LOGIN"I'm a billionaire. I own several enterprises and tons of money. Hindi ako makapaniwalang ginawa niya akong bayarang lalaki." Nagngingitngit at hindi makapaniwalang tinitigan niya ang perang iniwan ng dalaga. "And am I really only worth 150 pesos?!" lalo pa siyang nainis. Kayde Guijo has it all-looks, money, and power. For him, women are just past time, and love is a word he doesn't even bother to spell. Pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Bambi Tubiano-isang brokenhearted woman na nagkamaling isipin na isa siyang call boy matapos ang isang one-night stand. At ang mas masakit? Iniwanan pa siya nito ng bayad! Sanay si Kayde na siya ang nang-iiwan. Pero ngayong pride niya ang tinamaan, handa siyang ipakita kay Bambi kung sino talaga siya... kahit pa sa prosesong ito, baka siya mismo ang matutong magmahal.
View MoreHindi na napigilan ng mga kaibigan ni Kayde at sabay-sabay silang humagalpak ng tawa sa malaking problema ng binata, lalo na sa itsura nitong nagngangalit sa galit at tila handang tunawin ang perang nakapatong sa mesa.
"Wala talaga kayong kwentang kausap!" sigaw ni Kayde sa kanila habang akmang ibabato ang hawak na bote ng alak. "Magsilayas nga kayo rito!"
Alam niyang wala siyang matinong mapapala sa mga kaibigan. Hindi rin niya maintindihan kung bakit pa niya sila tinawagan at pinapunta.
"Dude, mukhang nakahanap ka na ng katapat," pang-aasar ni Garrie sabay akbay sa kaniya. "Normally, ikaw ang nag-iiwan ng pera sa mga babae mo, pero siya ang gumawa niyon sa 'yo ngayon. Sobrang napahanga ako sa ginawa niya. Gusto ko siyang makilala."
"Me too," segunda ni Denis na patuloy pa rin sa pagtawa. Kabagin sana ang mga g*go.
Itinaas niya ang gitnang daliri sa mga kaibigang walang tigil sa pang-aasar hanggang sa seryosong magtanong si Denrik. "Paano mo ba nakuha ang babaeng 'yon?"
Malalim siyang napaisip at muling sinariwa ang gabi ng kanilang pagkikita.
"Nag-umpisa ang lahat nang umuwi kayo..." Tumigil ang lahat sa pagtawa at seryosong nakinig sa kaniyang kwento.
KABANATA I
"Ah! Yes, baby! I'm cumming!" Nag-echo sa buong silid ang sigaw ng babae habang mabilis at mariin niyang nilalabas-masok ang kahabaan sa bukana nito. Mas lalo pa niyang binilisan ang paggalaw hanggang sa sabay silang labasan.
Bumagsak ang babae sa kama, hinila ang kumot at itinakip sa hubad na katawan. Hindi na niya maalala ang pangalan ng kasama, basta't ang nakalagay lang sa contact niya ay 'baby no.2'—sapat na para matandaan kung saang bar niya ito nakilala.
"That was a breathtaking position, baby." Hindi niya ito pinansin. Dinampot niya isa-isa ang damit, nagtungo sa banyo para maglinis ng katawan, saka nagbihis. Kinuha niya ang pitaka at naglapag ng pera sa mesa.
"What's that?" kunot-noong tanong ng babae.
"Payment."
Hindi na siya nagulat nang murahin siya nito. Normal na iyon sa kaniya. Marami pa itong sinasabi pero wala na siyang oras para pakinggan. Lumabas siya sa kwartong inupahan, at bago tuluyang makaalis ay narinig pa niya ang pasigaw na mura ng babae.
Binuhay niya ang makina ng sasakyan nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi pamilyar ang numerong tumatawag. "Hello, who's this?"
"Kayde, baby, it's mom. Kumusta ang anak ko?"
Kumunot ang noo niya at muling tiningnan ang numero. "Mom, where are you this time?"
"Somewhere in Canada," bungisngis na sagot ng ina. "Kumusta ka na? Kung hindi pa kita tatawagan, makakalimutan mong may magulang ka."
"Heto, guwapo pa rin. And, mom, paano kita matatawagan kung pabago-bago ka ng number?" sarkastikong tanong niya. Hindi natatapos ang buwan nang hindi ito nagpapalit ng numero at umaalis ng bansa.
Mahinang bumungisngis ang kaniyang ina. "Kayde, kailan ka ba mag-aasawa? Tumatanda ka na. Kailangan mo ng isang babaeng magiging kaagapay mo sa buhay. Iyong babaeng mamahalin mo at mamahalin ka."
