Share

Kabanata 5

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2023-02-23 18:29:45

“Come in,” isang malamig na boses ang sumagot sa kaniya nang kumatok siya sa pintuan ng Boss nila.

“Ito na po Sir yung ipinagawa niyo po sa akin. May kailangan pa po ba kayong ipagawa?” magalang niyang tanong dito. Malayang tinititigan ni Selene ang mukha ng Boss nila dahil hindi naman ito nakatingin sa kaniya.

Hindi mo talaga maitatago ang kagwapuhan sa kaniya. Sino bang babae ang hindi hahanga sa isang katulad niya? Pero kung ganito naman kasama ang ugali, huwag na lang. Napapailing na lang si Selene sa sarili niya dahil ano ba kasing mga iniisip niya?

Binuklat lang ni Axel ang ibinigay sa kaniya ni Selene saka niya naman iniabot ang isang folder.

“Ayusin mo ang mga schedule ko. Kapag may conflict sa lahat ng mga yan sa nauna kong schedule, cancel mo ang bagong schedule ko na nandito sa folder.”

“Yes Sir,” sagot naman ni Selene saka akma na sana siyang tatalikod nang mapansin niya ang kwintas ng Boss niya. Napakunot na lang siya ng noo dahil familiar sa kaniya ang pendant, para kasing may kulang sa parte ng pendant niya.

Kung titingnan mong mabuti para siyang locket pendant na kung saan kapag binuksan mo siya ay may maliit siyang space sa loob. Pwedeng picture, word or any small things na pwedeng ilagay. Pamilyar talaga sa kaniya ang pendant na yun.

Dahil tutok na tutok si Selene sa pendant ay hindi niya namalayan na nakatingin na sa kaniya ang Boss niya. Salubong na naman ang mga kilay.

“And what are you still doing here? Are you planning something?” malamig niyang wika na nakapagpabalik sa wisyo ni Selene. Naikurap na lang ni Selene ang mga mata niya at bahagyang tumawa.

“I’m sorry Sir, baka po kasi may ipapagawa pa po kayo kaya hindi pa po ako umaalis. Lalabas na po ako kung wala na po kayong ipag-uutos.” Aniya saka nagmadali nang lumabas ng office ni Axel.

Napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa ginawa niya. Tinapok niya ang sarili niya sa inis.

“Bakit ko ginawa yun? Paano kung tinanggal niya rin ako sa trabaho?” aniya pa sa sarili pero hindi maalis sa isipan niya ang pendant ng Boss niya. Naipipilig na lang niya ang ulo niya dahil mukha namang imposible na nagkita na sila before ng Boss niya.

“Nasan na yung mga papeles dito?” tanong ni Selene nang maabutan niyang malinis na ang lamesa niya. Muli namang umirap si Darlyn saka niya tiningnan ang pwesto ng dalawang babaeng kinaiinisan niya.

“Ayon na oh? Kinuha na nung Shierly at ipinasa sa Manager. Mga proud pa sila na akala mo sila talaga ang gumawa. Mga s****p.”

“Akala ko ba bukas pa nila kailangan yun? Saka hindi ko pa nga natatapos lahat eh.” Saad naman ni Selene pero nagkibit balikat na lang si Darlyn.

“Aba ay malay ko sa kanila. Dapat lang na gawin nila kung anong trabaho nila. Sana tigilan na nila tayo dahil baka kapag ako ang naubusan ng pasensya sa kanila, mapatulan ko ang mga yan.” Bakas pa rin ang inis sa tinig ni Darlyn.

Sanay naman na sa kaniya si Selene dahil simula mga college pa lang sila, ganiyan na talaga ang ugali niya. May pagkamaldita siya.

“Hello Ma’am Katrina, ang ganda ganda niyo naman Ma’am. Bagay na bagay sa inyo ang dress niyo at mas lalong maiinlove sa inyo yan si Sir Axel.” Maarteng wika ni Shierly nang may pumasok na isang babae sa opisina nila.

Saglit lang na nilingon iyun ni Selene at ibinalik na kaagad ang paningin niya sa trabaho niya.

Inis naman nang nagtitipa si Darlyn sa keyboard niya na para bang sisirain niya na ang mga yun.

“Huy, ayos ka lang?” tanong ni Selene sa kaniya. “Sisirain mo na yang keyboard mo eh.”

“Sino ba namang hindi? Imbes na makafocus ako sa ginagawa ko hindi ko magawa dahil sa ingay nila.” Wika na naman niya saka sinulyapan ang grupo ni Shierly habang walang katapusan nilang pinupuri ang babaeng bagong dating.

“Ssssshhh, baka marinig ka.” singit ni Ericka. “Mag-iingat ka sa bibitiwan mong salita dahil yung babaeng kasama nila Shierly ay si Ma’am Katrina.”

“Eh ano naman ngayon? Sino ba siya?” nakataas pa ang kilay na tanong ni Darlyn pero mabilis na tinakpan ni Ericka ang bibig ni Darlyn.

