Share

The CEO’s First Love
The CEO’s First Love
Author: AteJAC09

Chapter 1

Axxelle’s P.O.V.

"Welcome to the Philippines, Mr. Madrigal."

Napatingin ako sa flight attendant na nag-greet sa akin. Ngumiti ako ng tipid at naglakad pababa ng private plane ko. Nakita ko kaagad ang tatlong kotse na nakaabang sa akin.

Two Vios car for my body guards and one Ferrari car that I own.

"Sir, nakahanda na po ang penthouse ninyo," sambit ng aking personal assistant na katabi ko.

Yumuko ito at inilahad ang susi ng aking Ferrari car. Kinuha ko ito at agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse.

"We will held to Roxas building for--"

"I want to rest for today, cancel all of my appointments. Kakauwi ko lang ng Pinas, Gab."

Pumasok ako sa loob ng kotse at pinaandar ito, nakasunod naman sa akin ang dalawang kotse na sakay ang bodyguards ko.

My trip was tiring, I just want to sleep all day and rest. Pakiramdam ko, walang katapusan ang pagtatrabaho ko. Tila ba isang mabigat na pasanin ang mapunta sa akin ang company na naiwan ni Mommy at Daddy sa akin.

It's been five years since they died from a plane crash. My parents whom I love the most. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sakit na ibinigay nila sa akin noon, still I love them so much. I miss them, and there's nothing that I can do but to treasure the company that my father made.

Nang makarating kami sa penthouse ay nagbantay lamang ang mga bodyguard ko sa ibaba, mag-isa lamang ako sa loob ng penthouse, maski ang personal assistant ko ay pinaalis ko. I want peace.

"Finally, I am home. Tapos na ang trabaho ko sa U.S and I can now marry the woman I love," bulong ko.

Kinuha ko ang aking cellphone, it's been a long time since I checked her social media account. I searched her name and I saw a disgusting picture.

"Who the f*ck is this man?"

Napaupo ako sa aking kama at inis na cinlick ang picture ni Larissa kasama ang isang lalake, nakaakbay pa ang lalake sa kaniya. Then, I saw her caption in the photo.

Loving this man.

"Loving who!?" sigaw ko sa inis at selos.

Nakita ko na naka-tag ang lalaking nagngangalang Seth Gonzales. I checked his account, then I saw that he's in a relationship with Larissa.

The woman I love for a long time, finally have a boyfriend now. Maybe, I was too late for her. Pero hindi ako papayag na hayaan lamang si Larissa sa poder ng lalake na ito.

I called my personal assistant thru phone call.

"Yes, sir?" sabi nito nang sagutin niya ang tawag ko.

"Come here, you have a mission."

Pinatay ko ang call at hinintay na tumunog ang pinto ng penthouse. Tumayo ako at naglakad patungo sa pinto, nang mag-doorbell siya ay agad kong binuksan ang pinto.

"Do you still remember Larissa Bernardo?" I asked him.

"Yes, Sir."

"Give me the latest update of her life, include her family. Also her new boyfriend. I want to know everything about them."

"S-Sir..."

"What!?"

"N-Nothing po. I'll do my job now, Sir."

"I need all the information tomorrow morning."

"P-Po?"

"Do your job."

Tumango ito at agad na lumakad palayo. Napahawak ako sa sentido ko at sinarado ang pinto. Nanghihina akong napahiga sa malaki kong kama. Napapikit ako ng mariin nang makaramdam ng pagkirot ng ulo ko.

"F*ck, I need sleep," bulong ko at pumikit.

*******************

Nagising ako dahil sa kaluskos na aking narinig. Napadilat ako at napatingin sa tabi ko, nakita ko si Gab na may dalang tray na puno ng pagkain.

"Good morning, Sir. Your breakfast is ready."

Napakunot ang noo ko. Napaupo ako sa kama at napasandal sa headboard.

"Breakfast?"

"Yes, Sir."

"Ganoon ba katagal ang tulog ko?" tanong ko.

"Yes, Sir. Sinilip ko po kayo dito for dinner pero tulog po kayo, hindi na po kayo bumangon para kumain kaya maaga po ako nagpaluto ng almusal niyo. Ito po ang paborito niyong American breakfast."

Napatango ako. Ngayon na lang ako nakapagpahinga ng matagal, palagi akong puyat at tutok sa trabaho ko. Kinuha ko ang tray ng pagkain at nilagay naman ni Gab ang table in bed. Habang kumakain ako ay naalala ko si Larissa.

"Where's the information of Larissa?" tanong ko kay Gab.

"Nandito po, sir."

Kinuha ni Gab ang kaniyang ipad. Ipinakita nito sa akin ang mga litrato at may nakasulat na information doon.

"Larissa Bernardo, 23 years old, graduating student. Nag-aaral po siya ngayon ng Nursing. May OJT siya kasalukuyan sa Lady Of Mercy Hospital. Ang magulang niya, sina Laura Bernardo at Christian Bernardo, mayroong business na isang malaking bakery sa food industry. Nag-iisa nilang anak si Larissa. Ang boyfriend naman ni Larissa na si Seth Gonzales ay isang Architect student. Ang magulang niya ay parehong engineers. Sina--"

"Gaano na sila katagal ni Larissa?" tanong ko at ibinalik sa kaniya ang ipad nito.

"One month, Sir. Going two months this coming 23rd."

"Mabuti at hindi pa sila matagal. I want you to make a contract, ask my lawyer to approve it."

"Contract about saan, Sir?"

"Arranged marriage contract."

"Para kanino, Sir?"

"Kay Larissa. Give it to her parents. Give them all the advantages. They will work for my company, they're into food industry and so I am. Ilagay mo na su-sweldo sila ng hundred thousand pesos in a month. Ang kapalit, ipapakasal nila sa akin si Larissa."

Hinigop ko ang kape na nasa tasa at ngumiti. Bakas naman ang pagtataka sa mukha ni Gab.

"Is there's any problem?" tanong ko.

"Paano po kapag hindi pumayag ang mag-asawang Bernardo?"

"That's your job. Make them say yes, if they say no, you're fired."

"P-Po!? Pero, Sir---"

"What? Ayoko nang nagrereklamo. Gawin mo ang trabaho mo. I want you to make them say Yes and signed the contract. I will do everything para makuha ko si Larissa," sambit ko.

Yumuko si Gab.

"Y-Yes, Sir. Kakausapin ko na po ang Lawyer niyo."

"Go, and do your job. Give me my appointments for today."

"I'll send it to your email, Sir."

Tumango ako. Naglakad na ito palabas ng penthouse.

Napangiti ako. Sa wakas, sa tagal ng panahon na paghihintay ko para sa perfect timing, mapapakasalan ko rin siya, ang babaeng una at huli kong mamahalin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status