Share

Chapter 3 (2) I’m Not Slut

Chapter 3 (2) I’m Not Slut

(Angie POV)

Ako na ang kusang tumayo. Sa mga mata niya nakita ko ngang biktima rin siya sa nangyari sa aming dalawa. Ngunit talagang sira na ang pagkatao ko. Di ko alam kung paano magsisimula. Natatakot ako… Ngumiti ako sa kanya, at umiling dito.

“Ayokong may manakit sa kanila.”

“Talaga bang ganyan ka ka-martyr? Nakakasama yan. Lalo na kapag napaka-bait mo, na halos pinagka-itan mo na ang sarili mo. Tao lang tayo, hindi ka diyos para di makagawa ng pagkakamali sa minamahal natin. Minsan nga, yang pagkakamali, yan pa ang nakakatulong sa kanila para mas lalo ka nilang mahalin. May karapatan kang magalit. May karapatan kang gumanti… ako na ang magsasabi niyan sayo.” Umiling parin ako. Napabuntong-hininga ang stranghero.

“Kung ganyan ka lang naman, bakit di ka na lang pumasok sa kumbento. Ahahaha. Kahit nga doon, may mga nangyayaring ganyan. Walang perpektong tao sa mundo at kapag pinilit mo yan, kawawa ang sarili mo. Nangigil ako sa kasintahan mo at sa kaibigan mo. Klarong matagal na silang nagtaksil sayo. Yung kasintahan mo, sa tingin mo ba deserve na mahalin siya ng ganoon. F*ck. Ang ganoong klaseng lalaki sila lang naman ang dahilan kung bakit maraming babae ang nawawala sa tamang landas. Yung mga babae naman na kagaya ng kaibigan mo, sila naman ang dahilan kung bakit maraming tahanan na nawawasak. Sabihin mo sa akin, paano mo sila nakilala? Ang layo ng utak nila sayo. Ahahaha.”

Napasinghot-singhot ako. Huminga ng malalim.

“Ang importante ngayon malinaw nang hindi ko na sila dapat pagkatiwalaan.”

“Natural. Wag kang tanga. Dapat maging matalino ka sa kahit anong situation na papasukin mo. Wag mong hayaan na apak-apakan ka ng iba at gawin ka nilang basahan. Dapat lang na mas nirerespeto natin ang sarili kesa sa ibang tao. Sarili muna. Hindi ko naman sinasabi na maging selfish ka, dapat maging patas ka lalo na sa sarili mo.”

Ngumiti ako sa kanya. Napatango. Bigla siyang tumawa.

“Ayan. Ang ganda mo pala kapag nakangiti kang ganyan. Lakihan mo pa.” Kaya mas lalo akong ngumiti. “Ayan. Always wear your genuine smile, pero pakiramdaman mo parin ang sarili mo kung may umapak na sayo.”

“Maraming salama— Achooo!” Nang inabot niya sa akin ang tuyo nitong panyo. “Salamat. Pero ayos na ako.”

“Kunin mo. Walang halaga yan kapag isinangla mo. Pero sa namumuong sipon mo… meron.” Kaya kinuha ko na dahil tumawa na naman siya na parang siya ata ang lalaking walang problema sa mundong ito. Ngunit akala ko talaga sa kanya napakasungit nito.

“Salamat.”

“Itago mo yan. At kapag muli mo yang nakita… Alalahanin mo na ang pag-iyak at pagsigaw malaking tulong din sa nararamdaman nating bigat sa d****b. At tatandaan mo rin pagkatapos mong umiyak, ipunin mo ang buo mong lakas ulit para harapin ang mga taong gumawa ng kamalian sayo. Okey lang magpatawad, pero wag mo nang hahayaan ang sarili na gawan ka pa nila ng kamalian. Naiintindihan mo ba?” Napatango ako.

“Tungkol sa sex scandal na lumaganap sa internet, mahirap man gawin para pigilan ito sa paglaganap, pero wala sa aking impossible. Unbelievable, that’s my second name. Ahahaha.”

