Home / Romance / The CEO's Señorita / Chapter Nineteen

Share

Chapter Nineteen

Author: Amaryllis
last update Last Updated: 2022-06-18 04:47:26

"Tinawagan kami ni Sir Klein señorita para bantayan ka dahil mawawala daw siya ng isang linggo." Sagot ni Skyler.

Medyo nabwisit ako sa sinabi niya. Mabuti pa sila tinawagan pala ni Klein, pero ako na nandito sa mismong bahay niya ay hindi pa ako makamusta. Nakakagigil lang talaga.

Lumihis ang tingin ko sa dalawang nasa likod niya, pero nakaiwas ang mga mata nila saakin.

Bumalik ang tingin ko kay Skyler. Isinalpak ko sa dibdib niya ang bitbit kong tray na mabilis naman niyang nasalo.

"Ihatid mo iyan sa kusina." Walang gana kong utos sa kanya.

Agad naman siyang sumunod. Naiwan si Thunder at Viper na mabilis na pumwesto sa magkabilang gilid ng aking pinto. Inismiran ko sila bago ulit ako bumalik sa kwarto ko.

Ano naman ngayon ang gagawin ko? Ngayong nandito na ang tatlong asungot sa buhay ko ay siguradong araw-araw na naman akong bwisit neto.

Wala akong maisip na gagawin dito sa loob ng kwarto kaya naman lumabas ulit ako. Alertong napatingin saakin ang tatlo ng makitang lumabas ako.

Su
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jincky Gregorios
Ang bagal ng update
goodnovel comment avatar
Jincky Gregorios
Update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The CEO's Señorita   Chapter Twenty Three

    "Will you quit staring at me?" Nakairap na sabi ng lalakeng nasa harapan ko.Agad naman akong nag-iwas ng tingin."I'm sorry. Are you the gardener? Babalik na lang ako dito mamaya. Baka nakaka-istorbo ako sa paglilinis mo.""What? Gardener?" Hindi makapaniwalang tanong niya."Oo. Hindi ba ikaw iyong taga-linis dito?" Nagtataka naman na tanong ko.He chuckled and shook his head."Oo. Ako ang taga-linis dito at nakaka-istorbo ka kaya pwede bang lumabas ka na?" Bumalik nanaman ang masungit na tono ng boses niya."Okay." Pumihit ako paalis pero pagharap ko ay siyang pagbukas ng pintuan ng green house at mula doon ay pumasok ang isang lalaking naka kupasing gray t-shirt at short na medyo madumi."Senyorito, hinahanap po kayo ni Donya Imelda." Ang sabi nito na nakapagpalaki ng mga mata ko.Senyorito? Tinawag niya itong senyorito? Ibig sabihin baka apo siya ni Donya Imelda?Lagot ako nito. Papaanong ang isang gwapong senyoritong katulad niya ay napagkamalan kong isang hardinero?'Napakatanga

  • The CEO's Señorita   Chapter Twenty-Two

    "Let's go."Nabigla ako ng hawakan ni Klein ang kamay ko at inakay ako patungo sa loob ng mansiyon nila. Kanina pa nasa loob ang lola ni Klein at kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa labas kasama ang mga hindi mabilang na mga gwardiya na nagkalat sa paligid. Napaka-init at napaka-lambot ng mga palad niya. Siguradong napansin niya ang nanlalamig kong mga kamay.Walang imik na nagpaakay ako sa kanya. Naramdaman niya sigurong natatakot ako at kahit galit pa siya saakin ay wala siyang pagpipilian kong hindi ang samahan ako. Na dapat lang kasi siya naman ang nagdala saakin dito.Deretso ang tingin ko dahil natatakot na akong igala ang mga mata sa paligid. Ikaw ba naman ang pagbantaan ng lola ni Klein habang nanlalaki pa ang mga mata niya, hindi ka pa ba matatakot?Nasa teritoryo pa naman niya ako ngayon kaya kailangan kong mag-ingat."It's okay. Loosen up. You don't need to be afraid. I am just here."Sinulyapan ko si Kl

