The Billionaire's Bride Secret Husband

The Billionaire's Bride Secret Husband

last updateÚltima atualização : 2026-05-28
Por:  Emerald GreeneAtualizado agora
Idioma: Filipino
goodnovel18goodnovel
Classificações insuficientes
3Capítulos
0visualizações
Ler
Adicionar à biblioteca

Compartilhar:  

Denunciar
Visão geral
Catálogo
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP

Isang construction worker at isang CEO, langit at lupa, kahirapan at karangyaan. May mabubuo bang pag-ibig sa pagitan ng dalawang tao na malayo ang agwat ng estado sa buhay? O mababago niyon kung puso na ang magdidikta?

Ver mais

Capítulo 1

Chapter 1

Pagkatapos ng trabaho, bumalik si Kenneth sa dormitoryo ng construction site. Pagkalipas ng limang minuto, lumabas siya ng banyo na tila ibang tao na.

May taas siyang humigit-kumulang 1.8 metro, nakasuot ng mamahaling polo at pantalon, pati imported na leather shoes. Ang maikli niyang buhok, halos isang pulgada lang ang haba, ay maayos na nakatayo kaya mukha siyang isang celebrity.

“Sandali lang ang lumipas at bihis ka na agad?” walang masabing tanong ng kasama niyang si Ronald.

“Kung may nakatutok na baril sa’yo, siguradong mapapabilis ka rin. Kayang-kaya mong pantayan ang bilis ko.”

Sanay na si Ronald sa mga kabaliwan ni Kenneth. Halos kalahating taon na itong nagtatrabaho sa construction site, pero kung anu-anong kuwento ang sinasabi— minsan hitman daw siya, minsan bodyguard, at minsan nakapunta raw siya sa mahigit sampung bansa sa Europa, at minsan naman ay nakaranas na raw siya ng kagandahan ng mga babae mula sa sampung iba’t ibang bansa.

Ang pinakagrabe pa, sinabi niyang minsan na raw siyang nabuhay matapos mailibing sa ilalim ng lupa nang isang buwan.

Kung ganoon siya kagaling, bakit siya nagtatrabaho bilang construction worker sa Ramirez Corporation?

Pareho lang naman silang ordinaryong construction worker. Ang isang hampaslupang trabahador na nagsasabing nakaranas na siya ng mga babae mula sa sampung bansa? Kahit sino’y mahihirapang maniwala roon.

Sa kabutihang-palad, bukod sa paminsan-minsang pagiging delusional, mabuti naman ang ugali ni Kenneth. Mapagbigay siya, tapat, at mabait sa mga kaibigan.

Katulad ngayon—nabanggit ni Ronald na hindi pa siya nakakapasok sa El Grande Hotel kaya sinabi ni Kenneth na may kaklase siyang ikakasal doon at isinama siya.

Ang El Grande Hotel ang pinakamarangyang hotel sa Marilas City, at ngayong gabi ay naka-book ang buong hotel dahil gaganapin doon ang kasal nina Clarissa Ramirez, presidente ng Ramirez Corporation, at Marlon Cruz, CEO ng Cruz Empire. Ang kasalang ito ay pinakamalaking balita sa buong Marilas City.

Kapag pinag-uusapan ang Ramirez Corporation, imposibleng hindi mabanggit si Clarissa Ramirez. Sa mata ng lahat ng binatang lalaki sa Marilas City, siya ang perpektong halimbawa ng isang “maganda, mayaman, at matalino.” Siya rin ang nag-iisang anak na babae ng CEO ng Ramirez Corporation na si Arnold Ramirez.

Si Clarissa ang magmamana ng lahat kaya ang mapangasawa siya ay parang pagmamay-ari na rin ang buong Ramirez Corporation.

Napakaraming mayayaman at makapangyarihang lalaki ang nanligaw sa kanya, ngunit sa huli ay si Marlon Cruz ang nagwagi.

Gayunpaman, walang kinalaman sa kanila si Kenneth. Hindi nga niya kilala si Clarissa. Sinabi niya lang iyon para makakain ng libre.

“Kenneth, kilala mo ba talaga si Clarissa Ramirez?” tanong ni Ronald, halatang ayaw niya pa ring maniwala.