Heto na naman kami, naisip niya.
"Mom, bata pa ako. Nag-e-enjoy pa ako at hindi pa pumapasok sa isip ko ang mag-asawa."
"Pwes, kami ng papa mo ay hindi! Gusto na naming makita ang apo namin mula sa iyo."
Napangiwi siya. "Yeah, yeah. I have to go." Dali-dali niyang pinatay ang tawag. Kung magtatagal pa siya ng usapan sa ina, siguradong mauuwi iyon sa sermon.
Nang tingnan niya ang oras, napailing siya. Huli na siya ng kalahating oras sa usapan nilang magkakaibigan. Wala talaga siyang balak pumunta pero maaga pa at hindi rin naman siya makakatulog. Mas mabuti nang magpalipas-oras kasama sila kaysa maburyong mag-isa.
"You're late!" bungad ni Garrie.
"Minsan ka na lang magpakita, late ka pa. Totoo ba, kaibigan mo ba talaga kami?" dramang segunda ng Drama King na si Denis.
Hindi niya pinansin ang dalawa. Dumiretso siya sa tabi ni Denrik at kinuha ang bote ng alak. "I'm a busy person."
"Busy saan?" kumunot ang noo ni Denis. "Huwag mo kaming pinagloloko. Ilang araw ka nang hindi pumapasok sa trabaho. Ang totoo, galing ka pa sa hotel—bro, amoy chlorine ka."
Lumapit si Garrie at inamoy-amoy siya. "Oo nga, pre."
"Heto kayo, oh." Tinaas niya ang gitnang daliri. "Dalawang araw lang akong nawala at isang oras lang akong nahuli, hinuhusgahan mo agad ang pagkakaibigan natin," balik niya kay Denis.
Ngayon lang ulit siya nakahanap ng oras para makapaglibang. Mula nang mailagay sa pangalan niya ang kompanya, siya na ang namahala sa lahat—pati sa negosyo ng mga magulang. Nakaatang na sa kaniya ang responsibilidad na panatilihin at palaguin ang pinaghirapan ng mga ito. Hindi niya naman pwedeng tanggihan dahil siya lang ang nag-iisang anak. Samantala, ang nagretiro niyang mga magulang ay kung saan-saan na lang nag-e-enjoy.
"Whatever." Umikot ang mga mata ni Denis at nailing.
"Kumusta? Matagal-tagal na rin nang huli tayong magkita," tanong niya kay Denrik na tahimik lang sa gilid. Ito na lang yata ang matinong kaibigan niya.
Tumango si Denrik. "Abala sa negosyo."
"Negosyo, negosyo. Sabihin n'yo, abala kayo sa mga babae n'yo," kunot-noong singit ni Garrie.
"Nagsalita ang hindi. Si Inno. Umamin ka na ba sa kaniya?" Hindi ito nakasagot at tinungga na lang ang bote. "Mukhang hindi pa."
Nangiwi si Bambi nang marinig ang malakas na tugtugin. Gusto sana niyang mapag-isa pero pinilit siya ng kaibigan na sumama para makalimot sa problema. Magmula nang malaman nito ang panloloko ng ex-boyfriend niya, hindi na siya tinantanan ng kaibigan sa takot na baka may magawa siyang hindi maganda.
"Huwag mong takpan ang katawan mo, Bambi!" sigaw ng kaibigan niya habang hila-hila siya papasok sa bar.
Hindi mawala ang ngiwi niya sa mga nakikita. "Hindi ako sanay magsuot ng ganito." Panay ang baba niya para ayusin ang suot na dress.
"You're gorgeous, okay?" pagpapatibay ng loob ng kaibigan niya. "Lumakad ka lang nang maayos at damdamin ang suot mo."
Pinilit niyang ngumiti. "Lani, paano ko dadamdamin kung sa bawat hakbang ko ay lalabas na ang buong kaluluwa ko sa pinasuot mo?"
"Iyan ang rason kung bakit ka iniwan! Ginagawa mong losyang ang sarili at tinatago ang ganda mo," pangaral ng kaibigan niya. "Tingnan mo ang balakang mo—ang kurba ng katawan mo. Mas sexy ka pa sa akin, inday! Kung ganiyan lagi ang suot mo, siguradong mas may itsura pa ang mabibingwit mo!"
Malungkot siyang ngumiti. Pagdating sa pag-aayos, talo pa siya ng kabataan ngayon na laging plakado ang kilay at make-up. Siya, maliban sa Safeguard, wala nang nilalagay sa mukha—hindi dahil sa hindi niya kaya kundi dahil hindi siya marunong at para sa kaniya, sayang lang sa oras.
