Share

11

"Bye, thanks for the food," pagpapasalamat ko. Tumayo ako mula sa upuan at iniwan siya roon. Hindi na ako nagpaalam kina Ria dahil busy naman sila sa mga ginagawa nila.

Dumiretso ako sa kwarto at nagkulong maghapon. Tanging pagtulog at pagbabasa lang ang ginawa ko hanggang sa dumating ang gabi. Ang sabi ni yaya Belen ay umalis daw sina Ria kanina para maligo sa dagat. Nag island hopping sila at baka bukas pa uuwi dahil may hihintuan daw silang isla at doon magpapalipas ng gabi. Daddy is still out and I heard that Melania's with him. May importante raw na dinalo sa business si daddy at sinamahan lang ni Melania kung sakaling may kakailanganin ito.

As if siya 'yung kailangan. Ni hindi nga marunong magpatakbo ng business 'yon.

Mag-isa akong kumakain sa dining area at sa ilang araw ko na naririto, ngayon lang ako nakaramdam ng katahimikan sa paligid. Hindi literal na tahimik kung 'di tahimik na mapayapa.

"I'll be the one to wash this na po," sabi ko kay yaya Belen at hinugasan ang pinagkainan ko. Matapos kong gawin 'yon ay umakyat na ako sa taas para maglinis ng katawan.

I need to sleep early because I have classes na tomorrow.

I immediately went to bed after I did all my routine. Sandali akong umupo sa kama at binuksan ang drawer sa tabi ng kama ko. I took out the glass of my sleeping pills and take a piece of it. Nirekomenda sa akin ng family doctor namin ni mommy ang pill na 'yon dahil minsan ay hirap na hirap ako matulog. Katulad na lang ngayon ay gising na gising pa ang diwa ko kaya naman uminom ako ng isa.

Ilang minuto ang lumipas nang nakaramdam ako ng pagod at bigat ng talukap ng mata. Sandali kong naramdaman 'yon bago nagdilim ang mga paningin ko.

Kinabukasan ay maaga ako nagising. Masarap ang tulog ko dahil sa pill na ininom ko kagabi kaya naman medyo nahirapan akong bumangon.

I think my bed still wants me.

I want you too but not today.

Matapos kong mag-ayos ng katawan ay dumiretso na ako sa baba para kumain. Si daddy lang ang naroon sa hapag nang pumasok ako sa dining area. I don't know where Melania and Ria is and I won't bother asking.

Kaya naman nila ang buhay nila.

"Good morning," bati ko. Sabay kaming kumain ni daddy ng umagahan habang nagke-kwentuhan. He talked about his business and why he was late na rumating kagabi. Nagkaroon pala ng problema sa isang farm niya kaya kailangan niyang puntahan.

"Yeah, maraming peste ang nakapasok kaya naman marami ring nasayang na mga prutas. I'll go there again later, wanna come?" tanong niya sa akin. Mabilis akong napaangat ng tingin at binigyan siya ng malaking ngiti.

Of course, I want to! Sino ba naman ang hihindi sa gala kung matagal ka nang nakakulong sa bahay, 'di ba?

"Yes, I want to. But my classes end at 3:00 pm. Baka hindi na ako makaabot, daddy?" nag-aalala kong tanong. Gusto ko talagang sumama dahil ilang araw na akong nakakulong dito sa bahay. Mabuti kung may close ako rito eh ni kausap nga ay wala ako.

"We'll go after your class. I'll wait for you," nakangiting sabi niya bago sumimsim ng kape sa tasa. Mabilis na nagliwanag ang mukha ko.

"Really? Thanks!" excited na sabi ko. Sa wakas, ibang view naman ang makikita ko.

"Anything for you. Saka, wala na rin naman akong trabaho ngayon kung hindi 'yon lang kaya pwede akong mamayang hapon pumunta roon. Tutal naayos na namin kagabi at kakaunting hakbang na lang ay mababalik na uli sa dati ang mga 'yon," muling sabi niya. Halos mapapalakpak ako sa saya nang marinig ko 'yon. Binilisan ko ang pagkain at tinapos agad lahat para makapag-umpisa na kami ni Ms. Williams.

Parang segundo ang tinakbo ng oras dahil sa sobrang bilis nito. Mabilis kaming natapos ni Ms. Williams nung dumating ang hapon kaya naman ganon na lang ang excitement ko. Hindi ako magkamayaw sa pagpili ng damit sa walk in closet dahil andaming magandang pagpipilian.

