author-banner
Raine
Raine
Author

Novels by Raine

The Billionaire is Chasing Me After Divorce

The Billionaire is Chasing Me After Divorce

Tatlong taon na ang lumipas mula noong ikasal sila pero hindi pa rin makuha ni Czarina ang pagmamahal at atensyon ni Zayden. Palagi nalang ibang babae at trabaho ang pinipili ng lalaki at tiniis niya iyon. "Let's get a divorce..." sabi ni Czarina matapos siyang pagalitan ni Zayden dahil sa isang aksidente na hindi naman siya ang may kasalanan. Puno ng galit at pagkadismaya ang puso ng babae. Namumutla at nanginginig ito pero ni kamustahin siya ay hindi ginawa ni Zayden, bagkus ay inaway pa siya nito. Doon niya naramdaman na wala lang talaga siya sa buhay ng lalaki. Nagulat si Zayden sa narinig ngunit hindi niya iyon sineryoso, sa pag-aakala na isa lang iyon sa mga kaartehan ni Czarina. Ngunit mula ng araw na iyon ay hindi na umuwi ang babae. Nadatnan nalang ni Zayden na wala na ang mga gamit nito at may pirmado ng divorce papers sa mesa. "Fvck..." Binigyan niya ng ilang araw ang babae sa pag-aakala na babalik din ito. Pero sa ilang beses nilang pagkikita ay unti-unti niyang nare-realize na hindi na babalik sa kanya si Czarina. Nagulat na lamang si Czarina ng isang araw na pumunta si Zayden sa kanya na lasing, mugto ang mata, at nagmamakaawa. "Come back home, please..." he begged. "Let me be your husband again."
Read
Chapter: Chapter 244
Kinagabihan, nang makauwi si Czarina sa bahay nila ay nahihiya siyang harapin ang mga magulang. Nahihiya siya sa buong pamilya. Ang laking problema na nga na ipinagpilitan niya ang sarili kay Zayden, ang laking problema na nga na pagkatapos no'n ay makikipag-divorce siya sa lalaki, tapos ngayon ay ibinabalandra pa ni Zayden ang kabit niya. It's a huge shame... hindi lang sa kanya kundi sa buong Laude Group. Pagpasok niya ay nadatnan niya ang Tito Yvo niya at ang kanyang ama na nanonood ng soccer sa TV bagaman hindi niya sigurado kung nanonood nga ba ang mga ito o may seryosong pinag-uusapan. "Tito Yvo!" masayang sabi niya nang makita ang kapatid ng ama. Pansamantalang nawala ang laman ng kanyang isipan kanina. "Czarina," nakangising bati naman ng kanyang tito at napunta na sa kanya ang atensyon ng mga naroon, kasama ang ina niya na kabababa lang ng hagdan. "Kumain na po kayo?" tanong ni Czarina. "Hindi pa, hinihintay ka namin," anito. "Nagdala ako ng mga paborito mong ul
Last Updated: 2025-12-24
Chapter: Chapter 243
Nang nasa sasakyan na sila ay hinarap ni Zayden si Grandma."Grandma, kung ipagpapatuloy mo ang ganito ay alam mong makakasama rin ito sa Hart Group at madadamay pa ang mga Smith!" bagaman galit ang lalaki ay sinubukan niya pa ring kausapin ang matanda nang mas maayos at bahagyang kalmado."At sa tingin mo ay maganda ang ginawa mo? Hindi pa kayo divorced ni Czarina pero hinaharap mo na agad ang Chloe na iyon at binabalandra sa maraming tao? Nahihiya ka na madamay ang mga Smith pero hindi ka ba nahihiya para sa pamilya ng asawa mo? It's a great shame on their part, too!"Natahimik si Zayden.May punto naman ang matanda at hindi niya iyon ikakaila. Bakit nga ba nawala sa isip niya na makakaapekto rin ito sa mga Laude?"Ako na ang bahala sa issue tungkol sa nagpakalat ng balita na iyon. Pero ipangako mo sa akin na hindi mo na kakausapin pa o lalapitan pa ang Chloe na iyon!"Binuksan ng matanda ang pintuan ng sasakyan ni Zayden. Bago ito lumabas ay muli niyang tinignan ang apo."Huwag mon
Last Updated: 2025-12-22
Chapter: Chapter 242
Nanigas sa kinatatayuan si Chloe. Kinakabahan siya sa matanda at the same time ay nahihiya siya dahil napakaraming tao roon at naka-live pa sila! Mas lalo siyang nagmumukhang kabit na hindi tanggap ng pamilya ng lalaki."Grandma," may diing sabi ni Zayden. Natatakot at may respeto din siya para sa matanda pero hindi naman yata katanggap-tanggap ang pagpapahiya nito kay Chloe. "Let's settle things in private. At ayos lang naman na nandito si Chloe since she's part of this issue."Sa kabila no'n ay hindi nagpatinag si Grandma. Seryoso pa rin ang mukha nito at talagang hindi na natutuwa sa nangyayari.Nagtungo ang assistant ng matanda sa tabi ng stage at pinakiusapang muli si Chloe na sumunod na lamang.Pero sa kabila no'n ay hindi iyon sinunod ni Chloe. Umatras pa ito at lalong nagtago sa likuran ni Zayden, at pagkatapos ay tumingin sa lalaki na tila humihingi ng tulong o 'di kaya ay senyales ng kung ano ang dapat niyang gawin.Kunot ang noo ng lalaki na tila nagpipigil ng inis. Pero si
