Pero mas malala ang kasunod. It is Advanced Algebra at ang malupet puro find the x. Langya high school pa ako hinahanap na yang si x hangang ngayon di parin matagpuan! Nak ng tokwa naman oh.

Pero ok lang naman din dahil kahit ganun ang mga subject eh kahit papano may natututunan naman ako dito, lalo na sa pamamalengke. *insert sarcastic tone*

Pero di din nagtagal ay natapos din ang klase namin sa buong araw. Buti buo pa ako. Akala ko kasi ay gutay gutay na ako sa kakahanap ng value of x, which is wala na ngang value kaya x na nga eh, kasi wala ng value kaya dapat hindi na balikan! Hahaha hugot pa more. Ano nakain ko bat napakabitter ko? Tama! Wala pa pala akong kain. Naku, humanda talaga itong bulsa ni Misha magbubuffet ako sa jollibee!

"Hoy Misha, gutom na ako ang kupad mo!" Naiinip ako na naghihintay sa labas ng room. Pano ba naman kasi nagreretouch pa ito at sobrang tagal pa nito. Wala naman pinagbago sa mukha.

"Ay grabe ka naman. Alam mo naman may date ako, kaya please konting tiis." Maarteng saad nito.

I gawk at her. Seriously? "Patitiisin mo ako dito? Nagwewelga na ang mga bakulaw dito sa tiyan ko. At baka lamunin pa ng large intestine ko ang small intestine ko sa kakahintay sayo." Naiinis na sagot ko naman.

"Oo na nga eh, eto na nga oh. Grabe naman, di naman ako na always maganda kahit walang kaeffort." Maktol nito na patungo sa akin.

Gosh. Insecure ba itong babaitang to? "Naiingit ka sa kin? Gusto mo palit tayo sa kaganahan kumain?" Panakot ko dito. Alam ko naman na todo diet to ahaha.

"Jeez, no thanks. Sa lakas mo kumain, bawing-bawi yung itsura mo." Parang nandidiring saad nito sa akin.

"Which is vice versa pa rin. Hahaha." Pang-asar ko dito.

Lumabas na kami at pumanhik na sa kotse nito. May student license ito at marunong naman magdrive kaya kampante naman ako na nakikisakay.

Agad na pinaharurot nito ang sasakyan sabay tugtog pa ng Style ni Taylor Swift.

"You got that james dean, day dream look in your eyes. And I got red lip classic thing that you like..." sabay ko pa ng kanta sa speaker. Music lover ako sobra, but it seems music doesn't love me.

Si Misha naman ay tahimik lang na napangiwi sa sintunadong boses ko. Pero wala akong pakialam. Basta I love singing hahaha kahit walang talent.

"Love me like you do... lalalove me like you. Touch me like you do... tatatouch me like you do." With feelings na kanta ko pa.

"You know, nawawalan ng soul yung kanta." Komento naman ni Misha.

Misha is a good singer pero wala naman lakas ito ng loob para kumanta. Di tulad ko na sinalo ko na 'ata ang lahat ng lakas ng loob.

"With feelings ko na nga pagkakanta yun." Nakanguso kong turan sa kanya. Grabe talaga to manlait.

Di na ako ulit kumanta dahil dumating na kami sa aming pakay. Ang jollibee. The buffet day!

•••

Dala-dala ko ang number sign stand sa mesa namin ni Misha. Marami kasi akong inorder kaya ihahatid na lang sa mesa namin na table for 8 kahit tatlo lang kami dahil sa dami ng order ko.

Kanina nga ng nag-oorder ako, halatang parang nagtataka yung cashier, dahil tatlo lang kami pero yung order ko eh pansampung tao na 'ata. Pero ano ba pakialam nila? Nagbayad kami kaya shut up na lang sila. Hahaha.

At ito kami ngayon sa mesa. Bored ko na tiningnan ang kadate ni Misha. Infairness may itsura naman pero mukhang playboy ito. At kanina ko pa ito napapansin na panaka-naka ang tingin nito sa akin. May problema bro?

"Tagal naman ng order." Reklamo ko na lang. Nagugulumihan ako sa mga tingin ng impaktong kadate ni Misha. Sa totoo lang, I don't like the guy. Umaandar na naman siguro ang animal instinct ko pero di maganda ang pakiramdam ko sa impakto. Mukhang maraming itinatago itong baho.

"So, August. What course are you with?" Nakangiting tanong bigla ng impakto.

