Share

Kabanata IX

Lucas' POV

Isang malalim na pag hinga ang ginawa ko bago ko napag desisyunang sagutin ang tanong niya, isa lang akong alipin na dapat sumagot sa bawat tanong ng master. "Hindi ako lumaki sa isang bahay kung saan may nanay at tatay. Meron lang akong tatay na lasinggero at manunugal. Nagsimula iyon noong mamatay ang nanay ko, sa tuwing titignan niya ako ay naalala daw niya ang asawa niya. " Tumigil ako saglit para huminga.

"Para bang biglang may naputol na kung ano sa isip niya at biglang nag dilim ang lahat para sa kaniya. Binugbog niya ako nang araw na 'yon at naulit pa nang naulit hanggang sa sinubukan kong tumakas pero nahuli pa rin niya ako." Walang galit o halong inis man lang sa boses ko, patay naman na siya, hindi na niya ako gagambalain pa.

"Simula noon ay kinadena na niya ang paa ko na limitado lamang sa loob ng kwartong walang bintana at hindi napapasukan ng sinag araw. Walang higaan o kumot kaya tanging malamig na sahig lang ang pag pipilian ko, kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status