共有

Chapter 196

作者: Raine
last update 最終更新日: 2025-10-25 22:26:26

"Siguradong takot na takot iyon pagkagising niya bukas," sabi ni Viktor habang nasa loob ng sasakyan.

Natawa si Ichan, "Sino ba ang hindi matatakot sa itsura ni SH?"

SH o Secret Hacker ang magiging tawag ni Ichan kay Czarina, sinasanay nila ito at baka biglang madulas ang lalaki sa kung sino. Magaling ito sa computer pero hindi sila sigurado kung magaling din ba itong magsinungaling.

Kinausap nila ng maayos ang bago nilang recruit na hacker, mag-o-office din ito sa basement ng agency ni Viktor bagaman ipapasok nila ito na para bang empleyado rin siya sa agency na iyon upang walang magtaka na kung sino.

Bumuntong-hininga si Czarina. Nakakatawa ang ginawa nila pero hindi nakakatuwa ang mga nangyari sa kanya ngayong araw. Hindi biro ang muntik na niyang pagkamatay.

"She hates me so much," wika niya.

Buong akala niya talaga ay inis lang si Chloe sa kanya, pero hindi niya akalaing sukdulan na pala ang galit ng babae sa kanya na handa pa itong ipapatay siya.

"Syempre, gusto niyang pakasala
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Ermelyn Surigao
hahahaha ayan takutin mopa doc zsarina
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 224

    Pumasok sa loob ng kwarto niya ang nag-aalalang si Grandma at ang mommy ni Zayden. Nakahinga nang maluwag ang babae nang makita na hindi naman pala masamang tao ang kumakatok. "Apo, ano ang nangyari? Nabalitaan namin ang nangyari kaya agad kaming pumunta rito. Kumusta ka? Nasaktan ka ba?" dire-diretsong tanong ni Grandma at tinignan ang katawan ni Czarina kung may galos o sugat.Habang nakatingin sa dalawang bisita na halata ang pagkataranta at pag-aalala sa kanya ay napagtanto ni Czarina na hindi naman pala ganoon kalala ang sitwasyon niya kumpara kay Divine.Siguro nga hindi siya minahal ni Zayden pero minahal naman siya ng sobra ng pamilya nito.She, at least, had a new family because of that marriage.Bagay na maski iyon ay wala kay Divine."Wala naman pong malalang galos, ayos lang po ako," aniya at niyakap ang dalawa. Masaya talaga siyang makita ang mga ito ngayon."Narinig ko na may naghahanap daw sa'yo at may dalang kutsilyo, jusko, ang puso ko.""Mabuti naman at okay ka lan

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 223

    Nagkakagulo na ang lahat at dinig ang sigaw at pagpupumiglas ni Romeo Marquez mula sa kamay ng mga pulis. Samantalang si Czarina ay tulala at hindi halos maproseso ng utak niya ang nangyari. Divine saved her life. Bagay na hindi niya lubos na inaasahan. "Czarina!" sigaw ng kung sino sa mga nanonood. "Come on, doc, do something!" Doon ay tila natauhan si Czarina. Kahit naluluha ang mga mata sa nangyayari ay agad siyang kumuha ng tela upang mabilis na itakip sa sugat na mayroon si Divine para hindi maging mabilis ang pagdaloy ng dugo palabas. "Divine, kailangan mong kumalma, alright? Huwag kang matatakot," aniya kahit halata ang panic sa mga mata niya. Pilit na ngumiti ang hinang-hina na si Divine. Bukod sa sakit niya ay nasaksak pa siya, dala-dala niya rin ang guilt dahil sa ginawa ng asawa niya na panggugulo. "H-hindi ako matatakot basta nandiyan ka, doc," aniya at pumipikit-pikit na ang mata at tila inaantok. Kahit ano pa ang mangyari ngayon ay walang pagsisisihan si