“Ibig sabihin… agad mong…”

“Oo. Pero di ko maipapangako na mabubura ng mga nakakita sa alaala nila yung sex scandal natin. Ahem. At ginagawan na rin ni Michael ang trabaho niya para hanapin ang may salarin nito. Naniniwala na akong aksidente ka nga atang umakyat sa higaan ko. Lalo na sinabi mong lasing ka. Kung ako ang boyfriend mo at alam kong lasing ka na lumabas, di ako magdadalawang isip na sundan ka kahit ano man ang ginagawa ko. Halatang hinayaan ka lang. Di man lang sila naging concern sayo. Sa susunod sana naman, wag ka nang maging tanga. Walang isinilang sa mundong to na ang papel niya, forever lang maging tanga. Naiintindihan mo ba?”

Muli akong tumango.

Nang hinawakan nito ang kamay ko. Saka siya napapikit at ng magmulat… “Alam mo, mabigat ang damdamin ko kung di mo talaga tatangapin ang pera.”

Umiling ako. “Kapag tinangap ko yun Mister… ibig lang sabihin naging bayaran akong babae.” Hindi siya makapagsalita. Binitiwan niya ang kamay ko saka tumingin sa ibang direksyon. Parang nasampal ko ata siya sa salitang binitawan ko. “Talagang aksidente ang nangyari Mister. Ako rin kailangan ko humingi ng kapatawaran sayo kasi nga dahil sa nangyari.”

“Ano ka ba. Patas lang tayo, hindi ako naging maingat din kagabi. Akala ko kasi…” Natigilan siya sa pagsasalita, ngunit ipinagpatuloy niyang… “Lasing din ako kagabi.” Bahagyang napakamot siya. Napatango na lang ako. “Sabayan mo lang akong kumain ng agahan, okey na yun sa akin. Para naman mawala itong guilty na nararamdaman ko.”

“Agahan…” Nang kumulam ang tiyan ko. Saka natawa siya.

“Narinig mo? Tiyan mo na mismo ang tumugon para sa’yo.”

Kaya di na nga ako nakatangi sa kanya. Pero di ko inaasahan na kailangan pa niya ako paayusan para sa agahan naming dalawa. “Kalimutan mo muna ang mga nangyari, hayaan mong gumawa tayo ng maayos na simula.” Saka tumalikod na siya sa akin. “Kahit magkano ang aabutin sa kanya, gawin niyo para mas lalong humubog ang ganda niya.” 

Iniwan niya ako. Ang mga babae naman na nag-aayos sa akin, tahimik na sinasagawa ang trabaho nila. Ipinikit ko ang aking mga mata. At ng imulat ko… Halos di ko makilala ang aking sarili. Nilagyan nila ng special contact lens ang mga mata ko upang di ko na nga kailanganin ang aking salamin. Hinarap nila sa akin ang ilang nakahelerang damit… Nang hindi pa ako pumipili, yung manager nila ang kumilos dahil nga sa oras na kailangan nila tapusin ang trabaho kaagad. Di na agahan ang mangyayari kung tanghali na sila matatapos diba?

Isang baby blue cocktail dress ang pinasuot nila sa akin. At ang sapatos ko yun parin. Nang marinig ko ang palapit na tawa ng stranghero. Saka nga sumulpot na nga siya sa harapan ko.

“Yan ang gusto ko sa mga tauhan ko, ang gagaling.” Ibig lang sabihin nagustuhan niya ang ginawa nila sa akin. “At syempre Miss, kailangan mong hubarin ang sapatos na yan. Ito ang isusuot mo.” May lalaking nakasunod sa kanya at may hawak itong kahon. Bahagyang naupo sa paanan ko ang stranghero at sinenyasan ang lalaki lumapit sa kanya. Kinuha nito sa kahon ang isang high heels na may palamuting mamahaling mga bato.

Nagdadalawang isip man ako na isuot ito, pero wala na akong nagawa. Inalis na niya ang paa ko sa lumang sapatos. Saka isinuot sa akin ang mamahaling sapatos.

