Beranda / Romance / The Billionaire's Baby Maker / Chapter 7: His Baby Maker

Share

Chapter 7: His Baby Maker

Penulis: top13Arida
last update Terakhir Diperbarui: 2024-05-09 16:41:03

Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama ko ngunit hindi ako makatulog, pabalik-balik pa rin kasi sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Alejandro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, binili niya ako sa The Shire at hindi ko alam kung bakit! Ayaw ko mang sumama sa kanya ay wala naman yata akong magagawa dahil binayaran niya ang lahat ng mga utang ko at binili niya ako sa The Shire.

Tinawagan ako kanina ni Michelle at sinabi niya mismo sa akin na hindi na ako magtatrabaho mula ngayon sa club dahil may bumili na sa akin sa halagang hindi mahihindian ng may-ari ng club. Ang sabi raw sa kanya ay VVIP ang nakabili sa akin at kaibigan daw ng may-ari ng The Shire.

Kung kilala lang siguro ni Michelle kung sino ang nakabili sa akin ay baka magtitili iyon sa kilig at saya.

Napabuga ako ng malalim na hangin, simula bukas ay sa kanya na ako magtatrabaho at hindi ko alam kung anong klaseng trabaho ang ibibigay niya sa akin.

Mariin kung ipinikit ang mga mata ko, napakunot ang noo ko nang makita ko ang mukha niya. Napailing ako.

"Hala! Pati ba naman sa pagpikit ko? Mukha mo pa rin?" Inis na wika ko at ginulo ang buhok ko.

PAPIKIT-PIKIT akong naglalakad sa maliit na sala ng bahay namin, inaantok pa ako at sumasakit ang ulo ko! Nilagyan ko ng tubig ang baso at ininom iyon. Anong oras na ba? Iminulat ko ang isang mata ko at napatingin sa wall clock namin, 8:56 A.M. palang pala.

Napatingin ako sa pintuan namin ng may marinig akong tatlong katok, sino naman ang bisita ko sa ganitong kaaga ng araw na ito?

"Be ready before 9 in the morning tomorrow..."

Nanlaki ang mga mata ko, si Alejandro! Susunduin niya ako ngayon! Mas lumakas ang mga katok sa pintuan kaya nagmamadali akong lumapit doon para buksan ito. Nakakunot ang noo nito, halatang naiinip na, ngunit umigting ang panga nito ng makita ko.

"G-good morning." Napangiwi ako.

"Eyes​ on the floor!" Inis na sigaw nito sa tatlong lalaking nasa likuran niya, "get inside!" Inis na utos nito sa akin.

Natataranta akong sumunod sa utos nito, "p-pasok kayo!"

Hindi pa nakakapasok sa loob ang mga kasama niya ng pabalibag niyang isinara ang pintuan ng bahay namin.

"H-hala! Hinay-hinay naman baka masira ang pintuan." Ani ko.

Sinamaan lang ko ng tingin nito, "you don't welcome your visitor wearing that fucking shit!" Inis na wika nito.

Napatingin naman ako sa suot ko at agad na tinakpan ang dibdib ko ng kamay ko, ramdam na ramdam ko ang pang-iinit ng pisnge ko. Wala akong bra! At bakat na bakat ang...

"I can almost see your fucking nipples! Damn shit!" Mura nito kaya napatalikod na ako dahil sa sobrang pagkahiya sa kanya, "and you're wearing that fucking short shorts! Sana nagpanty ka nalang!" Galit na pasigaw nito sa akin.

"Nakalimutan ko kasi na pupunta ka at bakit ka ba nagagalit?" Nakatalikod na sagot ko.

"Paano kung hindi ako ang kumatok sa pintuan mo? Paano kung mga manyak? Edi na rape ka pa?"

Inis na hinarap ko siya, "sorry, okay na?"

Napairap ako at nagdadabog na naglakad papunta sa kwarto ko. Bahala ka d'yan maghintay!

Inabot yata ako nang kalahating oras bago lumabas ng kwarto ko, tapos na akong maligo at mag-ayos ng sarili ko. Nakajeans at blouse na ako ngayon na pinarisan ko ng puting sapatos. Bitbit ko ang tatlong bags ko, may dalawang box pa sa loob. Mabuti nalang at matapos naming mag-usap kahapon ay nakapag-empake na ako.

