Share

The Billionaire's Wife
The Billionaire's Wife
Penulis: Moonlighty_Jaaa

PROLOGUE

Penulis: Moonlighty_Jaaa
last update Terakhir Diperbarui: 2024-05-21 19:37:04

“Good morning honey! How's your sleep hm?” Bungad ko sa anak ko na bagong gising. Niyakap ko naman siya ng mahigpit at hinalikan ko siya sa pisnge ng ilang beses.

“Its okay mommy, is daddy still not home?” Napatigil ako sa biglaang tanong ng anak ko. Palagi niyang tinatanong ang bagay na iyan kapag gumigising, ngunit lagi ko namang idinadahilang matagal pa bago siya makakauwi kahit ang totoo ay wala ng kasiguraduhan kung uuwi o makikita niya ang ama niya. Dahil ngayon siguro'y nalimut na niya ng tuluyan ang alaala niya at kasalukuyan na siyang masaya ngayon sa iba.

Bumuntong hininga naman ako bago sumagot. “Don't worry sweety, makikita mo rin ang daddy mo, come on, let's eat.” Pinatayo ko na siya at sabay kaming lumakad papunta sa kusina. Nadatnan naman naming hinahanda ng kasambahay ang mga pagkain.

“Good morning madam.”

“Good morning din po,” balik kong sagot.

“Madam may tumawag po pala kanina.” Lumingon ako sa kaniya at seninyasan siyang ipagpatuloy.

“May nag ha-hire po kasi sa inyo galing po sa isang malaking companya, kung interesado po kayong kayo ang mag desenyo ng magiging damit nila sa darating na event.”

Umiling iling ako sa sinabi niya. “Tell them I refuse, marami akong gagawin.” Tumango nalang siya at umalis. Nagsimula naman kaming kumain ng anak ko.

After 5 years, ramdam ko na rin ang pag-angat ko sa buhay kahit ako lang mag-isa. Nakaya kong palakihin ang anak kong walang kinikilalang ama. Naging successful ako bilang isang fashion designer dito sa ibang bansa, rito sa Australia. Natupad ko ang isa sa mga pangarap ko. Natutu akong tumayo sa sarili kong mga paa at sinubukan kong hindi asahan ang mga taong nasa paligid ko nang maipanganak ko ang anak ko. Hindi na rin ako gaanong lumalapit sa mga tao at baka sasaktan lang nila ako sa huli. Ayaw ko ng mangyari ang nakaraan lalo na ngayon ay may anak na ako.

Iilan nalang ang nakakausap ko sa panahon ngayon at kung makausap ko man ay gusto ko panandalian lang. May mga na close ako pero hindi ako nagtitiwala ng subra, dala siguro talaga ito ng trauma mula sa nakaraan ko at takot akong mangyari muli iyon. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko.

Kinabukasan ay maaga kaming nag impake ng anak ko upang umuwi sa Pilipinas. Matagal tagal na rin ang nakalipas, gusto na rin ng pamilya kong naiwan doon na makita ang anak ko. Pati ang naging kaibigan ko roon ay excited na rin.

“Sweety, are you ready?” masaya kong sabi sa anak ko. Nagtatalon naman siya saka ako niyakap. “Yes mommy, daddy's here right?” Napakusot ang mukha ko sa itinanong nanaman niya. Minsan talaga nakakatampo ang anak kong ito. Hinahanap si daddy nandito naman ako.

Dinala ko nalang ang mga gamit ko at nagpatulong sa pagbubuhat ng iba ko pang maleta papunta sa sasakyan. Nang makarating kami sa airport ay panay ang kaba sa diddib ko kahit hindi pa kami nakakaalis sa bansa. Hindi ko alam pero, makakaiwas ba ako sa tadhana pagdating ko roon?

“Ma'am! Nasaan po ang anak niyo?” Nagulantang ako sa sinabi ng isa sa naghatid sa amin dito. Napatingin ako sa hawak ko na bag ko na pala ang hawak ngayon at hindi na ang anak ko. Mas lalong nadagdagan ang kaba sa didbib ko nang iniisip ko palang na subrang lawak nitong airport ay mahihirapan kami.

