[4]
Encounter***
Dahil siguro sa matinding pagod sa mahabang byahe ko kanina ay hindi ko na namalayang nakatulog ako. Nagulat na lang ako nang maalimpungatan kong madilim na pala ang kapaligiran.
"Shit! Napasarap ata ang tulog ko." Anas ko sa sarili.
Bumangon ako at tumingin sa aking wrist watch, quarter to 9 na ng gabi.
"Kaya pala, kumakalam na ang sikmura ko." Wika ko sa sarili nang makaramdam ng gutom.
Tumayo ako at mabilis na nag-shower to fresh'n up. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako ng kwarto upang pumunta sa restaurant para doon na lang kakain. Ngunit saktong pagbukas ko ng pinto ay bumangga ako sa babaeng may dalang tray ng pagkain.
"Sheet!!" Naibulalas ko.
Nagkalat sa sahig ang mga pagkaing dala niya kasama na dito ang mga pinggang lalagyanan.
"What the hell!" Hindi ko mapigilang mapamura dahil ngayon ko kang naramdamang natapunan pala ng pagkain ang suot kong white t-shirt. Yung excitement ko kanina ay napalitan ng inis. Ang nararamdaman kong gutom ay nawala bigla. Napalitan ito ng inis dahil sa nangyari.
Sino ba siya? Bakit siya nandito sa bahay? Anong ginagawa niya dito? Ang magpakatanga?
"Sir, sorry po. Pasensiya na po talaga." Wika ng babae habang abala sa pagliligpit sa mga nagkalat na pagkain sa sahig.
"Who are you?" Bulyaw kong tanong sa babae. "I mean, what are you doing here?"
Bahagya siyang tumingala sa akin bago nagsalita. "Uh, Sir. Ako po 'yong personal maid niyo. Pinadala po ako ni Madam Melly dito. Dadalhan po sana kita ng pagkain pero pasensiya na't natapon."
"What?" Napamaang ako.
"Utos daw po ng mommy niyo, Sir." Tumayo siya saka humarap sa akin. "Ako daw po ang maglalaba, magluluto ng pagkain para sa 'yo. Ako na rin po ang maglilinis ng room niyo. Ako daw po ang mag-aalaga sa 'yo habang wala ang mommy mo, Sir." Mahaba niyang litanya.
Pero hindi ko inintindi ang mga sinasabi niya. Ang bumabagabag sa isip ko, bakit kailangan pa ng maid para sa akin? I can handle myself alone. Kaya ko ang sarili ko.
"Why are you smiling?" Irita kong tanong sa kanya mang makitang nakangiti siya sa akin.
Hindi ko alam pero bigla na lang kumulo ang dugo ko sa kanya. Dahil ba nadumihan niya ang damit ko? o dahil sa pagngiti niya sa akin?
"No, Sir." Para siyang napahiya sa sinabi ko. Yumuko siya at biglang natahimik.
"Pasensiya na po talaga, Sir. Hindi ko po sinasadya." Naging mahina ang boses niya.
Alam kong hindi niya sinasadya iyon. Ako naman talaga ang may kasalanan dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pero ewan ko ba, parang gusto ko lang siyang sigawan at murahin.
"Lilinisin ko na lang po ito, Sir. At ipaghanda kita ulit ng makakain niyo." Aniya.
"No need. Just give me a coffee instead. Nawalan na ako ng gana." Anas ko sa kanya saka pumasok na sa loob ng kwarto upang linisin ang sarili.
"By the way, knock the door before you enter. Okay!" I smirked sabay sarado ng pinto.
Nilinis ko muna ang sarili ko bago ko tinawagan si mommy.
Nakadalawang ring ito bago sinagot.
"Hello, Son. How are you? 'Di ka man lang tumawag sa akin. Nakarating ka na pala diyan sa Isla Santillan. Buti pa si Aling Melly, siya ang nag-update sa akin."
Owss nagda-drama na naman si mommy. Alam ko, namimiss na niya ako agad. She loves me so much that why he paid a private maid for me.
