Napapikit pa ako nang may tumutok sa aking ilaw. Sobrang liwanag no'n. Jusko naman, bakit may paganito?!Kumaway ako sa lahat ng bisita bago pumwesto sa harap ng couch na nasa gitna. Mukha iyong pangmayaman dahil sa lambot at tela. Sunod ay ang pagdarasal ni JP bilang pasasalamat sa Diyos sa pag-bless Niya sa amin at lalo na raw sa akin. Nang matapos ay ang pagbati sa akin Ate Cathy, pag-utos niya sa aking puntahan ang malaki at limang palapag na cake na nasa gilid ko at ang paghikayat sa lahat na na kantahan nila ako ng maligayang kaarawan. Sila kasing dalawa ang MC ngayong gabi.Sumabay ako sa palapak nila habang nakangiti dahil sa saya. Nang matapos ay pumikit ako para humiling.Sana makasama ko pa ng matagal ang lahat ng taong nandito. At sana dumating si senyorito.Dumilat ako at inihipan ang dalawang kandilang nasa ibabaw ng cake. Iyong mga numerong isa at walo. Matapos no'n ay pinaalam na nina Ate Cathy at JP ang susunod na programang 18 candles. Umupo ako at nagsimula na sil
Matapos ang picture taking ay kumain na ang mga bisita. Samantalang ako ay nagpalit ng damit. Isang dress na kulay pula. Walang strap, tube ang estilo pero masikip dahil may kalakihan ang dibdib ko. Hindi umabot iyon sa tuhod ko kaya naman na napangiwi ako. "Cathy, ano ba naman itong mga pinili mo! Masyadong sexy!" reklamo ni mama at itinapat sa akin ang isa pang nirentahang dress na abot hanggang paa pero may mataas namang slit. "Karina, utang na loob, eighteen na 'yang anak mo! Pwede na siya sa mga gan'yan!" dahilan ni Ate Cathy at pinagpatuloy ang pagpusod ng buhok ko. "At isa pa, 'di ba gandang-ganda ka sa mga 'yan no'ng dumating? Anong nangyari ngayon?"Hindi ko kasi alam na ganito kaikli!" rason ni mama at binuksan ang lalagyan ko ng damit. "Maghahanap ako ng pamatong.""Karina, let her be!" komento naman ni Ate Cathy at natawa sa sarili. "English 'yon, hindi mo kaya!" "Ma, okay na po ito! 'Wag ka nang ma-stress d'yan," pagpapakalma ko habang pinapanood siya sa salamin. Napabu
Pinili kong dumistansya kay Senyorito Brandon at mas pinagtuonan ng pansin si Trevor. Sang-ayon naman ang tadhana sa akin dahil isang linggo lang sa isang buwan umuuwi rito sa probinsya si senyorito."What happened to your neck?" tanong niya habang pinupuno ko ng kape ang tasa niya.Hinawi ko paharap ang buhok para takpan ang markang iniwan ni Trevor doon. Maharot kasi ang isang 'yon at palaging nanghahalik."Is it an allergy?" nag-aalalang tanong niya bago kinuha ang tasa at humigop."Hickey lang po, senyorito." Nabuga niya ang kape sa harap ko kaya napalayo agad ako. "Damn! I'm sorry!" saad niya at nagpunas ng bibig bago siya tumayo at hinawakan ang kamay ko. "Are you okay?" Nalaglag ang panga ko at nanlambot ang puso dahil sa tinig niya. Pero bago pa ako matunaw ay mabilis ko nang binawi ang kamay ko mula sa maingat na pagkakahawak niya. "Opo, senyorito."Tumango siya at muling umupo. Pinunasan ko naman ang kapeng kumalat sa salamin ng lamesa niya. Tahimik lang ako habang ginagaw
"Senyorito?" tawag ko sa kanya mula sa kabilang linya nang tumawag siya."Uh, hi!" bati niya, tunog nahihiya pa ito. "Just wanna say I'm here in your school to fetch you.""Ah, para sa date natin?" tanong ko habang nakangiti."Yeah, tayong dalawa lang. Hindi na ako nagsama ng driver. Ayos lang ba sa 'yo, 'yon?"Humalakhak ako at tumango. "Oo naman!"Excited ako habang hinihintay na tumunog ang bell. Wala kasi kaming teacher pero hindi pa pinapauwi. Ito ang unang beses na lalabas kami ni senyorito na kaming dalawa lang. Ang romantic sana kaso hanggang magkaibigan lang kami. "Tol! Ayan na siya!" Nagsalububong ang dalawang kilay ko nang makita ang mga tropa ni Trevor."Sexy naman pala!" bulgar na sabi ng isa at tignan ako mula ulo hanggang paa.Ikinuyom ko ang kamao at handa nang magtaray nang hilain ako nina Franz at JP papunta sa likuran nila. "Aba! Hoy kayong mga jutay kayo, 'wag niyo ngang binabastos 'tong kaibigan namin!"Humalakhak ang apat at nilapitan pa nila ang dalawang kaibi
