Share

Chapter 5: Assassin's Mission

Chapter 5

Assassin’s Mission

* * *

Gracious Grace Moncatar

WE GATHERED inside the Convention Hall of Black Eagle Organization. Kanya-kanya kaming humila ng upuan namin na nasa harap ng mahabang mesa. Pagkatapos ay inayos ng bawat isa ang microphone na nasa harap ng bawat upuan. The long table is filled with skillful assassins. The four corners of the room were filled with tensions of silence. Ang mga beteranong assassins lang ang pinatawag kaya may disiplina sa sarili at ugali. Hindi tulad ng mga baguhan na kuda at reklamo lang ang alam. Hindi naman maayos ang trabaho, palaging palpak.

I don’t have a clue why the leader of the organization called us here. May importante raw itong sasabihin at kailangang grupo ang gagawa ng misyon, iyon ang narinig kong usap-usapan kanina. The mission is very important and need to do it as soon as possible. Interesting.

Sino kaya ang nagpa-request? At sino ang i-assassinate na kailangang grupo ang gumawa? This is new to me.

Hindi ko alam kung bakit dumagundong sa pagtibok ang aking dibdib, na-e-excite rin ako. The more serious and dangerous the mission, the more excitement I felt.

My brows arched when their eyes taunted me. “What are you looking at?” I asked in a flat tone, hindi pa rin maalis ang arko ng aking kilay habang nakatingin sa kanila.

“Do you have any idea why the leader gathered us here?” Lady Angela asked me in a shaggy tone, leaning her back on the wooden chair, and crossing her arms in front of her chest. Hindi mawawala ang matalim na tingin niya sa akin.

“Do you think the leader has an attitude of spilling the tea with me?” I replied to her question in question sarcastically.

She just rolled her eyes and never replied. That’s good. Wala rin akong ganang makipagtalo sa kanya.

Wala kasi si Amir dito kaya may gana itong taray-tarayan ako. Si Amir lang naman katapat nito, parang santa kung nandito si Amir. Halatang hindi niya ako gusto, paano ba naman kasi may pagtingin siya kay Amir---sa best friend ko.

Lady Angela is good in making poison and good in seducing men but her charm won’t work on Amir. Her beauty is unique, and many men want to claim her innocence except Amir. We’re the same age, body build, and height. Kaya hindi ko siya masisi kung na-insecure siya sa akin dahil mas lamang ako sa kanya ng sampung paligo.

Tapos siya itong pinakamatagal makatapos sa kanyang misyon. Paano ba naman kasi seduce muna bago patay. Kaloka.

“Hoping that, sa misyon na ito mapili na ako na i-pares kay Amir. Magaling naman ako,” pag-d-deliryong wika ni Lady Angela na ikinaikot ng mata ko.

Nagpigil naman ng tawa ang iba naming kasamahan sa kanyang sinabi. Alam naming lahat ang kahibangan niya kay Amir. Kaya hindi na bago sa amin ang kanyang pag-de-deliryo. Pinilit niya nga dati ang leader na isama siya kay Amir sa China dahil mas madali raw ang trabaho pero tumanggi si Amir at maging ang lider ng organisasyon. Wala siyang magawa. ‘Buti nga sa kanya.

She flipped her golden brown long wavy hair when she saw our reaction.

“Mga epal,” nakasimangot na wika niya, binigyan pa kami ng nakakasamang tingin.

“Epal your f–”

Dumating na ang lider ng organisasyon kasama si Amir kaya hindi natapos ang salita ni Precious, isa ring magaling na sniper sa organisasyon–hindi lang sniper, magaling din itong driver. Lahat ng tricks sa pagmamaneho ay alam niya, siya nga itong nagturo sa akin sa mga pasikot-sikot kung paano lusutan ang kalaban kung ikaw ay maipit.

Tumayo kaming lahat nang tumikhim ang lider ng organisasyon. Tikhim na ikatilop ng lahat maliban sa akin. I am obedient but stubborn. At hindi uubra sa akin ang tikhim gusto ko labanan agad. Pero kapag bumati ako sa lider, siyempre tumayo ako. Nirerespeto ko siya bilang lider namin.