Magmula alas-singko ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, puro trabaho ang ginagawa niya at madalas ay overtime pa.
Dumating ang waitress at inilapag ang inumin. Inabutan siya ng baso ng alak. "Magpakasaya ka na parang walang bukas. Inumin mo ang gusto mong inumin. Don't worry about the expenses, sagot ko lahat!"
Napabuntonghininga siya at ininom ang alak. Umikot ang paningin niya habang ramdam ang init ng likidong dumaloy sa sikmura niya.
"Woah! Woah!" tila proud na sabi ng kaibigan niya saka muling sinalinan ng alak ang kaniyang baso. Nag-party sila na parang walang bukas, tumungga ng mamahaling alak hanggang malunod siya sa kalasingan.
Ilang oras ang lumipas, tatlong bote na ang naubos nila at pareho na silang lasing. Yakap ang inidoro, walang tigil ang pagsusuka niya. Pasuray-suray siyang lumabas bitbit ang bag, balak hanapin ang kaibigan para yayain nang umuwi, nang—
"A-Aray ko!" Tumama siya sa isang matigas na katawan at sa isang iglap ay nakita na lang ang sarili niyang nakaupo sa sahig.
Naniningkit ang mga mata ni Kayde habang tinitingnan ang mga lasing na kaibigan. Ang lalakas mag-aya pero sila rin ang unang bumagsak.
Hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa at tinawagan ang nag-iisang taong makakatulong. Laking pasasalamat niya nang sagutin ito at pumayag. Ilang minuto lang ay dumating ang sekretarya ni Denis.
"Kung hindi lang siya mataas magpasahod, matagal na akong nag-resign sa kumag na 'to," reklamo ni Shei. "Ikaw, hindi ka na ba sasabay? Mukhang may tama ka na."
"Hindi na, unahin mo na sila," sagot niya at muling nagsalin ng alak.
Napailing siya nang tuluyang umalis ang mga kaibigan. Habang unti-unting tinatamaan ng alak, binasa niya ang mukha pero patuloy pa rin ang pag-ikot ng paningin. Pasuray-suray siyang lumabas ng banyo nang biglang may malambot na bumangga sa kaniya.
"Hey, you okay?" nag-aalalang tanong niya, agad na bumagsak ang mga mata niya sa maputing hita ng babae—na agad bumuhay sa kaniyang pagkalalaki.
Tinulungan niya itong tumayo, pero bigla siyang natulak mula sa likuran. Nawalan siya ng balanse at sa isang iglap ay pareho silang natumba, nakahiga sa sahig, at siya ang nakaibabaw sa babae na nanlalaki ang mga mata.
Sa posisyon nilang iyon, ramdam niya ang lambot ng katawan at dibdib nito, pati ang amoy na dumiretso sa ilong niya. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya mapigilang tuluyang magising ang kaniyang pagkalalaki.
Hindi agad nagproseso ang isipan ni Kayde nang ilang segundo bago siya tumayo at inilahad ang kamay sa babae.
"You okay?"
Tumango ang dalaga at tinanggap ang kamay niya. "Yeah. Sorry again."
Pasuray-suray na naglakad ang dalaga habang siya naman ay nakasunod sa likuran. Hindi pa ito nakakalayo nang muli itong matumba.
"Ihahatid na kita sa mesa n'yo."
Pinakatitigan siya ng dalaga. Hindi naman ito umangal at tumungo sila sa mesang walang tao. Inoobserbahan niya ito habang inilabas nito ang cellphone saka malalim na bumuntonghininga.
"May problema ba?" hindi niya napigilang itanong.
"Kung problema lang ang usapan, marami." Pagak ang tawa ng dalaga saka siya pinakatitigan. "Assurance. Kailangan ba na ibigay ang katawan—ang buong sarili namin—para lang maramdaman ang assurance na gusto n'yo?"
"Not really. Siguro may iba na gano'n ang pamantayan ng salitang 'assurance,' but not all, Miss. May mga taong gustong maramdaman ang assurance through love. Kung nirereserba mo ang sarili mo para sa wedding night at ngayon ay pinipilit ka na niya, mas mabuti pang makipaghiwalay ka. Ang tunay na pagmamahal ay kayang maghintay. Kung katawan mo lang ang habol niya, hindi ka niya mahal para sa panghabangbuhay." Ah! Coming from me.
Mahinang natawa ang dalaga. "He already did. Nakipaghiwalay na siya."
Nagtaka si Kayde. "Siya pa ang nakipaghiwalay sa'yo, sa lagay na 'yan?"