"I'm sorry, Mom. Nalowbat ako kanina. Saka nakatulog ako dahil sa pagod." Paglalambing ko.
"It's okay, Son. By the way, how was Apple? Na-meet mo na ba siya? Mabait ba siya?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Apple?" Tanong ko sa kabila ng pagtataka.
"Your personal maid. Na-meet mo na ba siya? Sabi ni Aling Melly, siya raw ang pinakamabait at pinakamasipag diyan sa Isla Santillan." Mahabang paliwanag niya.
"But, Mom. I don't need her. Kaya ko naman ang sarili ko. I'm old enough to handle myself. 'Di ko na kailangan ng katulong or what ever."
"Yeah! I know but you're not okay, .. I mean dahil sa ginawa ni Marj sa 'yo. Baka pabayaan mo ang sarili."
Kumunot ang mukha ko sa pangalang narinig. "I don't want to talk about her. Please, Mommy. Stop mentioning her name."
Si mommy naman, eh. Pinapaalala pa sa akin ang babaeng iyon. Pinaalala na naman sa akin ang babaeng nagwasak ng puso ko.
"Mom, kaya ko ang sarili ko." Pagpupumilit ko sa kanya.
"Ayaw ko lang na mahirapan ka d'yan, Son. I know 'di ka marunong maglaba, 'di ka marunong maglinis at 'di ka marunong magluto. Mabuti na 'yong may gagawa ng mga iyon para sa 'yo." Maybe she's right but hindi pa rin ako convinced.
"Mom, malapit lang ang resto dito. Pwede ako kumain doon. At pwede ko naman palilinisan kay Aling Melly itong rest house." Paliwanag ko.
"Matanda na si Aling Melly. Maawa ka naman sa kanya. Marami pa 'yong inaasikaso diyan sa Isla Santillan." Aniya. "Hijo, pumayag ka na."
Kapag si mommy talaga ang maglambing, 'di talaga ako mananalo.
"Okay! okay! Fine. Payag na ako." Pagsuko ko sa kanya.
~knock knock knock~
Napalingon ako sa pinto. May kumatok dito and I think, si clumsy girl na iyon.
"Okay, Mom. I'll call you later. Love you."
"Love you too, Son. Take care always."
"Thank you, Mom. You too." Pagkababa ko ng phone ay agad kong tinungo ang pinto upang buksan ito.
"Sir, your coffee." Masiglang salubong sa 'kin ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Ang lapad ng ngiti niya na akala niya kinaganda niya 'yon.
"Just leave it there." Tinuro ko sa kanya ang center table para doon niya ipatong ang kape.
"I'll go outside. Magpapahangin lang ako. I want you to clean up my room."
"Sir, kakalinis ko lang kanina..."
Pinutol ko ang sasabihin niya. Anong karapatan niyang sagutin ako ng gano'n? She's my maid so she should follow my command.
"You worked for me, right? 'Di ba kasama sa trabaho mo ang sundin lahat ng utos ko?"
Ewan ko lang kong hindi siya matatakot sa akin. Pero tama ba ginagawa ko sa babaeng ito? Tama bang tratuhin ko siya ng ganito?
"Okay po, Sir. Lilinisin ko na po."
Mahinang sagot niya."Good." Tugon ko saka lumabas ng pinto.
◎« Apple's POV »◎
Ngayon ko lang napansin ang physical na hitsura niya. Matangkad pala ito na sa tingin ko ay malapit na maging six-footer. Maputi, mestizo rin ang ibang features nito. Almond-shape ang mga mata na light brown ang kulay, arrow-pointed ang ilong nito, manipis ang mga labi nito na mapupula at may cleft chin ito. Hindi ko alam kung gwapo itong matatawag, eh napaka suplado naman.
Napabuga na lang ako ng hangin. "Ang sungit-sungit, parang may reg- Ay! kalabaw!" Napatili na lang ako sa sobrang gulat. Bigla kasing bumukas ang pinto at iniluwa siya doon.