“Good morning, sir!” we said in chorus and bowed our heads. Yes, I greeted him too. We respect our leader, of course. Hindi kami mga taga-kanto na assassins na walang manners. We are professional assassins.

Sumenyas siyang umupo sa amin nang makaupo na siya sa kanyang upuan. Sumunod kami sa senyas niya.

Magkaharap kaming dalawa ng lider dahil nasa magkabilang dulo kami ng mahabang mesa nakaupo. When our gape met, I felt cold in his stare. His face is gloomy today. I don’t know why, related kaya ito sa misyon ang pagiging badtrip niya?

‘Huwag naman sana,’ wika ko sa aking isipan. Dahil baka ako naman ang mapagbuntungan niya ng kanyang ka-bad-trip-an.

“Amir, Angela, Precious, and Ace can’t take this mission,” he started talking.

Napatayo ako dahil sa sinabi niya. Napatingin naman ang lahat sa akin. Naramdaman kong hinawakan ni Amir ang braso ko para paupuin pero tinaboy ko ang kamay niya.

Hindi ko alam bakit, exempted ako sa bagong misyon. May kinalaman ba ito sa personal naming problema?

“Why I am exempted?” I asked seriously. Itinukod ko ang aking dalawang palad sa mesa habang nakatitig ng seryoso sa lider ng organisasyon. The tension of our gaze won’t be cut by anyone else.

“Because I have a secret mission for the four of you, Ace.” Sumenyas siya sa aking umupo na at huwag nang maging magulo pero hindi ako umupo. Nanatili ako sa p’westo ko.

“Why do four of us take this mission? Why not just me? I can handle it without the help of the others.”

“Sit down, I don’t want to argue with you right now. Let’s talk about it later.”

Nakasimangot akong sumunod, ayaw ko rin makipag-argue sa kanya. Tamad akong makipag-away pero kating-kati na ang dila kong malaman ang sekretong misyon na tinutukoy niya.

“Ace, you’re so stubborn. Lagi mo na lang hindi pinapatapos mag-explain si Sir,” mahinang wika ni Amir sa akin.

“Don’t talk to me, Amir. I’m in a bad mood.” I crossed my legs beneath the table and crossed my arms in front of my chest. I also closed my eyes after I replied.

Thank God, he listens to my favor.

Hindi ko lang tanggap na exempted ako sa bagong misyon na ipagawa ng lider. Akala ko wala akong matanggap na misyon. Ano pa ang k’wenta ng pagpunta ko rito sa convention kung exempted naman ako ‘di ba?

Ano kaya ang secret mission na ipagawa ng lider sa mga exempted na tulad namin?

“Okay, listen. Let’s get to the point. We have two missions to do tomorrow. Those people who aren’t exempted, this is your mission…” he halted.

Naramdaman kong tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa malapad na monitor na nasa dingding. Nanatili akong nakapikit, hindi naman ako kasali sa misyon na iyon kaya okay lang na hindi ko tingnan ang nasa monitor.

“…you will assassinate the kidnappers and save the children they abducted. This is the kidnappers, memorize their physical features.”

“How about the second mission?” tanong ko. P’wede na ako magtanong, total nasabi niya na ang unang misyon.

Napadilat ako at tumitig sa wide screen na nasa dingding. I saw a lot of different faces of the kidnappers. They have a lot of piercings on their face. So gross, eww.

“Pass the folders, and memorize every detail,” the leader ordered. May binigay siyang folder sa ibabaw ng mesa. Pinasa-pasa ng mga kasamahan ko hanggang sa lahat ay mayroon nang hawak.

Hindi niya pinansin ang tanong ko. Whatever!

Tahimik lang na binuklat ng mga kasamahan ko ang folder na hawak nila. Kunsabagay, ako lang ang kayang kalabanin ang lider. Hindi ako takot sa parusa ‘no.

