My Virginity Is Yours, Stranger

My Virginity Is Yours, Stranger

last updateHuling Na-update : 2026-02-01
By:  BinibiningBiyangIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
5Mga Kabanata
1views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

“I’m a virgin, yes, and thanks to you I lost it.” Masaya pa siya na naibigay niya sa isang estranghero ang pagkababae niya. Para sa kaniya, paraan niya ito ng pagrerebelde sa kaniyang ama dahil ipapakasal siya sa isang matandang lalaki na kasosyo nito sa negosyo. Pero ano ang mangyayari kung ang lalaking pinagsukuan niya ng kaniyang pagkabirhen ay pamangkin pala ng lalaking kaniyang pakakasalan? Paano kung hindi ito nakuntento sa isang beses nilang pagtatalik? Paano kung nais siya nitong solohin at angkinin ng buo at walang patawad? Matutupok nga ba ng pagnanasa ang kanilang prinsipyo? O matatakot silang pareho na makipaglaro sa apoy ng pagnanasa? Hanggang saan sila dadalhin ng kanilang atraksyon sa isa't isa? Mapaglalabanan nga ba nila ang pangangailangan na mapag-isa ang kanilang katawan at mapawi ang uhaw ng pag-aasam?

view more

Kabanata 1

Chapter 1: Club

Zain’s Point of View

Akala ko mapapanhid ng alak ang nararamdaman ko, pero hindi pala, kung may nararamdaman man ako ay mas lalo lamang iyong nadidipina ng alak. Everyone’s having a good time in the bar, but here I am feeling so f*ck*ng stupid and lonely.

“Miss, need some more drinks?”

“May kasama ka ba?”

“Are you alone? Need some company?”

Hindi ko na mabilang ang mga lalaking lumalapit sa akin at tumatabi para lang magtanong at punain ang pag-iisa ko. Pero hindi ko sila pinagtutuunan ng pansin, tanging ang barista lamang ang sinasagot ko kapag nagtatanong.

“Another drink, Miss?”

Mabagal akong tumango dahil nahihilo na ako.

Ilang saglit lang ay muli na namang may inumin sa harap ko. I smiled sweetly to the bartender. Saka ko iyon inabot at pinangalahatian agad.

I’m not a heavy drinker, pero ito na ang pangatlong gabi na bumabalik ako rito sa club para uminom at malasing. Kahapon ay nagawa ko pang magdrive kahit na nakainom, pero ngayon ang plano ko'y hindi na umuwi dahil iinom ako hanggang sa mawalan ako ng malay.

I heard someone chucked beside me.

“Maaga pa para malasing.” Boses ng lalaki ang nagsalita.

Bahagya ko siyang nilingon at nakita ang hindi pamilyar na mukha. Malabo na ang paningin ko, dumagdag pa ang madilim na ambiance ng club at ang nakakahilong pagtama ng neon lights kung saan-saan.

Umismid lamang ako.

“Can you just leave me alone?” Hasik ko sa lalaki.

Natawa siya lalo.

“I remember you, you were the same girl I saw last night. Mag-isa ka lang din at marami ka pang nainom. Are you heartbroken? O sadyang mataas lang ang alcohol intake mo?”

Nagtagis ang bagang ko.

Maniniwala kaya siya kung sasabihin kong last week ay halos tawagin akong ‘santa’ ng dalawa kong step-sisters dahil sa wala akong bisyo ni kahit isa? I don’t drink, I don’t smoke, and I don’t even go out late at night just to party.

Nakakatawa na mabilis lang pala talagang magbago ang isang tao. One moment, I’m almost branded as a ‘santa’, now everyone is in awe because I kept on drinking.

Mapait akong ngumiti.

“I wish I was just heartbroken.” bulong-bulong ko.

“So, you weren't? May ibang problema ba?” Komportable niyang tanong.

Nagtagis na naman ang bagang ko. Ito ang nakakainis sa mga lalaki! Kausapin mo lang, umoo ka lang o humindi ay pahahabain na nila ang usapan na animo’y intresado kayong dalawa.

Hindi na ako sumagot para tantanan na rin niya ako.