"Sir!" Sambit ko sa kanya habang nakahawak sa dibdib ko. Aatakihin ako sa nerbyus nito, eh.
"What your name?" Tanong niya.
"Ako po?" Ako ba tinutukoy niya. Nabingi lang ata ako.
"May iba pa ba tayong kasama dito?"
Ang sungit naman nito. Totoo nga sigurong may regla 'to. "Ahh, Apple po. Apple Valesco"
Oh, ayan na. Happy ka na? Ang suplado, eh. Nakakainis.
"Okay" tipid na tugon niya at akmang lalabas na sana siya ngunit tinawag ko siya.
"Ahh, sir!" Sambit ko.
"Yes?" Nagtataka ang mukha nitong lingunin ako.
Shit, lumingon siya. Ngumiti ka naman kahit minsan lang, please. Lagi kasing nakasimangot, eh. Saan kaya pinaglihi ang lalaking ito.
"Eh ikaw, Sir. Anong pangalan mo?"
"Huwag mo na alamin. Maglinis ka na lang." Wika nito sabay sara ng pinto.
Ahhhggg!!! Ang sarap mong sakalin. Nakakainis talaga ang gano'ng klase ng tao. Daming alam sa buhay.
"Okay, ede maglinis." Bulong ko na lang sa sarili.
Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto. Infairnes, ahh. Ang lawak. Wala pa sa kalahati ang bahay namin dito.
Pumasok ako sa kwarto niya dahil iyon ang una kong lilinisin. Una kong napansin ang nakabukas na laptop sa ibabaw ng kama niya. Iniisip ko na baka ginawa niya ito kanina at baka nakalimutan lang nitong i-shutdown bago umalis.
"Sayang naman sa kuryente nito." Sabi ko sa sarili.
Ginalaw ko ang cursor para maka alis sa nakabukas na program. Nang mai-shutdown ko na ang laptop ay binaba ko na ang upper case nito at saka ko pinatong sa side table niya.
Sa totoo lang. Hindi naman madumi ang kwarto niya. Hindi naman gaanong makalat. Ang gusto lang ata ng lalaking iyon ay ang bwesetin ang life ko.
Kinuha ko rin ang maong na pantalon na naka-tambak sa ibabaw ng kama. Pagkapulot ko ay may mahulog na ID mula sa bulsa nito.
"Rojan Angelo Santillan." Basa ko sa pangalang nakalagay sa ID.
[5]Pagkakamali***"Hoy, gising!"Napapitlag ako sa sobrang gulat nang gisingin ako ni Sir Rojan. Shet!Nakatulog pala ako dito sa sofa. Dahil siguro sa pagod ko kanina kaya 'di ko namalayang nakatulog ako.Napatayo ako bigla nang mapansing nasa harap ko pa pala ang tigre. Nakaramdam ako ng matinding pagkabog ng aking dibdib dahil sa nakita kong hitsura niya. Nagliliyab sa galit ang mukha niya habang ang mga mata naman ay nanlilisik. Hin
[6]Text Message***Kahit maganda ang pakikitungo at ang ipinakita ni Sir Rojan sa akin ngayon, 'di ko pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Dahil sa katangahan ko, malaki ang mawawala sa kanya sa pagsira ko ng proposal niya. Kaya hindi ko maiwasang makonsensiya.Tumayo ako at lumapit sa kanya upang itanong kung galit pa ba siya sa akin. Gusto ko rin humingi ng tawad dahil sa kasalanang nagawa ko. "Uh, Sir," panimula ko upang makuha ang atensiyon niya.Bahagya siya bumaling sa akin. "Yes?" Tanong niya.Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Gusto ko po sanang humingi ng tawad dahil sa nangyari kagabi," mahina lang ang boses na tama lang
[7]Awa***Kinabukasan, kinausap ako ni Aling Melly tungkol sa nangyari kagabi. Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit nasabi at nagawa ko iyon kay Apple kagabi. Dala lang siguro iyon sa matinding kalasingan. Naka-anim na bote rin kasi ako ng beer kaya medyo malakas ang tama sa akin.Nandito kami ngayon sa may veranda habang kumakain ng tanghalian. Kasama namin ang asawa nitong si Kuya Nestor. Naisin ko mang umiwas sa mga tanong nila ngunit hindi ako nakaligtas. Alam kong nakakahiya pero wala akong magagawa. Isa si Ap