Naabutan ko siya na nakabusangot ang mukha, inilapag ko ang dalawang bags sa maliit na sofa at inayos ang pagkakasuot ng backpack sa likuran ko.

"I told you that I hate waiting, didn't I?"

"Oo, kahapon lang." Patay malisya kong sagot.

"Tsk!"

Tumayo na ito at binitbit ang dalawang bags ko, siya rin ang nagbukas ng pintuan. Nakatayo pa rin doon sa labas ng pintuan ang tatlong kasama niya, bodyguards yata niya? Ngumiti ako sa kanila.

"Mga kuya, pakikuha naman po ng dalawang box sa loob ng kwarto ko. Nasa bandang kaliwa po ang kwarto ko at nakabukas po 'yon"

"Go get her stuffs." Maotoridad na wika nito na ikinatango naman ng tatlong lalaki.

Hinila naman nito ang kamay ko palabas ng maliit na gate namin at pinagbuksan ng pintuan ng itim na magarang kotse.

"Sila na ang bahalang magpadlock ng bahay mo." Aniya na tinanguan ko lang.

Manghang-mangha akong napatingin sa loob ng kotse niya, ito rin ang kotseng gamit niya noong gabing tinulungan niya ako.

"Sa 'yo ba ito?" Tanong ko nang makapasok ito sa kotse niya pagkatapos niyang mailagay ang dalawang bags sa backseat. Tumango lamang siya at pinaandar na ang kanyang kotse.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Nakatingin lang siya sa daan, focus na focus siya sa pagdadrive. Ako naman ay tinatanaw ang dinaraanan namin, napalingon ako sa kanya nang hindi niya ako sinagot.

"Uy! Tinatanong kita." Pangungulit ko.

Napasimangot ito sa akin, "my house." Sagot niya, napatango naman ako.

"Ano ba ang trabaho ko sa iyo? Maid ba? Talagaluto? Tagalinis? Tagalaba ba?"

Nakita kong kumunot ang noo nito at gumalaw ang kanyang panga, "no." Aniya.

"E, ano nga?"

"Will you please shut the fuck up?" Inis na sagot nito.

Natigil ako sa kanyang pagsigaw. Ayaw niyang pinaghihintay siya, mainit ang ulo niya, pero mabait naman siya kasi tinulungan niya ako noon at binayaran niya pa ang lahat ng utang ko.

"Bakit mo binayaran ang lahat ng utang ko?" Lakas loob na tanong ko.

Hindi ko talaga kasi maisip kung bakit niya binayaran ang utang ko, hindi kaya pamilya siya namin? Nanlaki ang mga mata ko.

"Pinsan mo ba ako? Paanong mayaman ka?"

"Damn, no!"

"E, bakit mo nga binayaran ang utang ko?"

"Magtatrabaho ka na sa akin."

"Anong trabaho?"

"You're not gonna stop, do you?" Binalingan ako nito ng tingin at naiinis na tumingin sa akin.

Tumahimik naman ako, bakit ba ayaw niyang sagutin ang tanong ko? Malamang hindi ako titigil dahil hindi nasasagot ang tanong ko. Napabuga nalang ako ng malalim na hangin at inaliw ang mga mata ko sa kakatingin sa bawat madadaanan namin.

Hindi rin nagtagal at pumasok kami sa isang subdivision, nakita ko na ito sa commercial sa TV, sobrang mahal daw ng mga bahay dito.

Maya-maya pa ay tumigil ang kotse niya sa isang malaking brown na gate, otomatiko itong bumukas at ipinasok ni Alejandro ang kotse niya sa loob.

Sa labas palang ay sobrang ganda na ng bahay niya, malaki ito. Sa garahe ay may lima pang kotse. Sa limang kotse na nasa garahe ay kilala ko ang brand ng tatlo, Ferrari, ngunit ang dalawa ay hindi ko na alam kung anong brand, isama pa ang sinasakyan namin ngayon. May tatlong motor siya na ang lalaki! Isang puti at dalawang itim.

Sumilip ako sa tabi ng garahe, parang may harang doon at may nakita pa akong dalawa pang itim na kotse plus pa ang isang itim na kotse na nakasunod sa amin.

Sobrang yaman niya nga talaga!

