Share

Chapter 69

August's POV

Kinikilabutan ako habang nakatingin sa matayog na entrada ng Academy. Nakakabinging tunog ang nanggagaling dito dahil na rin sa malakas na pagbunggo ng mga orcs. Hindi ko alam kung ano ang gamit nila para gawin yun. Kahoy o mismong katawan nila? Hindi ko alam.

"Hindi tatagal ang harang kung patuloy yung pagbunggo nila." Saad ni Kaye na halata ang pag-aalala sa mukha nito.

"Alam ko. Kahit gaano pa katibay ang pundasyon, mababaklas pa rin yun sa desperadong mga orcs." Saad ko naman na may halong hugot. Ganun talaga eh, anong panama ng maganda sa desperadang malandi? Hahaha.

Pero bago pa makapagreak ang iba ay biglang kumalabog ang harang at lumangitngit ito ng malakas kasabay ng pagkatumba nito at lumikha ito ng nakakabinging ingay at makapal na alikabok.

Napapikit ako dahil muntikan na akong napuwing. Agad naman na humarang si Angel Grace at gumawa ito ng shield para hindi kami patuloy na tamaan ng mga nakakapuwing na alikabok dahil baka habang nakapikit kami ay umatake na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status