Share

Chapter 3: Cruel Reality

Nang makarating kami sa hotel ay dali-dali namang nagbayad si Yumi at agad na kaming tumungo sa kwarto namin. Ilang minuto rin ang hinintay namin hanggang sa matapos na pasok lahat ng mga luggage naming dalawa.

“Magbihis ka na at magpahinga,” wika ko naman kay Yumi habang nagtatanggal ako ng sapatos ko.

Panay naman ang hikab niya. “Kaya nga, tinatamad na rin akong magbihis. Good night, beh. Matulog ka na rin ha at baka mapahagulhol ka na naman ng iyak diyan.”

Ngumiti naman ako. “Good night. Sige na magpahinga ka na at magpapahinga na rin ako pagkatapos.”

Nakatulog ako nang mahaban sa byahe kaya medyo okay pa ako ngayon. Napag-isipan ko nalang na magshower muna bago matulog. Bukas ng umaga ako aalis para pumunta sa bahay nila Alex, at sana naman ay tanggapin nila ako sa huling pagkakataon.

Maaga pa akong gumising ngayon dahil ang akala ko ay may gagawan pa ako ng breakfast. Hindi ko naman akalain na ang dating nakasanayan kong buhay ay nawala na na parang bula. Kasalukuyan naman akong nasa veranda ngayon na nagpapahangin.

“Beh? Kim?”

Napalingon naman ako nang marinig ako ang pagtawag ni Yumi sa pangalan ko. “Oh gising ka na pala.”

“Dating gawi, ikaw palagi ang unang nagigising sa atin,” pahayag niya naman kaya pumasok na ako sa loob.

Umupo naman siya sa dining area na nasa harapan lang ng pintuan ng kwarto. “Ngayong umaga ka ba aalis?” tanong niya.

“Oo. Hindi na ako makapaghintay pa.”

“Anong oras?”

Napatingin naman ako sa wrist watch ko. “After breakfast? Oo, after breakfast tutal mga isang oras naman ang byahe papunta sa forbes park.”

“Gusto mo bang sumama pa ako sa’yo?”

Agad naman akong napa-iling. “H’wag na. Alam ko namang may gusto ka ring puntahan ngayon eh. Atsaka yakang-yaka ko na ang sarili ko, beh. Don’t worry.”

“Oh, I see. Mabuti ‘yan beh. Siya breakfast na ba tayo sa baba?” tanong niya naman sa akin kaya tumango ako.

Kagabi pa kasi talaga ako nagugutom dahil hindi naman ako kumain sa kalagitnaan ng flight namin. Pagkatapos naming kumain ni Yumi ay pareho rin kaming umalis. Nag-taxi nalang ako para convenient ang byahe dahil medyo malayo pa ang forbes park dito sa amin.

“Sa forbes park lang po, Manong,” pahayag ko naman nang makapasok na ako ng kotse.

Inabot din ng halos isang oras ang byahe namin dahil na rin sa hindi umuusad na traffic sa daan. Nang makarating ako ro’n ay sumakay na agad ako ng shuttle bus. Mabuti nalang talaga at merong mga shuttle buses, sa lawak ba naman kasi ng lugar ay siguradong mawawala ka sa loob.

Habang papalapit ako sa bahay nila Alex ay kinakabahan ako. Hindi ko alam kung uuwi akong maluwag ang pakiramdam o mabigat pa rin. Namg makababa na ako sa shuttle bus ay agad na tumambad sa akin ang napakataas na itim na gate. Dali-dali naman akong nagdoorbell at wala pangi lang segundo ay agad nang may nagbukas nang maliit na butas nito.

“Ano po ang kai...Kimberly?”

Nagulat naman ako nang makita si Andeng na nasa harapan ko ngayon. Isa siya sa mga kapitbahay dito sa bahay nila Alex, at isa rin sa mga naging kaibigan ko dahil palagi niya akong dinadala rito dati kaya wala si Tita Melody o si Trina.

“Andeng, nakikiusap ako sa’yo gusto ko lang talaga makita si Alex sa huling pagkakataon kaya papasukin mo na ako,” paki-usap ko naman sa kaniya.

Bigla namang napa-isip si Andeng. “Hindi ko kasi alam Kim dahil...”

“Who are you talking to, Andeng?”

Agad ko namang narinig ang boses ni Trina kaya lalo akong lumapit sa gate. Alam kong ayaw na ayaw sa akin ni Trina para sa kuya niya, pero wala na akong choice ngayon kung hind ang magmakaawa.

“Oh Kimberly, my kuya’s so-called-wife. Anong ginagawa mo rito? Nang dahil sa’yo ay nangyari ‘yon kay kuya, and you still have the audacity para magpakita rito sa mansyon ngayon?” galit niyang wika sa akin.

