Share

The Billionaire’s Dirty Little Secret
The Billionaire’s Dirty Little Secret
Author: Hexstia

CHAPTER 1

“Miss Priscilla dito po.” Nakangiting sabi ng isang photographer.

“Miss Priscilla can you smile for us?” Nakangiti namang banggit ng isa pa na para bang nagmamakaawa na lumingon sa kanyang banda si Priscilla.

“Miss Priscilla.” Tawag naman ng isa pa.

Halos hindi na makita ni Priscilla ang kanyang palibot dahil sa paulit ulit na pag liwanag na nanggagaling sa mga camera ng mga taong naka palibot sa kanya. Nasa isang party kasi sila ngayong gabi at pinagkakaguluhan ngayon ng mga reporters at photographers ang kadarating lamang na si Priscilla Figueria, ang pinaka sikat na babaeng artista ngayong era na ito. Ang tinaguriang ‘the nation’s girlfriend’.

Isa isa namang nginitian ni Priscilla ang mga photographers na kanina pa paulit ulit na tumatawag sa kanya.

“You look stunning as always Miss Priscilla. Can you tell us who’s the lucky designer of your gorgeous long dress for tonight?” Tanong sa kanya ng isang reporter sabay tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

“Thank you for the compliment.” Paunang sagot naman ni Priscilla, mababakasan mo sa kanyang maamong mukha na labis siyang nagagalak sa gabing ito. “Of course I’m wearing one of the masterpieces of my friend, Jeffrey.” Dugtong naman nito at tinukoy ang isang napaka sikat na kaibigang designer.

“How about the hair and make up? Who did those? It looked so flawless.” Hirit na tanong naman ng isa pang reporter na sinagot naman niya ng nakangiti. “My glam team did my hair and make up. I’m super lucky to have them dahil kita niyo naman ang result di ba?” She laughed a little.

“Wala po ba kayong kasamang date ngayon? And why?” Tanong ng isa pang reporter na galing sa isang pamilyar na kompanya, ang kompanya kung saan din siya nagtatrabaho, tinanong ito ng reporter sabay tingin sa kanyang paligid na para bang may hinahanap.

“Oh, sadly I don’t have a date for tonight. I don’t know. I just feel like going alone suits me the best.” Sagot naman ni Priscilla at sinabayan ulit ito ng mahinang pag tawa.

“Bakit niyo po napag desisyunang pumunta rito ng mag isa lang? For sure maraming mga bigatin at gwapong artista ang naka linya para lang maging date ninyo para sa gabing ito.” Sagot ng naunang nag tanong sa kanya na reporter.

“Hmm can I tell you a secret? To be honest I first considered having Klent as my date for tonight. Kaso he suddenly had a very important appointment eh and baka ma late siya ngayon. Kaya pumunta nalang ako ng mag isa habang busy pa siya. But secret lang ha?” Mapagbirong sabi ni Priscilla at sinabayan pa ito ng pag hagikhik.

Si Klent Joseph Romero ang tinutukoy niya. Isang napaka gwapo na artistang kasabayan ni Priscilla sa kasikatan. Silang dalawa ang madalas laman ng mga balita, billboards, at magazines ngayon. Madalas din silang pinapares sa isa’t isa sa mga advertisement at ngayon ay may paparating silang isang romance movie project kung saan gaganap silang mag kasintahan. Bago pa man magka tagpo ang kanilang mga landas ay madalas na silang nili-link sa isa’t isa ng kanilang mga taga suporta at ngayong ipapares na sila para sa isang movie ay mas naging grabe pa ang pagli-link sa kanila. Naging usap usapan pa nga sa isang article sa isang social media platform na nasa isang private relationship daw sila. Hindi naman kinumpirma ng dalawang panig ngunit hindi pa rin matigil ang mga usap usapan tungkol sa kung ano nga ba ang mayroon sa kanilang dalawa.

“Oh really? What’s the catch between you two?” Diretsahang tanong ng isang reporter. Wala ng balak mag salita tungkol dito ni Priscilla kaya naman ay sinagot niya lamang ito ng isang tipid ngunit makahulugan na ngiti.

“So I guess we will see you together with Mr. Klent later at the party? Can we expect?” Pilit ng isang reporter kahit na wala ng balak sumagot pa ni Priscilla. Tulad kanina, sinagot lamang ito ni Priscilla ng isang tipid ngunit makahulugang ngiti.

“Mukhang medyo nag tagal na ako dito sa labas. I think it’s time for me to go inside. I’m sorry but can you excuse me?” Pagpapaalam niya.

Kasabay ng pag hakbang niya paalis ay siya namang pag hagip ng kanyang mga mata sa isang pares ng mga matang naka tingin na pala sa kanya. Napa hinto siya.

