LOGINNapangiwi si Czarina sa narinig. Tawagan sila Becca at sabihing ligtas siya? "What? Sa tingin mo ba ay maniniwala sila? What a stupid freaking idea," hindi niya napigilang sabihin. "Ano'ng sabi mo?" galit na sabi ng kidnapper na agad nag-init ang tainga nang marinig ang tinuran ng babae. "Talagang gusto mo ng matapos ang buhay mo ha!" Hindi umimik si Czarina. Iniisip niya kung makakatulong ba sa sitwasyon niya ang pagpatol dito. Sa huli ay hindi niya rin napigilan ang sariling bibig. "Then what do you want me to do? Wala kang tinawagan sa mga kakilala ko, tingin mo ba ay mahahanap nila ako sa kung saang kalibliban na lugar na ito?" bakas ang inis sa boses ni Czarina. "Hmm, may naisip na ako. Bakit hindi nalang natin tawagin ang mayaman mong asawa, si Zayden Hart. Tignan natin kung ililigtas ka ba niya!" Napairap si Czarina. P'wede naman iyon pero hindi niya iyon gagawin. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit na anong ugnayan kay Zayden, at hindi para idamay pa ito sa mga ganito
Hiniwa ng lalaki ang lubid at mas lalong bumaba ang pwesto ni Czarina. Mas naging marupok din ang pwesto niya at halos mapahiyaw siya sa gulat. Dumulas din ang pwetan niya at sa munting sandali na iyon, akala niya ay katapusan na niya. "Sa tingin mo ba ay mauuto mo ako?" "Pakawalan mo ako at ako ang bahala sa'yo," pangungumbinsi pa rin ni Czarina. "Work for me, binibigyan kita ng pagkakataon ngayon. Forget all these and work for me." "Ha! Sa tingin mo ba pinangarap kong maging aso na sunod-sunoran sa gusto ng iba? Sa gusto mo? Gusto ko ako ang boss, nag-uutos lang at hindi inuutus-utusan. Iisang tao lang ang hahayaan kong gawin iyan sa akin." Kuryosong nagtaas ng isang kilay si Czarina. "And who could that be?" tanong ng babae sa pag-iisip na baka makakuha siya ng clue kung sino ang nagpa-kidnap sa kanya. Bagaman hindi niya rin sigurado kung makakaalis pa ba siya ng lugar na iyon ng buhay. "Hindi mo rin iyon kilala," sabi ng kidnapper. "Sino?" pangungulit pa rin ni Cza
"May ilang area pa rito na hindi napupuntahan. Dito sa banda rito ay maraming mga abandonadong building, minsan ay may mga insidente ring nagaganap dito kaya posibleng dito siya dinala ng mga kidnapper. Walang CCTV sa area."Pagkarinig no'n ay lumabas agad si Zayden at nagpunta na sa area na iyon. Nagkanya-kanyang alis na ang mga pulis at naiwan ang mga magulang ni Czarina roon. Gusto man nilang sumama at tumulong din sa paghahanap ay makakaabala lang sila sa mga pulis."Kanina lang ang sabi niya ay hahanapin niya si Czarina pero mukhang umuwi na yata," sabi ng mommy ni Czarina sa kanyang asawa.Nauna kasi si Zayden na umalis bago ang mga pulis at ang akala ng mga ito ay umuwi na siya."Sa tingin mo ba ay tutulong talaga iyon?" medyo inis na sabi naman ng dad ni Czarina.Hindi na nakipagtalo pa ang babae pero umiyak naman ito dahil sa pag-aalala.Niyakap siya ng kanyang asawa."Don't worry. She will come back well and alive." Hinalikan niya ang ulo ng asawa. "Huwag mo munang sabihan
Pagpasok sa may opisina na maliit na conference room pala ay napatingin kay Zayden ang mga tao roon. Tumayo pa sila upang bumati sa kanya. Maliban sa isang lalaki, ang ama ni Czarina. "Tito," tawag ni Zayden dito bilang pagbati na rin pero hindi siya pinansin nito.Tumikhim ang police officer na may mataas na ranggo nang maramdaman ang awkwardness sa pagitan ng dalawa."Mr. Hart, nandito ka rin ba pata kay Miss Laude?"Lumipat ang mga mata ni Zayden mula sa ama ni Czarina patungo sa police officer."Ano na ang nangyayari? May balita na ba? Ngayon ko lang nalaman kaya ngayon lang ako nakapunta.""May nag-report kanina na may kumuha nga raw kay Miss Laude at may ilang nakakita pero mabilis daw ang mga pangyayari. May nakuha naman kaming detalye tungkol sa sasakyan na gamit nila at huli itong nakita sa may intersection papuntang Batangas. Pagkatapos doon ay hindi na namin mahanap kung saan pa ito lumiko."Nakahalukipkip na pinanood ni Zayden ang CCTV footage na pinanood sa kanya. "Nag
