Share

Chapter Six

"Ano ba Chanel, tumalon ka na, makikita na tayo sa sobrang bagal mo e,"pagrereklamo ni Trexie.

Nauna siyang bumaba saakin, nandito kami sa likod ng eskwelahan namin, uwian na namin pero hindi kami sa harap dumaan dahil nga may usapan kaming lalabas ngayon. Hindi kami pwedeng dumaan sa harap dahil makikita kami ng mga bodyguards ko.

"Teka lang naman kasi at medyo nalulula ako, hindi ba ako mababalian ng buto kapag tumalon ako diyan?" Nag aalalang sabi ko. Nakatungtong ako sa ladder board na hiniram namin sa janitor na nakita naming naglilinis kanina. Idinahilan na lang namin na gusto naming kumuha ng bunga ng mangga, eksakto namang may mga hinog na itong bunga. Mabilis naman niya kaming pinahiram at pina alalahanan na mag ingat kami at baka mahulog kami. Hinintay muna namin itong maka alis bago namin isinagawa ang plano namin.

"Hindi ka mababalian ng buto riyan, hindi naman sobrang taas a, tignan mo nga ako at wala namang nangyari sa akin," pagpapaliwanag niya.

Kapag ako nabalian lagot ka sa aking bakla ka. Nagdadalawang isip parin ako kong tatalon na ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ay nakita ko ang mga bodyguards kong tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko.

"Senyorita Chanel!" Malakas at sabay sabay na sigaw ng mga bodyguards ko kaya napalingon ako sa direksiyon nila. Gusto kong matawa sa hitsura nilang nag uunahan sa pagtakbo, malayo pa lang sila e kitang kita ko na ang pagkataranta nila.

"Bwisit ka Chanel, tumalon ka na, andiyan  na ang  mga bodyguards mo!" Natatarantang utos saakin ni Trexie. "Lagot tayo kapag naabutan tayo, bilis na at sasaluhin kita."

Napatingin ako kay Trexie na umaktong sasaluhin ako. Baka dalawa pa kaming mabalian ng buto kapag sinalo niya ako. Lampa pa naman 'tong baklang 'to.

"What the fuck are you doing there Chanel?!"

Bigla akong napalingon dahil sa napakalakas na sigaw na narinig ko, dinaig niya pa ang mga bodyguards ko sa lakas ng sigaw niya. 

Nakita ko si Klein na tumatakbo at hindi na maipinta ang mukha. Napangisi ako dahil sa hitsura niya, mababakas ang pagkairita sa mukha niya pero nangingibabaw ang pag alalala. 

What the hell!

Dinadaya lang ako ng paningin ko, bakit naman siya mag aalala saakin?

"Don't you dare jump Chanel Amery Martini!" Malakas at madiin niyang saad. Naunahan niya pa ang mga bodyguards ko sa pagtakbo. Pero bago pa nila ako maabutan mabilis na akong tumalon. Narinig ko pa ang malutong na mura ni Klein bago ako sumalampak sa semento, una ang paa ko. Iminulat ko ang mata ko at napasigaw sa tuwa dahil success ang pagtalon ko, hindi ako nabalian ng buto at wala akong ni anumang galos.

"Trexie!" Impit na sigaw ko." Did you see that? I made it! Yes! I made it." Itinaas ko pa ang mga kamay ko at tumalon talon. Ang saya saya ko, ito ang unang beses na tumalon ako sa bakod at ang sarap pala sa pakiramdam.

"Oo, kitang kita ng dalawa kong mata, pero bago ka magsaya diyan tara na at  siguradong andiyan na ang mga humahabol saatin," ani niya.

Sa isiping iyon, mabilis kong dinampot ang Chanel sling bag ko na nakasalampak sa semento, hindi ko na pinagpagan 'yon at hinayaan nalang na madumi. Kung nasa iba lang kaming sitwasiyon baka nagkandangawa na ako dahil narumihan ang pinakamamahal kong bag, pero wala ng oras para diyan, kailangan na naming umalis bago pa nila kami maabutan. Narinig pa namin ang malakas na sigaw ng mga bodyguards ko at ang nafufrustate na boses ni Klein bago kami dali daling tumakbo. Sakto namang may dumaan na jeep kaya dali dali  itong pinara ni Trexie. Nakahinga kami ng maluwag ng maka upo kami ng maayos pero 'yon nga lang sobrang init naman. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong puro pala kami estudyante pero sa ibang school nag aaral 'yong iba dahil sa iba iba nilang uniporme.

"Chan," siniko ako ni Trexie kaya napalingon tuloy ako sa kanya.

"Bakit?" ani ko. Nakita kong nakalahad ang kamay niya kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Pamasahe natin," saad nito at tinaasan din ako ng kilay. Aba't, ililibre ko na nga tapos ako pa magbabayad ng pamasahe namin? Makapal din ang mukha ng baklang ito. Pero kinuha ko na rin ang wallet ko at naglabas ng isang libo. 