"Well, sa tingin ko, katawan ko lang naman ang habol niya." Sandali itong natahimik. "Hindi ko kayang ibigay ang gusto niya, kaya heto..."
"You did the right thing, Miss. Hindi ka magiging masaya sa kanya kahit gaano pa katagal ang relasyon kung iyan lang ang habol niya."
Walang gana ang tawa ng dalaga. "Yeah, pero hindi maitatangging masakit pa rin ang ginawa niya. Ang gusto ko lang naman ay ireserba ang sarili ko para sa gabi ng kasal dahil iyon lang ang maibibigay ko nang buong sinseridad sa magiging asawa ko."
Inilahad ni Kayde ang kamay. "Kayde Aleata. I'm not a virgin, I fck a lot of women, but I'm not forcing anyone to have sx with me."
Nag-alinlangan pero tinanggap din ng dalaga ang kamay niya. "Bambi Tubiano."
"Nice to meet you." Bumitaw si Kayde at ngumiti. "Nasaan ang mga kasama mo?"
"Umuwi na. Akala niya umalis na rin ako kanina," kaswal na sagot nito.
"Want to drink? Since umuwi na sila at wala na rin akong kasama, sasamahan na kita. Ayaw ko pang umuwi, hindi ako nakakatulog nang maaga."
Pinakatitigan siya ni Bambi na tila nagdududa. "Sigurado ka bang wala kang ibang balak?"
"I told you, I fck, but I'm not forcing anyone to have sx with me," pag-uulit niya.
"Then let's go drink. Gusto ko ring makalimot kahit ngayong gabi lang."
Nag-order sila ng pinakamalakas na alak. Gusto ni Bambi na malimutan ang sakit at panghihinayang. Kahit alam niyang hindi iyon tunay na solusyon, pinili niyang tanggapin ang panandaliang pag-aliw.
Maya-maya, lasing na silang pareho, walang tigil sa pagmumura sa ex-boyfriend niya. Hindi na nila alam ang ginagawa hanggang sa napadpad sila sa dance floor, sumasabay sa indak ng musika, nagdidikit ang mga katawan.
Hanggang sa tuluyang nadala ng init at alak. They just found themselves in a dark room, sharing a passionate drunk kiss.
Sa silid, sinalubong nila ang isa't isa ng mapusok na halik habang hinuhubad ang pang-itaas na damit. Hindi nagpakita ng alinlangan si Bambi.
"Are you sure?" Tumigil si Kayde at pinakatitigan siya. "Hihinto ako kung ayaw mo."
"No. No. Please, go on," pagmamakaawa ni Bambi at hinila ang batok ng binata.
"You're mine tonight, Missy," bulong nito.
"I'm yours."
MATAAS na ang sikat ng araw nang magising si Bambi. Masakit ang ulo at nanlamig ang pakiramdam nang mapansin ang hubad niyang katawan sa hindi pamilyar na silid.
'Nasaan ako?' tanong niya sa sarili.
Lalong lumaki ang mga mata niya nang mapansin ang lalaking katabi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, agad na tumayo, at dinampot ang mga damit. Hindi na niya nahanap ang panloob, kaya't nagbihis nang hindi iyon isinusuot.
Ramdam ang hapdi sa pagitan ng mga hita, sigurado siya na may nangyari kagabi. Bago lumabas, sinulyapan niya ulit ang natutulog na lalaki. Nagmamadali niyang inilabas ang wallet, at nang bumungad ang one-hundred fifty pesos, kinuha niya ito at iniwan sa mesa.
Kayde's POV:
Pagmulat ni Kayde, wala na ang dalaga. Sapo ang ulo, inakalang nasa banyo ito pero wala na sa buong silid. Habang nagsusuot ng damit, napansin niya ang maliit na tela.
Mahina siyang napatawa. "Umalis siya nang walang suot na panty."
Pero agad din niyang nakita ang one-hundred fifty pesos sa mesa. Kunot-noo siyang napabuntonghininga.
"Ano'ng tingin niya sa'kin, bayarang lalaki?" inis na bulong niya habang hawak ang pera.
Paglabas niya ng silid, tinawag siya ng receptionist at iniabot ang isang ID.
"Naiwan po sa kwarto n'yo, Sir," malandi pa nitong sabi.
"Thanks." Isang ngisi ang gumuhit sa labi niya nang makita ang pangalan.
"Bambi Tubiano. Interesting."