"Try to guess it first," mapanlarong sagot nito. Napaungol naman ako sa pagkadismaya. "Ang pabebe naman, senyorito! Sabihin mo na lang!"Mahina akong napadaing nang bigla akong hampasin ni Franz sa braso. "Hoy, Rika, 'wag ka ngang kill joy d'yan!" bulong nito sa akin at hinarap si senyorito. "Game, senyorito! Basta may prize!"Mas lumawak naman ang ngiti niya at tumango-tango. Luh? Sinakyan pa ang paninipsip ni Franz ng suhol. Pwede namang wala nang kapalit, 'di ba?"Sure! I'll grant the wish of whoever will guess it right. Think now, I'll give you a chance to guess.""Thirty!" sagot ko kaagad dahil iyon ang hula ko simula pa noong una kaming magkita. Saka isa pa, CEO siya ng kompanya nila. Ibig sabihin nasa thirties na siya o mas matanda pa.Nanlaki naman ang mga mata ni senyorito at maya-maya ay natawa. Napanguso naman ako. Parang mali yata dahil tinawanan niya iyon."Feel ko... uhm... twenty eight?" hula ni Franz at niyugoyog ang braso ko nang makita ang reaksyon ni senyorito. Tum
"One... and two... and three," nagpatuloy sa pagbibilang ni Franz habang rumarampa ako gamit ang mataas na heels. Five inches raw iyon at pointed pa ang pinahiram niya sa akin. Nanginginig tuloy ang mga binti ko."Ang pangit! Ulit, sis!" pasigaw na reklamo ni JP. Napahinto ako at napanguso. Kailan ba 'to matatapos?!"Relax, Rika! Paano ka masasanay kung palagi kang kabado r'yan?!" singhal pa ni Franz.Nilapitan naman ako ni Mona at inabutan ng tubig. "Okay ka lang? Break muna tayo, gusto mo?" tanong nito.Tumango ako at napabuntonghininga. Pinalista kasi nila ako para sa laban ng Miss San Juan ngayong taon. Dahil kwalipikado na ako sa edad ay pumayag na sina mama at papa. Na-challenge rin akong sumali dahil nanalong first runner up si Mona last year. Pero, ngayon ay nagsisisi ako. Ang hirap-hirap naman pala!"Payungan niyo!" pagalit na utos ni Mona sa dalawa naming kasama. Isa pa itong balat ko. Hindi ako makalabas ng walang payong dahil may AHA ang mga pinapagamit nila sa aking pamp
Mabilis akong tumakbo papasok mg mansyon dahil sa excitement. Miss na miss ko na si senyorito! "Anak, mabuti at nand'yan ka na," bungad ni mama at pinagmasdan muna ang ayos ko bago inabot sa akin ang hawak niyang tray na may lamang mga babasaging baso at alak na nasa isang lalagyan habang pinapalubuan ng mga yelo. "Magbihis ka at ibigay mo ito kay Sir Brandon. Nasa opisina sila, iyong katabi ng kwarto niya.""Opo, ma!" ngiting sagot ko at aligaga naman siyang bumalik sa kusina. Pagkadaan ko roon ay abala ang lahat sa paghahanda ng meryenda. Mukhang marami ang bisita! Paniguradong masarap din ang pagkain namin mamaya.Umakyat na ako sa pangalawang palapag dahil hindi na ako makapaghintay na makita ulit si senyorito. Ni hindi ko magawang kabahan sa pag-akyat at pagbuhat ng babasaging dala kahit mataas ang sapatos na suot ko.Isinandal ko ang tray sa tiyan habang hinahawak iyon gamit ang isang kamay nang kumatok at binuksan ang pinto. Muli kong hinawakan ang tray gamit ang dalawang kama
Nagkulong ako sa kwarto at doon humagulgol dahil sa inis. Ngayon ko lang naranasan ang ganito. Noong nag-break kami ni Trevor, hindi naman ako umiyak. Pero pagdating kay senyorito, ang sakit-sakit masabihan ng hindi maganda. Lalo na ngayon na ang tagal ko siyang hinintay tapos ganito pa ang iaasal niya sa akin. "Rika, anak?" Mabilis akong tumakbo papuntang banyo ko nang marinig ang boses ni mama. Isinarado ko ang pinto at nagpunas ng mga luha."Rika!" muling tawag niya sa akin.Tumukhim muna ako at huminga ng malalim bago sumagot. Ayaw ko mahalata niyang umiiyak ako. "N-nagbibihis lang po!""Sumunod ka sa kusina, maaga tayong kakain ngayon," utos nito."Opo!"Nang marinig ang pagkasarado ng pinto ay tinignan ko ang sarili sa salamin. Na-smudge ang eyeliner ko dahil sa kakaiyak. Mabilis kong inalis ang make-up at naghilamos bago marahang pinunasan ang mukha gamit ang tissue. Naglagay ulit ako ng powder sa mukha at kaunting lip tint sa labi para mas magmukhang presentable bago isinuot