***
Lumipas ang mga araw at kahit na nasa iisang bahay kami ni Samuel ay bihira kaming magkita. Maaga siyang umaalis ng bahay pero ginagabi pa rin sa pag-uwi. Wala naman akong pakialam sa bagay na iyun pero gusto ko lang naman siyang kausapin kung papayagan ba niya akong magtrabaho na lang sa kompanya niya. Naboboring na ako dito saka hindi porket asawa niya ako ay obligasyon niya ng lagyan ng pera ang banko ko. Gusto ko rin namang gumastos ng para sa akin na ako mismo ang nagpagod. Hindi porket mayaman na siya ay maglalagay na lang siya ng pera sa banko ko kung kailan niya gusto.Inabala ko na lang ang sarili kong nag-alis ng mga tuyong dahon sa mga halaman sa garden ni Samuel.“Akala ko pa naman para ka ng reyna sa bahay na ito, gardener ka rin pala.” Napalingon na lang ako ng marinig ko ang boses na iyun.“What are you doing here?”“Visiting you my sister, anong pakiramdam ng maging asawa ng iMabilis akong tumakbo papuntang banyo ng halukayin ang sikmura ko. Napahawak na lamang ako sa bowl ng cr dahil sa panghihina. Hindi ko alam kung may nakain ba ako kagabing hindi nagustuhan ng tiyan ko. Wala naman akong maalalang kinain ko kagabi kundi ang hapunan lang. Halos gusto ko ng isubsob ang mukha ko sa bowl dahil sa hilong nararamdaman ko. Kinapa ko ang noo ko pero hindi naman ako mainit, baka nga may nakain lang akong hindi maganda. Naghilamos naman na ako saka nagtooth brush at lumabas ng kwarto. Nakaginhawa naman na rin ako. “Good morning ma’am.” bati sa akin ni Anna ng makapasok na ako ng kusina. Nanguha na lang ako ng gatas saka naupo at uminom. Nakaramdam tuloy ako ng gutom dahil sa pagsusuka ko kanina, agang aga iyun ang sumalubong sa akin. Muli sana akong iinom ng gatas ko ng kunot noo kong tiningnan si Samuel na naka-tshirt lang at short. “What are you doing here?” tanong ko sa kaniya. Panandalian niya naman akong tinaasan ng kila
Malinis din ang tubig ng pool, talagang hindi napapabayaan kahit na bihirang gamitin. Nagamit niya na ba ito? parang sa sobrang busy niya ay hindi niya na maharap na libangin man lang ang sarili niya.“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap.” Napalingon ako kay Samuel, hindi ko naman siya sinagot. “I’m sorry about lately, I just don’t want to hear some things about us. Ayaw ko ng naririnig kong namamayat ka dahil nasa pangangalaga kita, na hindi kita kayang pahalagahan.” Taas kilay ko siyang nilingon pero iniwas niya lang sa akin ang paningin niya. “I hate gossips.” Dagdag pa niya.“What do you mean?”“It spreading in my company na pinakasalan kita dahil sa mana.”“Hindi ba at iyun naman ang totoo so what’s the problem?”“I know but I hate it, I deserve the company. My blood, my sweat, my tears is my capital in that
“Huwag kang feeling reyna kahit saan ka magpunta Tiffany, tandaan mo hindi ka mahal ni Samuel.” Gusto ko na lamang matawa dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko na kilala si Ava ng dahil lang sa lalaki ay nagkakaganito siya. “Ano pa bang pakialam mo Ava? Mahal man ako o hindi ni Sam ay wala ka na dun dahil kasal kami.” “Malandi ka, lahat na lang ng meron ako ay inaagaw mo! hindi ka ba marunong makontento?!” “Look who’s talking. Look at yourself in the mirror Ava saka mo tanungin ang sarili mo. Wala akong inagaw, ikaw ang nang-agaw.” Gusto ko siyang sigawan but I need to control myself, nasa publiko kaming dalawa. “Baka gusto mong sabihin ko pa sa lahat ng mga tao rito na nagpakasal ka lang sa kaniya dahil sa pera dahil ako ang pinakasalan ng fiancé mo.” mariin akong napapikit, hold yourself Tiffany. She’s not worth it. Hindi ko na lang siya sinagot pa dahil alam kong baka lalo lang lumaki ang away naming dalawa sa lugar na ito. “Oh, baki
