LILURA ÁSVALDR ODESSA
ISANG LINGGO ANG LUMIPAS, ngayon ang araw ng pagbalik ko ng Pilipinas kasama ang anak ko at ang mga angels namin. Ayoko kasi silang iwan, nang mag anunsyo na ang flight attendant agad kong ginising anak ko. “Anak.. we’re here na. Nasa Pilipinas na tayo..”naka ngiti kong wika sa anak ko na agad nito kina bangon. Noon pa excited siyang maka punta sa Pilipinas dahil marami daw masasarap na pagkain dito, nakikita niya kasi sa TV at social media like mukbang. “Mommy.. “ tawag nito sa akin at tinuro ang labas ng bintana, niyakap ko ito dahil naramdaman ko na pababa na kami hanggang maramdaman ko na lumapag na kami. “Sshh don’t be scared mommy is here..”bulong ko dito at niyakap ko ito ng mahigpit. Natatakot ang anak ko kapag pa landing na kami kaya naman niyakap ko ito ng mahigpit. “Mommy kakain po tayo ng maraming hipon?” Tanong nito na kina tawa ko. “You like the shrimp isn’t?” Tanong ko dito kinilig naman ito kaya natawa na ako at nang maging maayos na ang lahat ay agad kong inayos ang mga bagahe namin at tinabi ko ang anak ko sa kay Ate Nida. “Let’s go lalabas na tayo nag hihintay na ang van sa atin..” binuhat ko ang anak ko nag suot naman ako ng shade at mask, para hindi ako makilala. Nasanay na ako na suot ko ito dito sa Pilipinas, sarili kong bansa hindi safe ang pakiramdam ko. “Mommy, dadalaw po tayo kay Lola Nathalie?” Tanong na naman ng anak ko. “Yes anak, maybe tomorrow we need to rest muna then we can go na.. “ buhat ko ang anak ko habang hila ko ang isang maleta ko at ang bag na nakatali dito. Kumapit ang anak ko sakin hanggang makalabas na kami at sa labas naka abang ang van na pinadala ni Boss Flame para susundo sa amin. May bahay na kami dito, dahil inutusan ko si Kohen na bilhan ako noong nakaraang taon pa. “Ma’am kayo na pala, pasok na kayo alam ko po na pagod kayo..” wika ni Manong Edie. “Salamat po manong, paki naman po ang mga gamit namin,” pasasalamat ko at pinauna ko na pumasok sa loob si Louvre at tumulong ako na sa mag pasok ng mga gamit namin. Napa tigil ako sa pagpasok ng may nararamdaman ako na parang naka tingin sa akin —kaya napa lingon ko sa paligid ngunit wala naman akong napapansin na kahila-hinala kaya pumasok na ako sa loob. Nakita ko ang anak ko na kumakain ng favorite niya Tiramisu, agad ko inilabas ang tubig nito habang umaandar na kami. “May asawa na ba si Kohen?” Tanong ko kay Manong. “Naku ma’am wala po akong alam hindi ko nga po lagi nakikita si Sir..” sagot nito. Hindi na lang ako kumibo at hinintay na makarating kami, nakita ko ang oras sa cellphone ko alas otso pa lang ng umaga. “Ate Nida? Pag uwi natin patulugin mo muna si Louvre, saka ako mag pupunta ng grocery, nay samahan mo po ako ha?” Bilin ko kay ate Nida at liningon ko pa ito. “Yes ma’am..” sagot sa akin nito kaya naman sinandal ko muna ang ulo ako at ang anak ko naman ay siniksik ko ito sa akin. Abala kasi itong kumain at natutuwa din ito sa mga nakikita niya sa labas ng sasakyan. Ngumiti lang ako at hinayaan ko ang anak ko. HINDI NAG TAGAL nakarating na kami sa bahay tulad ng plano pinaubaya ko muna ang anak ko sa Yaya nito. Matapos ko mag palit ng damit bumaba na ako dala ang bag kong YSL para mamili ng kailangan namin. “Nay huwag na po kayo pala sumama, kaya ko na po.” Naka ngiti kong wika kay nanay. “Mabuti naman ay pagod ako anak, mag iingat ka ha?” Paalala nito tumango naman ako at nag lakad na ako patungo sa sasakyan ko. Ang sasakyan na ito ay si Knight din ang bumili para sa akin at nilagay dito sa bagong bahay ko. Pag sakay ko huminga muna ako ng malalim at kinabit ko sa tainga ko ang earpeace na binigay