A pair of eyes with a cold expression was staring directly into her soul. It immediately sent shivers down her spine. It made her have goosebumps.

Walang ekspresyon ang napaka gwapong mukha nito habang naka tingin sa kanya ngunit para ng lalabas sa dibdib ni Priscilla ang kanyang puso dahil sa sobrang bilis ng kabog nito. Napalunok na lamang siya.

Dahil sa biglaan niyang pag hinto sa paglalakad ay napa hinto rin ang kanina pang nakasunod sa kanya na mga reporter. Tiningnan ng mga ito ang banda kung saan siya nakatingin at bigla na lamang nagka gulo ang mga ito.

“Oh My God. Isaac Sueviro is here!” Dinig niyang bulyaw ng isang reporter bago ito mabilis na tumakbo papunta sa direksyon ng taong binanggit. She badly wanted to roll her eyes because of that but she chose not to. Not that she can roll her eyes after knowing that someone is coldly staring at her right at this moment. He’s scaring her.

“Good to see you Mr. Sueviro. We didn’t expect you to see here. I thought you don’t like attending to this kind of parties but I guess I’m wrong.” Natatawang sabi ng reporter sa lalaki. Kahit nakalapit na ang mga reporters at photographers dito ay para bang wala itong paki alam at nanatili lang na nakatitig ang mga mata kay Priscilla.

“Mr. Sueviro, what made you attend to this party tonight when you clearly told to everyone on your past interviews that you hated this kind of gatherings?” Walang preno na pagtatanong ng isang reporter na kanina ay ganoon din ang ginawa kay Priscilla. “Mr. Sueviro?” Ulit pa nito ng mapansing wala sa kanya o sa sino man sa kanila ang atensyon nito. Napa tingin naman si Isaac sa nagsalita.

“I got bored.” Tipid na sagot nito. That answer made Priscilla smirked.

Nawala lamang ang ngisi niya ng sa isang iglap ay parang may lintang tumabi at kumapit kay Isaac.

“Miss Andrea! Of course you’re here also.” Maligayang bungad ng isang reporter. “You look stunning.” Dugtong nito.

“Of course I should look stunning. Especially when my date is as hot as him.” Natatawa ngunit mababakasan ng pagmamalaki na sagot nito sa reporter.

Bumaba ang mga mata ni Priscilla sa kamay ni Andrea na nakakapit sa bisig ni Isaac. Tiningnan niya lamang ito ng ilang sandali at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa mga mata nitong nakatitig na pala ulit sa kanya. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. Wala na siyang planong manatili doon at panoorin ang ka plastikan ng mga iyon kaya dali dali na siyang tumalikod ngunit bago pa man siya makahakbang paalis ay narinig na niya ang pangalan niya.

“Hey, look who’s here. The great Priscilla, my loving best friend.” Priscilla immediately rolled her eyes in secret upon hearing those words. That made her want to puke. But of course, she wouldn’t do that. If this girl wants to be lovey dovey with her in public as if everything is fine between them, then she can give her that. She’s an actress after all.

“Andrea. It’s so nice to meet you.” Bati niya nang humarap siya dito. Nakipag beso naman agad si Andrea sa kanya na tinanggap naman niya. “Nice to meet you too. I miss you, Pres.” Maligayang sagot nito na ikinawala ng ngiti ni Prescilla. ‘How dare this bitch call me with my nickname’ sabi niya sa kanyang utak. Plastic.

“Anyway have you met my date? He’s the Isaac Sueviro by the way.” Pagmamayabang pa nito.

“Oh really? Nice to meet you. I’m Prescilla by the way.” Pagpapakilala niya at nanginginig ang kamay na iniabot ito kay Isaac. Tinanggap naman ito ng huli. “Isaac.” Tipid na sagot nito.

Lumipas na lamang ang tatlumpong segundo ay hindi pa rin binibitawan ni Isaac ang kamay ni Prescilla. Nagsimula ng kabahan ang dalaga para sa kung ano mang gawin ng lalaking ito ngayon kaya nang maramdaman niyang pinipisil pisil na ni Isaac ang kanyang kamay ay pwersahan na niyang hinigit ito.

“A-ah I-I’m sorry but I have to go. Hinahanap na yata ako sa loob.” Pagpapaalam niya sa lahat ng taong naroon. Kahit malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi ay pinagpawisan pa rin siya kaya dali dali na siyang pumasok sa loob upang makalayo nang sa ganoon ay huminto na sa paghuhurumentado ang puso niya.

-

Kampante ng nakaupo sa isa sa mga priority at exclusive table sa venue na ito si Prescilla. Wala na ang kabang naramdaman mula kanina. Nagmamasid at nakikinig lamang siya sa mga programang ipinapalabas dito mula pa kanina.

