[5]
Pagkakamali***
"Hoy, gising!"
Napapitlag ako sa sobrang gulat nang gisingin ako ni Sir Rojan.
Shet!
Nakatulog pala ako dito sa sofa. Dahil siguro sa pagod ko kanina kaya 'di ko namalayang nakatulog ako.
Napatayo ako bigla nang mapansing nasa harap ko pa pala ang tigre. Nakaramdam ako ng matinding pagkabog ng aking dibdib dahil sa nakita kong hitsura niya. Nagliliyab sa galit ang mukha niya habang ang mga mata naman ay nanlilisik. Hin
[6]Text Message***Kahit maganda ang pakikitungo at ang ipinakita ni Sir Rojan sa akin ngayon, 'di ko pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Dahil sa katangahan ko, malaki ang mawawala sa kanya sa pagsira ko ng proposal niya. Kaya hindi ko maiwasang makonsensiya.Tumayo ako at lumapit sa kanya upang itanong kung galit pa ba siya sa akin. Gusto ko rin humingi ng tawad dahil sa kasalanang nagawa ko. "Uh, Sir," panimula ko upang makuha ang atensiyon niya.Bahagya siya bumaling sa akin. "Yes?" Tanong niya.Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Gusto ko po sanang humingi ng tawad dahil sa nangyari kagabi," mahina lang ang boses na tama lang
[7]Awa***Kinabukasan, kinausap ako ni Aling Melly tungkol sa nangyari kagabi. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit nasabi at nagawa ko iyon kay Apple kagabi. Dala lang siguro iyon sa matinding kalasingan. Naka-anim na bote rin kasi ako ng beer kaya medyo malakas ang tama sa akin.Nandito kami ngayon sa may veranda habang kumakain ng tanghalian. Kasama namin ang asawa nitong si Kuya Nestor. Naisin ko mang umiwas sa mga tanong nila ngunit hindi ako nakaligtas. Alam kong nakakahiya pero wala akong magagawa. Isa si Ap
[8]Forgiveness***"Bakit po kayo nandito, sir?" Tanong ko kaagad sa kanya.Wala akong idea kung bakit siya nandito. Nakakagulat lang ang pagsulpot niya na wala man lang paalam. Sana nakapaghanda ako. Naabatan niya pa akong walang ayos at ang hagard ng hitsura ko.Ano ba ang ginagawa niya dito? Paano niya nalaman at natunton itong bahay namin?Nandito kaming ngayon sa balcony ng bahay namin. Iniwan kami ni mama upang makapag-usap kami ng maayos. Marami rin akong gustong itanong sa kanya kung bakit siya naparito. Hindi ko talaga inaasahan ito."Bakit po kayo nandito? At paano niyo natunton itong bahay namin?" Pag-uulit ko ng tanong sa kany
[9]Hottest Moment***Gustong mag-relax ni Sir Rojan dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa kanyang hindi maganda. So much stress equals depressed. Kaya gusto niyang mamasyal sa lugar kung saan mas mare-relax siya. 'Yung tipong masaya at kakaibang adventure na seguradong makakatanggal ng lungkot niya.Gaya nang napagkasunduan namin as his "Stress Reliever" kuno, sasamahan ko siya lage saan man siya magpunta. Dapat kong sundin kung ano man ang iiuutos niya sa akin.Kaya ito ngayon, pupunta kami sa Underground river ng Puerto Princesa. 'Di na rin ako nagdalawang isip na tumanggi kasi gustong gusto ko rin makapunta sa lugar na iyon.Bukod kasi sa kakaibang adven
[10]Galit at Sakit***Hindi ko inaasan na darating ang araw na ito. Ang kanina'y tuwa kong nararamdaman ay napalitan ng poot at sakit dito sa puso ko. Akala ko handa na akong harapin siya. Akala ko kaya ko na pero sobrang hirap pa rin talaga. Ramdam ko pa rin ang sakit na ginawa niya sa akin noon. Bakit? Bakit gano'n pa rin kabigat dito sa dibdib ko? Bakit gano'n pa rin kasakit gayong ilang buwan na ang lumipas? Maghihilom pa kaya itong sugat ko na 'to?"Rojan, look. I'm so sorry." Sambit ni Marjorie.Nandito kami ngayon sa dalampasigan. Gusto niya akong makau
[11]Cold Breeze, Cold Night***Hindi ko alam kung bakit hindi ako makakilos. Wari ko ang pagdikit ko sa kanya na para bang magnet. Nasa gano'ng posisyon pa rin kami nang bigla siyang tumawa ng malakas."Hahaha! Takot ka pa lang mamatay ako, eh." Pang-aasar niya sa akin.Natauhan ako at napatayo bigla. Feeling ko, namumula ang buo kong mukha dahil sa matinding pagkahiya. Kinunutan ko siya ng noo bago pinagpag ang sarili. Wala siyang pakialam at nanatili lang siyang nakahiga sa buhangin.
[12]Brett Santillan***Maaga akong gumising at naghanda kinabukasan dahil darating si Kuya Brett ngayon dito sa Isla Santillan. Si Kuya Brett Emmanuel Santillan was my closest cousin. And also he was my best friend. Siya 'yong taong napagsasabihan ko kapag may problema ako, specially when it comes in love problems. Si Kuya Brett din ang dahilan kong bakit kami nagkakilala ni Marjorie noon. Kapatid ito ng kaklase niya sa high school at ipinakilala niya sa akin. Sa almost 3 months ko na pananatili dito sa Isla Santillan, namimis ko siya. I missed our bonding specially basket ball because we both love that sport. And also we both love eati
[13]Homecoming***Kinagabihan, napaisip ako tungkol sa mga sinasabi ni Kuya Brett sa akin kanina. Maaring tama siya at maaring panahon na para harapin ko ang katutuhan. Maaring masakit pero matatanggap ko iyon."Dude, pasuyo naman ng tuwalya!" Sigaw niya habang nasa loob ng banyo.As usual, 'di ito nagdadala ng tuwalya kapag naliligo. Kung kailan tapos na, saka pa maghahanap.Bumuntong hininga ako at asar na inabot sa kanya ang tuwalya. Hindi na bago sa akin ito kasi sa tuwing nakikitulog siya sa amin o ako ang makikitulog sa kanila ay laging ganito ang nangyayari.Umupo ulit ako sa kama at kinuha ang paborito kong libro na nakapatong sa side table. Tahimik akong nagbabasa