" Wala ka bang barya diyan? Baka pagalitan tayo ni manong, masiyadong malaki itong pera mo." Nanlalaki ang matang sabi niya.

"Barya? Wala akong barya, puro papel ang pera ko. Nasaan ba ang sukli kanina?" Tanong ko. Naalala kong wala pala siyang ibinigay na sukli kaninang bumili kami sa canteen.

"Ano ba 'yan, nakalimutan ko," nakangiwing saad niya. Napatampal pa siya sa noo niya. Inuna pa kasi ang paglalandi, napairap nanaman tuloy ako.

"Ibigay mo nalang 'yan, baka may panukli na madami naman tayong pasahero niya." saad ko. Wala siyang nagawa kong hindi iabot nga 'yong pera sa babaeng katabi namin at inabot naman ni ate 'yong pera sa lalaking nasa likod ng driver. 

Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis na pawis kong mukha. Ang init dito, naggigitgitan na kami sa dami namin. Kung alam ko lang na ganito ang magiging sitwasiyon namin sa bulok na jeep na ito sana pala nag taxi nalang kami.

Naamoy ko ang pinaghalo halong pawis at pabango kaya tinakpan ko na ang ilong ko.

"Ilan 'to?" Nakasimangot na tanong ng driver.

"Dalawa po, sa pinakamalapit na mall po," mabilis na sagot ni Trexie. Nakita ko sa salamin na kumunot ang noo ng driver at maya maya pa ay mas lalong sumimangot.

"Wala ba kayong barya? Ang laki nitong pera niyo, wala akong panukli," masungit na tanong niya.

"Wala po kuyang driver, kong meron kaming barya, hindi 'yan ang ibibigay namin," sarkastiko kong saad. 

Wala pa siyang barya sa lagay na 'yan e andami dami na nga naming pasahero niya. Kulang na lang ay magkapalit palit kami ng mukha sa dami namin. Ni hindi na nga ako maka hinga ng maayos dahil sa init.

Kinurot ako ni Trexie kaya napaangil ako, "Ano ba? Bakit ka nangungurot diyan?"

Pinandilatan naman niya ako ng mata, "Sabi ko naman kasi sayo na masiyadong malaki itong pera natin, 18 pesos lang kailangang ibayad."

"What? 18 pesos? Bakit ang mura?" Malakas kong sigaw. Akala ko aabot sa limang daan 'yong pamasahe namin. 

Nakita kong palihim na tumatawa 'yong mga kasama naming estudyante, may naka irap, may nakakunot noo at meron namang nakasimangot.

"Anong mura? Mahal na 'yan para sa mga ordinaryong estudyante, pero kong para sa'yo na isang senyorita, talagang mura lang." Aniya kaya kumunot ang noo ko, mahal na ba 'yang 9 pesos? Medyo naawa naman ako sa driver, ang mura lang pala ng pamasahe namin to think na madaling araw palang ay namamasada na sila. Hindi man ako nakaka labas pero alam kong madaling araw palang e nagtatrabaho na sila, hindi naman ako gano'n ka ignorante.

"Kuyang driver, keep the change nalang po," nakangiti ko nang saad. Medyo nakonsensiya naman ako sa pagsusungit ko kanina. Ngayon ko lang napagmasdan ang itsura ng driver, medyo may katandaan na rin at mababakas ang pagkapagod sa mukha niya pero ito siya at nagtatrabaho parin. Nauunawaan ko na kong bakit nagsungit siya kanina, talaga lang sigurong wala siyang panukli.

Nakita kong tumingin siya sa salamin sa harap niya at tumingin saakin. Nanlaki naman ang mata ng mga kasabayan naming estudyante dahil siguro sa sinabi ko. 

"Naku, maraming salamat po maam, malaking tulong din ito para sa pamilya ko," nakangiting saad niya. Naging maaliwalas na ang mukha niya, hindi tulad kanina na nakabusangot. Nakangiting tumango nalang ako at nag thumbs up

*****

"Hayss, buti naman at nakalanghap din tayo ng malamig na hangin, mamamatay na ako sa sobrang init sa jeep kanina," pagrereklamo ko.

"Ganun talaga kapag sa jeep ka sumakay, siksikan talaga lalo na kapag uwian na," pagpapaliwanag naman nito.

Marahan kaming naglalakad ni Trexie, dinadama pa namin ang lamig ng aircon, medyo parang kinapos din kasi talaga ako ng hangin kanina. Sa susunod hinding hindi na talaga ako sasakay sa jeep.

"Bwisit ka kasi, kung bakit sa jeep pa tayo sumakay e pwede namang sa taxi nalang."