"Should I wear a corset or nah?" tanong ko sa sarili bago ipatong ang nakitang magandang damit sa katawan.

"Parang runaway fashion show naman ang pupuntahan ko nito," umiiling na sabi ko. Ibinalik ko ang mga damit sa cabinet at muling namili. Ilang minuto ang nakalipas nang may mahanap na ako.

"This is perfect!" parang tangang sabi ko habang nakaharap sa malaking salamin. Mabilis akong naghubad ng damit at Isa-isang sinuot 'yon. It's an off shoulder croptop na pinaresan ng long skirt. Merong slit sa gilid na aabot hanggang gitnang hita 'yung skirt kaya naman mas bumagay ito sa top. Kumuha ako ng brown leather boots at sinuot 'yon. Saglit ko lang na inayos ang buhok ko bago natapos.

"All done!" sabi ko at pumalakpak. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

I suddenly looked like a soft countrygirl.

Kinuha ko ang camera ko na nakapatong sa kama at sinabit 'yon sa leeg ko. Mabuti na lang at mayroong bulsa ang long skirt kaya hindi na ako nag abalang magdala ng sling bag para paglagyan ng cellphone.

Nang masiguradong wala na akong nakalimutan ay bumaba na ako at dumiretso ng sala. Wala pa si daddy roon kaya naman naghintay muna ako at umupo sa couch. Maya-maya lang ay nakita ko ang pagbaba ni daddy mula sa engrandeng hagdan habang inaayos ang manggas ng suot niyang polo. 

"Wow, you look pretty," puri niya sa akin nang sinalubong ko siya. Tanging ngiti lang ang ginawa ko at ikinawit ang braso ko sa braso niya. 

"I'm excited," sabi ko. Kahit isang beses ay hindi pa ako nakarating sa farm ni daddy. Tanging dagat lang malapit dito sa bahay ang napuntahan ko. I've been at the bayan, though. Kaso nga lang ay ilang taon na ang nakalilipas noong huling pumunta ako roon kaya nakalimutan ko na rin kung anong itsura. Baka nga marami na ang ipinagbago ng bayan dahil karamihan sa mga lugar dito ay nagbago na rin. 

"Let's go then," sabi niya bago naglakad. Sabay kaming lumabas ng bahay ni daddy dahil sa magkakapit naming braso. Pagkapalabas pa lang namin sa malaking pinto ay kita ko na agad ang nakaabang na mercedes benz sa labas. 

Saka lang kami nagbitaw ng braso ni daddy nang papasok na kami sa loob. Sa gilid siya ng driver umupo habang ako naman ay sa likod nilang dalawa. Solo ko tuloy ang upuan. 

"Aalis na tayo," si daddy. Hindi ko siya sinagot at ngumiti na lang bago dumungaw sa labas ng bintana ng sasakyan. Nagsimulang umandar ang sinasakyan namin kasabay ng pagbukas ng malaking gate. 

Habang papalayo ang sasakyan namin sa bahay ay kita ko na naman ang pamilyar na daan. Ang mahabang kalsada sa gitna ng mga nagtataasang puno. 

Para akong nasa ibang bansa tuwing dadaan kami sa kalsadang 'to. Ilang minuto ang nakalipas bago kami lumagpas sa daanang 'yon. Bagong tanawin na naman ang nakita ko, I believe this is Peublo? Ang gitna ng Fuego. Iba't ibang bahay ang nadaraanan namin at ni isang kalat ay wala kang makikita. Meron pa akong nakikitang mga bata na naghahabulan sa gilid. Akala ko ay lalagpas na kami sa mga bahay na 'yon ngunit nagkamali ako. Huminto kami sa isang malaking gate malapit lang din sa mga bahay. 

"Andito na tayo," si daddy. Halos sabay lang kaming bumaba ng kotse nang huminto 'to. Agad akong namangha sa nakikita ko. May mga palayan sa kabilang gilid at maraming bahay. Hindi dikit-dikit ang mga 'to, sakto lang para mag mukhang malinis. Parang nag mukhang exclusive village ito sa gitna ng probinsya. Tanging mga mararaming puno, palayan, dagat at mga batang naglalaro lang ang naging patunay na probinsya ito. 