Napayuko naman ako. “Please, Trina. Huling pagkakataon ko na ‘to ngayon para makita si Alex kaya please lang, ibigay niyo nalang ‘tong pagkakataon na ‘to sa’kin,” pagmamaka-awa ko pa.

Gagawin ko ang lahat para lang makita si Alex at para na rin malinawan ako.

“What is the commotion all about?”

Bigla ko ring narinig ang papalapit na boses ni Tita Melody kaya nagtaka ako. Ang alam ko kasi ay kaya umuwi si Alex dahil naka-confine siya sa hospital, pero hindi ko naman akalain na lahat pala ng mga ‘yon ay hindi totoo.

“Here comes my son’s thief,” bungad niuang pahayag sa akin nang makita niya ako.

Bigla namang bumukas nang tuluyan ang gate kaya kitang-kita ko na sila ng buo. “Please, Tita. Just let me see your son this time. Wala na po kaong hihilingin na iba pagkatapos po nito. Gusto ko lang po talaganga makita si Alex.”

Wala na akong nagawa kung hindi ang lumuhod sa harapan nila. Wala na rin kasi akong maisip na paraan para lang makita ko si Alex kaya lahat ay gagawin ko na.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumawa. “Do you really think na hahayaan ko pa na makita mo ang anak ko pagkatapos mo siyang agawin sa amin? There is no way, Kimberly. Lumuhod ka man sa lahat ng mga santo ay hinding-hindi mo na makikita ang anak ko.”

Tagos na tagos sa akin ang bawat salitang binibitawan nila. Ang akala kong magkakaroon na ulit ako ng pamilya pagkatapos naming ikasal ni Alex ay baligtad pa pala. Impyerno ang dinanaa ko.

“Guards, take way Kimberly from here now, and make sure na hinding-hindi na siya makakapasok sa village natin kahit kailan,” ma-awtoridad na utos ni Trina sa mga guwardiya kaya agad akong napatayo.

Tatakbo pa sana ako palapit kay Tita Melody, pero agad naman akong hinarangan ng mga guwardiya nila. Napansin ko namang si Mang Flores pala ang isa sa mga guwardiya dito kaya lumapit na ako.

“Mang Flores maaawa naman po kayo. Alam kong naiintindihan niyo ako kaya please lang po, hayaan niyo naman akong makita ang labi ng asawa ko,” pagmamakaawa ko pa.

“Pasensya na talaga, Kim. Naghahanap-buhay lang din kasi ako kaya wala po talaga akong magagawa.”

Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok nalang ulit sa shuttle bus. Kahit ano ang gawin ko ay mukhang hinding-hindi na talaga magbabago ang paningin ng pamilya ni Alex sa akin. Nang makalabas ako sa subdivision ay hindi ko alam kung uuwi pa ba ako sa hotel o magpapakamatay nalang dito sa daan.

Lakad lang ako nang lakad na walang direksyon. Hindi na ako natinag sa init ng panahon ngayon at patuloy lang sa paglalakad. Hindi ko naman namalayan ang ginagawa ko nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong dinukot mula sa bulsa ng aking pantalon.

Nakita ko namang tumatawag si Ann kaya agad ko itong sinagot.

“Beh? Hoy beh! Kanina pa ako text ng text sa’yo, pero hindi mo naman ako nirereplyan. Kumusta naman ang ganap mo diyan?” tanong niya sa akin mula sa kabilang linya.

Napapigil naman ako sa pag-iyak. “Puntahan mo ako dito, beh. Hindi ko na yata kaya...”

“Ibigay mo ang address mo ngayon sa akin at pupuntahan kita.”

Agad ko nang ibinaba ang tawag at sinend sa kaniya ang lugar dito ngayon. Napa-upo nalang ako rito sa gilid ng kalsada dahil nanlalambot na rin ang mga tuhod ko. Siguro kung wala si Yumi ngayon na sumasalba sa akin ay baka kanina pag ako sumuko.

“Kimberly! Jusko!”

Hindi ko na halos namalayan kung ilang minuto na ba ako naka-upo rito kung hindi pa dumating si Yumi. Napatingin naman kao sa kaniya na parang wala sa sarili.

“Beh...”

“Ano ba kasi ang nangyari?” agad niyang tanong sabay punas sa mga pawis ko. “Sinasabi ko na nga ba eh. Mga walang puso talaga ang mga ‘yon. Hayaan mo beh at alam kong makakabawi ka rin sa kanila pagdating ng araw.”

Agad naman akong napatayo. “Hindi na ako papayag na b****a pa ang tingin nila sa akin. Sisiguraduhin ko na lahat ng mga ginawa nila ngayon sa akin ay ibabalik ko sa kanila. Hindi na nila ako maapakan pati na rin ang magiging anak namin ni Alex.”

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
tama yan kim lumaban ka para sa magiging anak nyo ni alex,bumangon ka at ipakita mo sa pamilya ni alex na hindi ka talunan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status