“Another drink, Miss?” Tanong ulit ng bartender nang makitang ubos na ang inumin ko.

Tumango ako, pero sinapo ko na ang ulo dahil talagang nahihilo na ako. Ngunit kaysa na mawala sa sarili ay mukhang mas nagiging hyper-aware pa ako sa mga ginagawa ‘ko.

Is this a curse to me?

Inilapag ng bartender sa ibabaw ng mesa ang panibagong baso ng inumin.

Gusto ko lang naman kalimutan ang huli naming pag-uusap ni Daddy bago siya umalis papuntang Milan, pero mas lalo ko lang na naaalala kapag nalalasing na ako!

“You’re helping the company this way, Zain. Pasasaan pa’t ikaw din naman ang magmamana ng lahat ng ito? Jace is my most trusted business partner, kung maiiwan ka, siya lang ang mapagkakatiwalaan ko na tutulong sa’yo na pamahalaan ang kompanya.”

“Dad, Jace is forty-seven years old! I’m only twenty-three. He’s more than half of my age, at talagang sa kaniya mo ‘ko ipapakasal para lang sa kinabukasan ng kompanya?”

Tumayo si Daddy galing sa swivel chair niya. Lumakas naman ang tibok ng puso ko dahil sa pag-ahon niya. Dalawa lang naman ‘yan, galit siya sa akin dahil tutol pa rin ako o gusto niyang ma-intimidate ako kaya tumayo na siya sa harap ko.

“Maraming ari-arian si Jace, Zain. He’s in the business world for quite some time. Mapapanatag lang ako kung ang pakakasalan mo ay ‘yong kilala ko at alam kong mapagkakatiwalaan. Ayaw kong makahanap ka ng lalaking pera mo lang ang habol! Mas mabuti kung si Jace ang piliin mo, at least I know he’s rich like us.”

Nagtagis lang lalo ang mga ngipin ko.

“Why is money so important to you, Dad? Ano ba’ng nagagawa ng pera? Noong magkasakit si Mommy, marami nga ang pera natin pero wala naman tayong naga—”

“Enough!” Dad cut me off.

Nakita ko ang paggalaw ng panga niya.

“This is no longer about your Mom, Zain. This for you and your future! Kung magmamatigas ka, mas lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo. I’ve already decided, your engagement with Jace will be announced after my trip to Milan.”

Napaatras ako. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.

“All my life Dad, I let you control me like a puppet. Noong sinabi mong sa States ako mag-aral ay sinunod kita! Noong sinabi mong kumuha ako ng kursong related sa pagnenegosyo, sinunod kita! Alam mo kung ano ang totoong gusto ko, pero dahil gusto kong maging proud ka sa akin ay sinusunod ko lahat ng gusto mo!”

“Zain…” nagbabanta niyang sambit sa pangalan ko.

“Pati ba naman sa pag-aasawa ko, ikaw pa rin ang masusunod? I’m your daughter, not your puppet!” Patuloy ko pa rin.

Tinalikuran ko siya at nagmamartsang naglakad papunta sa pinto, pero bago ko iyon mabuksan ay narinig ko ulit ang pagtawag niya sa pangalan ko.

“Isang linggo ako sa Milan, Zain… pag-isipan mo ng mabuti ang engagement. Jace is the best candidate for you.”

Because of that, I stormed out of his office.

Iyon ang huli naming pag-uusap bago siya umalis. I spent my first two days sulking. Nagkulong lang ako sa kuwarto at umiyak. Pero naisip kong wala rin namang kwenta kung iiyak na lang ako.

Kilala ko si Dad, his decision is definite and final. Hindi siya sanay na kinokontra ang desisyon niya kaya ngayon na ilang araw na lang ay babalik na siya galing sa Milan ay siguradong naiisip na niyang nakapagdesisyon na rin ako at susunod na sa gusto niya.

Pero asa siya! I don’t want to marry an old man just for the future of our company!

Kung talagang sa akin niya ipapamana ang kompanya, gagawa na lang ako ng ibang paraan para mapamahalaan ‘yon ng maayos nang hindi kailangan ang tulong o suporta ng investor na si Jacaerys Villondo.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Walang Komento
5 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status