Magdamag na dilat ang aking mga mata at nakatitig lamang ako sa ceiling ng silid na aking tinutuluyan. Pinilig ko ang aking ulo at mariiing pinikit ang aking mga mata. Kahit yata tumambling ako sa kama ay hindi pa rin ako makatulog. Dakong alas tres na ng umaga. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Nakapatay na ang ilaw ng silid at lahat-lahat ngunit dilat pa rin ang aking mga mata.Inis akong bumangon at inisip ang magiging kapalaran ko rito sa Maynila. Hindi ko pa masyadong nakikilala si Alas. At sa kabila ng pagiging malamig nito'y nagawa ko pang makaramdam ng pagkakomportable sa kanya.Napatingin ako sa pinto ng silid kung nasaan ako ngayon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa sala. Kaagad kong pinailaw ang lampshade sa aking nightstand at nakayapak na naglakad patungong pinto. Marahil ay ngayon pa lang si Alas nakauwi. Gusto kong magtanong kung kumusta na ang kanyang ina.Rason?Ewan. Concerned citizen lang siguro ako.Akmang bubuksan ko na ang ilaw ng aking silid nang
Pagdating namin sa ospital ay kaagad akong sinalang sa kung ano-anong test. Hindi ko alam kung ano ang resulta ng bawat tests at wala na rin akong balak pang alamin. Mataas ang kompyansa kong wala akong mga karamdaman, ni high blood ay wala ako. Iinit lang ang aking ulo ngunit hindi naman siguro 'yon high blood. Dala lang siguro ng inis."Next, we'll go to a salon," wika ni Fritzy nang makalabas kami ng ospital.My forehead knotted. "Para saan? Babymaker lang naman niya ako, ah?"She shrugged of her shoulders. "That is one of his commands I have to obey. Let's go now."Nauuna itong naglakad kaya sumunod na rin ako. Mainit ang panahon ngunit tila hindi niya 'yon alintana. Confident pa siyang naglakad patungo sa parking lot habang ako ay todo takip sa malapit sa 'king noo dahil nasisilaw ako sa sinag ng araw.As soon as I entered the car, she turned on the engine and drove off. Tahimik kong kinabit ang aking seatbelt at bumaling sa labas ng bintana. Matapos ng aming usapan kanina tungkol
Kasabay ng pagbukas ng pinto ng elevator ay ang paglabas ni Alas. Tahimik naman akong nakasunod sa kanya habang hawak ang paper bag na may lamang chocolates. Hindi ko alam bakit nahihiya akong mag-thank you sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay parang nawalan ako ng dila matapos malamang binili niya ito dahil napansin niyang nakatitig ako rito kanina.I sighed. Hinawakan niya ang doorknob at tinapat ang kanyang hinlalaki sa fingerprint scanner ng pinto. Hindi ko alam na ganito ka-advance ang condo ni Alas na pati pinto ay fingerprint na lang ang kailangan. Tinulak niya pabukas ang pinto at hinayaan niya lang itong nakabukas- siguro ay para makapasok ako.Sinarado ko ang pinto nang makapasok ako sa loob at nagpunta sa gilid para maghubad ng sandals. At mula sa aking gilid ay kita ko ang maraming bag paper bag at eco bag na nasa counter top. Kusang umawang ang aking labi.Mas nauna pa pala ang aming pinamili rito sa condo kaysa sa amin? Grabe! Iba talaga ang nagagawa ng pera.Hinubad ni Alas a
Humikab ako't tumigin sa orasang nakasabit sa pader. Muli akong sumilip sa aking phone at wala na akong natanggap pang reply mula sa 'king kapatid na si Mayi. Kinusot ko ang aking mga mata at bumuntong hininga. My fingers played the tips if my hair and continue watching television. Tapos na akong magsalang ng kanin pero hindi pa ako nakakaluto ng ulam.A week had passed and slowly, I am now starting to adopt to this place and his attitude. At sa isang linggo na 'yon ay medyo nauunawaan ko na ang ganap ng kanyang trabaho. Gumigising siya ng alas otso kaya't alas siete ay gising na ako para ipaghanda ang kanyang umagahan. Minsan ay pinapabaunan ko siya ng pagkaing para sa kanyang pananghalian dahil hindi ito umuuwi tuwing tanghali. Sa gabi naman ay alas otso rin ang kanyang uwi. Minsan ay umaabot ng alas dyes ng gabi.Hindi ko alam kung bakit hinihintay ko muna siyang makauwi bago ako makatulog. Siguro ay nasanay na akong antaying makumpleto kami sa loob ng bahay saka ako napapanatag at