Ang isa ay presidente ng isang nangungunang kumpanya, habang ang isa naman ay isang construction worker lang sa isa sa mga proyekto nito. Napakalayo ng agwat ng kanilang katayuan kaya mahirap isipin na magkakilala sila.

“Magkaklase kami noong elementarya.”

“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa kanya para makahanap ng trabaho?” palaisipang tanong ni Ronald.

Kung may kakilala kang ganoon kataas ang posisyon, madali kang mabibigyan ng magaan na trabaho kaysa magbabad sa construction site.

“Gusto ko talaga ang trabahong ito. Isipin mo, nakakagawa ka ng mga skyscraper gamit ang sarili mong mga kamay, ang sarap sa pakiramdam!” sagot naman ni Kenneth habang tumitingala sa langit na may pagmamalaking bakas sa mukha.

“Kalokohan.”

Pumasok ang dalawa sa loob at nang magsasara na sana ang elevator, isang matamis na boses ng babae ang sumigaw, “Sandali!”

Isang babaeng naka-high heels na may makintab na dekorasyon, matangkad siya at mahaba ang bahagyang kulot na buhok, at pulang salamin ang mabilis na pumasok. Nakasuot ng itim na evening dress. Ang kanyang mga mata ay parang malinaw na tubig sa ilog, ang kanyang mga kilay ay pino at maayos, matangos ang ilong, at ang mapupulang labi ay nagbibigay ng mapang-akit na alindog. Ang kanyang tindig at kagandahan ay kapansin-pansin.

“Miss ganda, anong floor kayo?” nakangiting bati ni Ronald.

Payat at maliit si Ronald, mukhang kulang sa nutrisyon. Pero dahil hindi naman ganoon ka-matured ang mukha niya ay mukha siyang inosente at bata sa tabi ng babae.

“Eighth floor, salamat,” mahinahong sagot ng babae, walang bahid ng kayabangan ang kanyang tono.

“Pupunta rin kayo sa kasal?”

“Kaklase ko si Clarissa,” sagot ng babae.

“Kaibigan ka rin pala ni Clarissa? Ang liit ng mundo, kaklase rin siya ng kaibigan ko.”

Doon lang napansin ng babae si Kenneth sa tabi ni Ronald, at lihim na namangha ang babae.

Napakaganda ng dating ng lalaking ito ang nasa isipan ng babae. Matangkad, malinis ang mukha, at may kakaibang awra. Natatakpan ng kanyang suot na salamin ang mabagsik at dominante niyang presensya, kaya nagmumukha siyang elegante pero makapangyarihan.

Tumingin si Ronald kay Kenneth at pagkatapos ay sa magandang babae sa tabi nito, at biglang naisip na bagay na bagay silang dalawa.

Siyempre, kung hindi isasama ang trabaho ni Kenneth.

“Ako si Mariel Cariaso, natutuwa akong makilala ka,” pagpapakilala ng babae.

“Ako naman si Keneth Manalo. Laging nanalo sa kagwapuhan.”

“Ang funny mo naman, Kenneth.” Bahagyang namula si Mariel habang ipinapakita ang mapuputi niyang ngipin. “Nga pala, Kenneth, kailan kayo naging magkaklase ni Clarissa?”

“Noong elementarya.”

“Nag-aral ka rin sa Magdalo Academy?” gulat na tanong Mariel. “Ako rin ah, bakit hindi kita kilala?”

“Noon kasi ang pangit ko pa. Hindi talaga ako kapansin-pansin.”

“Anong section mo noon?”

“Ah, a-ano... Nandito na tayo sa eighth floor! Labas na tayo!” mabilis na palusot ni Kenneth habang pinapauna sila.

“Tabi ba tayo mamaya?” alok ni Mariel.

“May usapan na kami ng mga kaibigan ko. Pero pagkatapos kumain, ililibre ka namin ng maiinom!” pagsisinungaling pa ni Kenneth.

“Deal.”

Pagkasabi niyon ay umalis si Mariel habang marahang umiindayog ang kanyang balingkinitang baywang at hubog na balakang sa bawat hakbang ng kanyang high heels.

