Divorce Me Now, Chase Me Later

Divorce Me Now, Chase Me Later

last updateLast Updated : 2025-12-10
By:  Author RejjUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
6views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Isang sorpresa na puting envelope ang sumalubong kay Harper, hindi galing sa kanyang asawang tatlong taon nang walang paramdam sa Japan, kundi isang brutal na request for annulment. Sa gitna ng pait at insulto, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas. Ngunit sa halip na bumigay at magpakita ng kahinaan, isang makeover ang nagbigay-daan sa kanya para harapin ang asawang nag-iwan sa kanya nang may bagong dignidad at tapang. Pero bakit tila ngayon lang napansin ni Oliver ang kagandahan ng babaeng pinakawalan niya? At bakit ngayon pa siya humahabol, kung kailan napirmahan na ang annulment?

View More

Chapter 1

Chapter 1

HARPER

Nagising ako sa malakas na katok sa kwarto ko kaya agad akong bumangon kahit hindi pa ako nakaligo o nakapag-hilamos man lang. Ramdam ko pa ang bigat ng antok sa katawan ko, parang ayaw pang bumitaw ng kama.

“Ang aga naman,” reklamo ko habang kinukusot ang mata ko. Halos manikit pa ang mga pilik ko sa puyat.

Tulog pa ang diwa ko kaya nang buksan ko ang pintuan, halos hindi ko makita nang maayos ang mukha ng tao sa labas. Ilaw pa lang sa hallway, masakit na sa mata.

“Harper! Ngayon ka pa lang ba nagising? My God!”

Napatigil ako nang marinig ang boses niya. Agad akong naalerto na parang binuhusan ng malamig na tubig.

“Dasha? Anong ginagawa mo rito?”

Hindi niya ako sinagot agad. Pumasok siya na parang siya ang may-ari ng bahay, bitbit ang energy na hindi ko kayang sabayan sa ganitong oras. Dumiretso siya sa sala at umupo sa couch. Nalilito man ako, sinundan ko siya habang inaayos pa ang gulo ng buhok ko.

“Well, pinapunta ako rito ni Mommy para bisitahin ka. And guess what, may pinapadala sa’kin ang husband mo. Hindi ko alam kung ano ito, but here.” Inabot ni Dasha ang isang puting envelope.

Kinuha ko iyon, kahit medyo nanginginig pa ang kamay ko. Naupo ako sa tabi niya at dahan-dahang binuksan ang envelope. Parang ang bagal gumalaw ng mundo habang ginagawa ko iyon.

Habang nakatutok ako sa envelope, hindi tumigil si Dasha sa pagdadaldal.

“Nako, iyong asawa mo. Nakakausap mo ba siya araw-araw? Kinakamusta ka ba?”

Hindi ako agad nakasagot. Para akong natinik sa lalamunan. Tatlong taon na ako sa Japan, sa maliit kong apartment na parang naging mundo ko na, pero kahit isang tawag o simpleng kumustahan, wala akong natanggap mula kay Oliver. Ako lang ang laging nagte-text, ako lang ang pilit na kumakapit sa kung ano mang natira.

“Nakakausap ko naman siya,” mahina kong sagot, pilit na pinapaniwala ang sarili ko kahit alam kong kasinungalingan iyon.

Umiling si Dasha. “I doubt that. Pero sige, unahin mo na iyan. Curious na rin ako.”

Sa wakas ay nabuksan ko ang envelope. Nilabas ko ang papel. Nang mabasa ko ang nakasulat, parang humigpit ang dibdib ko hanggang sa hindi na ako makahinga ng maayos.

“R-Request... for Annulment.”

“Gago ba siya?!” sigaw ni Dasha, dahilan para mapapitlag ako at muntik pa mahulog ang papel.

Pero wala akong narinig. Nakatitig lang ako sa papel na parang biglang nagbago lahat ng kulay sa paligid ko. Hindi ko inakalang ganito magsisimula ang umaga ko.

Alam ko sa loob-loob ko na darating din ang araw na ito. Hindi kami nagkaroon ng normal na relasyon bilang mag-asawa. Hindi kami nagkaroon ng kahit anong sandaling masasabi kong akin siya. Pero hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ako haharapin, isang papel na ipinaabot pa sa kapatid ko. Wala man lang tawag, wala man lang paliwanag, wala man lang kahit konting respeto.

“Ang kapal ng mukha niyang makipaghiwalay. Siya pa mismo ang nag-suggest kay Mommy noon na dito ka mag-aral para raw mas maganda ang future mo. Pero kung tutuusin, plano na pala niyang takasan ka.”

Patuloy ang pagsasalita ni Dasha pero ako, pakiramdam ko ay lumulubog ako sa sahig. Parang may humihila pababa sa dibdib ko. Hindi ko alam kung galit ba ako o nasasaktan. Hindi kami nagsama kahit isang gabi bilang mag-asawa. Pagkatapos ng kasal, hinatid lang niya ako sa Singapore na parang batang inihatid sa paaralan, tapos umalis agad para bumalik sa sarili niyang mundo.

“Ano, wala ka bang sasabihin? Sasabihin ko ito kina Mommy!” dagdag pa ni Dasha.

Agad ko siyang hinawakan sa kamay at umiwas ng tingin. “Huwag na. Ako na ang bahala kakausap.”