Last Updated: 2025-12-21
Chapter: Chapter 241
Ilang oras hindi nahawakan ni Czarina ang phone niya dahil abala siya sa mga natambak na trabaho na hindi niya nagawa noong nagpahinga siya. Tanghali na nang mabuksan niya ang kanyang cellphone. Bumungad ang message ng kaibigan niyang si Klarisse, nagtatanong kung ano ang nangyayari at bakit may live press conference si Zayden ngayon. Nagtataka at medyo kinabahan na agad binuksan ni Czarina ang kanyang social media. Hindi na siya nahirapan pang hanapin ang tinutukoy ni Klarisse dahil bumungad din iyon agad sa kanya. Nagsisimula pa lang ang presscon. Nakatayo sa harap ng podium si Zayden, suot ang kaparehong damit na suot niya kaninang umaga. Pero bukod doon ay may isa pang kapansin-pansin sa mga nangyayari ngayon. Katabi nito si Chloe sa mismong stage! Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Czarina. Talaga bang wala ng respeto si Zayden sa kanya? Siya ay laging napagsasabihan maidikit lang ng kaunti ang pangalan niya kay Adrian. Pero ito? Ganito ang gagawin? "Ano ba'ng nasa i
Last Updated: 2025-12-18
Chapter: Chapter 240
"Czarina, walang may gusto ng nangyari. Hindi naman sinasadya ni Chloe na makapagdala ng pekeng snow lotus grass na iyan. Can we just stop at that? Wala namang dahilan para pag-awayan pa ang bagay na matagal ng tapos," sabi ni Zayden. Nalaglag ang panga ni Czarina. What did she expect? Malamang ay siya na naman ang masama sa tingin nito. "Can we just stop-- what?" Nagtaas ng isang kilay si Czarina. "Zayden, do you even know what you're saying? Unang-una ay wala akong ginawa diyan sa Chloe mo. Heck! I didn't even know about that issue not until I heard it here! At hindi ko rin siya inaway tungkol diyan, siya itong sumugod dito. Now, ako pa rin ang titigil? Utak, please!" napipikon na sabi ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit paulit-ulit siyang naiipit sa dalawa gayong dumidistansya na nga siya. "Nasaktan si Chloe, at sasabihin mo na wala kang ginawa?" pagtatanong ni Zayden kay Czarina. Halata rin ang pagkadismaya sa mukha ng lalaki. "Czarina, hindi naman lingid sa kaalaman mo
Last Updated: 2025-12-16
Chapter: Chapter 239
Humarang si Czarina sa pagitan ng dalawa at nakalmot siya ni Chloe dahil doon. Napangiwi ito sa sakit at hapdi pero hindi niya na iyon ininda pa. Humarap siya kay Chloe at hinarang ang buong katawan para hindi na masaktan pa si Sanya na sa tingin niya'y wala namang ginawang mali. "Chloe!" banta niya sa babae. Akala niya ay muling susugod si Chloe pero nagulat siya nang umupo ito sa sahig at nagsimulang umiyak. "Ano ba ang ginawa ko sa'yo para ganituhin mo ako, Czarina?" pagtangis nito. "Dahil ba kay Zayden? Bakit hindi na lang siya ang kausapin mo? Matapos mong ipagkalat ang tungkol sa birthday ni Grandma ay sasaktan mo naman ako ngayon." Humagulhol pa ito na tila kinakawawa. Napatingin ang ilang mga napapadaan sa kanila. At sa mga bagong dating lang ay mistulang si Czarina ang kontrabida sa mga oras na iyon. Samantalang si Czarina at si Sanya ay medyo natulala, nagtataka sa nangyayari. Bakit bigla na lang nag-iba ang lahat sa isang iglap? "The hell are you saying? Eh, ikaw i
Last Updated: 2025-12-15
My Billionaire Ex-Fiance

My Billionaire Ex-Fiance

Limang taon na nakulong si Brianna at inakusahan na manloloko ng pamilya Smith at ng fiance nito na si David. Pagkalabas ng kulungan ay pinilit itong mag-donate ng kidney para sa anak ng mga Smith na nauwi sa isang trahedya. Buong akala niya ay tuluyan nang nawalan ng pakielam si David sa kanya ngunit sa burol ni Brianna ay labis ang naging pag-iyak at pagwawala ng lalaki na taliwas sa inaasahan ng lahat na magsasaya siya. At pagkatapos ng tatlong taon, nagulat ang lahat nang makita nila si Brianna, ngayon ay fiance na ng kapatid ni David, buhay at ibang-iba na sa Brianna na nakilala ng lahat. David and the Smiths are all mad... ngunit nagulat ang lahat nang halos magmakaawa si David para lang balikan siya ng dalaga. Ngunit paano gagawin iyon ni Brianna kung halos lahat ng trauma na dinanas niya ay nagmula nang makilala niya ang lalaki?
