The Billionaire's Hidden Son Loves Me

The Billionaire's Hidden Son Loves Me

last updateLast Updated : 2022-09-28
By:  Enifome AriOngoing
Language: English
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
35Chapters
4.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Hannah Porter was certainly not ready to meet her new school's player on her first day of school after transfer to Brooklyn high school but there was no escaping when he had decided he wanted her. William Sylvester had never experienced romantic love and had never longed to experience it but he had to admit his feelings for Hannah were certainly not the usual lust. Even though they felt falling in love would be hard, they will soon find that dating was even harder than they thought especially because William was still who he was; a billionaire's son, even though he was hiding in Brooklyn.

View More

Chapter 1

Chapter One

AUTHOR'S FRIENDLY REMINDER: THIS IS A MATURE CONTENT STORY/ Age gap story.. AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! ANG LAHAT NG NAKASULAT DITO AY KATHANG ISIP LAMANG KAYA WAG MASYADONG SERYOSOHIN! THANK YOU!

MARIANNE

“Daddy!” Masaya kong sinalubong ng isang mahigpit na yakap ang daddy ko.

“My baby!”

“Daddy, I’m not a baby anymore. Twenty two years old na ako. Dalaga na ako at puwede na nga akong mag-asawa.” Pabiro na sabi ko sa kanya.

“Hindi ka pa puwedeng mag-asawa, baby. Just enjoy life at ‘wag mo munang isipin ang tungkol sa pag-aasawa.”

“Just kidding, dad. I miss you so much,” sabi ko sa kanya dahil sobra ko siyang nami-miss.

After thirteen years ay makakauwi na rin ako sa Pilipinas. My dad is a Congressman at ayaw niya na nasa Pilipinas ako. Ayaw niyang madamay ako sa magulong mundo ng politika. Pero ngayon na malaki na ako ay sinabi ko sa kanya na gusto ko ng umuwi sa Pilipinas. Tapos na rin naman akong mag-aral kaya wala ng dahilan para mag-stay ako dito sa America.

Nandito ang daddy ko dahil sinusundo na niya kami ni yaya. Bukas ang flight namin pabalik sa Pilipinas. Ang daddy ko na lang ang kasama ko sa buhay dahil wala na ang mommy ko. Ang alam ko ay may girlfriend ang daddy ko pero wala naman siyang pinapakilala sa akin. Bata pa ang daddy ko, maaga lang kasi siyang nag-asawa.

Maaga niyang nabuntis ang mommy ko kaya nagsama na silang dalawa at ako ang naging bunga. Responsible ang mga parents ko kahit pa minor pa lang sila noon. Dahil kung hindi ay baka wala na ako sa mundong ito. Masasabi ko na spoiled ako ng daddy ko. Lahat ng gusto ko ay binibigay niya.

“Baby, ready ka na bang umuwi sa Pilipinas?” tanong niya sa akin.

“Ready na po, daddy.” sagot ko sa kanya.

“Sorry, baby.”

“Bakit ka po nagsosorry?” nagtataka na tanong ko sa kanya.

“Sorry po, kasi hinayaan ko na lumaki ka dito.” sagot niya sa akin.

“I understand, dad. You’re just protecting me at nagpapasalamat ako. Siguro may time na malungkot ako lalo na kapag nami-miss kita. Pero alam ko na kahit wala ka sa tabi ko ay mahal mo ako. Hinayaan mo akong mabuhay na ayon sa gusto ko. I’m thankful and grateful for that. I love you, dad.” malambing na sambit ko.

“I love you, baby.” niyakap niya ako at hinalikan niya ako sa noo.

Nasa biyahe kami ngayon papunta sa bahay na tinutuluyan ko. Nang nakarating na kami ay hinayaan ko na magpahinga ang daddy ko. Habang kami ni yaya ay inaayos ang mga gamit ko.

“Yaya, kaya ko na po ito.” sabi ko sa kanya.

“Tutulungan na kita,” nakangiti na sabi niya.

“Yaya, thank you. Simula noong maliit ako hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin kita. Nasasaktan ako kasi kailangan mo ng umuwi sa pamilya mo. sorry kung hindi ka na nakapag-asawa ng dahil sa akin.” sabi ko sa kanya.