May parusa kasi kung putulin ang salita ng lider ng organisasyon, dapat patapusin muna siya magpaliwanag bago ka magtanong o magsalita. The punishment is to clean the underground and all the weapons we used for an assassination. It’s a part of training and lessons to us an assassin, teaching us some responsibility and modesty.

Well, that punishment won’t work on me. Tinatakasan ko lagi ang parusang iyan. Walang magawa ang lider. Pero sermon ang abot ko, okay lang… at least takasan ang parusa. I can train myself without defending others. I just observed my father when he trained himself. That’s why I learned his unique movements and practiced them on my own.

Tinanggap ko na lang ang folder na pinasa sa akin at binuklat din iyon.

Black folder, huh? A black folder means it’s a special mission. I guess V.I.P. people requested this.

Assassinating kidnappers, eh? So boring but saving children is damn heroic. Great.

Gusto ko man tumulong pero exempted ako sa misyon na ito. Sorry, kiddo. Magagawa naman iyan ng maayos ng mga kasamahan ko. I trusted their skills.

Ano kaya ang ikalawang misyon? I’m eager to know the second mission.

Lahat ng impormasyon ng mga kidnappers ay nasa loob ng folder. Gano’n din ang mga mukha ng mga bata na kinidnap nila, at ang impormasyon ng nagpa-resquest.

Walang gana kong tiniklop ang folder. Hindi ako interesado kung hindi ko misyon. Wala akong balak pag-aralan.

“You’re going to the nest of the kidnappers. So… be alert. Don’t get caught and accomplish this mission cleanly as soon as possible. Clear?”

“Yes, sir.” Tumayo sila at nagsaludo sa lider ng organisasyon, kaming apat lang ang natirang nakaupo sa aming upuan.

“Okay, save your strength for tomorrow, you’re all dismissed… except the four of you,” sabay turo sa aming apat.

Tumango sila at tahimik na nilisan ang silid dala ang folder na binigay ng lider, naiwan naman kaming lima sa loob.

I yawned soundly to break the silent atmosphere. “What’s the secret mission you’re talking about earlier?” I asked, leaning forward, and clasping my hands on the table.

“To assassinate this man.” Tinuro niya ang monitor na kung saan lumabas ang mukha ng matandang lalaki pero ang mata niya ay pamilyar sa akin.

“That old man? Who is he?” maarteng tanong ni Angela.

“He’s the current mayor of Samarra City,” Amir replied.

“Yes, Amir was right,” the leader seconded.

S-Samarra City? Our old place.

When I heard the name of the city, all happy and tragic memories started to flashback in my head. My emotions became wild. My heart started pumping crazily. I don’t know why.

“So… four of us will assassinate him? I can handle him,” Precious said, full of arrogance in her voice.

She’s telling the truth anyway. She can handle assassinating the old man alone. Even me, I can handle him. Pero hindi ko nasabi dahil biglang kinalawang ang dila ko nang marinig ko ang dati naming lugar.

I rested my back on the chair comfortably. “I agreed with Precious words. Oh, what is his name, sir? I can’t wait to see his personal information,” I said plainly.

“Amir, give the black folders to them,” utos ng lider na agad na sinunod ni Amir.

Walang imik naming tinanggap ang itim na folder at agad na binuklat. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang kanyang pangalan, kasabay no’n ay pagtambol ng aking puso. Nanlamig rin ang buo kong katawan.

“Victorino Tinsmith S-Sabio…” I murmured. Ang apelyido niya ang tumatak sa aking isip.

Halos magusot na ang folder na hawak ko sa sobrang higpit kong pagkakahawak. Ngitngit ang ngipin kong pinag-aralan ang impormasyon na tungkol sa kanya.

Ito kaya ang dahilan kong bakit madilim ang mukha ng aking ama kanina?

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko na ikabalik ng sistema ko. It’s my dad. Hindi ko namalayan ang presensya niya dahil maraming pumapasok sa isipan ko.

“Kailangang apat kayo ang mag-trabaho sa misyong ito,” seryosong wika niya, hindi pa rin inalis ang pagkahawak sa balikat ko.