Read
Chapter: Chapter 111
MALAKAS ANG HANGIN sa mga oras na iyon at hinahangin ang buhok at damit na suot ni Yanna. Pumikit siya at dinamdam sandali ang lamig ng hangin bago muling dumilat upang makita ang malawak at payapang karagatan sa harap niya. Hindi madali na magka-amnesia, hindi niya alam kung sino ang nagsasabi ng totoo o hindi. Pakiramdam ni Yanna ay pinaglalaruan siya ng lahat. At ngayon sinasabi pa nila na naging malapit sila ni David bago ang aksidente. Paano mangyayari iyon gayong galit siya sa lalaki? "Ayos ka lang?" Natigilan si Yanna nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Hindi na niya kailangan pang lumingon para alamin na si David ang nasa likuran niya. Humanap ng pwesto si David sa tabi ni Yanna habang binabasa kung ano ang nasa isip ng babae. Ilang minuto itong natahimik, hindi sumigaw o nagalit, pero hindi rin siya binati. David took it as a sign that it's okay to stay. "Sa mata ng iba ay masaya ka pero alam ko na sobrang nabibigatan ka na," sabi ni David habang nakatingin sa
Last Updated: 2025-03-18
Chapter: Chapter 110
Nalaman ni Yanna na naroon din si David para sa opening ng resort at isa ito sa mga VIP guest. Hindi niya magawang awayin ang kahit na sino dahil alam niya na bago pa maimbitahan ang team niya roon ay nauna nang naimbitahan si David. "Sobrang bait. Ino-offer nga sa kanya ang penthouse pero okay na raw siya sa room niya," dinig ni Yanna na sambit ng isang babae. Naghagikhikan ang tatlong babae na magkakausap. Kuryosong sinundan ni Yanna ng tingin ang pinag-uusapan ng mga ito at halos malaglag siya sa kinauupuan nang magtama ang mga mata nila ni David. Nakasuot ng sando at beach shorts ang lalaki. May mga kasama ito na mga iba pang lalaki. Ngumiti si David at kumaway kay Yanna nang magkatinginan sila. Umirap si Yanna bago tumikhim. "Girl? Nakita mo iyon? Kumaway siya sa atin!" Nagtatatalon pa sa tuwa ang mga babae at hindi magkandaugaga sa sobrang kilig. Muling umirap si Yanna. Mas lalo siyang nairita dahil doon. "Good morning, Ma'am..." bati ni Kendra na kararating lang."