Tahimik lamang siya sa isang tabi at maya maya ay may naramdaman siyang may isang kamay ang gumapang sa kanyang bewang. Sinabayan naman ito ng isang munting halik sa kanyang pisngi na ikinagulat niya.

“What the-“ pag aapilang sagot niya ngunit hindi na niya na gawang ituloy ang sasabihin nang makita kung sino ito.

“Klent! You’re here!” Maligayang bati ni Priscilla sa kadarating lamang na si Klent. Mababakasan ng pagka galak sa mukha ng dalaga nang makita ang binata.

“Miss me baby.” He answered and chuckled afterwards. That made Priscilla roll her eyes for the nth time tonight.

“Duh. Baby your face.” Malditang sagot nito ngunit nagawa na ring tumawa dahil sa asaran nila ni Klent.

“Okay so we have a very special guest for tonight. We should really feel blessed because he decided to attend this party. Of course as a token of gratitude, we would like him to come up here on stage. Everybody please let’s welcome the one and only chairman of Sueviro Enterprise, Mr. Isaac Sueviro.” Biglang anunsyo ng host na ikina tigil ng lahat. Maging ang asaran nila Priscilla at Klent ay natigil rin.

“Tsk.” Napaismid naman bigla si Priscilla ng makitang nakakapit pa rin sa braso ni Isaac si Andrea. Si Isaac lang naman ang tinawag pero bakit kasama ang babaeng iyon. Nagpalakpakan naman ang mga bisita habang paakyat ang dalawa sa stage. Maging si Priscilla ay pilit na lamang na pumalakpak ng mahina upang maka iwas sa mga issues.

Wala ng planong makinig ni Priscilla sa kung ano mang sasabihin nila sa stage kung kaya ay pinaglaruan nalang niya ang dessert niya sa mesa habang inip na inip na hinihintay na matapos ito.

“Hey Klent. How’s your trip?” Tanong nalang niya sa katabi nang sa ganoon ay matuon sa ibang bagay ang kanyang atensyon.

“Look who’s talking about not missing me then proceeded to ask me things like that. I miss you too baby.” Pang aasar ulit ni Klent habang tumatawa. Sinabayan pa niya ito ng mahinang pag kurot sa pisngi ni Priscilla na ikina irita naman ng huli.

“Ugh. Can you stop doing that.” Maarteng sagot ni Priscilla na mukhang nagsisimula ng mainis. She hates people who’s touching her face without permission.

Magsasalita na sana ulit si Klent ngunit na tigil ito nang marinig nanaman ang isang malakas na palakpakan. Napalingon si Priscilla sa entablado, mukhang tapos na ang speech.

Laking gulat na lamang ni Priscilla ng pag lingon niya ay naka ismid ang pangang mukha agad ni Isaac ang nakita niya. Ang mga mata nito ay direktang naka tingin lang sa kanya. Kinilabutan siya sa uri ng tingin nito sa kanya.

Si Andrea naman ay makikitang pinipilit hilahin si Isaac pababa ng entablado dahil nakatayo lamang ito doon habang mariing naka tingin sa kanya. Napa iwas na lamang siya ng tingin at pumalakpak na rin. Pinagpawisan siya.

“Thank you for that wonderful greetings Mr. Sueviro and Ms. Lopez.” Pagpapasalamat ng host sa dalawa. “And now, for one of our main events. Let’s welcome here on our stage, the hottest duo of the acting industry. They have an upcoming movie together that made their fans go crazy. Please let’s welcome Mr. Klent Romero and Ms. Priscilla Figueria. A round of applause please.” Pagpapakilala ng host sa kanila. Kahit hindi pa nakakabawi mula sa kabang naramdaman kanina ay nakangiting tumayo na si Priscilla at naglakad paakyat ng entablado. Inalalayan naman siya ni Klent sa pamamagitan ng pag hawak sa bewang nito.

Nakangiti ang dalawang umakyat ng stage. Halos mabulag na sila sa dami ng ilaw na naka harap sa kanila dahil sa paulit ulit na pag flash ng camera.

Ngunit kahit nasa ganoong sitwasyon ay para bang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil mula sa entablado ay kitang kita niya ang naka upong si Isaac na nakakunot ang noong naka tingin sa kanya. Bumaba ang mga mata nito sa kamay ni Klent sa bewang niya at agad ring ibinalik ang tingin sa mga mata niya. Nagdilim ang paningin nito.

Bigla namang nakaramdam ng kakaibang kaba si Priscilla. Kulang nalang ay tumakbo siya pababa ng stage at mag tago sa mga tao dahil sa kabang naramdaman.

His gaze felt so dangerous.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status