Share

Chapter 1

Currently in Earth...

August's POV

"Nasaan na ba yun?" Usal ko habang nakayuko ako sa damuhan at hinahanap ko ang gift certificate na nilipad ng hangin kanina. Sa sobrang tuwa ko kasi ng nakatanggap ako ay di ko na nilubayan ng tingin ang GC at hangang sa nilipad ito ng hangin at nandito na ako sa tagong bahagi ng parke.

"Kailangan kong mahanap ka, sayang naman, gagamitin kita para sa grocery." Usal ko ulit. Don't be shock. Sanay ako na magsalita mag-isa. "Ouch, my back hurts." D***g ko at napahawak ako sa bewang ko.

"May nauna na pala sa 'tin." Dinig ko na saad ng isang lalaki.

Di ko na sila pinansin pa. They don't worth my time at mas mahalaga sa akin ang GC. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap at di ko tinapunan ng tingin ang kung sino mang bagong dating.

"Tsk. Miss, bastos mo naman para di kami pansinin." Saad nito.

Di ko alam kung ano ang kailangan nito ba't kailangan ko pa silang pansinin kaya tumigil ako sa paghahanap at humarap ako sa kanila. Tiningnan ko lang sila. Di ako umimik dahil wala naman ako dapat sabihin.

"Wow..."

"She's so pretty..."

"Angel..."

Di ko marinig mga sinasabi nila dahil parang mga bulong lang ang mga ito. Pero yung mga mukha nila ay parang mga timang na nakatitig sa akin at namumula.

"Miss, why are you alone?" Tanong nito na pakiramdam ko ay nagbago ang pakikitungo nito. Kanina kasi ay halatang maangas ito.

"Don't bother me." Sagot ko at tinalikuran na sila at patuloy akong naghanap. Nasan ba kasi yun?

"You're looking for something?" Biglang tanong nito at di ko namalayan na malapit na pala ito sa akin.

Di ba halata? Alangan naman nagsasight-seeing ako diba? Minsan din talaga may kabobohan ang tao.

"I am really in a foul mood right now so piss off." Nauubos na pasensya ko sa mga h*******k na ito.

Biglang nagtawanan ang mga ito na parang nakarinig ito ng isang bagay na nakakatawa. Or for short mga baliw na siguro ang mga taong to.

"Ang cute naman! Why don't you hangout with us instead? A pretty girl like you shouldn't be hanging out in this kind of place." Saad nito at bigla akong inakbayan.

Fuckin asshole! That's it! Bigla na lang dumilim ang paningin ko. How dare this crap! Walang sabi sabi ay pinalipad ko na ang kamao ko at tinamaan ito sa panga at tumilapon ito sa damuhan. Wag kayo magtaka, I am too strong for an ordinary person. I am the fearsome gang leader in the city.

"You dared to touch me with your dirty fingers! This day is you funeral!" Without hesitation, I went berserk and rained down some kick and punch for the three stoogies.

Kablaggh...

Boogsh..

Pak! Ganern!

Tumigil na ako dahil tila di na gumagalaw ang mga ito. But I am sure naman na buhay pa ang mga ito. Ika nga, ang masasamang damo di madaling mamatay. Nagpatuloy na ako sa paghahanap kesa sayangin ang oras ko sa mga to.

"August!!!!!!! Anyare?" Sugod tanong naman ni Misha sa akin.

Napalingon naman ako dito at nakita ko na hinihingal ito. Malamang tumakbo na naman ito patungo rito. "I lost something." Maikling saad ko.

"What is it?" May pagdududang tanong nito. Kilalang kilala ako nito mula ulo hangang paa, from north to south and east to west. Ganun! I am not rich. I am an orphan that was only supported by the government to have education. I live in an almost wreck apartment dahil yun lang din naman ang kaya kong bayaran. I got no belongings but just 2 sets of uniforms and few clothes. Ganyan ako kahirap.

"I lost my GC. I need it to buy 100's of noodles." Seryosong sagot ko. It is a matter of life and death. Food is really the most important thing in my being.

Napafacepalm naman si Misha. I know she finds it too lame, but she also knows me. Food is both my weakness and strong point.

"You know I can buy you even a swimming pool of noodles." Saad nito tsaka napatingin sa paligid. "Aren't you afraid of this creepy place?-oh my god! Are those corpse?!" Hindik na saad nito.

I just rolled my eyes. Why is she so overreacting. Does it make her cute? It is really pathetic. "Stop that, they are just some retards who received a beating from me." Sagot ko na lang. "And can you help me here? I'm gonna go crazy if I will not find it." Nakasimangot na saad ko sa kanya.

Napataas naman ito ng kilay. "Did they hit on you? Serves them right" komento naman nito na nakatingin sa mga nakahandusay na ngayon ay unti-unti ng gumagalaw.

"Are you just going to blab there?" Saad ko na may halong inis.

"Hey! Did you just call me to find your friggin' GC?" OA na tanong nito. "Wait, why don't we let them find it for us? They seem to love doing it." She said darkly with a smile on her face.

Namutla naman ang tatlo ng makita si Misha. Misha and her evil side.

"Oo nga no?" Sang-ayon ko naman. Bakit di ko yun naisip kaagad? Sinamaan ko ng tingin ang tatlo at parang mga tuta itong nanginig at agad na nahanap. Umupo na lang ako sa bench, sakit ng likod ko sa kakayuko. Tumabi naman sa akin si Misha na pormang porma.