Last Updated: 2025-03-11
Chapter: Chapter 109
HINDI MAPIGILAN NI YANNA ang kilig habang kasama ang favorite actor niya. At isa pang nagpapasaya sa kanya ay ang nalaman na kilala siya nito."Kumain na ako once sa restaurant mo sa Australia. That's in Melbourne, I think? Right after that, I used to order your food online," pagkukwento ni Frederick sa kanya.Halos tulala si Yanna at hindi alam kung paano kikilos sa harapan ng lalaki. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa highschool at kaharap ngayon ang kanyang ultimate crush."P'wede naman kita lutuan, kung gusto mo," aniya at halatang wala pa sa huwisyo.*****SA KABILANG BANDA ay nakatingin si David sa gawi ni Yanna at ng kasama nitong lalaki. Nakilala niya agad si Frederick. Kung sa ibang tao ay magseselos siya pero ngayon na nakikita ang kasiyahan sa mukha ng babae ay wala siyang ibang maramdaman kung hindi saya para rito.Napangiti siya ng mapait. Balik na naman siya sa dati, nakatingin lang sa malayo."Sir, gusto niyo raw po ba gamitin ang penthouse?" tanong ng isa sa mga staff
Last Updated: 2025-02-26
Chapter: Chapter 108
MARAHAS NA BINUKSAN NI FIONA ang pintuan ng hospital room ni Hiraya. Wala siya sa mood at mas lalo siyang naiinis dahil sa halip na makuha ang atensyon ni David ay parang lalo pang lumalayo ang loob sa kanya ng lalaki. "A-anong nangyayari?" ang kabadong boses ni Hiraya ang nagpaalam kay Fiona na hindi lang si Hiraya ang tao roon. Agad siyang lumingon sa right side kung saan nandoon ang maliit na sofa para sa mga bisita. May babaeng nakayuko at nakahawak sa kanyang ulo. Nakatabing ang may kakapalang buhok at hindi agad nakilala no Fiona. "Who's that?" maarteng tanong ng babae at humakbang palapit sa dalawa. Nang makilala kung sino iyon ay napahinto si Fiona. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, hindi niya rin alam kung ano ba ang ginagawa ni Yanna sa lugar na iyon. May panghuhusga sa mga mata na tumingin siya kay Hiraya pero wala sa kanya ang atensyon ng babae. Nag-aalala ito kay Yanna at tila walang naririnig. Fiona's chest tightened. Pakiramdam niya ay tuluyang inaagaw
Last Updated: 2025-02-22
Chapter: Chapter 107
"HI, MOMMY!!" Naiiyak si Yanna habang nakatingin sa tablet niya. Ka-video call nito ngayon ang anak na si Nate, nakasuot pa ng uniform ang bata at kagagaling lang sa school.Nagi-guilty siya na hindi niya nakakasama ang anak."Hi, baby," aniya at pasimpleng pinunasan ang nangingilid na mga luha sa kanyang mata. "Kumusta ang school?""Okay naman po. Nag-play kami ng ball kanina. And tomorrow, may school program kami. Pwede magsama ng guardian, sasamahan daw ako ni Tito Paulo."Siya dapat ang gumagawa no'n at hindi si Paulo. Sa mga oras na iyon ay gusto nalang niyang mag-book ng flight patungo sa anak. But she needs to do this. She needs to clean her name.Dahil doon ay naglakas-loob siyang alamin kung nasaan si Hiraya. Unang beses niyang makikita ang babae, sa kanyang pagkakaalam. Dahil ang mga nauna nilang pagkikita ay hindi na niya maalala.Nang malaman kung nasaan ang babae ay hindi na siya nagsabi sa kahit na sino, maging kay Kristoff. Alam niyang pipigilan siya nito at idadahila
Last Updated: 2025-02-18
Chapter: Chapter 106
UMINIT ANG PUSO NI YANNA nang mabasa ang e-mail na kaka-send lang ngayong umaga. Nasa restaurant siya ngayon at nag-aayos ng mga records ng sales nila habang nagre-reply na rin sa ibang e-mails. Pero ang pumukaw ng atensyon niya ay ang mag-message sa kanya ang isang sikat na hotel and resort owner. Mag-o-open ito ng branch sa Cebu, nakahanda na ang lahat, at gusto nila na ang restaurant niya ang mag-cater dahil gusto nila ang mga menu niya. It's a big project for Yanna. At malaking bagay rin iyon para sa team niya sa manila."Aahhh, hindi ako makapaniwala. Talaga po bang special request nila na tayo ang mag-cater doon?" tanong ni Myla, isa sa mga chef niya."Juskooo! Mga milyonaryo ang mga bisita roon," kinikilig na sabi ni Kendra."Malandi ka, lalaki na naman nasa isip mo," sabi ng isa pa.Masayang nakitawa si Yanna sa mga sinasabi nila. The meeting isn't dull. Bagaman wala siyang maalala na nakausap niya na ang mga ito dahil ang naaalala niya lang ay umuwi sila rito ni Kristoff pa
Last Updated: 2025-02-17
You may also like
Married a Secret Billionaire
Married a Secret Billionaire
Romance · Breaking Wave
1.2M views
Played By Fate
Played By Fate
Romance · Yeiron Jee
1.1M views
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Romance · Simple Silence
1.1M views
Win Me Back, My CEO Husband!
Win Me Back, My CEO Husband!
Romance · Glazed Snow
1.0M views
Just One Night [Tagalog]
Just One Night [Tagalog]
Romance · Mairisian
1.0M views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status