Share

Kabanata 152

Author: LiLhyz
“Charlie? Anong ginagawa mo dito?” nagkrus si Taylor ng mga bisig niya sa kanyang dibdib. “Ang akala ko ba ayaw mo akong katabi dahil sa ama mo?”

Umirap si Charlie. “Hindi naman ako dapat matulog agad.”

Ngumuso siya at nagmakakaawang tinignan si Taylor habang nakataas ang libro niya. “Hindi ako makapag-aral.”

Niyakap ni Charlie si Taylor at bumulong, “Kailangan kita.”

Nasa Carrington Manor sila dahil ang pinakamagandang hotel sa Luxford ay hindi kayang i-accommodate ang buong pamilya King. Pagkatapos ng school assembly, sina Charles at Raelyn ay bumalik sa Dowerl City. Pero, ang pamilya ni Charlie, lalo na ang ama niya—ay may mga legal documents na kailangan pirmahan sa susunod na araw. Kaya, nanatili sila sa Luxford, at willing na inalok ni Savannah ang tirahan nila.

May kanya-kanyang mga kuwarto sina Charlie at mga kapatid niya. Ang ilang miyembro ng security team ay nanatili sa manor, habang ang iba naman ay nasa hotel.

Dinala niya ang management science book niya bago matulog
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 156

    Palapit na ang mga exam nila, kaya kailangan mag-aral ng mabuti nina Charlie at Taylor sa mga susunod na araw.Noong weekend, nag-aral sila ng mabuti ng magkasama. Nakahanda ang mga libro sa hapagkainan. Pareho silang may laptop at calculator. May mini-recorder si Charlie kung saan nakarecord ang lahat ng inaaral niya habang nagsusulat ng notes si Taylor sa papel.Paminsan-minsan, maiinis si Taylor at pupurihin si Charlie ng wala sa oras. “Puwede ba tumigil ka sa pagiging cute?”Charlie: “…”Guardian Angel: “…”Inner Devil: “At paano naman namin yan gagawin?”“Anong gusto mo gawin ko? Magtakip ng mukha?” reklamo ni Charlie at bumalik na siya sa pag-aaral.Kinalaunan, nagpahinga si Taylor sa pag-aaral at nag push-ups para manatiling gising. Wala siyang pang itaas ng gawin niya ito, at hindi mapigilan ni Charlie na tumitig. Sinabi niya, “Puwede ba tayong maghalikan sandali?”“Hindi!” sagot agad ni Taylor. “Kung maghahalikan tayo, hindi lang iyon ang gagawin natin.”Tumayo siya,

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 155

    Umangat ang score at naging 91-60, kung saan malaki ang lamang ng the Atomic Heat.Sinubukan ng the Wall Street Warriors na umiscore, pero nagawang agawin ni Taylor ang bola.Wala ng isang minuto ang natitira sa oras at sigurado na ang panalo ng the Atomic Heat, napagdesisyunan ni Taylor an maglaro. Kaysa tumakbo sa court, ngumisi siya ng tuso at ipinasa ang bola kay Charlie, na nakaupo sa labas ng court.“Taylor, pambihira, ano ito?!” nagulat si Charlie ng masalo niya ang bola.“I-shoot mo, Babe!” enganyo ni Taylor, at ang karamihan sa College of Business ay masayang nag cheer.“Charlie! Charlie!”Si Charlie, mga kaibigan niya at mga babae sa paligid nila ay nagtawanan. Tumakbo siya sa loob ng court at inihagis ang bola—tulad ng practice nina Carl at Taylor!Swish.Nashoot!Panandalian, naging tahimik sa gym.Pagkatapos, nagkagulo sila.Nagtawanan ang lahat.Halos mabasag ang eardrums nila sa sipol ng referee.Ang the Atomic Heat players? Halos mamatay na kakatawa.Sa ka