“Ayan… bagay na bagay sayo. Hiling ko na ang sapatos na’to dalhin ka sa landas na magpapasaya sayo.” Ang akala ko talaga sa strangherong to… napakasungit… Ngunit ngayon parang nagiging fairy godmother ko na siya… since nga bawal na siya ang maging prince charming ko sa sarili kong kwento. Ngumiti na lang din ako sa kanya.

“Maraming salamat.” Tumayo na siya. Natutuwa siya sa nakikita ngayon.

“Shall we?” Lahad niya ng kamay sa akin. Napatango ako at inilapag ko nga ang kamay ko sa kanya. Hinawakan niya ito… hangang sa makapunta nga kami sa hinandang hapag-kainan. Ngunit di ko inaasahan na makikita ko si Julius at Trisha na suot nito ang damit ko ulit. “Wag na wag mong tatangkahin na burahin ang ngiti mong napakaganda dahil lang sa kanila. Ang sabi ko sayo kalimutan mo muna ang mga nangyari. Nangako ka.”

Kaya nanatili ang ngiti ko sa aking labi at di pinansin ang dalawa na halos mahulog na ang mga mata sa kakatitig sa akin. Bumaba kami sa hagdan… at napansin ko hindi ito simpleng kainan lang kundi… sugalan. Pero nilahad niya ako sa isang mesa na nakahanda na nga ang ilang masasarap na pagkain.

Naupo ako… at kahit nga masasarap ang naka-ahin, parang wala akong ganang kumain. Kaya ngumisi ang kasama ko.

“I know wala kang gana.” Bulong niya sa akin. Napalingon ako sa direksyon nila Julius kung saan masaya nga siyang napahiyaw dahil parang nanalo siya. Masayang-masaya din nakayakap si Trisha sa kanya. Mga mata niya tumama sa akin.

“Alam ko na, mas mabubusog ka kapag natalo natin sila.”

“Hindi… Sa totoo lang, parang pera ko ang winawaldas nila.” Agad kong sagot sa stranghero. Nang tinugunan ako nito ng isang malutong na tawa upang makuha ang attention ng mga tao sa loob. Napapalakpak pa ang stranghero.

“Ikaw na talaga ang pinakatangang nakilala ko.” Saka nagpatuloy siya sa kakatawa. Napayuko na lamang ako, dahilan upang huminahon siya sa kakatawa. Pero may pabaon pang bungisngis at napapa-iling siya sa akin. 

“Walanghiya talaga ang boyfriend mo. Ikaw lang ang di nakakapansin na ginagamit ka lang niya. Bulsh*t.” Kinuha niya ang wine glass saka pina-ikot-ikot ang laman. “Sabihin mo sa akin, kahit isang araw lang ba, nagpakalalaki ba ang bwisit na yun?” na siyang narinig ko na namang tumawa si Julius. Di rin ako tumugon sa tanong sa akin ng stranghero. “Ilang buwan na ba ang relasyon niyo?”

“Hindi buwan, kundi ika-dalawang taon namin kahapon.”

“Wow. Tumagal kayong dalawa na ikaw lang talaga ang nagmamahal sa relasyon niyo. Sasabihin ko ito sayo Miss. Walang sino mang babae ang may deserve na lalaking kagaya niya. Kumukulo ang dugo ko sa kanya na hindi ko maintindihan. Gusto kong ipalapa siya sa buwaya. Mas masahol pa siya sa asong ulol at ikaw, ang katangahan mo ang sisira ng husto sayo.” Galit na ang mga mata niya.

“Sa tingin ko nga kailangan ko siyang turuan ng leksyon.” Saka niya ininom ang alak. Tumayo siya… At pipigilan ko sana siya ng hinila nito ang kamay ko at lumapit kami sa kinalalagyan nila Julius. Lalo na may sumuko na nga itong kalaban. Ang stranghero ang pumalit sa kanya… Nakangiti lang sa amin si Julius at Trisha na parang walang nangyari kaninang madaling araw.