“This man has a lot of skillful bodyguards at his house. Even his maids are good in martial arts. That’s why the four of you will be working together,” he added, taking his hands away from my shoulder.

Lumakad na siya pabalik sa kanyang upuan. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Alam ko kung may ibig sabihin ang paghawak niya sa aking balikat. Alam niya ang takbo ng utak ko.

May alam kaya siya sa mga natuklasan kong impormasyon tungkol sa mga Sabio? Nahalata niya kaya na pumunta ako sa k’warto niya last time?

This mission is an advantage to kill one of the members of the Sabio family. I can give justice to my mom. Sino kaya ang nagpa-request nito?

“I will do this mission alone, sir.” Tumayo ako sa kinauupuan ko. Napatingin naman silang apat sa akin, halata sa mata nila na tutol sila sa sinabi ko.

Kailangan kong ako lang ang gagawa sa misyong ito. This is my timing and I won’t let it slide. Dapat makumbinsi ko sila na ako lang ang gagawa sa misyong ito.

“Why would I allow you? Apat kayo ang nakaatas dito kaya apat kayo ang gagawa. That’s my final decision,” matigas na wika ng aking ama.

Nakita kong kinuyom nito ang kanyang kamay sa ibabaw ng mesa. His face was still gloomy and serious.

“Sir, let me do it… pleas–”

“Ace, stop it. I said I won’t allow you. Period. Dismissed.” Tumayo na siya at mabilis na hinakbang ang paa malapit sa pinto.

“Why? This is the first time that you assigned a group of assassins to assassinate someone. What are you afraid of, Dad?”

Hindi niya pinansin ang tanong ko, diretso niya lang na pinihit ang doorknob. Halatang iniiwasan niya ang possibleng mangyari. Iniiwasan niya ako. Pero bago pa siya makalabas ay nagsalita ko.

“Sabio is connected to my mother’s death. So… that is why you didn’t allow me to take this mission alone, I am right… Dad?”

Nanlumo akong umupo dahil hindi niya pinansin ang sinabi ko. This time, susuwayin ko siya. Naramdaman kong hinawakan ni Amir ang kamay ko, pinisil niya ito. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga.

“Ace, you triggered your father again. Huwag kang magpadalos-dalos. Even me, I won’t allow you to take this kind of mission alone,” wika ni Amir na ikinaiinis ko.

“Cut your tongue, Amir.” Itinaboy ko ang kanyang kamay at inis na tumayo. Napatingin ako sa dalawa, binalik agad nila ang tingin sa folder na hawak nila nang mabigyan ko sila ng matalim na tingin.

“I will assassinate him no matter what. You will support me if I need something,” seryosong wika ko bago sila tinalikuran.

“Ace, don’t be selfish,” narinig kong wika ni Precious.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Precious. Wala akong pakialam, selfish na kung selfish basta ako ang mag-assassinate kay Victorino Tinsmith Sabio. Period.

“Kahit hindi mo pa sabihin, alam na namin ang binabalak mo. Basta ako, I am out of this mission but I will support you. I will teach you how to seduce this man, Ace. I am willing to help you.”

“Damn! You’re tolerating her, Angela!” saway ni Precious kay Angela.

“At ano ang gusto mong gawin ko? Aagawin kay Ace ang korona? Ayaw ko pang mamatay ‘no. Pero kung si Amir ang agawin ni Ace sa akin. Nah. I will shred my blood to fight with Ace.”

“Shut up, both of you…” malumanay na wika ni Amir na ikinatatahimik nila.

“Thanks.” Tumigil ako sa harap ng pinto pero hindi ko sila binigyan ng tingin.

“Ace… don’t act recklessly,” Amir warned.

“Amir, you’re going to be the planner. Send your best plan via mail. Precious, you’re going to be the driver. And, Angela… give me some tips on how to seduce a man. Okay?” agad kong pinihit ang doorknob pagkatapos kong magsalita. Pero bago ako makalabas ng convention ay nagsalita ulit ako.

“If you spill the tea to anyone, I won’t hesitate to slit your throat. Got it?”

* * *

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status