Home / Romance / The Billionaires' Secret / Chapter 9-Pagbabalik-tanaw

Share

Chapter 9-Pagbabalik-tanaw

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2023-07-05 14:45:14

“MULA sa araw na ito, wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako lang...”

Nakatitig lang si Jenny sa kawalan habang pinapakinggan ang sinasabi ng isang ginang. Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Kahapon lamang ay masaya sila ng kanyang mga magulang. Pero ngayon ay nagluluksa siya kasama ng hindi niya gaanong kilalang mga kamag-anak.

“Ma, huwag mo na ngang kinakausap ang pipi na 'yan! Nagmumukha ka lang tanga!” inis na sita ni Jennelyn sa ina.

“Tumahimik ka nga riyan!” angil ni Jackie sa anak. “Hindi ka nakakatulong!”

“We've been pampering her since mamatay ang kanyang mga magulang. But look at her? Hindi naman niya tinutulungan ang sarili.” Nakasimangot na reklamo ni Jennelyn habang pinagmamasdan ang pinsan na mukhang robot na lamang na nakaupo sa isang tabi. Kusa itong gumagalaw ngunit parang walang naririnig o nakikita. Maging sa pagkain ay pinagsisilbihan pa ito ng ina na ikinaselos niya ng husto.

“Jen...” Hindi na natapos ni Jackie ang pagtawag sa pangalan ng pamangkin nang magdabog ang anak.

“At pareho pa kami ng nickname! Ayoko nang may kahati o kapareho sa lahat ng bagay!” Nagpapadyak ang mga paa ni Jennelyn dahil sa inis.

“Jennelyn, napag-usapan na natin ang bagay na ito,” humakbang palapit si Jackie sa anak. “Malaki ang maitutulong sa atin ni Jennifer dahil unti-unti nang bumabagsak ang negosyo natin.”

“Whatever!” Umirap siya sa ina at tumalikod.

Napailing na lang si Jackie nang wala na ang anak sa harapan niya. Binalingan uli nito ng tingin ang pamangkin ang kinausap ng mahinahon. “Jenny, sabihin mo na sa akin. Alam mo ba kung nasaan ang orihinal na kopya ng mga assets ng mama at papa mo? Wala kasi silang iniwan sa abogado ninyo.”

Nanatiling tahimik ang bata na tila walang naririnig. Ang gusto lang niya sa mga oras na iyon ay itikom ang bibig, ititig ang mga mata sa malayo at kalimutan ang sakit na nararamdaman sa dibdib.

“Fine!” hindi na naitago pa ni Jackie ang galit sa pagiging bingi at tuod ng pamangkin. “Kung ganyan ka lagi, mas mabuti ngang maging pipi ka na lamang habangbuhay!”

Patalikod na sana ang ginang nang salubungin ito ng isa sa mga katulong sa bahay. “Ma'am, nandito na po ang taong hinihintay niyo.”

“Good. PApasukin mo na.” Biglang sumigla ang boses ni Jackie. Hinayaan lang manatili ang pamangkin sa may sala.

“Opo, ma'am.” Magalang na sagot ng katulong bago tumalikod.

Kahit hindi nagsasalita, nakatatak pa rin sa isipan ni Jenny ang lahat ng naririnig at nakikita. Tsaka lang naglikot ang kaniyang mga mata nang wala na sa harapan ang taong umaaruga sa kaniya. Kitang-kita niya ang pagpasok ng isang taong ayaw na niyang makita muli. Ang takot na nadarama ay unti-unting napalitan ng pagkamuhi lalo na nang humakbang ito papalapit sa kaniya. Mabilis siyang tumanaw sa malayo at nagpanggap na hindi ito nakikita.

“Mabuti naman at nakadalaw ka na dito." Salubong ni Jackie sa bagong dating.

"Pasensya na kung ngayon lang nakadalaw. Nabalitaan mo naman siguro ang nangyari sa amin." Nakangiting sagot ni Edwin kay Jackie.

Hinayaan lang ni Jackie na lumapit si Edwin sa kaniyang pamangkin. Kinausap nito ang bata ngunit tulad sa dati, walang tugon o reaction na makuha mula dito.

“How is she?” Baling ni Edwin kay Jackie nang walang tugon makuha mula sa inaanak na si Jennifer.