"What a lovely day. Gusto mo mamasyal tayo mamaya?" Pahumhum pa na tanong nito sa akin.

Napaisip naman ako. Kung walang maghahamon sa akin mamaya pwedi naman. "Sure, if there is no fight, then I am good as green." Sagot ko naman. Halos gabi-gabi kasi ay may naghahamon sa akin ng duelo na di ko naman inaatrasan. Malaki din kinikita ko dun dahil may pustahan and winner takes all! Kaya naman todo effort ako para di ako mawalan ng pera.

"Mukang wala naman maghahamon sa iyo. Natalo mo na 'ata mga gang leader dito sa buong syudad. Baliw na sila kung uulit pa." Anito sabay hikab pa na akala mo buong magdamag na gising kaya walang tulog.

"Di naman pwede yun. Mawawalan naman ako ng kita nun." Bara ko naman. Porke kasi mayaman ito kaya dali-dali nitong sabihin nun. Nagtataka nga ako kung bakit naging kaibigan ko si Misha samantalang ang yaman yaman nito, tapos ako ulila at mahirap. Galing lang ako sa isang orphanage at ng matapos ko ang high school ay nagpasya na akong lumabas sa orphanage. I am now college, with a scholarship dahil valedictorian ako.

"I know, I know. Pero kelan ka ba titigil sa pakikipagbuno sa mga gang leader? Mag-artista ka na lang kaya?" Saad nito. Mukang desidido ito na patigilin ako sa gang fight.

"Ayokong maging artista. Wala man lang kaprebaprebado ang buhay. Open book masyado. Tsaka di naman ako habang buhay yan gagawin ko. Marami akong plano." Sagot ko naman. Mga suhestyon ni Misha ay talagang walang kakwenta-kwenta.

"Ah, ang cute ng idol ko!!" Biglang tili nito na tila kinikilig habang nagkakalikot sa phone nito. Malamang nag-iinstagram na naman ito. Adik eh.

"Patingin nga." At parang adik din ako ahahaha. Nakita ko na tinitingnan nito ang isang lalaking mukhang modelo o artista. He looks like a western man. At labas abs.

"Ang gwapo niya no? Ang yummy pa ng body!" Parang pusang nagtitili ito.

May sayad ang babaeng ito eh. Makakita lang ng gwapo parang baliw na. Buti pa ako, behave mashado.

"B-boss, ito na po ba yun?" Namumutlang biglang tanong ng lalaking inutusan namin sa paghahanap ng GC.

Agad naman akong napadako ng tingin sa kamay nito. And boom, hawak-hawak nga niya ang mahalaga kong GC. "Yes!" Ngiting-ngiti na tinanggap ang GC at agad na nagpulasan papalayo ang mga lalaki. Takot 'atang magbago ang isip ko at gawin silang alila ko eh. Hehehe.

"Tara na nga." Yaya sa akin ni Misha.

•••

Ang paligid ay napapalibutan ng mga alitaptap kaya kahit gabi ay maganda pa rin tingnan. Nagtataka ako kung nasaan ako. The place is not familiar. I can see a lake and a tree that blooms pink or white leaves, di ako sure dun. May mga bulaklak din doon pero di ko mashadong maappreciate dahil sa gabi nga pero mukha naman magaganda.

Naglakad-lakad ako pero bigla na lang akong may nakitang babae sa malayo na kakatwa ang damit. Parang chinese kimono ang suot nito.

Agad akong napatago sa himpil ng malalagong bulaklak dun. Parang natatakot ako na makita niya. Pero sumilip uli ako. Di ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito sa akin pero nakaharap ito sa lawa at parang nagsasalita ng mag-isa. Biglang may hinubad ito na isang kuwintas o medalyon at isang nakakabinging katahimikan ay bigla na lang umihip ang malamig na hangin at inihulog ng babae ang medalyon sa lawa.

May dumating ulit na isang babae. Mukhang medyo may edad ito at mukhang galit ito pero nagpipigil. Di ko marinig ang pinag-uusapan nila dahil sa sobrang hina ng boses nila. Pero batid ko na mukhang may malaking problema ang babae.

Aalis na sana ako ng biglang pumihit ang babae at nakita ko ang kanyang mukha.

Para akong itinulos sa aking pinagtataguan. The girl I am seeing is me. Ako yung babae pero pano nangyari?

'Tiktilaoook!'

'Tiktilaoook!'

Huh? Manok?

Nagising na lang ako sa aking alarm clock na sobrang ingay. Tunog manok ito at nakamax level pa para siguradong gising ako. Akmang papatayin ko na sana ang alarm clock ng mapansin ko ang kamay ko na tila may hinahawakan.

Isang medalyon.

*kurap-kurap*

Isang medalyon.

*kurap-kurap ulit*

Isang medalyon pa rin.

Nanlaki ang aking mga mata. It is a golden medallion! A freaking golden medallion. Ang mahal nito kung ibebenta to. Pero san galing ito?

"San ka galing?" Naitanong ko na lang. Asa ko naman na may sasagot sa tanong ko na iyon. Wala naman akong maalala na may nagbigay o mas lalong di ko naman ito ninakaw! Basagulera ako pero di naman ako magnanakaw noh!

Pero di kaya isang tooth fairy o si Santa Claus naglagay? Malayo pa christmas at wala ring ngipin sa ilalim ng aking unan.

"My goodness, wherever you came from, finders keepers still." Nangingiti ko na saad at isinuot na ang medalyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status