Probinsyang probinsya ang dating. 

Kahit na putok na putok ang araw ay malamig pa rin ang simoy ng hangin dahil sa maraming puno sa paligid. 

Sinundan ko si daddy hanggang sa makarating kami sa isang mababang gate na gawa sa bakal. I can see already see the big barn kahit na nasa labas pa lang kami. Pinagbuksan kami ng gate ng guard at binati kami ni daddy. 

"Wow," manghang sabi ko nang makita ang malawak na patag na lupa. Sobrang lawak non na parang maiisip mong ipinagbebentang lupain 'yon.

"You can roam around, iha. May kakausapin lang ako," sabi ni daddy at tinapik ako sa balikat. Hindi ko na siya pinansin at nagumpisa na lang maglakad palibot sa buong lugar. 

I started taking pictures sa mga nagagandahang tanawin na nakikita ko. It's almost 4:00 pm pa lang kaya naman hindi pa masyadong lubog ang araw. Maybe I'll wait for another hour. Mukhang hindi naman kami agad aalis ni daddy, 'di ba? 

"Ma'am Azari?" tawag sa akin ng isang estranghero. Mabilis akong napalingon sa likod. Matandang lalaki ang sumalubong sa paningin ko. May suot siyang kulay blue na polo habang may suot na sombrero na kadalasang suot ng mga magsasaka. 

"Uh, hello?" patanong kong bati. Kilala niya ba ako? Ngayon lang naman ang unang punta ko rito kaya malamang ay ngayon niya lang din ako nakita. 

 "Kayo nga. Parati kayong kinukwento sa amin ni sir Leandro," sabi niya. 

"Ahh," sabi ko habang tumatango. Kaya naman pala kilala niya ako. Madalas sigurong narito si daddy kaya kilala ako nito ni manong. 

"Ako po si Lucario, Cario na lang po ang itawag niyo sa akin," muling sabi niya. Tanging pag ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.

Manong Cario toured me around the farm. Marami kaming nadaanang mga prutas at gulay. Mang Cario even let me taste some of them. 

"Mang Cario, can I have a taste on these rin po?" tanong ko habang nakaturo sa mga strawberries.

"Oo naman, iha. Hugasan mo lang muna bago mo kainin," sabi niya. Mabilis akong bumunot ng mga strawberry at dinala 'yon sa malapit na lababo. Nang maibabad ko 'yon ay may kakaunting bugs na lumabas mula sa loob. I watched them carefully before eating all of the strawberries. Sanay na akong kumain ng mga fresh na strawberries sa Maryland kaya naman hindi na rin ako takot kung may lalabas na bugs doon. Normal lang naman kasi 'yon lalo na 'pag bagong pitas.

Nanatili lang ako roon sa lababo hanggang sa maubos ko ang mga 'yon. Niligpit ko lang ang mga kalat ko bago uli nag ikot-ikot. Sa sandaling panahon na pag tour sa akin ni Mang Cario ay nakabisado ko agad ang daan. Nang magsawa sa mga prutas ay ang mga kabayo naman ang pinuntahan ko. 

According to Mang Cario, dad has ten horses daw. Iba pa 'yung mga alaga niyang kabayo sa isang farm which is yung unang unang farm niya na sila lola pa ang nagpatayo. Sabi ni Mang Cario ay mas malaki pa raw 'yon kesa rito.

Lumakad ako papalapit sa mga kabayo at sandali ring napahinto nang may makitang pamilyar na pigura.

Is that Damian? What is he doing here? Don't tell me farmer siya rito? 

Kausap niya si daddy habang may katabing kabayo. Mukhang kakatapos niya lang paliguan 'yon dahil may timba pa akong nakita sa tabi. Lumapit ako sa kanila at doon ko nga nakumpirma na si Damian 'yon. 

"Oh, andito ka na pala. Kamusta ang pag iikot?" tanong ni daddy nang makalapit ako.

"I'm full," sagot ko bago ituro ang tyan ko. Totoong nabusog ako dahil halos lahat ata ng prutas dito ay sinubukan ko. 

"I was expecting you to say that. Oo nga pala, andito si Damian dahil binisita niya ang mga kabayo. He's always here for three to four times a week. Magaling siyang mangabayo. Pwede ka niyang turuan, iha," sabi ni daddy. Mabilis akong umiling. 