May bumukas ng pintuan para sa akin, sinilip ko kung sino iyon, isa siya sa tatlong lalaki pala kanina sa labas ng bahay na kasama ni Alejandro. Lumabas ako ng kotse at ganoon din siya, kukuhanin ko na sana ang bag ko pero hawak na iyon ng kasama ni Alejandro na nagbukas ng pinto para sa akin. Nagpasalamat naman ako sa kanya.

"Let's go."

Sumunod lang ako sa kanya papasok sa bahay niya, ang pintuan ng bahay niya ay sobrang taas! Double doors ito. Pagkapasok naman namin sa bahay ay nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako, ang ganda-ganda!

"Tss! Come on!" Inis na wika nito ng hindi kaagad ako nakasunod dahil sa pinagmamasdan ko pa ang kabuuan ng bahay niya.

Ang ganda talaga!

Tumango naman ako sa kanya at patakbong lumapit sa kinaroroonan niya, nagpatuloy naman kami ulit sa paglalakad. Umakyat kami sa mataas na hagdan at pumasok kami sa isang silid na sobrang ganda rin, marami doong libro kaya sa palagay ko ay library niya ito or baka opisina niya sa loob ng bahay niya.

"Stay here." Aniya. Tumango lang ako.

Lumabas naman siya kaya naiwan ako rito. Naupo ako sa itim na leather couch niya at inilibot ang paningin ko sa silid na ito. Mas malaki pa yata 'to kesa sa buong bahay namin!

"Ang ganda!" Feeling ko ay nagpupuso ang mga mata ko.

"Ehem."

Napalingon ako sa tumikhim, may babaeng nakatayo sa likod ng nakasarang pinto. Hindi ko man lang namalayan na may nakapasok na pala. May folder​ itong hawak-hawak. Maganda siya, may matangos na ilong, matangkad..basta ang ganda niya

"You must be, Kathnisse?" Tanong niya. Tumango ako sa kanya, "I'm Audrey. Corporate secretary ni Sir Alejandro."

Naglakad siya patungo sa akin kaya napatayo ako, inilahad nito ang kamay niya kaya nakipagkamay ako sa kanya.

Ni head to foot ako nito at bahagya siyang napangiti, "please be seated, I will discuss to you some important matter." Aniya.

Nang makaupo na kami ay inilapag niya ang folder na hawak niya sa mesa, sa harap ko.

"Lahat ng tanong mo sa boss ko ay nar'yan na." Itinuro nito ang folder.

Kinuha ko ito at binuksan, binasa ko ang kung ano man ang nakasulat doon. Isa itong agreement sa amin ni Alejandro. Sa sumunod na sentence na nabasa ko ay nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang mga kamay ko.

"G-gagawin niya akong b-baby maker n-niya? Tanong ko sa corporate secretary niya.

Napabuntong-hininga ito, "yes. Lahat ng nakasaad d'yan ay totoo, 'yan ang magiging trabaho mo."

Hindi ako makapaniwala! Baka nananaginip lang ako!

"Mula sa araw na ito ay dito ka na titira, he'll have you checked up. Lahat ng pangangailangan mo ay ibibigay niya sa iyo and for your payment for bearing his child ay deritso sa bank account mo."

Napailing ako. Isa itong kalukuhan! Ang bata ko pa para magbuntis! Hindi pa ako handa para doon. Ni wala pa nga sa isip ko ang magkaboyfriend!

"He paid all your debts, didn't he?" Aniya na ikinatango ko.

"Tama ka, pero hindi rason iyon para gawin niya akong baby maker niya!" Kinuyom ko ang dalawang kamay ko, "kailangan ko siyang makausap!"

Agad akong tumayo at lumabas sa silid na kinaroroonan namin kanina, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.

"Wala na siya rito, umalis na ang Boss. Bumalik na tayo sa library." Mahinahon na wika nito pero umiling ako.

Pakiramdam ko ay narito lang siya sa bahay niya, baka nasa isa sa mga kwarto rito.

"Dalhin mo ako kung nasaan siya kung wala siya rito." Matigas na sabi ko.

Nagtitigan kaming dalawa, sa huli ay nagbaba ito ng tingin at sumenyas na sumunod daw ako sa kanya. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko, nananaginip lang yata ako? Sana ay gano'n nga ang nagyayari ngayon. Sana panaginip nalang ang lahat ng ito. Kaya ko pa namang magsayaw at maging waitress sa The Shire para mabayaran ang lahat ng mga utang namin, hindi na kailangan na mangyari ito.