“Bakit mo sinisisi ang sarili mo? Wala kang kasalanan. Choice ko na hindi mag-asawa,” nakangiti na sabi niya at hinaplos niya ang buhok ko.

“Mahal na mahal po kita, yaya. Alam ko na late na pero makipag-date ka pa rin, magboyfriend ka.”

“Loko kang bata ka. Menopause na ako, wala ng manliligaw sa akin,” natatawa na sabi niya sa akin.

“Yaya, v*rgin ka pa ba?” nakangisi na tanong ko sa kanya.

“Pasaway na bata,” namumula ang mukha na sagot sa akin ni yaya.

“Uy si yaya, hindi na v*rgin. Ibig bang sabihin ay may naging jowa ka dati.” Pabiro na sabi ko sa kanya.

“Uy, dalagang Filipina ako. Wala akong naging boyfriend.” Sagot niya sa akin.

“Bakit hindi na lang kayo ni daddy? Diba crush mo siya?” Nakangiti na tanong ko kay yaya.

“Tumigil ka nga, matanda na ako at mas matanda pa ako sa daddy mo.”

“Pero yaya, forty three ka pa lang naman. Bata ka pa ‘yun nga lang pa-menopause ka na. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit mo sinasabi na menopause ka na kahit ang totoo hindi pa naman.”

“Wala akong balak na lumandi, anak. Masaya na ako na kasama kita. Ang daddy mo mas bagay sa kanya ang katulad niya ang mas bata sa kanya at hindi ang gurang na katulad ko.”

Bigla akong nalungkot sa narinig ko. Masayahin ang yaya ko. Mabait at higit sa lahat maalaga. Minsan hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko dahil alam ko na dahil sa akin kaya hindi na niya na enjoy ang buhay niya.

Pero dahil alam ko na ayaw niyang nalulungkot ako ay mas pinili ko na lang na yakapin ng mahigpit ang yaya ko. Yakap ng isang anak sa kanyang ina. Hindi man siya ang nagluwal sa akin ay para sa akin siya ang mommy ko dahil sa dami ng naging sakripisyo niya para lang sa akin.

“Umiiyak ka na naman. Mahal kita at alam mo na anak ang turing ko sa ‘yo. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari sa buhay ko. Pinili ko ito at masaya ako. Mahal kita, Yanne ko,” habang nagsasalita siya ay hinahaplos niya ang buhok ko.

Hindi ko alam pero nagiging ma-drama kaming dalawa ngayon. Ito lang yata ang unang beses na nagdrama kami. Hindi naman kasi kami ganito.

Nag-iyakan pa kaming dalawa tapos bigla na lang tatawa na parang mga baliw.

*****

After ng drama kahapon ay finally ngayong araw na ang flight naming tatlo pauwi sa Pilipinas. Kinakabahan ako pero sobrang excited rin ako na makauwi ulit sa bahay namin.

Matagal ang magiging biyahe namin kaya natulog na lang muna ako. Nang nakarating na kami sa Pilipinas ay tuwang-tuwa ako. Para akong bata dahil panay ang sabi ko kay daddy na malaki na ang pagkakaiba simula noong umalis ako.

“Happy?” nakangiti na tanong sa akin ni daddy.

“Super happy, dad.” Sagot ko sa kanya.

Pauwi na kami ngayon sa probinsya namin at nakasakay kami sa kotse ni daddy. Habang nasa daan ay nagkukwentuhan kami. Ang sabi ni daddy ay malapit na kami sa bahay hanggang sa may bigla na lang humarang na sasakyan sa harapan namin.

“Daddy, what's going on?” Natatakot na tanong ko sa kanya.

“Huwag kang matakot nandito lang ako.” sagot niya sa akin at niyakap niya ako.

Napasigaw ako dahil sa putok ng baril na tumatama sa kotse. Pero ang daddy ko nakayakap lang sa akin. Takot na takot ako hanggang sa bigla na lang dumilim ang buong paligid at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

Comments

user avatar
Crystal Griffiths
Great and funny story so far will there be anymore chapters coming out.
2022-05-31 11:37:35
2
35 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status