Home / Romance / The Billionaires' Secret / Chapter 8-Pagmamakaawa

Share

Chapter 8-Pagmamakaawa

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2023-07-05 14:06:42

“OH, gising na ang bisita natin!” wika ni Sasha nang makapasok sa silid kasunod si Jenny na agad na dumiretso ng upo sa bakanteng upuan na nasa may paanan ng higaan.

“Masamang damo talaga! Ang haba ng buhay!” pumapalatak na ani Jenny habang matalim ang mga titig na ipinukol sa taong bumaril sa kaniyang ina. Nangalit ang kaniyang mga ngipin pagkaalala sa nakaraan. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mukha ng lalaki.

“Ugghhh!” Napaungol at napangiwi sa sakit si Lando nang pilitin niyang makagalaw ang katawan. Ngunit agad niyang napansin na nakatali ang kaniyang mga kamay maging ang mga paa sa kinaupuan. Inilibot niya ang paningin sa paligid at dumako iyon sa dalawang magagandang babae ngunit mukhang mga gagawa ng hindi maganda sa kaniya. “Sino kayo?”

“Hindi na mahalaga kung sino kami. Ang unahin mong isipin ngayon ay kung paano ka mabubuhay habang nasa lungga ka namin." Nang-iinsultong sagot ni Jenny sa lalaki kasabay ng pagtaas ng mga paa sa ibabaw ng lamesa.

“Anong kailangan ninyo sa akin?” maangas na tanong ni Lando sa dalawa. Hindi manlang siya kakitaan ng takot lalo na at mga babae lang ang mga ito.

Nagkatinginan ang magkaibigan bago tumayo si Jenny at lumapit sa lalaki. “Wala kaming kailangan sa iyo pero atraso mayroon at malaki! Sa sobrang laki nga ay kulang pa ang buhay mo na pambayad!” Nanlilisik ang mga mata ni Jenny at hinawakan sa buhok ang lalaki upang patingalain ang mukha nito.

“Wala akong alam sa mga sinasabi mong atraso dahil ngayon lang kita nakita!” angil ni Lando sa babae at napangisi siya nang mapagmasdan ng husto ang mukha nito. Hindi alintana ang pagsabunot nito aa kaniyang buhok. Naglalaro sa kaniyang isipan ngayon na pagsawaan niya ang katawan nito kapag siya ay nakawala.

Nandidiring binitawan ni Jenny ang buhok ng lalaki nang mabasa ang pagnanasa sa mga mata nito. Sa galit niya ay itinaas niya ang kanang paa at ipinatong sa pagitan ng hita nito sabay diin doon.

"Ahhhhh, bitch! F*ck you!" Humihiyaw dahil sa sakit sa Lando. Kamuntik na siyang mapaihi sa sakit dahil halos basag ang kaniyang balls sa ginawa ng babae. Wala siyang magawa o makaiwas dito dahil mahigpit ang pagkatali sa kaniya sa upuan. Ang akala niyang mga mahinhin na babae na kaya niyang sindakin ay hindi pala.

Mala-demonyong tumawa si Jenny at nag-e-enjoy sa nakikitang sakit sa mukha ng lalaki. Hindi niya ito pinurohan at kailangan nila ito ng buhay.

Napangiwi si Sasha habang pinapanuod ang ginagawa ng kaibigan. "R. I. P. bird!" bumalatay ang lungkot sa kaniyang mukha pero nakangisi habang nakatitig sa mukha ng lalaki.

"Mga demonyo kayo! Sino kayo at ano ang atraso ko sa inyo?!" Bulyaw ni Lando sa dalawa at panay ang buga ng hangin sa bibig upang mabawasan ang paninikip bg dibdib dahil sa sakit na nadarama.

“Hindi mo ako kilala?" Muling sinabunotan ni Jenny ang lalaki. "Puwes, ipapaalala ko lang sa'yo kung sino ako! Titigan mo akong mabuti!” Nandidilat ang mga mata na inilapit ni Jenny ang sarili sa mukha ng lalaki.

Tumalima naman si Lando na hindi inalis ang mga mata sa mukha ng dalaga na ilang pulgada lang ang layo rito. Ang nanlilisik rin niyang mga mata ay unti-unting nanliit at kapagdaka'y nanlaki iyon nang magsalita muli ang babae.

“Mamamatay-tao ka! Pinatay mo ang mga magulang ko!” Magkabilang suntok sa panga ng lalaki ang pinadapo niya dito. Hindi pa siya nakuntinto at sinikmuraan niya ito. Hindi siya nakaramdam ng awa dito kahit pumutok ang labi nito at dumugo ang ilong.

"Kailani, tama na. Baka mapatay mo siya." Inawat na ito ni Sasha at pilit na inilayo sa lalaki.

Hinahapo si Jenny dahil sa galit, pilit na pinakalma ang sarili dahil tama ang kaibigan, kailangan nila ng buhay ang lalaki.