“Gusto mo rin ba matalo Mister?” Panghahamon ni Julius sa stranghero. Ngumisi lamang ang kasama ko. Ang laro ay madalian lang… Laro ng baraha. Wala akong ideya sa mechanics… at kinakabahan ako para sa kasama ko. Matalino si Julius at matinik din sa sugalan si Trisha. Sa totoo nga silang dalawa ang tinaguriang King and Queen Gamble.

Nagsimula na ang unang laro… ng manalo si Justin. Ang dami na niyang chips na kapareho din ng value nang perang makukuha nila. Hindi lang isang o dalawang beses natalo ang kasama ko… kundi ilang beses na upang pagtawanan kaming dalawa ni Julius at Trisha. Pinipilit ko ang stranghero na tigilan na niya… dahil ako ang nanghihinayang sa perang winawalgas niya para lang… mabigyan ako ng hustisya.

Nang manalo na naman si Justin. Lahat ng mga mata sa kanila na nakatitig… painit ng painit ang laban, ang napakalaki na ng halagang isinusugal nila.

“Naniniwala ka na bang kamalasan ang dala ni Angie, Mister?” Si Trisha na parang tukong nakalambitin kay Julius.

“At ngayon ko lang yun napansin. Ikaw pala ang malas sa akin, Angie.” Saka tumawa si Julius. Napayuko ako. Hinarap naman ako ng stranghero…

“Trust me, sarili ang gumagawa ng kamalasan sa kanilang buhay hindi ang ibang tao. Mind to blow this my lucky charm.” Kinuha niya ang isang chip… saka inilapit sa akin… Wala na akong nagawa ng sinunod ko nga ang gusto niya. Nang biglang…

“All In.” Lahat ng taong nanunuod… lalo na ako, nagulat ng isaboy ng stranghero sa mesa ang buo niyang pera. Ang laki ng halaga noon. Natawa bigla si Julius.

“Dahil sayo Trisha, parang lalabas tayo sa hotel na’tong mayaman.”

“Syempre naman. Sakin nangaling ang perang pinuhunan mo ngayong umaga.”

“Dahil yun sa katalinuhan mo Trisha. Kaya… All in!” Saboy din ng mga poker chips ni Julius. Di ko namalayan mahigpit akong napakapit sa braso ng stranghero…

“Sigurado ka?” Tanong ko ulit sa kanya habang tinitignan niya ang baraha niya.

“Shhh…” Sagot niya sa akin. “Heto ang tatandaan mo Miss Angie…” Nang marinig kong bangitin niya ang pangalan ko… may kung anong kuryenteng pumasok sa systema ko. “Changes are constant.”  Mahina niyang tugon sa akin. Mga tao sa paligid rin nanabik kung sino ang matatalo sa labanang ito.

“Ako na ang mauunang magreveal ng Card ko, since nakita mo na rin naman ang iyo.” Si Julius na bakas ang kayabangan sa mukha niya. At ng ipinakita niya… biglang napatalon sa tuwa si Trisha. Dahil parang siguradong panalo na sila.

Ngunit ang katabi ko… kampanteng nakatitig sa kanila. Saka ngumiti siya… “My lady mind to open the card for them.” Sinabi niya sa akin na hindi man lang tumititig sa akin kundi nakapako ang titig niya sa dalawa.

“Talo ka na Pre.” Si Julius.

“Oo. Malaki ang chansa naming panalo kami. Ninety-nine percent kami ang panalo.” Segundo ni Trisha. “Bakit di ka na lang sumang ayon na malas ang babaing yan!”

@DeathWish 

Mga Comments (18)
goodnovel comment avatar
Edwin Sablay-gatus
Ang mahal naman ng Isang chapter, parang ayaw ng ipabasa sa mahirap. pang mayaman Ang story na to.
goodnovel comment avatar
Gerosel Aculla
paunlock naman
goodnovel comment avatar
Elizabeth Orcullo
damot naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status