[8]Forgiveness***"Bakit po kayo nandito, sir?" Tanong ko kaagad sa kanya.Wala akong idea kung bakit siya nandito. Nakakagulat lang ang pagsulpot niya na wala man lang paalam. Sana nakapaghanda ako. Naabatan niya pa akong walang ayos at ang hagard ng hitsura ko.Ano ba ang ginagawa niya dito? Paano niya nalaman at natunton itong bahay namin?Nandito kaming ngayon sa balcony ng bahay namin. Iniwan kami ni mama upang makapag-usap kami ng maayos. Marami rin akong gustong itanong sa kanya kung bakit siya naparito. Hindi ko talaga inaasahan ito."Bakit po kayo nandito? At paano niyo natunton itong bahay namin?" Pag-uulit ko ng tanong sa kany
[9]Hottest Moment***Gustong mag-relax ni Sir Rojan dahil sa sunod-sunod na pangyayari sa kanyang hindi maganda. So much stress equals depressed. Kaya gusto niyang mamasyal sa lugar kung saan mas mare-relax siya. 'Yung tipong masaya at kakaibang adventure na seguradong makakatanggal ng lungkot niya.Gaya nang napagkasunduan namin as his "Stress Reliever" kuno, sasamahan ko siya lage saan man siya magpunta. Dapat kong sundin kung ano man ang iiuutos niya sa akin.Kaya ito ngayon, pupunta kami sa Underground river ng Puerto Princesa. 'Di na rin ako nagdalawang isip na tumanggi kasi gustong gusto ko rin makapunta sa lugar na iyon.Bukod kasi sa kakaibang adven
[10]Galit at Sakit***Hindi ko inaasan na darating ang araw na ito. Ang kanina'y tuwa kong nararamdaman ay napalitan ng poot at sakit dito sa puso ko. Akala ko handa na akong harapin siya. Akala ko kaya ko na pero sobrang hirap pa rin talaga. Ramdam ko pa rin ang sakit na ginawa niya sa akin noon. Bakit? Bakit gano'n pa rin kabigat dito sa dibdib ko? Bakit gano'n pa rin kasakit gayong ilang buwan na ang lumipas? Maghihilom pa kaya itong sugat ko na 'to?"Rojan, look. I'm so sorry." Sambit ni Marjorie.Nandito kami ngayon sa dalampasigan. Gusto niya akong makau
[11]Cold Breeze, Cold Night***Hindi ko alam kung bakit hindi ako makakilos. Wari ko ang pagdikit ko sa kanya na para bang magnet. Nasa gano'ng posisyon pa rin kami nang bigla siyang tumawa ng malakas."Hahaha! Takot ka pa lang mamatay ako, eh." Pang-aasar niya sa akin.Natauhan ako at napatayo bigla. Feeling ko, namumula ang buo kong mukha dahil sa matinding pagkahiya. Kinunutan ko siya ng noo bago pinagpag ang sarili. Wala siyang pakialam at nanatili lang siyang nakahiga sa buhangin.
[12]Brett Santillan***Maaga akong gumising at naghanda kinabukasan dahil darating si Kuya Brett ngayon dito sa Isla Santillan. Si Kuya Brett Emmanuel Santillan was my closest cousin. And also he was my best friend. Siya 'yong taong napagsasabihan ko kapag may problema ako, specially when it comes in love problems. Si Kuya Brett din ang dahilan kong bakit kami nagkakilala ni Marjorie noon. Kapatid ito ng kaklase niya sa high school at ipinakilala niya sa akin. Sa almost 3 months ko na pananatili dito sa Isla Santillan, namimis ko siya. I missed our bonding specially basket ball because we both love that sport. And also we both love eati