Humikab ako at hinaplos ang buhok ni Shine. Mahimbing ang tulog nito habang yakap ako at nakaunan pa sa aking braso. Kanina ko pa tinititigan ang batang ito. Hindi ko alam kung bakit ako naaaliw sa kanya kahit na tulog na ito. Parang binabalik ako sa aking alaala dati noong inaalagaan ko pa si Ria.Nakaramdam ako ng uhaw kaya't dahan-dahan at maingat kong pinalitan ng unan ang aking braso bago ito dahan-dahang hinila para makalaya. Maingat ko ring inalis ang pagkakayakap nito sa akin at ginamit ang aking unan para 'yon ang yakapin niya. Pigil hininga kong ginawa ang mga bagay na 'yon at nang makalaya ay kaagad akong bumaba ng kama.Tinignan ko ang digital clock sa ibabaw ng nightstand sa tabi ng kama at napagtantong madaling araw na. Hinagilap ko ang aking panali sa buhok ngunit wala akong makapa. Ayoko rin namang buksan ang ilaw dahil baka ay magising si Shine.Kahit madilim ang paligid pilit kong inaaninag ang daan palabas ng silid. I brushed my hair using my fingers and sighed. Pini
Humikab ako. Hindi na talaga ako nakatulog buong magdamag. Nang sumapit ang alas singko ng madaling araw ay bumangon na ako para maligo at magbihis. Hindi ko pa rin mahagilap ang aking travel bag at hindi ko pa natatanong si Alas tungkol doon. Matapos ay lumabas ako ng silid at dumiretso ng kusina.Pagdating ko ng kusina ay dumapo ang aking paningin sa counter kung saan niya akong pinatong kagabi. Namula ang aking mga pisngi nang maalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. Kaagad kong pinilig ang aking ulo at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Ramdam ko 'yung sugat na ginawa ko kagabi dulot ng pagkagat ko rin ng mariin dito.I sighed. I need to keep myself busy para hindi ko na maisip ang gabing 'yon. Para na itong sirang plakang paulit-ulit na nagpi-play sa akin isip at walang kapaguran. Ang sarap nang ibagok ang aking ulo sa pader para malimutan 'yung mga nangyari.Sa halip na tumunganga roon at kastiguhin ang aking sarili ay pinilit ko na lang ang aking sarili na gumalaw. Nags
Tiningala ko ang mga naglalakihang building. Sumasakit na ang init na hatid ng haring araw ngunit itong kasama ko ay para bang wala lang. Sinundo niya ako kanina matapos kong makabihis dahil sa utos ni Alas. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang mag-utos ng iba para aliwin ako e kaya ko namang aliwin ang sarili ko sa loob ng condo niya, e."Tara sa mall tayo," aniya at hinawakan ang aking braso saka ako kinaladkad.Kung gaano kasungit si Fritzy ay ganoon naman ka-jolly at ka-hyper itong kasama kong si Josia Laparan. Palagi ako nitong kinakaladkad. Kahit nga nung pagbaba namin ng sasakyan kanina ay kinaladkad niya rin ako. Muntik na akong matapilok kahit naka-converse ako."Saglit lang. Dahan-dahan naman, Sia. Mababali kamay ko dahil sa 'yo, e." Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nito sa akin at laking pasalamat ko nang bitiwan ako nito.Kaagad kong hinawakan ang parteng kanyang hinawakan kanina at hinimas ito. Kita ko ang pagmarka ng kamay niya sa aking braso. Sumimangot
Hindi pa rin nawawala ang pamumula sa aking pisngi sa sobrang kahihiyan kahit halos isang oras na ang dumaan. Kasalukuyan akong naghuhugas ngayon ng pinggan. I feel like I've been here since forever. Sobrang bagal ng aking paghuhugas ng pinggan na pwede ko namang bilisan. Ewan ko ba. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.I mean, bakit naman ako mahihiya? I bought that necklace with his money, 'di ba? Ano bang kinakahiya ko? Dahil ba ako ang bumili at nagbigay sa kanya? It is my very first time handing someone a present. At partida, sa taong hindi ko pa masyadong close. Isipin mo, magt0-two weeks pa lang kaming magkakilala. Sinong hindi mahihiya du'n?Nagdesisyon na lang akong tapusin ang aking ginawa para makatulog na lang. Napagod kasi ako buong araw dahil sa pangangaladkad sa akin ng butihing pinsan ni Alas na si Sia. Pero kahit papaano ay nag-enjoy ako sa aming naging bonding ngayong araw. I thought all of Alas' relatives are strict like him, too. Akala ko kasi 'yung kasungita