Kahit medyo matagal ay paunti-unti ay mababayaran ko rin ang lahat ng mga utang namin, ayaw ko sa trabahong ibinibigay sa akin ni Alejandro. Hindi ito makatarungan!

Huminto si Audrey sa harap ng isang kwarto, narinig ko siyang bumuga ng malalim na hangin bago kumatok ng tatlong beses.

"S-sir?" Nauutal na wika nito.

Napakunot ang noo ko. Kanina habang kinakausap niya ako ay sobrang confident itong magsalita, na para bang wala siyang kinatatakutan. Pero ngayon ay ramdam kong biglang nawala ang confidence sa katawan niya. Hinawakan niya ang seradura ng pinto at binuksan ito, sumunod ako sa kanya ng pumasok siya.

"Are you done?"

Nakilala ko kaagad ang boses ng nagsalita. Tama nga ang hinala ko na narito lang siya sa bahay niya, hindi na ako nag-abala pang tingnan ang kabuuan ng kwartong ito. Gusto ko na siyang makausap kaagad tungkol sa agreement na nabasa ko kanina.

"H-hindi pa, Sir. S-she wants to talk to y-you." Nauutal na sagot nito. Pinaglalaruan nito ang kamay niya. Kinakabahan ba siya?

Nagtitigan kami ni Alejandro. Nang makita niya akong humakbang sa gilid ni Audrey, nagkasalubong kaagad ang kanyang mga kilay. Hindi ba siya marunong ngumiti? Kung hindi nakasimangot, nakakunot ang noo, seryoso ang mukha ay nagsasalubong naman ang kanyang mga kilay. Siya lang yata ang taong nakilala kong ganyan ang itsura palagi.

"You can go now." Utos niya kay Audrey, "and, you, come here."

Itinuro niya ang bakanteng upuan sa harapan ng couch kung saan siya nakaupo, prente itong sumandal sa couch habang nakatingin sa bawat galaw ko. Nang makaupo na ako ay inilapag ko sa glass table ang folder na hawak ko at inusog ito sa harapan niya.

"Nabasa ko na ang agreement mo at ayaw ko." Ani ko.

Gumalaw ang panga niya at seryoso akong tinitigan, hindi rin naman ako nagpatalo sa mga titig niya kahit na biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi sa oras na ito dapat ako mailang sa kanya, kailangan kong panindigan 'to.

"And why not?"

Walang kaemo-emosyon nitong tanong sa akin, napabuntong-hininga ako.

"Ayaw ko dahil sa ayaw ko, bata pa ako. May balak pa akong magpatuloy sa pag-aaral ko. Hindi naman ako nagsikap para anakan mo lang. Alam kong napakalaki ng utang na loob ko sa 'yo, nang dahil sa iyo ay bayad na ang lahat ng utang ko. Pero, ayaw ko nito. Marami pa naman d'yang iba." Paliwanag ko sa kanya, "ni hindi pa nga ako nagkakaboyfriend!"

"You won't decide kung sino man ang gusto kong maging nanay ng anak ko!" nagtatagis ang panga nito. Biglang akong natakot, "and who are you to say no to me? I bought you from The Shire. Akin ka na ngayon! Baka nakakalimutan mo kung gaano kalaki ang utang mo?"

Sumasakit ang puso ko sa sinabi niya, biglang nag-init ang mga mata ko. Akala ko lang ba na mabait siya? Sa nakikita ko kasi ngayon ay hindi siya ang lalaking tumulong sa akin, ibang-iba siya ngayon. Ito talaga siguro ang totoong siya.

"Hindi ibig sabihin na binili mo ako sa club at binayaran ang mga utang ko ay kaya mo ng gawin ang lahat ng gusto mo sa akin! Hindi ko naman sinabi sa iyo na bayaran mo ang utang ko, ah? Kaya ko 'yong bayaran kahit pa unti-unti lang!" Hindi ko na napigilan ng tumulo ang luha ko. Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko.

"Then bayaran mo ako ngayon, I bought you from The Shire sa halagang sampung milyun and add all your debts with interest. With that, makakalaya ka mula sa akin." Ngumisi ito sa akin.

