Share

Chapter 4

Axxelle's P. O. V.

Tinalikuran niya lang ako, hindi man lang sila kumain ng mga na-order kong pagkain. They left because Larissa is too angry. Hindi ko na siya pwede pakawalan pa.

"Stalk her," utos ko kay Gab habang nakaupo sa harapan ng lamesa na puno ng pagkain.

"P-Po, Sir?"

"Sundan mo sila Larissa, alamin mo lahat ng kilos niya. Hindi ako papayag na kumawala siya sa akin."

"Yes, sir."

Tumayo ako at pinagpag ang coat ko. Kinuha ko ang wine glass at inubos ang wine na laman nito, napailing naman ako sa dami ng pagkain at walang kakain.

"Take out all of these and give to the poor."

Naglakad ako pababa ng restaurant. Nakasunod sa akin ang mga bodyguard ko. Hindi ako makapaniwala na isang matapang na babae na ngayon si Larissa, masaya ako dahil ipinagtatanggol niya ang sarili niya pero not on me, please.

"Car keys?" I ask my body guards.

He handed me my Ferrari car key and I drove back to my penthouse.

**********

Larissa's P. O. V.

Pag-uwi namin ay agad akong naligo. Hindi ko kinikibo sila Mama, pilit nilang pinapaliwanag sa akin ang mga advantages kapag si Mr. Madrigal ang napangasawa ko, ayoko naman mapunta sa poder ng lalakeng 'yon. Mas pipiliin ko mag-isa kaysa makasama ang lalakeng 'yon.

I checked my phone kung nag-reply na ba ang boyfriend kong si Seth, as usual mabagal ito mag-reply.

"Malapit na ang second monthsary natin pero parang wala kang plano," bulong ko.

Tumayo ako at binuksan ang closet ko. Kinuha ko ang binili kong jacket na pareho kami ng design, mas malaki lang ang size ng kay Seth. After many years, nagkaroon din ako ng boyfriend at gusto ko ibigay sa kaniya ang lahat ng deserve niya.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha, binasa ko ang reply ni Seth.

"I'm still working on my plate, baby. Pagod na ako pero need ko tapusin 'to."

Napabuntong hininga naman ako, ang hirap naman sa pagnonobyo ng isang architect student ay palaging may ginagawa na plate, hindi na natapos ang kaka-drawing niya mula sa papel hanggang sa digital works.

{I hope matapos mo na 'yan, Baby. May sasabihin sana ako sa 'yo.}

Reply ko sa kaniya.

Hindi na niya muling na-seen ang text ko kaya binalik ko ang pansin ko sa mga gawain ko. Napatitig ako sa aparador kong puno ng aking damit.

"Isa lang ang paraan para makatakas ako sa gusto nila Mama, ang tumakas talaga," bulong ko.

Kinuha ko ang aking maleta mula sa ilalim ng kama at nilagay doon ang mga damit ko, inayos ko ang mga mahahalaga kong gamit para dalhin din, balak kong umuwi muna kay Seth. Alam ko balang araw matatanggap din ito nila Mama.

Mahal ko si Seth at hindi ko siya ipagpapalit sa lalakeng mayabang na kagaya ni Mr. Madrigal.

"Hindi ako magpapakasal sa kaniya," bulong ko at sinarado ang aking maleta.

Hinila ko ito palabas ng kwarto ko, hindi ko naman alam na makakagawa ito ng malakas na tunog, hindi ko naman kayang buhatin dahil mabigat.  Biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila Mama.

"Issa, anak?"

"Bakit may dala kang maleta--"

"Ma, Pa. Ayoko pakasalan si Mr. Madrigal, dahil hindi ko kailangan ang yaman niya!" inis kong sabi at nagpatuloy sa paglalakad.

Hinabol ako ni Papa at hinila ang maleta ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Sa boyfriend ko, siya ang gusto ko makasama at hindi ang mayabang na 'yon!" sabi ko.

"Iiwanan mo kami para sa lalakeng 'yon? Ni-hindi nga humarap sa amin ang boyfriend mo, Larissa!" sigaw ni Mama.