Sunod-sunod na ubo ang kumawala sa bibig ni Lando at halos hindi siya makahinga nang suntokin siya ng babae sa sikmura. Hindi niya akalain na malakas ito at nagawa siyang saktan ng ganoon. Sa una ay hindi niya mahagilap sa isipan kung sino sa kaanak nito ang napatay niya dahil marami na siyang napaslang.

“Maniningil ako ngayon ng mahal! At hindi lang buhay mo ang kukunin ko kundi ng buo mong pamilya!” Nakakasindak ang aura ng mukha ni Jenny ngayon at hindi siya nagbibiro. Pagkakita sa mukha ng lalaki ay nanumbalik ang lahat ng sakit at awa para sa mga magulang na walang awa ng mga itong pinaslang.

“Huwag mong galawin ang pamilya ko dahil wala silang kasalanan sa iyo!"

Isa uling suntok ang pinalipad ni Jenny sa mukha ng lalaki. Mukha pa rin itong matapang kahit na duguan na ang mukha nito. “Wala ring kasalanan ang mga magulang ko nang pinatay mong demonyo ka!”

Niyakap ni Sasha mula sa likuran ang kaibigan upang pakalmahin ito. Kung hindi lang din siya makapagpigil sa sarili ay gusto niya ring suntokin sa mukha ang lalaki.

"Ang tigas ng mukha mong hayop ka!Marunong ka palang maawa sa pamilya mo?!" nang-iinsultong angil ni Jenny sa lalaki.

Biglang lumambot ang mukha ni Lando at nakikiusap ang mga titig sa babae. Sa nakikita dito ngayon ay alam niyang wala itong sasantuhin, maipaghihiganti lang ang pagkamatay ng mga magulang nito. Mukha lang itong anghel pero itim ang puso para sa katulad niya.

“Kung may nagawa man akong mali, tauhan lang ako na napag-uutusan! Maawa ka, huwag mong idamay rito ang pamilya ko!” pakiusap ni Lando sa babae at biglang umamo.

Bahagyang kumalma si Jenny nang makitang hindi na nagmamatigas ang lalaki. Hindi rin naman niya gugustuhin na may mga inosenteng madamay sa kanyang paghihiganti. Ngunit kailangan niyang gamitin ang pamilya nito upang mapasunod ito sa gusto niya at hindi na magtangkang gumawa ng paraan upang makatakas.

“Sorry to inform you, pero mukhang hindi kami ang papatay sa pamilya mo.” Sabat ni Sasha sa pag-uusap ng dalawa nang hindi na makatiis.

Napatingin ang lalaki kay Sasha. “Anong ibig mong sabihin?”

“Nagtraydor ka sa grupo mo kaya natural lang na balikan nila ang pamilya mo.” Nagkibit balikat si Sasha habang nakapameywang ang mga kamay.

Muling nanlaki ang mga mata ni Lando matapos nitong maunawaan ang nais ipahiwatig ng isa pang babae. “Pinalabas ninyo na ako ang ahas sa grupo?” hindi makapaniwalang tanong niya sa dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa, nang ngumiti ang mga ito ay bigla siyang natakot para sa kaniyang pamilya.

“Bingo! Ang galing mong bumasa ng isang plano!” Pumalakpak si Sasha at pinuri ang lalaki na halatang nagagalit na naman sa kanila.

“Sa oras na may mangyari sa pamilya ko, papatayin ko kayo!” galit na sigaw nito na hindi na ininda ang pagkirot ng mga sugat.

Humalakhak si Jenny at maging siya ay pinalakpakan na rin ang lalaki. “Paano mo pa gagawin 'yun kung bilang na sa mga daliri namin ang pananatili mo rito sa mundo?”

“Tama! Patayin na lang ninyo ako Hangga't maaga pa. Dahil sa oras na makawala ako dito ay pagsisihin mong hindi ka pa sumama sa hukay ng mga magulang mo noon!" Naninindak ang mga tinging ipinukol ni Lando kay Jenny. Natandaan na niya ito at alam niyang hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin ito ni Edwin.

“Relax,” nakangising wika ni Jenny at bumalik sa upuan. “Huwag kang magmadali dahil darating tayo riyan. For now, pag-usapan muna natin ngayon kung papaanong papatayin ni Edwin ang mga mahal mo sa buhay. Well, siguradong matutulad sila sa nangyari sa mga magulang ko. He will murder them mercilessly.”

Hindi na napigilan ni Lando ang umiyak at nagmakaawa sa dalawa. Naging krimenal siya para mapaganda ang buhay ng kaniyang mga anak. Hindi niya maatim na maranasan ng mga ito ang tulad sa ginawa niya sa kaniyang mga napasalang na.

“Parang awa niyo na, huwag niyong idamay ang pamilya ko! Wala silang kinalaman sa mga kasalanan ko!” Nagpakatihulog ito sa kinaupuan kaya kasama ang upuan sa natumba. Kung kinakailangang lumuhod sa harap ng mga ito ay gagawin niya upang mailigtas ang kaniyang pamilya.