sa akin ni Boss Flame. Dahil sinabihan ako nito na hindi na ako magiging tauhan ng OoTA kundi ng main na ang DCN hawak na ako nito. Habang si Viatrix ay hawak na rin boss Flame ito. Ako si Knight at Mordred kinuha na nito, pero si Kohen nasa OoTA pa rin ito na ang ginawang official Boss ng OoTA siya na ang ika-apat sa malalakas na leader ni Boss ngunit hindi nito tinatanggap pa. Kaya ang undergo pa ito ng pagsasanay sa kamay ng mga leader. Saka ko na sila dadalawin doon kapag natapos na ang sa annulment ko. Hindi ko pa natawagan si Attorney na monday ay pupunta ako sa RTC para ifile na ang annulment ko sa ex husband ko. Sinubukan ko tawagan si Boss Flame ngunit nag ring lang ito. Malalaki na ang anak ni Boss Flame, lalong naging gwapo at maganda ang mga anak ni boss Flame, kapag bakasyon pumupunta sila sa France para kumustahin ako. Binaba ko ang tawag ko at pumasok ako sa parking lot ng grocery store at inayos ko ang pag park ng sasakyan ko. Bumaba na ako dala ang sling bag ko at nag tungo na ako sa loob. Kailangan ko kasi bumili ng kitchen need, mas lalo sa dining namin dahil kaunti lang utensils namin sa bagong bahay. Matapos ako kapkapan ng guard diretso ako sa second floor andun kasi ang mga kitchen needs. Habang nasa escalator ako nakatanggap ako ng text message, kinuha ko ang phone ko at binasa ito. “Huwag kana mag mask kapag nasa labas ka, safe kana dito. Nagawa ko na malinis ang pangalan mo lahat ng bintang ay nawala na sayo ang sisi..” Mahina ko lang itong binasa kahit hindi ko na basahin ang sumunod sa ibaba alam kong si Boss Flame ito. Mukhang alam niyang naka balik na ako sabagay pinadala nga niya ang driver niyang bago— ngumiti naman ako at tinago ang phone ko. Buong taas noo akong nag lakad patungo sa mga households. Namili ako agad ng kailangan ko at kumuha ako ng push cart at dito ko nilagay ang bibilhin ko. Kumuha din ako ng magagandang plato at lahat ng kailangan ko. Kahit mga knife habang pumipili ako ng clear bowl na pwede gamitin sa microwave hindi ko napansin na may nabangga na ang push cart ko at paglingon ko sa nabangga sa paahan. “Hala? Sorry po hindi ko napansin na may tao!” Pag hingi ko ng paumanhin, agad kong nilayo ang push cart ko. Nang hindi kumibo ang lalaki, alam ko dahil sa klase ng suot nito. Tumingala ako, napa singhap ako ng hangin at napa atras. “Sir Denver..” tawag ko dito. “Nakabalik ka na pala sa Pilipinas, long time no see..” naka ngiti ito. Hinawakan ko ang push cart at hinila ko ito, ngunit pinigilan ako nito. “Tulad ng inaasahan namin lahat mag papakita ka kapag pumayag na si Val sa annulment na gusto mo..” wika nito kaya lumingon ako dito at tiningnan ko ito ng malamig. “Wala akong dapat ipaliwanag sayo o sa kahit sino, tapos na ang trabaho ko sa kanya 3 years ago. Dapat noon pa siya sumang-ayon sa annulment wala naman akong hihingin sa kanya kahit piso..” sagot ko dito. “Bakit hindi mo sabihin sa kanya ng harapan?” Tanong nito kaya napa lingon ako sa paligid kasi baka—- “Scared of facing Val? No worries abala siya na ayusin ang engagement party niya. Maganda nga ‘yun para kahit paano maka ——” hindi ko pinatapos ito ng mag salita ako. “Yun naman pala, kahit hindi siya pumunta sa evaluation sa RTC pirma lang niya kailangan aprobado na ang annulment petition ko. After that i am assure you na we never meet again..” sagot ko at nilagpasan ko ito at kumuha ako ng microwave. “Tingin mo ba ganun na lang ‘yun kadali sayo? May pinag samahan parin kayo, may nangyari pa sa inyo..” wika nito at talagang hinabol pa ako nito.. Hinarap ko ito at nag salita ako. “May nangyari pero walang mabuo.. sapat