“Hanapin niyo! Maghiwa hiwalay na tayo!” Sigaw ko at nagpapanic na sa subrang kaba na nararamdaman ko. Sinusubukan ko namang pigilan ang luha kong madaling tumulo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay napahinga ako ng maluwag nang bitbit na ng isa sa mga tauhan ko ang anak ko. Patakbo akong lumapit dito at kinuha siya.

“Anak, where did you go? Nag-aalala ng subra si mommy sa 'yo. Next time 'wag ka ng aalis ng hindi kasali si mommy ha?” Agad agad kong sabi sa kaniya. Nagulat naman ako ng ipahid niya ang maliliit niyang kamay sa mukha ko. Hindi ko pala napigilan ang luha ko at pumatak nalang basta. Lumingon ako sa likuran at nabigla ako nang may makita akong pamilyar na postura. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at tumutok sa anak ko. Siya nalang ang natitira kong lakas at alaala ko sa ama niya.

“Mommy I think nakita ko po si Daddy.” Bigla niyang sabi na ikinagulat ko. “Anak? 'Di ba I told you na don't talk to strangers? Lalo na kapag hindi mo kasama si mommy? You don't know if they harm you. ”Umiling iling siya sa akin. “He looks so kind mommy, and he gave me this!” masaya niyang sabi at ipinakita ang candy na hawak niya. “If daddy is here, would he also buy me something like this?” Napayuko ako sa sinabi niya at pilit kong nilabanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nangungulila siya, sa taong 'yan ay nakakapag isip na siya ng ganiyan. Anak kong alam mo lang kung gaano nangungulila ang mommy sa daddy mo.

Nginitian ko nalang siya at nagsimula ng umalis.

Nandito na ako ngayon sa Pilipinas at ilang araw ko palang ay may nag hired na sa aking gumawa ng gown para sa wedding nila. Hindi ko namang mapigilang umiyak sa katutuhanang ang nagpagawa ay magiging asawa ng ama ng anak ko.

Umiling nalang ako at sinimulan ko ng tanggapin ang lahat na hindi na niya ako makikilala. Ano bang magagawa ko kung hindi nga ako ang naaalala niyang asawa niya at may anak kami.

Katatapos ko lang nasukat at na finalize ang gown ng magiging asawa niya at pati magiging damit ni Arkien. Hindi ko nga alam kong ano magiging kinalabasan ng damit dahil hindi ako makapag focus, ano pa at tinawag akong professional. Ang sakit lang na ako pa talaga mismo ang gagawa ng magiging damit nila. Hindi ko siya naipaglaban. Dahil sa totoo lang ay hindi ko kayang ipaglaban ang bagay na alam kong hindi ko kaya.

Bumuntong hininga nalang ako at inayos ang mukha ko dahil katatapos kong umiyak. Nandito pa rin ako sa area kung saan ako tinawag para magsukat. After a years na hindi kami nagkita. Masakit pa rin pala.

Tumayo ako bigla ng makita kong wala nanaman ang anak ko sa tabi ko. Taranta akong naghanap sa kaniya. Bakit ba lagi ko nalang nakakalimutan kung nasaan siya.

Lumabas na ako sa isang room ngunit bigla akong napatalon sa gulat at 'di ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko sa nakita ko.

“Mommy!” Bumaba ang anak ko mula sa pagkakabuhat ni Arkien, takang taka ang mukha kong nakatingin sa kanila at para na akong lalamunin ng lupa sa nasaksihan.

Bakit magkasama sila? Alam na ba ni Arkien na anak niya siya? Kahit masaya ang anak kong lumapit sa akin ay hindi natanggal ang titig ko kay Arkien na seryusong nakatingin sa akin.

“Is he your son?” Narinig ko lang ang kaniyang buses ay naramdaman ko na agad ang pangingilid ng luha ko at pangungulila sa kaniya.