Napalunok ako ng sarili kong laway, alam kong galit na siya.

"Mahal namin ni Seth ang isa't isa, kaya naming buhayin ang sarili namin. Kaya ko kayong buhayin at hindi natin kailangan ang tulong ng Madrigal na 'yon," ani ko.

"Anak, kung mahal ka ng isang lalake, haharap 'yon sa magulang mo. Nauna pa naming nakaharap si Axxelle Madrigal bago ang nobyo mo. Si Axxelle kahit busy at madaming trabaho binigyan kami ng oras para makausap."

"Pa, takot kami ni Seth na tumutol kayo sa amin. Isa pa, kayo po ang pumunta kay Madrigal--"

"Dahil gusto naming malaman kung tunay ba at nalaman naming hindi siya nagbibiro. Mas matapang pa nga si Axxelle at professional kausap. Larissa, heto na ang sagot sa magandang kinabukasan mo pero ayaw mo pa tanggapin," ani Papa.

Bakas ang galit sa mukha niya. Napabuntong hininga naman ako, naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

"Nasasaktan po ako, na nakikita kong kaya niyo akong ipamigay sa lalakeng 'yon. Hindi ko siya mahal--"

"Kaysa naman sa nobyo mong hindi marunong rumespeto sa magulang mo, hindi man lang kami kinilala bago ka gawing nobya!" ani Mama.

"Ma! Ayoko kay Axxelle!" sigaw ko.

"Sumunod ka na lang sa amin at para sa 'yo din ito--ARGH!"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang humawak si Papa sa kaniyang dibdib. Bigla itong nanghina at napaluhod, sinalo siya ni Mama.

"PAPA!" sigaw ko at binitawan ang maleta ko.

Mula sa kilos ni Papa, naisip ko kaagad na baka heart attack ito. Mabilis kong hinawakan si Papa sa kaniyang ulo at chineck ang pulso nito.

Hinawakan ni Papa ang laylayan ng damit ko. Tuluyan akong napaluha nang unti-unti siyang nawawalan ng malay. Pinagtulungan namin ni Mama na buhatin si Papa para dalhin sa malapit na hospital.

*******************

Narito kami ni Mama sa hospital, kasalukuyang nasa emergency room si Papa. Isang doktor ang lumabas mula sa E.R at nakatingin sa amin, lumapit kami sa kaniya.

"Family of Mr. Bernardo?" tanong ni Doktora.

"Kami nga po," ani Mama habang may hawak na rosaryo.

"Ito po ba ang unang beses na dinala ninyo si Sir Bernardo sa Hospital? May iniinom po ba siyang maintenance?"

"W-Wala ho, ngayon lang siya na-hospital. Ano ho bang lagay ng asawa ko?" tanong ni Mama.

"Mayroon siyang heart disease, malala na at hindi naagapan, surgery lang po ang makakapagdagdag ng buhay niya."

Napaawang ang labi ko sa sinabi ng Doktor. Bigla namang humagulgol si Mama sa iyak, hinawakan ko ang balikat ni Mama at inalalayan ito.

"Ma, kailangan sumalang si Papa sa surgery," ani ko.

"Kailangan niyang ma-operahan within an hour, or else maaari siyang ma-stroke." Tinignan ng Doktor ang kaniyang relo. "I'll be back," aniya.

Lumakad ito palayo at lumapit ang isang nurse sa amin.

"Operahan niyo ang Papa ko," ani ko sa kaniya.

"Ma'am, kailangan po muna magbayad ng bills bago namin madala sa operating room," aniya.

"O-Oo, magbabayad kami. Mama, tara na!" ani ko at hinila si Mama na patuloy sa pag-iyak.

Kung malala na pala ang lagay ni Papa, para saan pa na nag-aaral ako ng nursing kung ang sarili kong Ama ay hindi ko naalagaan ng maayos. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang anak...

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Charmz1394
ano ng gagawin mo ngayon larissa
goodnovel comment avatar
Charmz1394
oo nga nmn larissa hindi nga rason ung takot kau kung lalaki talaga sya sa bahay ka niligawan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status