"Ano ka ba naman Chanel, kung hindi tayo nag jeep kanina baka naabutan na nila tayo e hindi pa tayo nakakasakay ng taxi. Atsaka bihira lang ang dumadaang taxi sa banda roon, karamihan kasi sa mga estudyante doon ay sa jeep sumasakay." pagpapaliwanag niya habang lumilinga linga sa paligid."Atsaka, mabuti nga at doon tayo sumakay, malaking tulong din 'yong naibigay mo kay kuyang driver," dagdag pa niya. Hindi na lang ako umimik, tama rin naman siya.

But I will keep in mind na tulungan 'yong driver, hindi na dapat siya nagtatrabaho lalo na sa ganoong edad. 

Hinila ako ni Trexie ng makakita ng botique, mabilis kaming pumasok doon. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong sobrang mahal  ang mga damit dito. May taste din itong baklang ito, pero nunca siguro na dito niya ako hihilain kong siya ang magbabayad. Hinayaan ko nalang na pumili siya ng gusto niyang damit, umupo nalang ako sa sofa na nakita ko at umupo doon. 

Inilabas ko ang cellphone ko at sobrang dami ko na palang missed calls, pero nag iisang unregistered number lang naman ang tumawag kaya kumunot ang noo ko. Hindi ko narinig kasi plinano ko talagang i silent ang cellphone ko, kahit vibrate nga hindi ko ni on.

Hindi na siguro mapakali sa sobrang pag aalala ang mga bodyguards ko ngayon. Siguradong nasabi na nila ito kay daddy at paniguradong lagot ako nito. Pero iwinaksi ko muna ang isiping iyon, mag eenjoy muna ako, bahala ng mapagalitan mamaya.

Napaigtad ako sa gulat ng magregister sa screen ko ang isang unregistered number na tumatawag, iyon din 'yong naka isang daang missed calls kanina. 

Wala akong balak sagutin ito dahil hindi naman talaga ako pala sagot kapag hindi ko kilala kaya hinayaan ko lang na mag ring,  maya maya'y tinapos niya din ang tawag pero wala pang dalawang minuto e tumatawag na naman kaya kumunot na ang noo ko. Paniguradong hindi ito ang isa sa mga bodyguards ko dahil hindi naman nila alam ang number ko.

Pinindot ko ang answer button dahil nainis ako, tawag  kasi ng tawag e hindi ko na nga sinasagot. Hindi ba makahalatang ayaw kong sagutin ang tawag niya? 

"Where the fuck are you in this fucking mall Chanel?" Nailayo ko ang cellphone sa tainga ko dahil sa narinig kong sigaw.

Shit! It's Klein! 

How did he know my number? I immediately ended the call before he can speak again and went towards Trexie who is still busy searching for dress.

"Trexie, let's go, I think they are here," aligaga kong saad. Hinila ko na ang kamay niya para sumunod siya saakin. 

"What? Teka lang naman, paano itong mga napili ko?" Tukoy niya sa mga damit na nasa kamay niya. 

"Babayaran ko." Hinila ko siya papunta sa cashiers area habang kinukuha ko naman 'yong credit card ko. Mabilis kong inilapag ang card sa lamesa at ako na rin ang naglapag ng mga damit sa harap ng cashier. Palinga linga ako sa paligid dahil baka nakita na nila kami.

Dali dali naming kinuha ang mga damit na naka paper bag at credit card ko at agad agad na lumabas sa botique, lumingon pa ako sa likod namin dahil baka nandoon sila.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi ko siya makita. Hinawakan ko ang braso ni Trexie at akmang  tatakbo na kami ng mabangga ako sa isang matigas na bagay, hinawakan ko ang noo kong napuruhan at napapikit dahil sa sakit ng pagkaka untog ko.

Bwisit, bakit biglang nagkaroon ng pader dito? Wala naman ito kanina a? Bumitaw ako mula sa pagkakahawak kay Trexie at hinimas ang noo kong nasaktan. P*****a, magkakabukol pa 'ata ako.

Nainis ako kay Trexie dahil wala man lang ginawa para maibsan ang sakit ng noo ko, impossible namang hindi niya nakita ang nangyari saakin.

Akmang sisigawan ko na siya ng makita ko ang reaksiyon ng mukha niya. Hindi maipinta ang mukha niya, nakangiwi siya na parang natatae, nag uunahan pa sa pagtulo ang pawis niya. Ang lamig naman dito sa loob ng mall bakit naman siya pagpapawisan?

Tinignan ko kung ano 'yong tinitignan niya at napalunok ako ng makita ko kung sino 'yong nasa harapan ko. Natulos ako sa kinatatayuan at ni hindi ko maihakbang palayo ang mga paa ko para sana tumakbo sa kabilang daan.

Shit! He's here.

*******************

Hi! I have one story that I updated everyday..can you also add it to your library and have time to read it? The title is "The King's Luna"

Kamsahamnida

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status