Share

Kabanata XCV

Third Person's POV

Matapos ang preparasyon nilang apat ay agad din silang nagtungo sa ampunan upang sunduin si Ambriel at iuwi sa bago niyang tahanan.

Malayo-layo ang kanilang biyahe dahil medyo liblib ang lugar at hindi talaga madaling matahak ng kahit na sino maliban na lamang kung alam mo ang lugar at may mataas kang ranggo sa mundong ito.

Si Fenrill ang nagmamaneho ng sasakyan nila habang nasa likod naman ang dalawa at sa tabi naman ni Fenrill si Lucas. Tahimik at nakangiting pinanonood ang tanawin mula sa kaniyang gilid na bintana.

Tahimik ding pinagmamasadan ng dalawang binata ang daang kanilang tinatahak at pinag-aaralang mabuti ang mga nililikuang kalsada.

Dahil sa hindi sila pamilyar sa daan ay gusto nila itong memoryahin para sa dagdag kaalaman nila, iniisip nilang maaaring magamit ang lugar na ito ay kahit mabanggit man lang sa mga susunod pa nilang usapin kasama ang mga matatandang kasosyo.

Bukod sa puro puno ang makikita sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status