“She's not doing fine.” Malungkot na sagot ni Jackie sa ginoo.

“Hindi pa rin siya nagsasalita?” nasa boses ni Edwin ang pagkainip.

“Mas mabuti na iyang tahimik siya at pabor sa iyo." Makahulogang sagot ni Jackie dito.

Mula sa kinaupuan ay naririnig ni Jenny ang pag-uusap ng dalawa. Dahil nakatalikod siya mula sa mga ito ay hindi napapansin ng mga ito pagbabago ng expression ng kaniyang mukha.

Mula nang araw na iyon ay nagkaroon ng lakas ng loob upang palakasin ang sarili. Sa murang edad ay nakapag-isip na siyang iligtas ang sarili tulad nang bilin ng ina bago ito nalagutan ng hininga.

"Ma-maging matapang ka! Hu-huwag kang magtiwala sa mga taong malalapit sa atin. Lumayo ka at i-iligtas mo ang iyong sarili!" mga katagang sinambit ng ina kahit na nahihirapan na itong huminga.

Hindi malaman ni Jenny ang gagawin nang mga oras na iyon noon. Ang ama ay hindi na niya naabutang buhay. Ang ina ay pilit na nilalabanan ang kamatayan upang maituro sa kaniya ang tamang gagawin upang manatili siyang buhay.

Matapos maalala ni Jenny ang ina, lihim niyang pinasok ang silid na tanging silang mag-ina lamang ang nakakaalam. Kumuha ng bagay na makakatulong sa kaniya at nagpakalayo dahil sa takot  kay Edwin. Kahit hindi alam kung saan pupunta ay umalis siya dahil hindi safe ang pakiramdam niya na kasama ang tinuturing na kapamilya katulad ng kaniyang ninong.

“Mommy, Daddy, babalikan ko po kayo. At pangako,magpapalakas ako para maipaghiganti ko kayo!" bulong ni Jenny sa kaniyang sarili bago tuloyang nilisan ang sariling tahanan.

Kinagat ni Jenny ang ibabang labi upang pigilan ang nagbabantang pagtulo ng mga luha matapos ang pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Hindi niya naiwasang alalahanin ang nakaraan kanina habang hinihintay ang taong nais makita. Itinuon niyang muli ang atensiyon sa pagtanaw sa harap ng kanilang kompanya. Hindi nagtagal at dumating na rin ang taong gusto niyang makitang muli. Mukha itong kagalang-galang na naglalakad papasok sa building.

“Malalaman ko lang na may kaugnayan ka sa pagkamatay ng mga magulang ko, kakalimutan kong magkamag-anak tayo!” bulong ni Jenny sa sarili habang sinusundan ng tingin ang tiyahin na si Jackie.

Bata pa lang siya noon nang maulila kaya wala siyang maalala tungkol sa kanilang family background. Pero nang simulan niya ang plano ng paghihiganti ay inalam niya iyon.

Ayon sa mga nakalap niyang impormasyon, nag-iisa rin lang na anak ang kanyang ama. At wala nang mga magulang. Ang ina naman niya ay may isang kapatid lang na hindi nito ka-close dahil half-sister lang nito. Kaya nga nakapagtataka na bigla na lamang itong sumulpot nang mangyari ang krimen.

“ANONG ibig niyong sabihin?” Naikuyom ang mga kamao ni Edwin.

“Hindi na namin mahagilap ang pamilya ni Lando, boss.” Nakayuko ang ulo na sagot ng isa sa napag-utusan ni Edwin na dukutin ang pamilya ni  Lando.

Napahampas sa mesa si Edwin dahil sa galit. “Ang hayop! Mukhang planado niya talaga ang lahat at inunahan na niya tayo! Alam niyang babalikan natin ang kanyang mag-iina!"

Lihim na napangisi si James sa nakikitang galit sa mukha ng amo. Nag-e-enjoy siya sa naririnig at nakikitang reaction ng taong target niya sa misyon na ito.

“Boss...”

Nabaling ang tingin ng binata kay Dino. Hindi ito naniniwala na magagawa ng kaibigan nito ang magtaydor.