Napailing ako. Hindi ako makapaniwala. Naloko niya ako. Pareho lang din pala siya ng ibang tao, mapanlinlang. Nag-iwas ako ng tingin. Saan naman ako kukuha ng ganoong kalaking pera? Kahit yata buong buhay akong magsayaw at maging waiter sa Club ay hindi ako magkakaroon ng ganoong kalaking pera. Napahikbi ako.

Wala na akong magagawa.

"P-paano naman ako pagkatapos kong manganak?"

"Let's talk about that later."

"Nasaan ang kwarto ko? Bukas ko nalang ibibigay 'to sa 'yo." Matamlay na sabi ko.

Tinitigan niya lang ako, habang ako naman ay marahang pinahid ang luha sa pisnge ko.

"Audrey will accompany you." Aniya.

Tumango ako at tumayo na. Tumalikod na ako para lumabas nang magsalita ito.

"You are not allowed to have a boyfriend."

Hindi ko na siya pinansin at lumabas na sa kwartong ito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (9)
goodnovel comment avatar
Joanna Rodriguez
𝑝𝑎 𝑢𝑝𝑑𝑎𝑡𝑒 𝑛𝑚𝑎𝑛 𝑝𝑜 𝑔𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑛𝑔 storya
goodnovel comment avatar
top13Arida
Hindi naman po. Completed na po ito ^_^
goodnovel comment avatar
Jeanette Salvacion
bkit nman putol
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 62 -Last Chapter

    Kathnisse's POV Maganda ang panahon ngayon kaya nasa garden kami ni Aled. Naghahanda ako ng niluto kong meryenda namin sa mesa. Napasulyap ako sa dalawang anak ko na may hawak na yantok. "Kendra, be careful." Sigaw ni Aled sa pangalawang anak niya. "Yes, Daddy!" Sagot naman ni Kendra. "Ate naman!" Reklamo naman ni Kent. Muntik na kasi itong mataman ng yantok sa mukha. "Daddy, close your eyes." Napalingon naman ako kay Ayu na iniipitan ang buhok ni Aled, si Ayin naman ay nilalagyan ng eye shadow ang Daddy niya. "Daddy, you look like a girl now." Hagikhik na sabi ni Ayin. "Am I?" Nakangiting tanong ni Aled. Parehong tumawa ang kambal. Hinila naman sila ni Aled at kiniliti. Panay tawa naman ang kambal. Natawa ako sa itsura ni Aled. May mga nakaipit sa buhok niyang nga pambatang hairclips at may make-up din ang mukha niya. Ginawa na naman siyang model ng kambal namin. "Daddy...aacck! Stop it, Daddy!" Halakhak na sabi ni Ayin. "Mommy, help!" Sigaw naman ni Ayu. N

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 61

    Kathnisse's POV Ilang buwan na ang nakakalipas ng maikasal kami ni Aled at araw-araw ay mas nagiging sweet at maalaga ang asawa ko sa akin. Lumipat na rin kami sa sarili naming bahay at nagulat ako dahil hindi ito simpleng bahay lamang. Isa itong malaking mansyon! Ang akala ko pa noong una ay bahay ito ng mga magulang niya pero ang sabi ni Aled ay bahay daw namin ito at dito namin palalakihin ang limang anak na napag-usapan namin. He wants to have a big family dahil only child lang siya, mas maganda raw na may kalaro ang magiging anak namin at higit sa lahat, mas maganda raw kapag lumaki na ang mga magiging anak namin ay may matatakbuhan sila kapag kailanganin nila ng tulong kapag tumanda na kami. Nakaupo ako ngayon sa dinning table habang nakangiti. Nakabihis na ako at hinihintay ko nalang na umuwi ang asawa ko. Nagbake ako ng cake kanina at nagluto ng dinner namin. Hindi ako pumasok sa trabaho kanina dahil sumasakit ang ulo ko. Maya-maya pa ay narinig ko ng may pumasok na ko