Zayden Hart's throat protruded in arrogance and a silent anger. Napansin ng assistant niyang su Jax ang pagbabago sa mukha nito nang may mabasa sa kanyang cellphone."Sir? Ayos ka lang?" tanong nito na may kaba na rin sa boses. Sa madaming taon niya ng nagtatrabaho kay Zayden ay kabisado niya na ito kahit papaano. He rarely shows his emotion, but Jax knew when something changes. Isang advantage iyon ng matagal niya ng pagiging assistant ng lalaki.Hindi sinagot ni Zayden si Jax at sa halip ay may tinawagan ito sa kanyang cellphone. Kinuha niya ang mga importanteng gamit at mabilis na lumabas ng opisina.'Emergency' napagtanto ni Jax na iyon ang nangyari.Alam niya na kailangan siya ni Zayden kaya agad na sumunod si Jax dito."Sir? Ano po ang nangyari? May nangyari ba kay Miss Chloe?" maingat na tanong nito.Pinindot ni Zayden ang elevator at pumasok silang dalawa roon."May nangyari kay Czarina."Halos manlaki ang mga mata ng assistant sa gulat. "Kay Miss Czarina?!"Pagkalabas nila
Papalalim na ang gabi, muling tinignan ni Czarina ang nasa baba niya. She was not afraid of heights but today is a different one. Sino naman kaya ang maghahanap sa kanya? Ang pupunta sa kanya rito? At hahanapin siya sa magdamag? Si Zayden? Medyo malabo iyon. Siguro kung si Chloe ang na-kidnap at nandito ngayon ay baka wala pang isang oras ay ligtas na ito. Pero habang iniisip iyon ay nagtaka si Czarina kung bakit ni-reject ni Zayden ang proposal ni Chloe. That somehow confused her. Bakit naman nito gagawin iyon, eh, una pa lang ay iyon naman na ang plano nilang mangyari. "Pakawalan mo na ako," sabi niya sa lalaking nakaupo ngayon sa may sahig ng abandonadong building, sa tabi lang din ng kinaroroonan niya. "Kung magkano man ang offer sa'yo ng nag-utos nito ay papantayan ko, o dodoblehin ko pa!" "Tsk," dinig niyang singhal ng lalaki. "Kayong mga mayayaman talaga pakiramdam niyo ay kayang bilhin ng pera lahat, ano? Sorry, hindi ako mabibili ng pera mo. May isang salita ako.
Umuwi muna ng bahay si Czarina bago puntahan si Zayden. Nadatnan niya sa bahay ang mga magulang pati na rin ang lolo at lola nito na tila kanina pa siya inaabangan. Nandoon din ang isa nitong tiyahin."Ano'ng meron?" natatawa niyang sabi.Totoong excited na siya ngayong araw. Gusto na rin niyang ma
NAGMAMADALING PUMASOK si Czarina sa loob ng hotel. Madami ng tao roon nang makarating siya. Halos lahat ng dadali ay nandoon na at nag-uusap-usap. Nakaupo na ang mga ito at sama-sama sa isang mahabang mesa. It's a business dinner but also a private one. Hindi ka basta-basta makakadalo kung hindi k
Magkakaharap sila sa hapag-kainan, naroon na ang mga pagkaing ni-request ni Czarina. Panay ang tinginan nina Czarina at Zayden, natatakot na baka isa sa kanila ay may magkamali sa sasabihin at mapansin iyon ni grandma."Grandma," magiliw na sabi ni Czarina at marahang sinandal ang ulo sa balikat ng
UMILING SI CZARINA. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," sabi niya kay Chloe at humakbang na palayo nang higitin ni Chloe ang braso niya at muli siyang pinaharap rito."Aminin mo na, Czarina, dadalawa nalang tayo oh? Makikipagplastikan ka pa ba? Naghahanap ka lang ng atensyon, hindi mo naman kayang it