Gusto ko naman taasan ng kilay ito. Ba't nadadawit ako sa usapan? Sumama lang ako para kumain at di para makipagchismisan sa impaktong ito.

"You don't need to know. And besides Misha is your date so do not cross with my business." Blanko kong sagot. I made a signal with my eye contact that I am not good to mess with. At mukhang nakuha naman nito ang aking mensahe at agad na idinako ang tingin nito kay Misha na namumutla.

Naagaw na lang ang aking pansin ng dumating ang order namin. Anim na service crew ang nagdala ng order namin at inilapag na sa mesa namin ang mga inorder.

"Enjoy your meal ma'am." Saad ng nakangiting service crew at iniwan na kami.

Agad na nilantakan ko na ang pagkain. Limang set lang naman ng chicken meal sa akin at may 3 sets palabok pa and drinks. Agaw pansin ang katakawan ko pero wala na akong pakialam. Malakas ako kumain. Period.

"Hinay-hinay lang girl." Nag-aalalang turan sa akin ni Misha.

"I got so hungry so just don't mind me." Infairness nakakapagsalita pa ako ng maayos. Mashado talaga akong talented pagdating sa pagkain.

Natapos ko rin ang mga kinain ko. Pakiramdam ko ay puputok na ang tiyan ko sa kabusugan pero ok lang. I am very satisfied. Hehehe.

Tumayo na ako dahil mukhang patapos na din ang dalawa which is muntik ko ng makalimutan dahil sa sarap na sarap ako sa aking kinain.

"Sige Misha, until next time." Saad ng impakto. Natapos na lang ang date ng dalawa di ko pa alam yung name ng lalake, pero pinakilala ni Misha yun kanina, dahil sa wala akong kainte-interes dito eh nakalimutan ko din ang pangalan nito.

Lumabas na kami. Medyo madilim na din at dahil malapit na lang dito ang inuupahan ko ay napagdesisyunan ko na lang na maglakad. Para narin matunaw na rin ang kinain ko. Dahil sa totoo lang talagang napasobra ako sa kinain ko ngayon. Which is sinadya ko naman para tumigil na ang lalaking yun.

"Ok ka lang ba? Mukhang ang dami ng nakain mo." Medyo nag-alala si Misha sa akin.

"Sus, alam mo naman na malaelepante itong bituka ko kaya wala lang yun. At salamat pala ngayon ah. Best dinner so far." Ngiting-ngiti na saad ko. "And maglalakad na lang ako mula rito para naman matunaw to."

"Oh sige, mag-ingat. Baka may babalian ka na naman buto dyan." Saad nito na may halong biro pa.

"Hahaha. Kung meron man, edi masaya." I grinned. "Oh sya, mauna na ako sayo. Ingat sa pagdadrive." Saad ko kay Misha at tinalikuran na ito para tahakin na ang daan patungo sa Inuupahan ko.

•••

Madilim na mashado at sobrang lamig ng ihip ng hangin. Nasa bandang playground na ako. Wala masyadong bahay dito dahil sa playground nga. Sanay na akong dumaan dito mag-isa.

Napapikit na lang ako ng biglang kumidlat ng napakalakas na halos ikinaputi ng buong paligid. Napalingon na lang ako ng biglang gumalaw ang sesaw ng walang katao-tao. Bigla na lang kumulog ng malakas na halos lumaas na ang puso ko sa aking lalamunan sa sobrang takot at kaba.

Putik naman oh! Multo layuan mo ako!

Bigla na lang akong nakarinig ng nagkalansingang mga bakal sa paligid na ikinamulat ko ulit. At nakita ko may anim na tao na nagsasagupaan, na puro may mga kakatwang suot. Ang tatlo ay naka-armour suit habang ang iba ay puro nakaitim.

Parang nabato ako sa aking kinatatayuan. May shooting ba dito ng di ko alam? Napalinga-linga naman ako pero walang ibang tao roon, maliban sa akin.

Unti-unting palapit ang anim sa akin habang walang tigil parin sila sa paghampas ng kanilang mga espada. Bigla na lang tumalon yung nakaitim at naglanding bigla sa tabi ko.

Agad na nanindig ang balahibo ko ng makita ko na mukhang hindi tao ang mga nakaitim at bigla na lang ako nitong marahas na hinawakan na ikinagulat naman ng mga naka-armour.

"Bitiwan mo ako!" Takot na piksi ko pero di man lang natinag ang may hawak sa akin.

Naramdaman ko nalang na biglang lumiwanag at pakiramdam ko ay hinihigop ako patungo sa kawalan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status