  • The CEO's Señorita   Chapter Twenty One

    Impit akong napatili, pero sa isip ko lang dahil baka marinig ng impaktang lola ni Klein. Ang hudas na lalake nanaman kasi ang nasunod kaya ngayon nga ay ipinag empake ako ni Nay Letty at Delia nang pang dalawang linggo dahil ganoon katagal daw kami mamamalagi doon. Asar na asar ako lalo na sa lola niya na kanina pa parinig ng parinig kapag nagkakasalubong kami. Hindi na niya ako kinompronta tungkol sa mga halaman niya, pero halata naman sa itsura niya na galit saakin. "Delia, huwag na huwag mong hahayaan na may kung sino sino na humahawak sa mga gamit dito at baka masira na naman." Lihim akong napa-irap sa narinig. Kung hindi lang talaga ako nauuhaw ay hindi talaga ako bababa dahil alam kong nasa sala ang lola ni Klein. Parang wala akong nakikita na nilagpasan ko siya at pumanhik sa itaas. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay lalong nadagdagan ang inis ko nang makita ko si Klein na halatang kakatapos lang maligo at magbihis. Nakasuot siya ng puting tshirt at jogger pants. Nagderets

  • The CEO's Señorita   Chapter Twenty

    "Señorita, gumising na po kayo." "Sabado ngayon Delia, wala akong pasok." Ungol ko. "Alam ko po, pero kasi kailangan kayo sa baba." Hinila ni Delia ang balikat ko pero hindi ako tuminag. "Señorita, pakiusap bumangon na po kayo bago pa siya ang pumunta dito sa kwarto mo." Biglang nabuhay ang dugo ko kaya napamulat ako ng mga mata. "Sino ang pupunta dito sa kwarto ko?" Tanong ko habang painot-inot akong bumabangon. "Dumating na ba si Klein?" Tanong ko ulit sa pagitan ng paghikab. Siya lang naman kasi ang alam kong may lakas ng loob na magbanta. "E k-kasi po------." Napakat labi si Delia ng hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin. Napansin kong parang natataranta siya. Ano nanaman kaya ang nangyari? May nagawa na naman ba akong kasalanan? "Malalaman niyo pag bumaba kayo Señorita." Napairap ako sa kanya. Oo at hindi lang naman ang isasagot. Napaka simple. Isususpense pa niya ako. Nang umalis siya ay tumayo na ako at nagderetso sa banyo para gawin ang aking morning ritual. P

  • The CEO's Señorita   Chapter Nineteen

    "Tinawagan kami ni Sir Klein señorita para bantayan ka dahil mawawala daw siya ng isang linggo." Sagot ni Skyler.Medyo nabwisit ako sa sinabi niya. Mabuti pa sila tinawagan pala ni Klein, pero ako na nandito sa mismong bahay niya ay hindi pa ako makamusta. Nakakagigil lang talaga.Lumihis ang tingin ko sa dalawang nasa likod niya, pero nakaiwas ang mga mata nila saakin.Bumalik ang tingin ko kay Skyler. Isinalpak ko sa dibdib niya ang bitbit kong tray na mabilis naman niyang nasalo."Ihatid mo iyan sa kusina." Walang gana kong utos sa kanya. Agad naman siyang sumunod. Naiwan si Thunder at Viper na mabilis na pumwesto sa magkabilang gilid ng aking pinto. Inismiran ko sila bago ulit ako bumalik sa kwarto ko.Ano naman ngayon ang gagawin ko? Ngayong nandito na ang tatlong asungot sa buhay ko ay siguradong araw-araw na naman akong bwisit neto.Wala akong maisip na gagawin dito sa loob ng kwarto kaya naman lumabas ulit ako. Alertong napatingin saakin ang tatlo ng makitang lumabas ako.Su

  • The CEO's Señorita   Chapter Eighteen

    "Kalma, hindi pa ako mamamatay." Nakataas ang kilay na sambit ko dahilan para mapaiwas ito ng tingin. Tumikhim ito at dahan dahang naglakad papalapit saakin. Napangiwi ako ng humapdi ang kamay ko dahil sa diin ng pagkamot ko. I need the ointment. Ang tagal naman kasi ni manang. "Let me see your hand." Hindi pa ako naka oo e hawak hawak na niya ang kamay ko. Tumaas ang lahat ng balahibo ko ng haplusin nito ang mga pantal pantal ko. "Ito ang napapala ng mga taong matigas ang ulo." Medyo pagalit na sabi nito. Mabilis kong binawi ang kamay kong hawak niya dahil biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang magalit? Hindi ko naman alam na mangyayari ang ganito saakin. E kong alam ko lang sana na magkakapantal ako, nagmokmok na lang sana ako sa kwarto. Nabwisit na naman ako kaya tumayo ako at akmang aalis na nang siya namang pagdating ni manang. "Pasensiyana na señorita at hinanap ko pa itong gamot. Ako na ang maglalagay." Presint

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status