Unexpectedly Engaged with a Stranger

Unexpectedly Engaged with a Stranger

last updateLast Updated : 2026-01-26
By:  aineUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
11Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Mavriele Rei Adieli is a doctor who comes from a modest background. She’s not rich, needs to work hard to support her family, and leads an ordinary life. But who would have thought the unpredictable fate would force her to live a life totally different from what she was used to? Sinong mag-aakala na magbabago ang takbo ng buhay niya kapag nalaman niyang niloloko siya ng kaibigan at kasintahan niya? And who would have thought her life would change once she met Viscenzo Ferratero—a man from a well-known and prestigious family—and asked for a deal that would intertwine their fates in unexpected ways? Will the secret they made remain under the veil?

View More

Chapter 1

Chapter 1: That Stranger

There’s no such thing as a good person.

Sometimes, lying is your best shot to see if someone is genuine about you or not.

Kailangan mong magsinungaling para hindi matapakan ng ibang tao ang ego at dignidad na inaalagan mo. Who knows? Malay mo sa pagsisinungaling ka makaka-jackpot ng ticket papunta sa buhay na sa libro mo lang nakikita—paalis sa impyerno.

“Doc, still there?”

“Ah, yeah. Let’s talk later, I have an event to attend.” Pinatay ko ang tawag at hindi na hinintay ang sasabihin ng nurse sa kabilang linya. Hindi ko alam na lumalim na naman ang pag-iisip ko habang tinatahak ang daan, papunta sa venue  kung saan gaganapin ang reunion ng pamilya ng boyfriend kong si Arkin.

Ngayong gabi niya ako balak ipakilala sa mga magulang niya. Normal naman sa lahat ang makaramdam ng kaba, but what I’m feeling right now is different. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan ako ng mga kamag-anak niya dahil alam kong mataas ang inaasahan ng mga ito sa akin.

He’s from a well-known family, his parents are amongst the most successful businessmen in the industry and also own properties around the country.

In short, mayaman.

Samantala ako ay tipikal na babaeng hindi pinanganak na mayroon gintong kutsara. I’m a doctor pero hindi ganoon kataasan ang sahod. Nahihirapan pa akong sustentahan ang pamilya at paaralin ang mga kapatid ko dahil sapat lang sa kanila ang perang binibigay ko, minsan kulang pa, kaya madalang akong bumili ng luho para sa sarili ko.

Hindi ako iyong tipong lahat ng gusto ay inaasa sa lalaki. Sa totoo lang ay ako pa ang nagpupumilit kay Arkin na huwag akong bigyan ng mga bagay na hindi ko naman kailangan. Ayokong isipin niya at ng ilan na sinagot ko siya dahil lang sa pera, dahil ni minsan ay hindi ako tumanggap mula sa kaniya.

Arkin and I lived in different worlds. He’s the type of person who can buy everything he wants while I still have to work hard just to get the things I need.

Nagbayad ako sa taxi bago bumaba. Sinuri ko muna ang sarili kung maayos ang itim na dress na inarkila ko pa at kumuha nang malalim na buntong-hininga. I wasn’t even inside, yet my mouth is already losing its tongue. I’m nervous.

[I’lll wait for you there.]

Iyan ang huling text sa akin ni Arkin noong nakaraang linggo pa. Pagtapos no’n ay wala na akong nakuhang reply mula sa kaniya. I tried to message and call him but he wasn’t responding kaya tingin ko ay abala na naman sa business ng family niya.

“I'm here,” tipa ko sa selpon bago iyon i-send sa kaniyang numero. It delivered, but as usual, no response.

I actually started to have conclusions in mind. Hindi ko siya masisisi kung may magustuhan siyang ibang babae na mas mayaman sa akin, pero tanga siya sa parte kung maghahanap siya ng babaeng hindi mahigitan ang ganda ko.

Mavriele Rae Adieli ito, ’no.

Muli ko siyang tinext para tanungin kung nasaan na siya dahil akala ko ay susunduin niya ako rito sa labas, pero wala pa rin akong nakuhang sagot. Ilang minuto akong naghintay, nang mainip ay ako na ang pumasok sa loob. The guards greeted me as I went inside. Mabuti na lang, akala ko kasi ay hahanapan pa ako ng invitation card ng mga ito dahil parang malaking event ang gaganapin sa loob.

Mula pa lang sa naggagandahan at mamahaling muwebles, makintab na kagamitan, kumikinang na malalaking chandelier sa itaas, at magarang mga kasuotan ng mga tao, masasabi kong hindi lang simpleng mayayaman ang kamag-anak ni Arkin. They look like nobles, showing off their professions and expensive jewelries just to make a spotlight for themselves. Mabuti kahit papaano ay nakasasabay sa kanila ang dress na nirentahan ko.

Para tuloy akong saling pusa na naligaw rito, ang tanging maipagmamalaki ko lang ay ang ganda ko.

Marami na ang narito. Masasabi kong malaki pala ang angkan ng pamilya ni Arkin at halos lahat ata ay mga nakaaangat sa buhay.

I reached for one of the glasses of wine as the waiter passed in front of me and sat at the nearby table. I roamed my eyes to find Arkin, only to land my gaze on a man meters away from me. He’s wearing a neat and expensive tuxedo, accentuating his broad shoulders that carried an air of confidence and authority with his unreadable expression.

I was stunned when he also looked in my direction but my eyes refused to flee. Instead, I remained fixated on him and saw a competitive glint in his gaze that caught me off guard in my seat.

God. That might be the most beautiful hazel cold eyes I saw in my entire existence. They sparkled with flecks of gold and green, as if those eyes reflecting warmth and depth that made my breath hitch.

Ilang beses akong napakurap at nag-iwas ng tingin nang mapagtantong nakatitig ako rito. Those hazels are threatened to melt me where I seated the longer I stared.

Hindi ko tuloy maiwasang madala sa kuryosidad.

Kaano-ano siya ni Arkin? Wala naman siyang nabanggit na may ganitong klase siya ng kamag-anak. Kung titignan ay magkasing edad lamang sila, pero ang lalaki ay halatang respetadong tao. Kahit kasi mga matatanda ay malaki ang galang sa kaniya kapag binabati siya. He’s just sitting in one of the seats but his aura still speaks intimidation and authority.

Muli kong iginala ang tingin, iniiwasang muling mapunta ang mga mata ko sa lalaki dahil baka isipin nitong na-star-struck ako sa kaniya kahit na hindi ko naman alam kung sino o artista ba siya.

It was almost half an hour of waiting until my eyes expectantly landed on the person I was waiting for, walking through the entrance with his white long sleeve.

Napatingin ang mga tao sa kararating lang na si Arkin, but what really caught my attention is the woman with him. Bumaba ang tingin ko sa kamay ng babae na nakapulupot sa kaniyang braso. Matamis pa ang ngiti ng mga ito sa isa’t isa habang naglalakad papasok. The woman is wearing a long fitted fiery red dress that

caught everyone’s attention. She’s drawing admiring glances as they walked inside.

My eyes stayed fixated on them until they stopped in front of an elderly man who seemed to be his grandfather.

“Grandpa, this is Chel,” Arkin introduced, “my girlfriend.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
11 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status