“Bambi’s boyfriend.”NAIILANG na nag-iwas ng tingin si Bambi sa nakakatunaw na titig sa kaniya ni Kayde habang sinasabi ang mga kataga na iyon. Hindi sa di niya kayang salubungin ang tingin ni Kayde kundi dahil sa malakas na kabog ng dibdib niya at kakaibang nararamdaman niya.Kasinungalingan. Nagpapanggap lang kayo, Bambi, huwag ka magpadala sa lumalabas sa bibig niya. Suway sa sarili niya.“Ha---hahaha! Don’t me, pare. Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. How come na ibinigay niya sa iyo ang ilang taon kong hiningi na hindi niya maibigay—” Nakakalokong tawa ang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanilang tatlo.Huminga siya ng malalim bago sumagot. “He’s telling the truth,” sagot niya habang hinahawakan ang kamay na nasa bewang niya. “Ibinigay ko sa kaniya kahit hindi niya hiningi. Hindi naman masama ‘yons dahil boyfriend ko siya.” “Boyfriend?” May talim ang boses nito na may hindi maipintang mukha. “Naging boyfriend mo ako ng mahigit apat na taon, Bambi!”Natatawang binalingan
Muling bumalik sa isip niya ang mga alaala—ang mga pangyayari noong araw na 'yon—nang magtagpo ang mga mata nila. Masaya ang dalawa, lalo na si Tita Maria, dahil natupad ang plano nitong paghiwalayin silang dalawa."First warning," ani Lani sa tabi niya. "Ilang buwan na rin. Siguro ubos na ang luha mo para sa ingrown na 'yon.""Hindi ako iiyak," nakangiti niyang tugon habang pinatutuyo ang kamay.Pagkakita niya sa dalawang lalaking matagal na niyang iniiwasan sa iisang lugar, mabilis niyang hinila ang kaibigan papunta sa banyo para makatakas. Doon siya magaling—sa pagtakas."Good. Hayaan mo silang magsama. Hindi magtatagal, 'yung babaeng 'yon naman ang lolokohin ng kupal na 'yon." Tumirik pa ang mata ni Lani. "Tara na. Natanggal nga ang stress ko, pero ikaw naman ang na-stress."Mahinang natawa si Bambi sa sinabi nito. Hindi lang stress ang nararamdaman niya—pagod din mula sa buong maghapon.Paglabas nila, huminto si Lani sa harap ng arcade bench. "Nakalimutan ko 'yung isang paper bag
ITO ang unang beses na nagsabi ang Tita Maria na mag-uusap sila, sa tagal niya karelasyon ang anak nito ay ito rin ang unang pagkakaataon na inimbitahan siya nito. Pero sa hindi malaman na kadahilanan, kinakabahan siya maaring malaman o sabihin nito.“Huwag ka mag-aalala, andito ako.” Pinalalakas ni Lani ang loob ng kaibigan.Bumuga ng marahas si Bambi na nagtungo sa front desk, sa hindi malaman na kadahilanan ay ayaw silang pagbigyan ng una pero ng nagpakita na si Lani ay walang magawa ang babae kundi ang pumayag.Invasion of privacy pero hindi siya magpupunta dito kung hindi dahil sa sinabi ng ginang. Mas lalo tuloy kumakabog ang dibdib niya sa kaba.Humigpit ang hawak ni Bambi sa braso ng kaibigan ng makarating sa pinto ng kwarto. Wala siyang ibang ingay na ginawa, gamit ang susi na binigay sa kanila ay binuksan niya ang pinto na hindi umaagaw ng atensyon.Parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng mabilis na bumugad sa kaniya ang kama, kung saan natagpuan ang nobyo na naliligo s
"Son, hindi maganda kung nandiyan ako. Naisip ko na mas makakapag-usap at mas makikilala niyo ang isa't isa kung kayong dalawa lang. So, enjoy, you tw—" Masaya at puno ng pananabik na ani Tita Maria sa kabilang linya."Mom, ang sabi mo ay pupunta ka kaya ako pumayag." Lumingon si Nathan kay Bambi, kinuha ang kamay nito at ilang beses na pinisil. "At kasama ko si Bambi to announce something important.""What?!" singhal ng ina. "Ano na ang sasabihin ni Steph kung isinama mo pa ang babaeng 'yan?!""'Ano ang iisipin ni Bambi kung makita niyang kasama ko si Steph.' That's the right word, Mom." Pagtatama ni Nathan saka sunod-sunod na bumuga ng marahas na buntong-hininga.Walang imik ang ginang sa kabilang linya, nanginginig sa inis at gusto sanang sugurin si Bambi. Kung hindi lang dahil sa anak, matagal na sana niya itong hinarap. 'Panira talaga ang babaeng 'yon.'"Hahayaan ko na lang ang nangyari ngayon, Mom. Pero huwag mo nang uulitin," ani Nathan nang mapansin na hindi na nagsasalita ang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews