Share

CHAPTER 2

Nanginginig ang labing ngumiti si Priscilla sa mga camera. Pati ang mga kamay at tuhod niya ay nag umpisa na ring manginig. But she did all her best to not look like shaking. She did all she can to ignore Isaac’s dangerous gaze towards her. She’s not the best actress last year for nothing.

“As we expected, you’re together tonight.” Paunang bati ng isang reporter sa kanila sabay ay makahulugang tumingin sa kamay ni Klent sa bewang ni Priscilla.

“Of course. Sino pa ba ang ibang babaeng sasamahan ko kundi ang napaka gandang si Priscilla lang.” Sagot ni Klent sa reporter na nag salita sabay mahinang pisil nito sa bewang ni Priscilla. Peke namang tumawa ang dalaga, pilit na ipinagsasawalang bahala ang pares ng malamig na mga matang kanina pa naka tingin sa kanya.

“Please tell us your preparations for your upcoming movie.” Magiliw na sabi ng isang kilalang reporter.

“Excuse me, please let them have their speech greetings first. Mamaya na ang mga kontrobersyal na mga tanong.” Biglang sulpot ng host, pansamantalang pinatitigil ang mga reporter sa kanilang pagtatanong.

Napatahimik ang lahat. Maya maya ay binasag na ni Klent ang katahimikan, nag umpisa na siyang mag salita at mag pasalamat.

“Good evening everyone. I would really like to thank all of you for welcoming us here tonight. It’s such a pleasure for me to be here tonight. I’m sorry for arriving late, I just had a very important appointment earlier. And to our fans out there, I’m really grateful to all of you. Thank you for supporting us. And of course, to this pretty lady with me here on stage, thank you for coming into my life.” Maikli ngunit madamdaming pahayag ni Klent. His last sentence made the crowd shout. Nag sigawan sila dahil sa kilig na naramdaman sa huling sinabi ng binata.

Tumingin naman ang ilang reporter kay Priscilla, hinihintay ang pahayag at reaksyon niya. Bumuntong hininga muna siya bago nag umpisang mag salita. Limited lamang ang sasabihin niya. Wala siyang planong mag salita ng kung ano ano gayong may mga pares ng mga mata ang naka tingin sa kanya. Baka ika pahamak pa niya ito mamaya.

“Thank you everyone for inviting us here tonight. Like what Klent have said, we’re really grateful and it’s such a pleasure to be invited here. To our fans, words cannot express how much I am thankful to each and everyone of you. Please tune in to our upcoming movie together. We promise to give you our best. Thank you.” Maikling sabi ni Priscilla sa madla. Wala na sana siyang balak dugtungan pa ang kanyang sinabi ngunit napilitan nalang siyang mag salita pa dahil humirit ang isang reporter.

“How about Klent’s last sentence earlier? What’s your response? Your reaction? What can you say about that?” Sunod sunod na tanong ng nasabing reporter.

“Oh. Of course I’m also grateful. I’m also lucky to have met him in this lifetime.” Maikling sagot ni Priscilla sabay tingin kay Klent. Muli ay nag sigawan ang mga tao sa loob ng venue na ito.

“So the rumors are true? That you two are already in a private relationship?” Sagot muli ng reporter. Nag umpisa ng kabahan si Priscilla sa sunod sunod na tanong na ibinabato sa kanila ng mga ito. Hindi siya pwedeng magka mali ng isasagot.

Humalakhak si Klent. “I guess it’s for all of you to find out.” He teased and that made the crowd echoed in noise once again. “Thank you everyone, sa pag papaunlak sa amin ngayong gabing ito.” Pagpapaalam ni Klent sa kanila.

‘Sa wakas natapos na rin.’ Nakahingang banggit ni Priscilla sa isip lamang niya. Muli ay inalalayan siya ni Klent pababa ng entablado. Nagmamadali na siyang bumaba upang makatakas na at baka may mag tanong nanamang muli. Habang pababa ay hindi naka takas sa kanyang mga mata ang matalim na tingin ni Isaac sa kanya. Madilim pa rin ang mga tinging ibinabato nito sa kanya at hanggang ngayon ay para bang naka igting pa rin ang panga nito. Medyo madilim kung saan banda ang mga mesa dahil kaunti lamang ang naka bukas na ilaw. Halos lahat ng ilaw ay naka tuon sa may entablado kung saan sila galing kanina. Ngunit kahit na madilim ay kitang kita pa rin niya ang ekspresyong binibigay ni Isaac sa kanya.

Pinilit niya ang sarili niyang ipagsawalang bahala ang mga tinging ito at nag patuloy sa pag lalakad. Buti nalang ay hindi siya nadapa sa bilis ng bawat hakbang niya, samahan pa ng bahagyang panginginig ng kanyang mga tuhod.

Naka hinga lamang ng maluwag si Priscilla ng makarating na sila sa kanilang inuupuan kanina. Agad siyang napa buntong hininga nang makaupo. Sa wakas ay makakahinga na siya ng maluwag. Iyon ang inaakala niya. Ilang saglit lamang mula ng maupo siya ay naramdaman niya agad na nag vibrate ang cellphone niya sa loob ng purse na hawak niya. Isang mensahe ang natanggap niya na nagpa kabang muli sa kanya.

“Meet me at my car. Now.” Sabi sa mensahe. Napalunok si Priscilla. Hindi pa man siya nakakapag tipa ng isasagot ay nag vibrate muli ang kanyang telepono. “Faster.” Sumunod na mensaheng natanggap niya. Napalunok siyang muli. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mensahe. Nang dumaan ang ilang minuto at wala pa rin siyang maisip na isasagot ay napag desisyunan niyang huwag nalang itong sagutin. Tahimik niya nalang na ibinalik sa loob ng kanyang purse ang telepono. Napa inom siya ng tubig. Feeling niya ay natuyuan na siya ng laway gawa ng kanina pa siya napapalunok dahil sa kabang nararamdaman.

Bigla na namang nag vibrate ang kanyang cellphone. Ngunit kung kanina ay maikling pag vibrate lamang, ngayon ay matagal ito, ibig sabihin ay may tumatawag sa kanya. Sa gulat niya ay bigla siyang nasamid sa iniinom dahilan upang mapa ubo siya. Agad namang napa lingon sa kanya ang katabing si Klent at gulat din sa nangyari sa kanya.

“Hey, are you okay? What happened?” Nag aalalang tanong nito. Ngumiti lamang sa kanya si Priscilla. “I’m fine, don’t worry about me. But thank you for asking though. You know, I feel like I need to get some fresh air.” Sagot nito. “Okay let’s go. Let me accompany you.” He offered at tatayo na sana nang pinigilan siya ni Priscilla. “Oh. I appreciate your care so much Klent but I’m fine alone. Please excuse me.”

Dali daling nag lakad palabas ng venue si Priscilla. May nakita siyang isang maganda at malaking garden kanina bago siya pumasok sa venue na ito at doon niya balak pumunta ngayon. Wala siyang planong sundin ang inutos ng nag padala sa kanya ng mensahe. Gusto niya lang mapag isa ngayon.

Hindi pa man nakakarating sa gustong puntahan ay bigla ng may kamay na humigit sa kanya. Mabilis ang mga naging pangyayari kaya hindi na niya nagawang manlaban pa. Not that she can fight. She felt the person who suddenly grabbed her hand much stronger than her. It made it impossible for her to fight back.

Dinala siya nito sa isang maliit na silid sa likod lamang ng venue hall. Looks like a storage room.

“Ano ba!” Pagpupumiglas niya. Agad naman siyang binitawan ng lalaking nag dala sa kanya doon nang sila ay makapasok na. It was Isaac.

Galit na mukha ang bumungad kay Priscilla.

“What was that huh?” Tanong ni Isaac.

“What?” Naguguluhang tanong pabalik naman ni Priscilla.

“I said what was that? Why are you being like that in public with that man?” Galit na ulit nito.

“What? What do you mean?” Naguguluhan pa ring tanong ni Priscilla kay Isaac. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit ba parang galit na galit ito ngayon.

“Damn it!” He said out of frustration. Pagkatapos ay kinuha sa kanyang bulsa ang isang cellphone at may pinindot na kung ano dito. Hindi nag tagal ay iniharap ni Isaac sa mukha ni Priscilla ang cellphone.

‘The real catch between Klent Romero and Priscilla Figueria.’ Yan ang headlines na bumungad kay Priscilla. Sa ibaba ng malaking pamagat na ito ay isang malaking picture na kinunan kanina, ito yung panahong kadarating lamang ni Klent sa venue at bigla nalang niyang hinawakan sa bewang at hinalikan sa pisngi si Priscilla bilang pag bati.