Bubuka pa lang ang bibig ni Dasha nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napalingon ako sa mesa kung saan nakalapag iyon. Ramdam ko ang kaba na parang kumikiskis sa sikmura ko.

May tumatawag sa Skype. Nanlamig ang mga kamay ko. Unang beses kong makita ang pangalan ng asawa ko sa screen ko.

‘Oliver is calling…’

“Answer it,” bulong ni Dasha, nakayuko at parang may hawak na popcorn sa gigil niya.

Huminga ako nang malalim bago ko pinindot ang green button. Lumitaw ang mukha ng lalaking matagal ko nang hindi nakikita. Medyo pumayat siya, parang mas tumigas ang panga niya, pero naroon pa rin ang pamilyar na tingin sa mga mata niya na hindi ko alam kung nami-miss ko o kinaiinisan ko.

“Harper,” mahinang bati ni Oliver.

Natigilan ako. Ilang segundong katahimikan ang lumipas bago ko nakuha ang lakas magsalita. “Oliver… bakit ngayon ka lang?”

Saglit siyang nag-ayos ng upo. Nakita ko ang likod ng isang opisina, mga cabinet, computer, at mga dokumento na parang mas mahalaga kaysa sa akin. “Busy ako. Pasensya na. Alam kong hindi ako nakatawag agad pero kailangan nating pag-usapan ito.”

Itinaas ni Oliver ang isang papel, kapareho ng hawak ko. “About the annulment.”

Parang pinisil ang puso ko. “So totoo nga…”

“Oo,” diretso niyang sagot. “Harper, hindi tayo puwedeng magpatuloy sa ganito. Alam mong wala namang nangyayari sa relasyon natin. Wala tayong pinagsamahan bilang mag-asawa. And honestly, I don’t want to keep you tied down.”

Napatigil ako. “Tied down? Oliver, tatlong taon akong nagte-text sa’yo araw-araw. Ni minsan hindi ka sumagot. Hindi mo man lang ba naisip kung ano ang pakiramdam ko? Na parang ako lang ang kumakapit?”

“Ano? Ang sabi mo nagkakausap kayo?” sabi ni Dasha na puro galaw lang ang bibig. Hindi ko siya pinansin.

Napabuntong-hininga si Oliver. “I know. Nakita ko lahat ng messages mo.”

“Kung nakita mo, bakit hindi ka nag-reply kahit minsan?”

Sandaling natahimik si Oliver. “Dahil alam kong wala rin akong maisasagot. Hindi kita mahal, Harper. At ayokong magpanggap.”

Parang umikot ang mundo ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko nag-shift ang hangin sa kwarto.

Alam ko naman iyon sa sarili ko pero gusto ko pa rin marinig mula sa bibig niya. “Kung hindi mo ako mahal, bakit ka pumayag sa kasal natin?” nanginginig kong tanong.

“Because it was convenient. Dahil iyon ang gusto ng pamilya. Pero alam ko na hindi ito magiging tama. Alam ko na ikaw rin, hindi mo ako mahal. Pareho lang tayong napilitan sa kasal na ito.”

Napapikit ako, pilit na pinipigilan ang luhang nagbababad sa gilid ng mga mata ko. Sa gilid ko, galit na galit na si Dasha, nakakunot ang noo at nanginginig ang labi.

“Convenient…” bulong ko. “Ganoon lang ba ako sa’yo, Oliver? Convenience? And yes, aaminin ko hindi rin naman talaga kita mahal pero kahit respeto manlang sa pamilya natin hindi mo nagawa?”

Tumingin si Oliver sa screen. May bakas ng guilt sa mata niya pero hindi siya umatras. “I’m sorry, Harper. I really am. But it’s better this way. You’re young. You deserve someone who can actually be there for you.”

“Hindi mo man lang sinubukan,” mahina kong sagot. “Hindi mo man lang binigyan ng pagkakataon ang relasyon na ito.”

“Harper…”

“Enough!” napasigaw ako. Boses ko mismo nagulat ako. “Kung annulment ang gusto mo, fine. Pero sana kahit minsan nagkaroon ka ng lakas ng loob na sabihin sa akin nang personal. Hindi iyong ipapadaan mo pa sa kapatid ko.”

Natigilan si Oliver. Kita sa mukha niya ang pagsisisi. “You’re right. Mali ako doon. But Harper… this is the only way forward.”

Sandali kaming natahimik. Tanging hinihingal kong paghinga ang maririnig.

“Okay,” bulong ko. “Kung ito ang gusto mo, wala na akong magagawa. Pero sana tandaan mo na hindi lang ikaw ang may responsibilidad dito. Pinaniwala mo ang pamilya ko, ang pamilya natin na maayos tayo. Uuwi ako dyan para pirmahan ang gusto mong annulment.”

Hindi nakasagot si Oliver. Nakatingin lang siya, parang may gusto pang sabihin pero hindi niya masabi.

Bago pa ako tuluyang malunod sa sakit, pinindot ko ang end call. Nawala ang mukha niya sa screen na para bang doon lang na-realize ng puso ko na tapos na talaga.

Agad akong niyakap ni Dasha. “Ate…”

Tuluyan akong bumigay. Doon ako humagulgol, hawak pa rin ang papel ng annulment habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Oliver.

At iyon ang pinakamalupit na paggising na natanggap ko sa buong buhay ko.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status