"No, thank you, daddy. Baka may gagawin pa si--" 

"Wala na akong gagawin," putol sa akin ni Damian. 

"Oh, ayon naman pala, eh. Turuan mo mangabayo si Azari, Damian. Ang sabi ni Alejandra ay hindi raw siya marunong kaya mas mabuti pang turuan mo. Aanhin ko ang mga kabayo ko rito kung sarili kong anak hindi marunong mag patakbo, 'di ba? Oh siya, maiwan ko na kayo at kakausapin ko pa si Lucario," si daddy. Wala na akong nagawa nung nagsimula siyang maglakad palayo. Mukhang desidido na nga siyang matuto ako. 

Ghad, paano ito? Huling sakay ko ng kabayo ay 6 years old pa ako. 'Yon ang isa sa pinakaayaw kong memorya noong anim na taong gulang ako. Ang plano kasi ni mommy non ay matuto ako magpatakbo ng kabayo pero kamalas-malasan nga naman na sa ospital kami nauwi. Sumipa kasi nang malakas 'yung sinasakyan ko kaya nalaglag ako. Wheelchair tuloy ng isang buwan ang bagsak ko. 

"Hindi ba naninipa 'yan?" tanong ko kay Damian. Mabilis siyang umiling bago hinimas ang kabayo. 

"Mga m*****a lang ang mga sinisipa nito. Right, Shark?" sagot ni Damian, kinausap pa ang kabayo.

Anong klaseng pangalan 'yan? Shark? Kabayo tapos pinangalanan ng Shark? Abnormal ba 'to? 

"Hindi na lang ako sasakay," sabi ko na lang. Baka sa ospital na naman ang bagsak ko, 'no. No way. 

"Bakit?" tanong ni Damian.

"Baka malaglag lang ako. Naranasan ko na 'yon dati at sa ospital ang bagsak ko. I don't want that to happen again. Masakit kaya," sagot ko. Saglit siyang natigilan bago ako seryosong tiningnan. 

"I won't let that happen," sabi niya. 

"Ano? Paano mo naman gagawin 'yon? Lalagyan mo ba ng tali 'yung leeg ng Shark na 'yan para hilahin 'pag tumakbo ng mabilis?" sarkastiko kong tanong. 

"Aalalayan kita."

"Paano?"

"Sumakay ka na lang. 'Wag nang maraming tanong. Sasaluhin naman kita 'pag mahuhulog ka," masungit na sabi niya. Umirap ako. 

Okay. 

Lumapit ako kay Shark at ipinatong ang paa sa akyatan na nasa gilid ng kabayo. I think this thing called stirrup? I'm not sure.

Nang iaangat ko na ang isang paa ko ay doon ko naramdaman nag paghawak ni Damian sa magkabilang bewang ko. Saglit pa akong napahinto dahil sa gulat. 

"Hoy," bantang tawag ko at inginuso ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. Kinunotan niya ako ng noo bago tingnan ang mga kamay niya. 

"You said you don't want to end up hospitalized again. Inaalalayan lang kita," kunot noo niya pa ring sabi. 

Oo nga naman, Azari. Anong ini-issue mo riyan? 

Hindi ko na lang siya ulit pinansin at umayos na ng upo sa ibabaw ng kabayo. 

"Wear this," sabi niya at inabot ang helmet na kinuha niya sa gilid. Mabilis kong kinuha 'yon at isinuot sa sarili ko. 

"Hold the end of the reins tight. Sit straight and don't move too much," muling sabi niya. Ini-adjust niya ang stirrup sa tamang haba nito kaya naman mas lalong naging kumportable ang upo ko. 

He was about to say something when the wind blows like crazy. Nagulo ang long skirt ko na naging dahilan ng paglabas ng hita ko. Nang huminto ang hangin ay inabot ni Damian ang long skirt at inayos 'yon sa dating porma. 

"You shouldn't wear something like this when you're gonna ride a horse," pangangaral niya sa akin. 

"I didn't know I would ride one," depensa ko naman. Kung sana siguro ay sinabi ni daddy na pasasakayin niya pala ako ng kabayo edi sana nagsuot ako ng pants 'di ba? 

"Phew. Ready to ride?" tanong niya sa akin. Gumapang ang kaba sa dibdib ko. 

"R-Ready." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status