Humming for the Rich Blind Master

Humming for the Rich Blind Master

last updateLast Updated : 2025-12-14
By:  @lalunaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

After a tragic accident stole both his sight and the woman he loved, Caius Hale Vellaro learned to survive through sound alone. Music became silence, and his mansion became a prison of echoes and memory. When Krixaine Syrish Aifeo arrives as a quiet maid, she never suspects that her soft humming carries the same voice that once guided him through the dark. To her, it is only habit. To him, it is grief breathing again… and miracle awakening. Will her voice save his frozen heart— or will they both fall for the comfort they never meant to find?

View More

Chapter 1

Prologue

Malakas na ugong ng preno, banggaan ng bakal, at isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa kotse ni Caius Hale Vellaro. Sa isang iglap, naglaho ang liwanag ng mundo. Sa pagbukas niya ng kaniyang mata, wala siyang kulay na nakita. Kahit wala pa sa wisyo ay inabot niya ang kamay ng katabi niya.

Si Serene. Ang kaniyang kababata, ang babaeng matagal at palihim siyang iniibig, ang tanging babaeng nagpaparamdam at nagpapakita sa kaniya ng kulay.

“Serene...” Patuloy siyang kumakapa sa dilim, hanggang sa maabot niya ang braso nito. Ramdam niya ang malapot na basa roon, alam niyang dugo iyon.

“Serene, wake up,” tawag niya rito at tinapik ng mahina. At ilang sandali lang ay naramdaman nito ang kamay ni Serene na humawak sa kaniya—nanginginig, puno ng takot.

“I'm here. I'm here, don't be scared. Please talk, please talk so i can know you're okay,” wika niya habang hinahawakan ang kamay niyo, takot na baka mawala at hindi niya na mahawakan muli. Hindi man siya makakita, pero ramdam niyang may kakaiba.

“I'm fine, don't worry about me. You?” sagot ni Serene, hinawakan siya pabalik para magbigay-katiyakan na okay siya.

“I can't see,” bulong niya. Sa kabila ng walang paningin, nawala ang kaba niya dahil alam niyang okay ang babaeng patago niyang minamahal.

“Even when the world goes dark. Your voice is the spark I’ll follow.”

Sa kabila ng dilim na tanging nakikita niya ay kumalma rin siya dahil sa boses nito. Magaan, mahina, pero nagbibigay ng kalmadong sistema sa kaniya. Isang musika ng puso sa gitna ng takot at kawalan ng pag-asa.

“Through every shadow, every storm. Your song will guide me home.”

Iyon ang huling linya na narinig niya mula kay Serene bago tuluyang dumilim pati ang ang isip niya. Narinig niya pa ang tawag sa kaniya at ang malakas na sigaw ng sakit nito.

Nang magising siya para siyang muling pinaslang ulit dahil sa sunod-sunod na katotohanang natanggap niya. Hindi lamang paningin niya ang nawala sa aksidente—kundi pati na rin ang kaniyang ngiti, ang musika, at ang presensya na dati ay nagbibigay ng liwanag.

Dahil kasabay ng pagbalot ng dilim sa mata niya ay ang pagbalot din ng dilim sa puso niya ng malaman na wala na rin si Serene.

Tumigil siya sa musika. Ang paborito nilang tugtugin na piano na puno ng tunog ay binalot na ng alikabok. Ang gitara ay nakasabit na lamang sa gilid. Ang boses na malaya at puno ng kulay ay naging tahimik din. Ang tanging natira sa kaniya ay mga tunog—ang bawat paghakbang, ang tono ng paghinga, at ang pagbabago ng mga salita na lumalabas sa bibig ng taong nakakasama niya.

Ngunit may isang tinig siyang hinahanap na hindi niya marinig. Ang tinig na lagi siyang ginagabayan, na nagpapakulay sa dilim, at nagpapagaan sa lahat ng bagay. Ang boses ni Serene. Nawala na. Tahimik na magpakailanman.

O iyon lang ang akala niya...

Hanggang sa narinig niya muli.

Ngunit hindi siya, hindi eksakto. Ngunit may boses na banayad, nanginginig, mainit, at mapayapa—na dumaan sa katahimikan ng koridor mansyon nila, at umuugong sa malawak na hardin. Hindi siya maaaring magkamali, ang boses na yon ay galing sa babaeng ilang taon niyang lihim na minahal...

Ngunit may kakaiba...

Sa kabila ng sakit at alaala sa tinig na iyon, nakaramdam si Caius ng kakaibang pag-asa…

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status