“Hinain mo lang ang boses mo. Si Ma’am Katrina ang fiancée ni Sir Axel kaya nga ganiyan na lang kung makasipsip si Shierly at Ram sa kaniya eh. Galing din siya sa mayamang pamilya.” Nakagat na lang ni Darlyn ang pang-ibaba niyang labi dahil sa nalaman.

Nilingon niya ang pwesto nina Shierly at tiningnan ang babaeng sinasabing fiancée ng Boss nila.

“Is she working here too?” tanong ni Selene pero umiling sa kaniya si Darlyn.

“Hindi, pumupunta lang siya rito para puntahan si Sir Axel pero ayaw naman siya makita ni Sir Axel.” Parehong napakunot ng noo si Selene at Darlyn sa kwento ni Ericka.

“Bakit naman?” hindi mapigilang tanong ni Darlyn.

“Hindi ko rin alam baka sadyang busy lang si Sir Axel kaya ayaw niyang tumatanggap ng bisita. Maraming tsismis tungkol sa kanilang dalawa pero huwag niyo na lang pagtuunan ng pansin dahil ano bang mapapala natin sa kwento ng buhay nila?” napatigil na lang sila sa pagkwekwentuhan nila nang dumaan na sa kanila si Katrina.

Napatingin na lang si Selene nang may magbaba na naman ng papeles sa table niya.

“Magaling ka palang gumawa ng presentation. Gawan mo yan hanggang bukas ng umaga.” Wika na naman ni Shierly. Mukhang hindi sila tatantanan ni Shierly.

“Selene, ipinapatawag ka na naman ni Sir Axel.” Saad na naman ng isang lalaki sa kaniya. Tinanguan niya na lang ito saka niya muling tiningnan si Shierly.

“Hindi ba at trabaho mo naman yan? Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa para kung purihin man ang presentation, ikaw ang matutuwa dahil ikaw naman ang may gawa.” Malumanay na wika ni Selene sa kaniya.

Marami nang ginagawa si Selene kaya imposibleng maisingit pa niya ang lahat nang ipinapagawa sa kaniya ni Shierly.

“Magrereklamo ka pa? Oh dadagdagan ko pa.” singit ni Ram saka ibinigay ang napakaraming papeles kay Selene.

Aapila pa sana si Darlyn ng lahat sila ay magulat sa malakulog na sigaw.

“Selene Avelino! How many times do I have to call you para marinig mo ako?!” boses yun ng Boss niya.

“Patay,” bulong niya sa sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku sabihin mo selene sa boss nyo yang pinaggagawa ng dalawang bruha
goodnovel comment avatar
Perly Morata Basañes
Next plzzzz
goodnovel comment avatar
Nana Chen
next please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Son   Kabanata 896

    I just want to thank you everyone for reading my stories. Dito ko na po tatapusin ang story ng The Billionaire's Son. Maraming salamat po sa paghihintay sa bawat update ko. Sana suportahan niyo rin po ang iba ko pang story at gagawin pang story. Thank you so much everyone. I'm not good at giving so

  • The Billionaire's Son   Kabanata 895

    “Magiging Daddy na ako!” masaya niyang saad. Ibinaba niya si Darlyn saka siya tumakbo palabas ng cottage nila.“Everyone, magiging Daddy na ako!” malakas niyang sigaw kaya naagaw ang atensyon ng ibang guest ng resort.“Congratulations sir!” sabay-sabay na wika sa kaniya ng mga guest. Hindi maipaliwa

  • The Billionaire's Son   Kabanata 894

    Paglabas niya ng Starbucks ay siya ring pagbangga ng ilang sasakyan sa pwesto ng Starbucks. Kapag nagkataon na nasa loob pa siya ng Starbucks siguradong hindi siya makakaligtas dahil ang pwesto niya kanina ay nasa tabi ng glass wall.Bumalik na silang dalawa sa office at tulala pa rin si Frank. Hina

  • The Billionaire's Son   Kabanata 893

    “Inihatid mo ba si Darlyn sa Starbucks sa Pasay?” tanong niya na ikinailing naman ni Erickson.“Siya po ang nagdrive sir,” sagot niya na ikinatango na lang ni Frank saka siya nagscroll sa social media niya habang sumisimsim ng mainit na kape. Pinapanuod niya ang mga balita tungkol sa ekonomiya ng ba

  • The Billionaire's Son   Kabanata 892

    Hindi siya masyadong nagtrabaho sa maghapon. Hindi na siya makapaghintay na sabihin kay Frank na magkakaanak na ulit sila pero gusto niya surprise.Nang hindi nakatawag si Frank sa kaniya ng lunch, alam niyang busy ito sa meeting. Nang mag-uwian ay nagpahatid na lang si Darlyn kay Erickson at sa bah

  • The Billionaire's Son   Kabanata 891

    Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya dahil sa halong kaba at saya.“I think, it’s been two months?” hindi niya siguradong sagot. Napangiti naman ang doctor sa kaniya dahil siguradong nakalimutan ni Darlyn ang tungkol sa period niya.“Sa tingin ko, hindi ako ang kailangan mong bisitahin ngayon ku

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status