“Matagal na nating kilala at nakasama si Lando, hindi siya kailanman maghuhudas sa grupo.” Pilit na nilinis nito ang pangalan ng kaibigan. Malakas ang kutob niyang may anumalyang nangyari at biktima ang kaniyang kaibigan. Magkasanggang dikit silang dalawa at siya ang unang makakaalam kung may plano man itong hindi maganda.

“Noong una, hindi ako naniniwala. Pero sa biglaang pagkawala ng kanyang pamilya, paano mo iyon maipapaliwanag?” galit na tanong ni Edwin kay Lando.

“Posible na planado rin iyon ng nanloob sa warehouse natin.” Paliwanag ni Lando sa amo.

“Pero nakita ko silang magkakasama,” depensa ni James upang idiiin ang kasiraan ni Lando sa grupo.

Naningkit sa galit ang mga mata ni Dino. “Tanging ikaw lang ang nakakita sa nangyari. Kaya paano kami nakakasiguro na totoo ang lahat ng pamimintang na sinasabi mo? Hindi kaya ikaw ang hudas sa grupo?”

“Ano sa tingin mo ang motibo ko para gumawa lang ng kwento laban sa kaibigan mo na hindi ko naman gaanong kilala?" nanghahamon na sagot ni James sa lalaki. "Handa  kong ipalit ang buhay ko bilang patunay na totoo ang sinasabi ko.” Mayabang pa niyang dugtong.

“Tama na 'yan,” saway ni Edwin sa dalawang nagtatalo sa kaniyang harapan. “Malalaman ko lang kung sino sa inyo ang nagsisinungaling sa oras na mahanap si Lando.”

Parehong natahimik ang dalawang lalaki na nagpalitan pa ng matatalim na tingin bago humakbang palayo sa isa't isa.

“Ikaw...” Tawag ni Edwin sa isang tauhan.

“Boss?” hindi siguradong sagot ni James sa pagtawag ng amo.

“Iligpit mo ang mga nahuli ng parak sa engkuwentro,” tukoy ni Edwin sa nangyaring insidente. "Ngayon mo patunayan sa akin ang kakayahan mo."

“Okay, boss.” Nakaliyad ang dibdib na sagot ni James.

“Umalis ka na. I want it ASA!. Baka maisipan pa nilang ikanta ang grupo natin.” Pagtataboy ni Edwin kay James.

Paglabas ni James ng silid ay nakasalubong niya sa hallway ang anak ni Edwin. Hindi pa sila nito nagkakadaupang-palad. Pero palihim na rin naman niya itong pinagmamatyagan. And he has enough information para isipin na kasabwat din ito ng ama sa mga ilegal na gawain.

“LIKE father like son, huh! And they are planning something?” nang-uuyama na kumento ni Jenny nang marinig ang kwento ni James.

“I'm not really sure. Basta narinig ko lang na sinabi ng anak sa ama na tinatanggap na nito ang alok sa kompanya ninyo. Hindi kaya embezzlement na naman iyon? Baka tuluyan na nilang ilugmok sa pagkalugi ang mga negosyong pinaghirapan ng mga magulang mo?” Opinyon na ani James sa kaibigan.

Nangitngit sa galit si Jenny. Hindi pa man niya nakikita ang anak ng kanyang mortal na kaaway ay kinapopootan na rin niya ito. “Let's do the Plan B.”

“Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Alam mong tutol ako sa plano mong iyan.”

“My decision is final. Gusto kong ako ang kikilos at hindi si Sasha.” Mariin na sagot ni Kailani sa kaibigan.

Napabuntonghininga si James sa tinuran ng dalaga. “Ipangako mo lang na lagi kang mag-iingat. At huwag kang basta magpapadala sa galit.”

Tumango muna si Jenny bago sinaid ang inumin na kape. Kasalukuyan nasa isang coffee shop sila ni James.

“Nasaan nga pala ang pamilya ni Lando?” untag ni James sa pananahimik ng dalaga.

“Nasa probinsiya at ligtas sila roon. Si Nanay Nimfa na ang bahala sa kanila.”

“May isa pa pala tayong kailangang trabahuhin. Pinapapatay sa akin ng amo ko ang mga tauhan niyang nahuli ng mga parak. Anong gagawin natin?”