Napaluhod nalang ako sa anak ko at kunware siyang inayusan upang mawala ang kabang nararamdaman ko. “Did you cry mom?” Bulong niya sa akin. Umiling ako at ngumiti. “Napuwing lang nak.” Nanginginig na ako sa kaba at gusto ko ng umalis sa harapan niya ngunit tuluyang napatulo ang luha ko sa binanggit niyang salita.

“Or, is he "our" son?”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
xoxokitty2023
kaiiyak namaan
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire's Wife   EPILOGUE

    EPILOGUEWAKAS—1 year later“Kinakabahan ka?” Tinignan ko si Jairo kaya napatango ako.“Ewan ko kung anong klaseng kaba ito.”“Normal lang 'yan kapag ikakasal ka.” Tumawa ito kaya napailing ako.“Parang ikinasal ka na ah.”“Tara na nga naghihintay na groom mo.” Napangiti ako at kumapit sa kaniya. Oo siya ang maghahatid sa akin papunta kay Arkien. Nirequest niya ito at kahit ayaw ng iba na siya ang maghahatid sa akin at ang tatay ko nalang pero pinilit niya dahil gusto niya raw ako samahan.“Thank you.” Banggit ko sa kaniya at nagbukas na ang pintuan, dahan dahan kaming naglakad. 'Di ko naman maipaliwanag ang nararamdaman kong saya sa kalooban ko.“For what? I should be the one to thank you.” Napangiti ako lalo at nararamdaman ko na ng pangingilid ng luha ko.“No, ako dapat mag-pasalamat sa 'yo. Tinulungan mo akong makuha pabalik si Arkien, kahit na. . . ” Umiling iling siya at napatawa.“For you. Kahit gustong gusto kita, kung saan ka mas sasaya at kung sino talaga ang ama ng anak mo

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 58

    CHAPTER 58—“Aray ko! Sh!t kasi hindi marunong umiwas si Eros ng patalim ako tuloy lahat sumalo. Sinalo ko pa siya nong tumilapon siya dahil sa sipa. Feeling ko madudurog ang bones ko.” Reklamo ni Queecy habang hindi makagalaw sa higaan niya.Napatawa naman ako dahil kahit ako ay puno ng benda ang katawan at hindi makagalaw.“Kakatawa nga eh puno sila ng benda sa katawan kaysa sa atin. Look at Fean he looks mami.” Tumawa si Nav at napatigil din kaagad dahil sa sugat niya. Wala namang nagawa ang tatlo kung hindi ang manahimik nalang.“We didn't expect na may gano'n ede nag sanay rin sana ako like Velier.” Gusto kong magkamot sa ulo kaso hindi ko pala maigalaw ang kamay ko.“Ah so kayo na pala ang princess ngayon? Sige kami na ang prince tanggap na namin.” Umiling iling nalang ako habang pinapakinggan ang bangayan nila.“Look at you guys, parang wala kayong nararamdaman sa ingay niyo.” Dumating si Zack na naka wheel chair at napatawa.“Anong klaseng proops 'yan?” Pagbibiro ni Jairo na

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 57 CONTINUATION

    CHAPTER 57 CONTINUATIONARKIEN PAST POINT OF VIEW—Nagising ako sa isang puting kuwarto at para akong bagong silang dahil wala akong maalala kahit isa. Napatingin naman ako sa isang tao na napaka pamilyar sa akin. Wait I think I know her name? Sa tingin ko ay nakita ko siya.“W-Who a. . . are y-y-you?” Nahihirapan kong tanong dahil sa tuyo ang lalamunan ko.“It's me your wife!” Napataka ako dahil sa sinabi niya. I know her name, but I don't feel like I'm safe with her. Who is she?Halo halong kaguluhan ang nangyari sa akin kagigising ko lang. I saw many people na subrang familiar. Hanggang sa may isang babaeng hindi na nakalapit at napaiyak nalang ngunit siya ang pinaka familiar sa lahat. Why do it feels like I really know her?Days past magmula nang magising ako. Hindi pa man ako tuluyang gumaling pero gusto kaagad ni Czein na lumabas na at sa bahay nalang magpagaling.“Don't believe them okay? Sila ang dahilan kung bakit ganiyan ang naranasan mom I don't want you to suffer again. P