Napabuntong-hininga si Kenneth. Muntik na siyang mabuko. Gusto talaga niyang sapakin si Ronald. Bakit pa kasi kailangang kausapin niya pa ang babaeng iyon?

Punong-puno ng tao ang buong bulwagan, daan-daang mesa ang nakahanda, at napakalaki ng engrandeng pagtitipon.

“Saan tayo uupo, Kenneth?”

Dahil sa pagdating ni Mariel ay nagulo ang plano ni Kenneth. Kapag tinanong nito si Clarissa ay siguradong malalaman nito na nagsinungaling siya. Ang pinakamahalagang gawin ngayon ay humanap ng maliit na private room para hindi sila makita ni Mariel at makaalis agad pagkatapos kumain.

Maraming tao ang dumalo sa handaan—imposibleng isa-isahin niya ang lahat, hindi ba?

Pagdating naman ni Mariel sa eighth floor, agad niyang nakita si Clarissa sa isang private room na napapalibutan ng maraming tao, parang isang prinsesa at dali-dali siyang lumapit dito.

“Ang ganda naman ng bride! Naiinggit ako!”

Nakasuot si Clarissa ng isang modern wedding dress. Lantad ang kanyang leeg at balikat, at natatakpan ng manipis na belo ang kanyang mukha na nagbibigay sa kanya ng misteryoso at kaakit-akit na anyo. Magaan lamang ang kanyang makeup—halos hindi mapansin kung hindi titingnang mabuti. Ngunit may bahid ng lungkot sa kanyang mga mata, taliwas sa masayang ngiti ng ibang bride.

“Nag-iisa ka na naman. Talagang nadidismaya ako sa’yo,” kunwaring inis na sabi ni Clarissa.

“May gana ka pang sabihin ’yan? May tinatago kang gwapong kaklase at hindi mo pa ipinakilala sa akin! Hindi na tayo magkaibigan!”

“Naku, ipinakilala ko na sa’yo lahat ng matinong lalaki pero wala ka namang nagugustuhan!”

Napailing na lang si Clarissa sa kanyang matalik na kaibigan. Napakarami na niyang ipinakilala rito, pero walang pumapasa sa standards nito. Ngayon, halos lahat ng tao sa kanilang social circle ay alam nang pihikan ito.

“May tinatago kang top-tier guy para sa sarili mo, ’no?” sabi ni Mariel habang nakataas ang kilay. “Sabihin mo nga ang totoo, may backup rich handsome guy ka ba?”

Itinuro ni Clarissa ang lahat ng lalaki sa paligid. “Lahat ng kaibigan at kaklase ko nandito. Pumili ka ng gusto mo.”

“Paano naman si Kenneth Manalo? Huwag mong sabihing hindi mo siya kilala?” nakapameywang na tanong ni Mariel.

“Sinong Kenneth?”

“Iyong matangad at gwaopo. Kaklase mo raw noong elementary.”

“Ikaw lang ang elementary classmate na inimbitahan ko ngayon. Baka pinagloloko ka lang ng lalakeng iyon?”

Biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mariel . Naalala niya ang nangyari sa elevator at saka niya napagtanto. “Hala, Clarissa, mukhang may nakalusot na freeloader.”

Pagkarinig nito ay agad na napakunot-noo si Clarissa. “Kung makikikain lang sana, ayos lang. Pero natatakot akong may iba pa siyang pakay.”

Bilang presidente at susunod na tagapagmana ng Ramirez Corporation, likas na maingat si Clarissa. Pagkatapos mag-isip sandali ay saka siya nagsalita. “Magpapadala ako ng dalawang security guard. Hanapin mo siya, pero huwag ninyong guluhin ang mga bisita.”

“Hahanapin ko talaga siya at bubugbugin nang hindi siya makilala ng sarili niyang nanay!”

Parehong nahihiya at galit si Mariel. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nagkaroon siya ng interes sa isang lalaki pero nalaman niyang manloloko pala ito, kaya lalo siyang nainis.

Expandir
Próximo capítulo
Baixar

Último capítulo

Mais capítulos

Para os leitores

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Sem comentários
3 Capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status