“Si Sasha na ang bahala riyan. Nandoon na siya sa presinto dala ang ilan sa mga pera na nakuha natin sa warehouse.” Seryusong sagot ni Jenny sa kaibigan. Lahat ay planado na noon bago pa nila isinagawa ang panloloob sa kaaway. Alam niya ang takteka ng tulad ni Edwin kaya inunahan na niya ito.

“Good. Wala na pala akong magiging problema.” Nakahinga ng maluwad si James.

“Sementado na ang lalakaran mo. Ang kailangan mo lang gawin ay mag-ingat na hindi nila matuklasan ang sekreto mo.” Paalala ni Jenny sa kaibigan.

“Huwag kang mag-alalala, mag-iingat ako at salamat sa paalala.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 2-Tunay ba pagkatao

    "Jay Falcon, Jr. Nag-iisang tagapagmana ng isang malaking kompanya sa bansang Spain." Malakas na basa ni Dexter sa taong pinahahanap.Pahintamad na inunat ni Jay ang mga braso habang hindi hinihiwalay ang tingin kay Dexter. Nakakatawa lang at madali nitong nalutas ang kasong hawak. Naalala pa niya ang unang araw na inilatag ang file niya roon. Pinagtawanan siya ng lahat lalo na ng kababaihan. Kahit ibang-iba ang mukha niya roon sa larawan ay madali siyang makilala. Long hair kasi siya roon sa larawan at sobrang puti. Ngayon ay parang tan na ang kulay niya at sinadya niyang magpainit lagi sa beach.Napangisi si Dexter habang pinagmamasdan si Jay. Bagay din naman dito ang gupit nito ngayon. Pero mas astig itong tingnan sa larawan. Mahaba ang buhok at nakaipit. Wala sa hinagap nila noon na apo ito ng isang milyonaryo sa ibang bansa. Pero hindi ito makapagtago ng matagal sa abuelo nito dahil pinagalaw na ang pera."Tama na ang alam niyang may bago akong negosyong mina-manage." Pabaliwalan

  • The Billionaires' Secret    Book 11: Chapter 1-Jay Falcon

    Mabilis na inilaglag ni Jay ang nauupos na sigarilyo nang makita ang papalapit ba kaibigan, inapakan iyon upang mamatay ang baga. "Kanina ka pa hinahanap ni Eagle 4." Tukoy ni Ruel kay Micko.Pinagpagan muna ni Jay ang sarili upang maalis ang amoy usok na galing sa sigarilyo. Hindi siya maaring pumasok sa loob ng opisina na ganoon ang amoy at masilan ang pagbubuntis ni Agent Cris. Naroon kasi ito at kasapi pa rin sa ahensya. Pero hindi na ito binibigyan ng mabigat na trabaho katulad ni Amalia. Minsan lang din pumaroon kapag may personal na kailangang ayusin roon."May bago bang kasong hawak ang ahensya?" tanong niya kay Ruel bago humakbang."Hindi ko pa alam pero may kausap kanina si Boss Detxer," ani Ruel habang sinasabayan sa paglalakad si Jay.Tumango-tango si Jay at hindi na muling nagsalita."May problema ka ba?" puna ni Ruel sa kaibigan. Kahapon pa niya napapansing napadalas ang paninigarilyo ng kaibigan.Sinulyapan ni Jay si Ruel pero mabilis ding ibinalik ang tingin sa dinada

  • The Billionaires' Secret    Book 10-Finale

    Nakangiting pinanuud ni Cris ang kalalakihang nag-uusap. Masaya siya dahil unti-unting nakakasundo na ni Argus ang kaniyang kagrupong kaibigan."Mare, ang haba ng hair mo. Bukod sa guwapo, mayaman at makisig ay ang bata pa ng nabihag mo." Kinikilig na ani Amalia."Nagsisi ka ba at may edad na ang lalaking napangasawa mo?"Sabay na nilingon nila Cris at Amalia ang nagsalita. Kahit kailan talaga ay walang ingat magsalita si Shahara. Ewan ba nila at bakit sumama ito kay Ruel gayong hindi ito mahilig makihalubilo sa hindi nito close friend.Biglang naitikom ni Shahara ang bibig at alanganing ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Gusto lang naman niyang maging close friends ang mga babaeng kaibigan ni Ruel. Pero sa tuwina'y pahamak ang kaniyang bibig."Salamat pala sa pagpunta rito at pagsama kay Ruel." Pag-iiba ni Cristine sa paksa.Umirap muna si Amalia kay Shahara bago ngumiti. Hindi naman siya na offend or nagalit sa babae. Magaan naman ang loob niya dito at handa sila mag-adjust upang m