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 57

    CHAPTER 57Velier Traizy Prenco Point Of View—“Nakita ko na sila.” Bulong ni Queecy na may pinuntahan saglit at pagkarating niya ay may info na kaagad. Hindi niya na kami pinasama dahil may titignan lang daw siya.Kasalukuyan na nga kaming nakatigil sa gitna ng kagubatan para makapag plano at makapahinga ng kaunti.“Ang anak ko?”“Safe siya, mukhang ikaw talaga ang hinihintay niya roon. Maraming bantay sa paligid. Pero kailangan nating mag apura habang nag iingat,” sabi niya kaya napahinga ako ng maluwag.“Pero hindi puwedeng sabay sabay tayong magpapakita. Hindi niya alam na dumating tayo. Baka mas lalala ang sitwasiyon kapag nag sabay sabay tayo,” sabi ni Eros kaya napa isip kami. Hindi nga puwedeng basta na lang kaming susugod doon lalo na naroon ang anak ko. Sa pagkakakilala ko kay Czein ay hindi siya matitigilan kahit makap*t*y na siya dahil ang mahalaga sa kaniya ay makuha ang gusto niya.“Ako ang haharap.” Tumayo ako kaya napatingin sila sa akin.“Hindi mo kailangang maging b

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 56

    CHAPTER 56Velier Traizy Prenco Point Of View—NAPATAYO nga ako kaagad dahil nang lingunin ko na ang anak ko ay wala siya sa puwesto niya. May mga batang nagkukumpulan sa hindi gaanong malayo sa mesa at mukhang nagpapalaro nanaman ang clown. Lalapitan ko na sana ito para masiguro ko na naroon si Art pero nakita kong papalapit si Queecy at mukhang nag aapura siya.Taka ko siyang tinignan dahil sa mukha niya na kabado. Tinignan ako ni Jairo at sabi ko sa kaniya na hanapin niya ang anak ko.“Bakit?” Tanong ko kay Queecy. Hinawakan niya ako sa braso at lumingon sa paligid.“Nasaan ang anak mo?” Mukhang hinihingal pa siya dahil tinakbo niya yata ito.“H-Hahanapin ko pa nga lang. Saglit lang akong 'di tumingin 'di ko na alam kung nasaan.” Napamura si Queecy at mukhang nataranta kaya napakaba ako.“May nangyayari bang masama?” Ayaw ko sanang tanungin iyon pero hinila na niya ako.“Si Czein.” Hindi niya a nababanggit ang sinasabi niya pero nagkakaroon na ako ng clue sa nangyayari. Walang ano

  • The Billionaire's Wife   CHAPTER 55

    CHAPTER 55Velier Traizy Point Of View—Napaaga nga ang pag uwi ni Czein imbis na pagdating niya rito ay 1 day nalang kami pero 2 days pa bago kami aalis sa Island na ito. Tinanong ko nga kay Queecy kung bakit siya uuwi pero ang sinabi niya ay nalaman niya na nagsasama kami ni Arkien. May spy pala na random people rito. Hindi ko pa siya nakikita magmula kanina. Pananghalian nga nanaman at tahimik naman ang lugar. 'Di lumalabas sila Queecy at tanging sa cellphone ko lang sila nakikita. Kasama ko nga si Jairo ngayon at anak ko habang naglalakad kami rito sa tabing dagat. Panay pa ang angal ni Jairo dahil gusto niya raw lumangoy kaming tatlo kasi ayaw ko pa. Mataas ang araw at masa-sunburn lang kami. Nang makalayo kami sa hotel ay sa kabilang banda pala ay may mga tao rin. Tinignan namin ang stage na pinapalibutan ng mga balloons at mukhang may birthday party maya maya. Dadaan nga lang sana kami pero inabutan na kami ng invitation card. Nagtinginan nalang kami ni Jairo. “Hindi naman

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status