“What the heck?!” Gulat na sabi ni Priscilla. “I didn’t know it was captured. Ang bilis naman nila at naka post na kaagad ngayon sa social media. Ni hindi pa nga tapos ang event.” She said hysterically. Although sanay na siya sa mga taong bigla bigla nalang kumukuha ng litrato niya o nila ng mga kasama niya, may parte pa rin sa kanya na hindi nasasanay sa mga ganito. Yung mga taong kinukuhanan siya without her permission. But she has to endure it all because her job involves publicity.

“Yeah, truly what the heck Ashanti. What was that? Pumupunta ka lang ba sa mga ganitong selebrasyon para lang mag pahalik sa ibang lalaki? Para ipakita sa buong mundo kung paano ka halikan ng ibang lalaki?” Prangkang sabi ni Isaac. Parang nag pantig ang dalawang tenga ni Priscilla ng marinig ang mga katagang iyon, lalo pa at nanggaling mismo sa bibig ni Isaac. She immediately slapped him after she heard those hurtful words.

“Anong karapatan mo para pag salitaan ako ng ganyan?” She answered him, ngayon ay nagagalit na rin.

Bigla namang natigilan si Isaac. Mukha siyang nagising sa sampal na ibinigay ni Priscilla sa kanya. Ang kaninang nag aapoy na mga mata ay napalitan ng pagsusumamo. Naging maamo na ang ekspresyon nito sa dalaga.

“I-I’m sorry. I’m sorry sweetheart. I didn’t mean those words. Fuck I’m sorry for being so stupid right now.” He said when he finally realized that he’s being unfair right now. “I-I just can’t help but to get mad after seeing you with someone else. I’m sorry. Please forgive me.” He added, ngayon ay pilit na niyayakap si Priscilla.

“My God Isaac! Let me remind you, I am a celebrity. A fucking celebrity! Of course marami akong lalaking makakasama for projects just like what I and Klent was doing. It was just an act.” She reasoned out.

“Yeah I know, I just can’t help it. I’m sorry.”

“Bakit ako lang ba ang may kasamang iba? Diba kasama mo rin yung Andrea na yun?! Or should I say, your fucking fiancée!” Hindi na napigilan ni Priscilla ang kanyang emosyon. “May narinig ka ba sa akin tungkol doon? Wala diba. I stayed silent and chose to understand your situation.” She added.

“I know. I’m sorry.” Pag aalo ni Isaac. Ngayon ay sinusubukan niyang yakapin ang nagpupumiglas na si Priscilla. “Baby I’m really sorry. Please forgive me.” Pag aalo pa ulit nito at bahagyang pinunasan ang luhang tumakas sa mga mata ni Priscilla. Hindi na niya namalayang umiiyak na pala siya.

They stayed hugging each other like that for a couple of minutes, kinakalma ang kanilang mga sarili. And when they both finally calmed down, they start talking again.

“I’m sorry again.” Basag ni Isaac sa katahimikan.

“It’s fine. I’m sorry also for shouting and slapping you.” She replied.

“Shhh. I said hurtful words to you without even thinking. I deserve that.” Muli silang natahimik matapos banggitin ang mga katagang iyon.

“You know how much I love you right? And trust me, I really understand the situation we’re in. It’s just that, I hate seeing you with somebody else. I can’t seem to bear it. And the worst part is I can’t do anything about it. I’m really sorry for acting that way.” He explained.

Isaac kept repeating how much he’s sorry for what happened earlier. Nang mapagod si Priscilla sa pakikinig sa paulit ulit na pag hingi ng tawad ni Isaac ay ginawaran na niya ito ng isang halik upang tumahimik na ito. Hindi naman siya nabigo dahil tumigil naman agad ito sa pagsasalita.

Isang munting halik lang ang balak gawin ni Priscilla ngunit nabigo siya nang hindi agad bumitaw sa halik si Isaac. He then deepened their kiss.

Nasa kalagitnaan sila ng isang mapusok at puno ng pagmamahal na halik nang bigla silang makarinig ng pag bagsak ng kung ano sa di kalayuan, dahilan upang bahagya silang mapatigil sa kanilang ginagawa. Kasabay ng tunog na iyon ay ang boses ni Andrea na nanggagaling lamang sa labas ng silid kung nasaan sila ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status