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 39- A big show

    MANONG nasaan na po si Lexus?" Kausap ni Cris sa nag-aalaga sa paborito niyang kabayo. Hindi niya rin mahanap si Argus matapos nitong maalalayan ang babaeng isa sa nanalo sa event."Sorry po, ma'am, kanina ko pa hinahanap ang kabayo pero hindi ko mahanap." Kumakamot sa ulo na sagot nang may edad ng lalaki. Nangunot ang noo ni Cris at parang hindi manlang nabahala ang bantay na nawawala ang kabayo. Worth of million ang halaga ng kabayo dahil sa galing nito kaya maaring may magtangkang kumuha dito. Pagagalitan pa niya sana ang lalaki nang magkaroon ng kumusyon sa labas ng kuwadra. Dali-dali siyang lumabas para lang malaglag ang kaniyang panga habang pinapanuud ang nangyayari."Ang akala ko ba ay hindi marunong sumakay sa kabayo si Argus?" Pabulong na tanong ni Jeydon kay Jay. "Walang puting itlog ang dapat makadapo sa pugad ng eagles." Makahulugang sagot ni Jay sa kaniyang superior.Proud na tumango si Jeydon bago tinapik sa balikat si Jay at nagustohan ang sinabi nito.Kinalma ni Arg

  • The Billionaires' Secret    Book 10: Chapter 38-Pagsubok kay Argus

    KINABUKASAN ay napilitang bumangon si Cristine dahil sumisilip na si Haring Araw sa bintana ng kaniyang silid kahit wala pang six ng umaga. Nasa bathroom na si Argus at tinawagan na umano nito ang sariling katulong upang dalhan ito ng damit pambihis.Alam niyang tulog pa ang kaniyang mga bisita kaya kailangan niyang kumilos na bago pa makita ng mga ito na sa silid niya natulog si Argus."Ma'am, nandito na po ang gamit ni Sir Argus." Katok ng katulong sa silid ni Cris.Mabilis na binuksan ni Cris ang pinto upang kunin ang dinala ng katulong. Kanina ay tinawagan niya ito na abangan ang paparating na tao ni Argus."Salamat, Manang." Nahihiya niyang bati sa ginang. "Walang anuman, Ma'am. Gusto mo po bang ipasok ko ito upang tulungan kayo sa pag-ayos ng gamit ni Sir?"Namilog ang mga mata ni Cristine nang mapadako ang tingin sa isang maletang nasa tabi ng katulong. "Huwag na po, ako na ang bahala."Pagkatalikod ng katulong ay agad na hinila ni Cristine ang malaking maleta. Agad na isinara

  • The Billionaires' Secret    Book 10:Chapter 37-I can't promise

    RAMDAM ni Cristine ang pagsunod sa kaniya ni Argus hanggang makapasok sa loob ng kaniyang silid. Pagkapasok ni Argus, pakiramdam niya'y biglang umalinsangan ang paligid kahit nakabukas naman ang aircon. Mabilis ang kilos niya at minuwestra sa binata kung saan ang bathroom at ang gagamitin nito sa pagtulog."A-ano ang ginagawa mo?" Nandidilat ang mga matang tanong niya kay Argus nang isa-isa nitong binuksan ang butones ng suot nitong long sleeve."Wala akong dalang bihisang damit at hindi ako natutulog na ganito ang suot." Pabaliwalang sagot ni Argus sa dalaga at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Hindi ka makapaghintay na makalabas ako bago gawin iyan?" Inis niyang tanong sa binata at mabilis na iniwas ang tingin sa katawan nito nang lumantad ang matigas nitong dibdib.Muli niyang nilingon ang binata nang hindi ito sumagot para lang muling mandilat ang kaniyang mga mata. Mabilis niyang nilapitan ito at pinigilan sa pagbukas sa zipper ng pants nito."Uhmmm!" Ungol ni Argus nang lumapat ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status