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 154

    Ang gym ay puno ng mga estudyante at fans, sabik na hinihintay na magsimula ang laban.Sa side ng the Atomic Heat, si Taylor at mga miyembro ng team niya ay nag wawarm-up drills.Mula sa midcourt line, nagdribble si Taylor papuntasa baseline at ipinasa ang bola sa wing player. Ang bawat teammate ay nagsalitan, paikot-ikot sa iba’t ibang posisyon at umiscore ng two-point shots.Para naman sa the Wall Street Warriors? Nasa kabilang side sila ng court, nag wawarm-up din.Mukhang determinado sila dahil sa bagong player, isang freshman na nagngangalang Noah. Siya ang pumalit sa puwesto ni Archie.Halos hindi tignan ni Luke si Taylor. Pero, sa oras na dumating si Charlie, nanatili ang titig niya sa kanya sandali. Panandaliang mukhang heartbroken si Luke, pero agad siyang nahimasmasan at bumalik sa practice drills.“Dapat ba akong maawa sa kanya?” naisip ni Taylor, pero tumawa siya sa loob-loob niya at sinabi, “Hinding-hindi dapat!”Hindi nagtagal, tinawag sila ng referee, inutusan sil

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 153

    Natawa si Charlie, niyakap niya si Taylor. “Masaya talaga ako sa ilang sa mga rules na iyon.”Humalik si Taylor sa noo niya. “Matulog ka na. May klase pa tayo bukas, at may basketball practice ako. Parating na ang championship.”“Mananalo ang team mo,” bulong ni Charlie.“Sigurado akong mananalo kami, lalo na at wala na si Archie sa Wall Street Warriors,” sabi ni Taylor. “Pero gusto mo ba na maging exciting? Taasan natin ang pusta.”“Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Charlie.“Kung makakascore ng higit pa sa tatlumpung puntos ang team namin kaysa sa team ni Luke, isusuot mo ang jersey ko ng isang linggo,” sabi ni Taylor.“Okay, pero kapag hindi kayo lumampas sa tatlumpung puntos?” hamon ni Charlie. “Oorder ako ng damit na may nakasulat, “Charlie’s B*tch,” at isusuot mo iyon ng isang linggo!”“Ayaw ko nga, hindi ko yan isusuot,” kontra ni Taylor. “Hindi ba puwede na “Charlie’s Man”na lang?”“Magandang motivation iyon. Kung ayaw mo isuot, siguraduhin mo na higit pa sa tatlumpung

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 152

    “Charlie? Anong ginagawa mo dito?” nagkrus si Taylor ng mga bisig niya sa kanyang dibdib. “Ang akala ko ba ayaw mo akong katabi dahil sa ama mo?”Umirap si Charlie. “Hindi naman ako dapat matulog agad.”Ngumuso siya at nagmakakaawang tinignan si Taylor habang nakataas ang libro niya. “Hindi ako makapag-aral.”Niyakap ni Charlie si Taylor at bumulong, “Kailangan kita.”Nasa Carrington Manor sila dahil ang pinakamagandang hotel sa Luxford ay hindi kayang i-accommodate ang buong pamilya King. Pagkatapos ng school assembly, sina Charles at Raelyn ay bumalik sa Dowerl City. Pero, ang pamilya ni Charlie, lalo na ang ama niya—ay may mga legal documents na kailangan pirmahan sa susunod na araw. Kaya, nanatili sila sa Luxford, at willing na inalok ni Savannah ang tirahan nila.May kanya-kanyang mga kuwarto sina Charlie at mga kapatid niya. Ang ilang miyembro ng security team ay nanatili sa manor, habang ang iba naman ay nasa hotel.Dinala niya ang management science book niya bago matulog

  • Ang Bad Boy Sa Tabi   Kabanata 151

    Ika-limang batas: “Irerespeto ninyo ang kapwa ninyong mga estudyante, mga teacher at staff. Kabilang na dito ang security. Ang mga mambabastos ay kakaharap ng matinding parusa: ang ipaliwanag ang calculus sa kuwartong puno ng mga galit na kindergarteners.”Charlie: “…”Inner Devil: “Hindi ko maimagine!”Guardian Angel: “Nakakatawa iyon!”Ika-anim na batas: “Walang magiging mapanghusga na kala mo alam na nila ang lahat. Kung huhusgahan ninyo ang anak ko o kahit na sino pang estudyante ng hindi patas, humanda kayo—baka bilhin ang buong lugar kung saan kayo nakatira at palayasin kayo ng personal.”Sinuri niya ang mga audience, sinabi niya, “Alam ninyo na gagawin ko iyon.”Ika-pitong batas: “Walang gagawa ng dahilan para maging masama ang dating ng school. Agad na masususpinde ang mga lalabag dito… o kaya, depende sa mood ko, tanggal na agad.”Ika-walong batas: “Walang sisipsip kay Charlie! Tunay na mga kaibigan lang ang puwede. Kung peke kang kaibigan noon, huwag mo isipin na may p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status