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 222

    "Ano bang klase ng pag-iisip ang meron ka? Wala namang ginagawang masama yung tao, gusto niya lang makatulong," napipigtas na ang pasensya na sabi ni Divine sa kanyang asawa.Bahagyang nagulat si Romeo Marquez nang sermonan siya ng asawa. "At sinasagot mo na ako ngayon, ha? Iyan ba ang sinasabi sa'yo ng babaeng doctor na iyan?"Galit itong naglakad palapit sa asawa, hawak pa rin ang kutsilyo.Kinabahan si Czarina pero mabilis ang naging pagkilos niya. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki at inikot iyon, bumukas ang palad nito at nabitawan ang hawak na kutsilyo.Nanlaban naman agad ang lalaki, nagpumiglas ito, at binalak na abutin ang kutsilyo na nahulog. Pero mas mabilis ang naging pagkilos ni Czarina. Sinipa niya palayo sa gawi nila ang kutsilyo.Agad niyang kwinelyuhan ang lalaki sa sobrang inis."Parang hindi ka tao! Kung ang asawa mo ay hindi deserve magkaroon ng pangalawang buhay, tingin mo ba ay deserve mo ang sa iyo, ha?" Malakas niyang sinuntok ang lalaki sa mukha na napa-react

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 221

    Sa mismong tapat ng nurse station nanggagaling ang sigaw na iyon nang silipin ni Czarina ang nangyayari sa labas ng opisina nila. Lalabas na sana siya nang bigla siyang harangin ni Sanya, hinila siya nito."Czarina, ang sabi ni Dra. Garcia ay magtago ka raw muna.""Bakit? Ano ba ang nangyayari?""Yung asawa nung Divine Marquez 'yan, nanggugulo..." sagot ni Sanya sa kanya."Bakit daw ako magtatago? Paano kung hindi umalis iyan?" nag-aalalang sabi ni Czarina. Kilala niya ang lalaki, alam niya kung ano ang kaya nitong gawin.He can hurt people for all she knows."Aalis din iyan," sagot naman ni Sanya na kita ang takot sa mukha. "Basta ang bilin ni Dra. ay 'wag ka na lang daw munang lumabas."Nalukot ang mukha ni Czarina. Hindi naman siya makakapayag sa ganoon."Hindi niyo naman ako kailangang itago. Madami ang madadamay kung gagawin natin ito, ako na ang bahala sa kanya."Pagkatapos sabihin iyon ay agad tumawag ng police si Czarina. Sinilip niya rin ang sitwasyon sa labas.Nakatingin nam

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 220

    Papasok si Czarina sa hospital ay naabutan niya ang mga pulis at dalawang prison guard. Mukhang nakalabas na ng hospital ang kidnapper ni Zayden na isinugod doon noong nakaraan.Medyo nagulat si Czarina na parang ang bilis naman yata ng recovery ng lalaki. Gayunpaman ay hindi na lamang niya iyon pinansin at agad pumunta sa departamento nila, late na rin naman siya para mang-usisa pa."Ang weird kaya, hindi ba sobrang OA naman na no'n? Kalalabas mo lang ng hospital tapos may sakit ka na naman? Wala naman siyang serious disease," dinig ni Czarina na sabi ng isang nurse."Shut up! Wala kang alam kaya 'wag mong sabihan ng ganyan si Chloe," galit na sabi naman ng isa na nakilala ni Czarina bilang si Hannah, ang babaeng laging nakasunod kay Chloe."Ha!" singhal naman ng kausap nito. "Alam mo, puntahan mo na lang iyang iniidolo mo, alagaan mong mabuti nang hindi pabalik-balik dito bilang pasyente."Napailing si Czarina bago pumasok sa pintuan ng department nila.Wala namang gaanong trabaho n

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 219

    Bago matulog ay inayos muna ni Czarina lahat ng requirements na kailangan niya para bukas. Kumpleto naman iyon maliban sa isa..."Nandito lang iyon kanina," kinakabahang sambit niya sa sarili habang hinahalungkat ang bag niya sa ikatlong pagkakataon.Inisip niya kung saan niya huling nakita ang ID pero tiyak niyang naroon iyon kaninang umaga.Kailangan nilang mag-submit ng dalawang valid ID na updated at nakalagay ang detalye niya roon bilang may asawa. At saktong dalawa lamang ang ID niya na ginagamit ang apelyido ni Zayden. Sa ibang mga ID ay ang Laude ang gamit niyang apelyido.Dismayado siyang humiga sa kama matapos ang halos isang oras na paghahanap. Naisipan niya na 'wag na lang muna hanapin, baka magpapakita rin iyon maya-maya o kaya ay bukas.******Kinabukasan...Maagang gumising si Czarina dahil hindi rin naman siya nakatulog talaga ng maayos kakaisip kung saan niya ba nawala ang kanyang ID. Maaga itong gumayak para sa araw na iyon at pagkatapos ay inilaan ang mga extra na o

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status