“Gagawin ko ang lahat nang gusto ninyo, iligtas niyo lang ang aking mag-iina! Ako ang may atraso sa inyo! Ako na lang ang singilin ninyo!" paulit-ulit na pagmamakaawa ni Lando sa dalawa. Kilala niya si Edwin, tiyak na sa mga oras na ito ay alam na nito ang kasalanan niyang hindi naman niya ginawa.

Walang awang sinipa ni Jenny sa dibdib ang lalaki ngunit mahina lamang na ikinatumba nito sa sahig kasama ang upuan. Namumuhi siya dito dahil naalala niya sa kung paano nito binaril ang kaniyang ina sa dibdib.

“Sana ay naawa ka rin sa mga magulang ko nang makiusap sila para sa kanilang buhay!” bahagyang gumaralgal ang boses ni Jenny dahil sa pinaghalong emosyon na nadarama. Galit para sa lalaki at awa para sa mga magulang na matagal nang namayapa.

Napaubo si Lando habang pilit na inaayos ang sarili mula sa pagkahiga dahil pakiramdam niya ay mababalian siya ng braso. Lahat sa kaniya ay masakit dahil sa natamong pagpapahirap sa kaniya ng babae.

"A-ako ang may kasalanan at inaamin ko iyan. Alam kong kahit humingi ako ng tawad sa iyo ay hindi mo tatangapin. Pero parang awa mo na, alam kong hindi mo gustohing may inosenting tao ang madamay dito." Muling pagmamakaawa ni Lando sa babae.

“Bes,” singit ni Sasha. “Handa naman daw niyang gawin ang lahat. Puwede natin siyang bigyan ng malaking papel para naman mapagaan ang ating trabaho. What do you think?” Kumindad si Sasah sa kaibigan dahil mapapadali na ang kanilang trabaho.

Napangisi si Jenny bago sinenyasan ang kaibigan upang tulongan siyang maitayo ang upuan. Kailangan nila ito ng buhay kaya pipigilan na muna niya ang sariling saktan itong muli.

Pinakain nila ito pero hindi nag-abalang alisin ang tali sa katawan nito. Ginamot ang sugat upang hindi ma infection at baka iyon pa ang ikamatay nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 2-Tunay ba pagkatao

    "Jay Falcon, Jr. Nag-iisang tagapagmana ng isang malaking kompanya sa bansang Spain." Malakas na basa ni Dexter sa taong pinahahanap.Pahintamad na inunat ni Jay ang mga braso habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Dexter. Nakakatawa lang at madali nitong nalutas ang kasong hawak. Naalala pa niya ang unang araw na inilatag ang file niya roon. Pinagtawanan siya ng lahat lalo na ng kababaihan. Kahit ibang-iba ang mukha niya roon sa larawan ay madali siyang makilala. Long hair kasi siya roon sa larawan at sobrang puti. Ngayon ay parang tan na ang kulay niya at sinadya niyang magpainit lagi sa beach.Napangisi si Dexter habang pinagmamasdan si Jay. Bagay din naman dito ang gupit nito ngayon. Pero mas astig itong tingnan sa larawan. Mahaba ang buhok at nakaipit. Wala sa hinagap nila noon na apo ito ng isang milyonaryo sa ibang bansa. Pero hindi ito makapagtago ng matagal sa abuelo nito dahil pinagalaw na ang pera."Tama na ang alam niyang may bago akong negosyong mina-manage." Pabaliwalan

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 1-Jay Falcon

    Mabilis na inilaglag ni Jay ang nauupos na sigarilyo nang makita ang papalapit ba kaibigan, inapakan iyon upang mamatay ang baga. "Kanina ka pa hinahanap ni Eagle 4." Tukoy ni Ruel kay Micko.Pinagpagan muna ni Jay ang sarili upang maalis ang amoy usok na galing sa sigarilyo. Hindi siya maaring pumasok sa loob ng opisina na ganoon ang amoy at masilan ang pagbubuntis ni Agent Cris. Naroon kasi ito at kasapi pa rin sa ahensya. Pero hindi na ito binibigyan ng mabigat na trabaho katulad ni Amalia. Minsan lang din pumaroon kapag may personal na kailangang ayusin roon."May bago bang kasong hawak ang ahensya?" tanong niya kay Ruel bago humakbang."Hindi ko pa alam pero may kausap kanina si Boss Detxer," ani Ruel habang sinasabayan sa paglalakad si Jay.Tumango-tango si Jay at hindi na muling nagsalita."May problema ka ba?" puna ni Ruel sa kaibigan. Kahapon pa niya napapansing napadalas ang paninigarilyo ng kaibigan.Sinulyapan ni Jay si Ruel pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa dinada

  • The Billionaires' Secret    Book 10-Finale

    Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 39- A big show

    MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 38-Pagsubok kay Argus

    KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara

  • The Billionaires' Secret    Book 10:Chapter 37-I can't promise

    RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status