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 60

    *Read at your own risk* Kathnisse's POV Alas dyes na ng gabi nang makaakyat kami ni Aled sa kwarto namin. Dito na muna kami nagstay sa isang hotel para mas malapit sa airport dahil babyahe pa kami bukas ng hapon papuntang Italy para sa honeymoon namin. Regalo iyon ng parents ni Aled sa amin. Nandito na rin ang mga gamit namin dahil maaga kaming nag-empake ng mga kailangan naming dalhin. Pagod man kami ni Aled ngayon pero pareho naman kaming masaya sa araw ng kasal namin. It was beyond perfect. Hindi ko ni-expect na ganoon ka ganda ang venue namin. Ang sabi ko lang kay Audrey ay okay na ako sa simple lang, ang mahalaga lang sa akin ay maikasal kami ni Aled at ma-accomodate ng maayos ang mga bisita. "Baby?" Tawag sa akin ni Aled na kakagaling lang sa banyo. Wala na itong pang-itaas na damit. Pagod akong ngumiti sa kanya. "Okay na ba?" "Yes. Let me carry you." Malambing na wika nito. Naka bathrobe ako ngayon habang nakaupo sa paanan ng kama. Ni ready ni Aled ang warm bath

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 59

    Kathnisse's POV Ito na ang pinakahihintay naming araw ni Aled. Ilang minuto nalang ang hihintayin ko at sa wakas ay ikakasal na kami ni Aled. Sobrang saya ko ngayon na kinakabahan. Nakangiti akong nakaharap sa salamin habang tinitingnan ko ang sarili ko. Suot-suot ko na ang puting wedding gown ko. "Oh, my gosh! You're perfect!" Ani Audrey na nasa likod ko. Nakasuot ito ng kulay asul na long gown at nakangiting nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko kay Audrey dahil siya ang tumulong sa amin ni Aled sa preparations ng kasal namin. Sobrang excited nito dahil si Aled daw ang unang ikakasal sa kanilang magkakaibigan. "Excited ka na ba?" Pagtatanong nito. Tumango ako sa kanya, "oo, kagabi pa nga ako excited. Hindi ako nakatulog ng maayos." Sagot ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko habang nakaharap sa kanya. "Finally, ikakasal na kayo." Naiiyak na wika nito, "oh no! Bawal umiyak!" Aniya at tumingala para hindi t

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 58

    Kathnisse's POV Nasa loob ako ngayon ng opisina ni Aled para lang sana ipaalam sa kanya ang schedule niya ngayong araw pero heto ako at nakaupo sa couch niya habang siya ay nakahiga sa kandungan ko. Ayaw niya akong palabasin! Nagbabasa ito ng nga papeles habang nakahiga sa lap ko. "Aled, doon na ako sa labas." "No." "May gagawin pa ako!" Reklamo ko. "Wala kang gagawin doon. Just stay here." Aniya habang nagbabasa ng papeles. Napairap nalang ako at nagcrossed arms. "By the way," bumangon ito at umupo sa tabi ko, "I will move to your condo." "My condo?" Nagrerent lang naman ako roon sa condo niya paano naging akin 'yon? "Magiging sa 'yo rin naman 'yon." Nakangiting wika nito, "so...can I move in?" "Okay." Sagot ko sa kanya. Pareho kaming napatingin ni Aled sa pinto dahil bigla itong bumukas. Pumasok ang isang matangkad at matipunong lalaki. Napatitig ako sa kanya. May hawig ito kay Aled. Tumayo si Aled sa tabi ko, "Kuya Adam!" Tawag nito. Mabilis na lumapi

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 57

    Kathnisse's POV Tinulak ni Aled ang pinto at pumasok. "Why are you here? Aka----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng inangkin nito ang labi ko. Narinig kong nagsara ang pinto at sinandal niya ako roon. Napahawak ako sa braso niya. Agresibo ako nitong hinahalikan. Bumaba ang halik nito sa leeg ko. "A-aled.." Mahinang tawag ko sa kanya. Binuhat ako nito kaya pinulupot ko ang legs ko sa bewang niya at ang braso ko sa leeg niya. Mahigpit nitong niyakap ang bewang ko. "Baby...I want you." Bulong nito bago inangkin ulit ang labi ko. Naglakad ito habang buhat-buhat ako. "Hmm." Mahinang ungol ko. Pinaglaruan nito ang dila ko gamit ang dila niya. Naramdaman ko nalang na naihiga na niya ako sa kama. Ang kamay nito ay nag-umpisa ng gumapang sa legs ko. Humiwalay ito sa akin at hinubad ang satin night dress ko. Napatitig ito sa katawan ko ng tuluyan na niyang nahubad ang suot ko. "You're not wearing undies." He stated. "Uhm. Wala naman akong kasama rito." Sagot ko sa ka

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status