na siguro yan para lubayan na ninyo ako..” huling sagot ko at iniwan ko na ito ng tuluyan. Nang makapag bayad ako. Sinabi sa akin ng staff dito na ihahatid nila sa car ko at ibabalik ang susi sakin. Pumayag ako dahil may kabigatan ang mga ito. Napansin ko na naka sunod pa rin ang tingin sakin ni Sir Denver dahil nandito ako sa appliances at mga sofas. “Miss nagdedeliver kayo diba?” Tanong ko sa babae. “Yes ma’am..” ngumiti ito sa akin. “Gusto ko sana ang set ng sala set ba tawag doon?” Tanong ko dito habang panay ako lingon sa paligid baka sakali makita ko ang tinutukoy ko. “Ma’am nasa dulo po, samahan ko po kayo..” turo nito kaya naman ngumiti ako at sumunod dito. Sumunod lang ako habang pinapaliwanag nito ang mga meron sila. Plano ko bumili ng patungan ng TV at TV din mismo para may libangan ang anak ko habang wala ako. Pwede naman kami mag tagal dito, saka hahanap din ako ng pwesto kung saan pwede ako mag tayo ng rest house at ng office ko dito. If magustuhan na ng anak ko dito sa Pilipinas, ang company ko naman sa France wala akong magiging problema doon — pwede ko naman ipasara yun at lahat ng empleyado ko doon dalhin dito. Makaka tulong pa ako sa mga kapwa ko Pilipino.LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO 2 weeks matapos ang kasal. Hindi ko inaasahan na nasa harapan ko ang mga pulis at kasama pa si Elora. “Hulihin nyo po siya.. siya ang pumatay sa magulang ko..” utos nito na kina kaba ng puso ko. Hindi ko alam ano gagawin ko natatakot ako. Pwede malagay sa alanganin ang mga tauhan ko sa loob. Pero kung sasama ako baka hindi sila madamay. Nilingon ko ang mga tao ko natatakot sila, “Sabi ko naman kay Val hinding hindi magiging masaya ang pagsasama ninyo..” wika ni Elora. “Ma’am sumama na po kayo sa amin.” Wika ng pulis na bababe. FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Kitang kita ko ang galit sa mata ng pangulo ng bansa. Pumasok ako sa loob ng opisina nito at hinintay itong makarating. Siya ang kinausap ni Elora para sa gustong mangyari ni Elora inilaglag niya kami para lang makuha ang gusto niya. “Hindi ko alam paano kayo nag ka kilala ni Elora pero wala na akong pakialam doon. Ang gusto ko ang sundin mo..” malamig kong wika. “Or i wil
(CONTINUATION) “Mama..” bulong ni Lilura na pag tawag sa kanyang Ina. Nilingon ni Val si Miss Flame, naka ngiti ito at tumango. Nag paalam si Val na kung pwede gamitin ang galing ng AI ng grupo para gumawa ng isang kamukha ng ina ni Lilura para maramdaman ng asawa niya na nandito ang kanyang ina. Pumayag si Flame kaya agad trinabaho ito ng mga tao ni Flame, ito na rin regalo ng mga tauhan ni Flame na sila Jennica, Alice , Divine at Mika kasama na si Onze. Kaya ginandahan at ginawang makatotohanan ang itsura ng yumaong ina ni Lilura. “Huwag ka umiyak, honey yung makeup..” natatawang awat ni Val sa asawa. Isang malakas na palo sa braso ang natanggap ni Val mula kay Lilura. “Waterproof ‘yan..” sagot ni Lilura. Kaya natawa naman ang mga bisita na karamihan ay kamag anak ng both side ng bawat pamilya. Kasama ang pamilya ni Flame. Dali-dali nag bigay ng tissue ang organizer at agad binigyan si Lilura. “Okay na ako.. thank you honey..” pasasalamat ni Lilura kay Val. Huminga ng m