“Hindi ko naman alam na pupunta rin pala siya, I want to avoid her too dahil sa gulo niya pero hindi ko naman maiiwasan kapag nagkita kami ng hindi namin inaasahan.”“Hindi na ba masakit yung anit mo? sabihin mo lang sa akin kung kailangan kong dagdagan ang nagbabantay sayo, may magbabantay sayo sa loob at sa labas.”“No need to do that Sam, I’m okay, iiwas na lang ako as you said.” Saad ko, naiintindihan ko naman siya. Gusto niya lang naman na iiwas ako sa gulo dahil dawit siya kung sakali. Dala dala ko na ang apilido niya kaya hindi ko siya masisisi kung ganiyan ang reaksyon niya ngayon.“Just be careful next time.” Tumango na lang ako sa kaniya. Hindi naman na kami nag-usap na dalawa ng dumating na ang order namin. Tahimik kaming kumain. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang salitang nabitawan ni Ava, what if she’s right? Marami kaming pagkakaiba ni Ava, ako nga ang laging kasama ni Mo
Umupo naman na muna ako ganun din ang doctora sa harapan ko.“I have this weird feeling kasi Doc, nasusuka ako sa umaga kahit na wala naman akong nakain na panis o hindi magandang pagkain sa gabi. Sa tuwing nakakaamoy din ako ng mga hindi ko nagugustuhan na amoy ay bigla na lang akong masusuka, madalas din akong mahilo o makaramdam ng pagod kahit na wala naman akong ginagawa.” Mahabang paliwanag ko sa kaniya, nakatitig lang naman siya sa akin habang namamangha ang reaksyon ng mukha niya o iyun ba ang tamang term na gamitin ko. Basta parang bakas sa mukha niya ang masaya o excited, I don’t know.“Kailan ka huling niregla Mrs. Del Rosario?” kinunotan ko naman siya ng noo sa tanong niya sa akin pero hinayaan ko na lang at inisip kung kailan nga ba. Napalunok na lang ako ng maalala kong isang buwan na pala akong hindi nireregla.“Noong nakaraang buwan pa Doc.”“Iyun lamang ba ang nararamd
Tumayo na lang naman na ako saka nanguha ng jacket dahil malamig na sa labas, kinuha ko na lang din ang maliit kong shoulder bag at inilagay dun ang wallet.“Saan po kayo pupunta ma’am? gabing gabi na po.” Tanong ni Edren ng makita niya akong lumabas.“Ihatid mo na lang muna ako Edren.” Sagot ko sa kaniya saka ibinigay sa kaniya ang address ng bar na ibinigay ng siguro staff dun.Nang makarating kami sa lugar ay bumaba naman na ako saka ko siya pinaiwan na lang.“Sasaglit lang ako sa labas, hintayin mo na lang ako dito.” Saad ko sa kaniya, hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at pumasok na sa loob ng bar.“Good evening ma’am,” bati sa akin ng bouncer, tinanguan ko na lang siya. Nang makapasok na ako ay sinalubong ako ng isang lalaking nakauniform ng pang waiter.“Nasa ikalawang palapag po siya ma’am, room 12 po.” Saad niya l
Walang humpay ang pagpatak ng aking mga luha ng papalabas na ako ng bahay. Hindi ko na kinuha ang mga damit ko sa kwarto ko dahil lahat naman iyun ay binili niya. Tanging kotse ko na lang at ang bag saka ang cell phone ko ang kinuha ko dahil iyun lang naman ang dala kong nagpunta rito.Umalis ako ng bahay niya, inihinto ko na lang muna sa gilid ang kotse ko at walang tigil na umiyak dahil sa mga nangyayari sa akin. Paano nila nagawa sa akin ito? Paano nagawa sa akin ito ni James! Anong naging kasalanan ko para maranasan ko ang lahat ng ito?! Sila ang nakapanakit sa akin pero bakit ako ang nagdurusa!This is so unfair! Bakit kailangan niya agad paniwalaan ang nakita niyang picture lang, bakit hindi niya na muna ako hinayaang magpaliwanag man lang! Kahit paliwanag ko na lang sana ang pinakinggan niya at tatanggapin ko naman na paaalisin niya ako sa bahay niya. Napahawak na lang ako sa tiyan ko ng kumirot iyun. I’m sorry baby hindi ko lang mapigilang hin
Ibinagsak ko ang katawan ko dun at ipinikit ang aking mga mata. Hindi mo kailangang umiyak Tiffany, they not deserve your tears. Isipin mo na lang ang sarili mo at ang magiging baby mo. Iniisip ko pa rin si Samuel, paniguradong galit pa rin sa akin iyun.‘It is a mistake to fall in love with you,’ muli kong rinig sa sinabi niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya maintindihan, hindi ko mabasa ang ibig niyang sabihin.Lumipas ang mga oras at nakatulog na ako, nagpahatid na lamang ako ng pagkain ko sa kwarto ko ng magising ako. Ihahanda ko ang sarili ko sa bagong bukas ng walang kasama at inaasahan. Ibigay na lamang ni Samuel sa magiging anak niya ang perang inilagay niya sa bangko ko noong nakaraang linggo.Nang matapos akong kumain ay binuksan ko ang cell phone ko para makapagpabook ako ng ticket patungong London. May naipatayo akong maliit na bahay dun ng hindi alam nila Daddy dahil ilang buwan din akong nagstay sa lugar na iyun