THIRD PERSON POV LUMIPAS ANG ISANG BUWAN AT KALAHATI dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang pag iisang dibdib ni Rhysand Valdis ay Lilura Ásvaldr. Lahat masaya at naghahanda na dahil isang oras at kalahati na lang ay kasalan na. “Kinakabahan ako..” bulong ni Lilura, ang liwanag at ang aliwalas ng mukha ni Lilura. Habang ito ay inaayusan ng mga taong pinadala ni Flame para ayusan ito. “Normal lang na kabahan..” sagot ni Emerald. Habang inaayusan ang bride. “Si Boss Flame ba hindi talaga siya pupunta?” Tanong ni Lilura. Umiling naman si Emerald at pumasok naman si Francine at Ingrd mga kapwa pinsan na babae ni Flame. “Kung sakali na makarating siya sure na sa Reception siya aabot.” Sagot ni Ingrid. Bumuntong hininga si Lilura gusto ni Lilura makita at mapanood ni Flame ang pag iisang dibdib nila. “Oo nga pala ang baby Girl mo pala, nasa kabilang room. Makikita mo siya sa sasakyan na magdadala sa inyo sa simbahan.” Wika ni Emerald. Muling sumilay ang ngiti sa labi ni L
LILURA ÁSVALDR ODESSA - MAXIMILLIANO NANG MAKARATING kaming lahat sa Venue ng reception. Doon ko nakita na napaka ganda nito. “Mas maganda dito kapag gabi na o palubong na ang araw..” wika ni Val at niyakap ako nito mula sa likod ko. “Excited na ako sa kasal natin..” bulong ni Val kaya naman nilingon ko ito. “Mas excited ako.. tapos ang flower girl natin ang anak natin mismo.” Sagot ko dito. Ngumiti ang asawa ko ng matamis at humalik sa labi ko ng mabilis lang. “Let’s go inside kailangan natin matikman ang cake at mga pagkain na ihahanda.” Aya ni Val tumango naman ako at nakita kong parating si Nevan at ang mga kaibigan nito. “Umalis si Boss Flame, pupunta sila ng Davao..” salubong ni Stephano ng makalapit sila sa amin. “Sino ang kasama niya? Pwede ba siya nag biyahe? Buntis siya..” tanong ko sa kanila.. “Ginamit nila ang private plane nila alam niyo naman ‘yun, mayaman naman mga ‘yun. Si Miro Sagan ang kasama niya at ilan sa mga kapatid at pinsan..” sagot naman ni Denve
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO BAGO KAMI MAG TUNGO sa boutique nag tungo muna kami ng asawa ko sa puntod ni mama Nathalie. “Ma.. andito po ako ulit..” narinig kong tawag mg asawa ko. “Ma nandito po si Val at Louvre ang asawa ko po at apo po ninyo..” ngumiti ako ng hawakan ng asawa ko ang kamay ko. “Ma.. hihingin ko po sana ulit ang kamay ng anak ninyo bilang asawa ko..” pag hingi ko ng pahintulot umupo ako at hinimas ko ang puntod ni Mama. Naalala ko ang araw na ang usap kami, alam ko na mahal na mahal niya ang anak niya. Napa lingon ako ng humangin ng malakas. “Thank you ma, sa pag payag..” naka ngiting pasasalamat ko. Nilingon ko ang asawa ko naka ngiti ito at hawak ang kamay ng anak namin. “Salamat po ng marami, sana gabayan niyo kami mas lalo ang apo ninyo..” dinikit ko ang noo ko sa lapida ni mama habang binibulong ito at tumayo na ako. Naka isip ako ng supresa sa araw ng kasal namin ng asawa ko para maramdaman niyang nandito parin ang kanyang ina. Hindi na ito makikit
RHYSAND VALDIS MAXIMILLIANO PINATAWAG ako sa Underground ngunit sumama ang asawa ko ang anak naman namin ay naiwan sa pangangalaga ng yaya Nida at nila Mommy at Daddy. Naka bantay din ang mga tauhan ni Flame kung sakali na may aatake. Pagdating namin ng asawa ko sa Underground halos ang mag pipinsan lang ang naabutan namin dito. “Mabuti naman at dumating na kayo. Nasa taas sila Flame hintayin lang natin..” wika ni Thunder. Naka upo ito at naka tingin sa malaking screen o monitor. “May problema na naman ba?” Tanong ko dito, umupo naman ang asawa ko at habang ako ay naka tayo lang. “Kalaban? Wala naman sa ngayon, pero inaasahan sila na darating isang linggo mula ngayon..” sagot ni Thunder. Napa lingon ako ng may narinig akong pababa, at nakita ko ang mag asawa na si Blake at Flame. May bitbit na kung anong case si Blake nasa likod ito ng kanyang asawa. Si Flame ang pangunahin na respetado sa buong pamilya nila. Ito ang bagay na kahit kailan ay hindi mawawala sa Organization